{"id":3002,"date":"2021-11-01T20:11:49","date_gmt":"2021-11-01T12:11:49","guid":{"rendered":"https:\/\/csspsinag.wordpress.com\/?p=3002"},"modified":"2021-11-01T20:11:49","modified_gmt":"2021-11-01T12:11:49","slug":"si-ka-oris-at-ang-kinabukasan-ng-rebolusyon","status":"publish","type":"post","link":"https:\/\/sinag.press\/news\/2021\/11\/01\/si-ka-oris-at-ang-kinabukasan-ng-rebolusyon\/","title":{"rendered":"Si Ka Oris at ang kinabukasan ng rebolusyon"},"content":{"rendered":"\n<p class=\"wp-block-paragraph\"><\/p>\n\n\n\n<p class=\"wp-block-paragraph\">Libo-libong Ka Oris pa ang isisilang ng lipunang ito. Maraming kabataan at estudyante ang reresolba sa kontradiksyon ng sarili o bayan, repormismo at rebolusyon, at namamayaning kaayusan o maalwang kinabukasan.<\/p>\n\n\n\n<!--more-->\n<!--noteaser-->\n\n\n\n<hr class=\"wp-block-separator is-style-wide\" \/>\n\n\n\n<figure class=\"wp-block-image size-large is-resized\"><a href=\"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2021\/11\/image-2.png\"><img loading=\"lazy\" decoding=\"async\" src=\"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2021\/11\/image-2.png?w=358\" alt=\"\" class=\"wp-image-3004\" width=\"111\" height=\"137\" \/><\/a><\/figure>\n\n\n\n<p class=\"wp-block-paragraph\">\u201cAng rebolusyon ay pag-aari ng buong sambayanan.\u201d<\/p>\n\n\n\n<p class=\"wp-block-paragraph\">Ito ang paalala ni Ka Oris nang tanungin siya kung ano ang direksyon ng rebolusyon kung sakaling mamatay siya. Aniya, hindi sa kanya umiikot ang rebolusyon at sigurado naman daw na lahat ay mamamatay, sa bala man o sakit. Ang malinaw na batas ng katotohanan: hanggang nananatili ang marahas na ugat ng digmaan, mananatili ang marahas na pakikidigma ng bayan.<\/p>\n\n\n\n<p class=\"wp-block-paragraph\">Isang payapang hapon ng Sabado ang ginulat ng di-kapani-paniwalang balita. \u201cTop NPA leader, Ka Oris, killed in Bukidnon clash.\u201d Sabi ng militar, pinatay nila ang pambansang tagapagsalita ng New People\u2019s Army (NPA) sa Mindanao alinsunod sa kahibangang tapusin ang armadong pakikibaka sa 2022. Pero buhol-buhol ang dila ng naratibong hindi mapagkabit-kabit: namatay raw sa air strike, namatay sa engkwentro nang \u201cmanlaban,\u201d at kung ano pang misteryo.<\/p>\n\n\n\n<p class=\"wp-block-paragraph\">Tahimik rin ang rebolusyonaryong kilusan mula nang pumutok ang balita. May halong di-kasiguraduhan at pagluluksa ang pakiramdam. May sakit, may pagngangalit. Subalit, isang araw ang makalipas, inanunsyo ng asawa ni Ka Oris na si Ka Maria Malaya na patay na nga talaga ang mahusay na Pulang kumander. Inambus daw ng militar habang nakasakay sa motorsiklo para ipagamot sa bayan ang iniindang renal failure kasama ang medic na si Ka Pika.<\/p>\n\n\n\n<p class=\"wp-block-paragraph\">Gaya ng tunggalian ng mga uri, may dalawang emosyon ring nagtutunggali sa balita. Sa isang panig, nagpipiyesta ang mga militar dahil nakaiskor ng \u201cbig fish\u201d ng mga rebelde. Tiba-tiba rin sa pabuya, promosyon, at medalya dahil sa pagpatay sa isang matandang walang armas. Sa kabilang panig, may matinding pagluluksa. Subalit iyon ang katiyakan ng digma\u2014may panahon ng pag-atras at pagsulong, ng kabiguan at tagumpay, ng buhay at kamatayan.<\/p>\n\n\n\n<p class=\"wp-block-paragraph\">Ngayong wala na si Ka Oris, ano na ang hinaharap ng digmang bayan sa Pilipinas?<\/p>\n\n\n\n<p class=\"wp-block-paragraph\">MGA SALALAYAN SA NAKARAAN<\/p>\n\n\n\n<p class=\"wp-block-paragraph\">Sa kanyang tulang \u201cMy Silent Revolutionary Mother,\u201d isinalaysay ni Ka Oris kung paano niya niyakap ang Pambansa-Demokratikong Kilusan. Mula sa pamantasan patungong kabundukan. Matinding kahirapan ang nagtulak sa kanya sa landas ng pag-aarmas: walang makain kundi ginamos at bulad, hindi nagmartsa dahil walang bagong uniform, at inhustisyang panlipunan.<\/p>\n\n\n\n<p class=\"wp-block-paragraph\">Agricultural egineering ang kurso ni Ka Oris noon sa Central Mindanao University sa Bukidnon noong 1968. Panahon ng pagsulong ng rebolusyonaryong kilusan\u2014naitatag ang CPP, NPA, at ang First Quarter Storm. Ang sumambulat na krisis ay dama ng mga nakasalamuha niyang magsasaka, manggagawa, estudyante, at katutubo. Pinili niyang makisangkot. Gaya ng lahat ng bagay, humarap din sa kontradiksyong pinal ang sagot ni Ka Oris. Ang panlipunang pagbabago ba ay makakamit sa mapayapang reporma o marahas na pagrerebolusyon?<\/p>\n\n\n\n<p class=\"wp-block-paragraph\">Sa panahon ng Martial Law, pumanig siya sa pakikibaka. Nag-organisa para sa rebolusyon. Hanggang noong 1975, matapos ang mahabang lakaran sa Agusan, naroon na siya sa pusod ng kanayunan. Hindi na ang Jorge Madlos ng Siargao kundi ang Ka Oris sa loob ng NPA.<\/p>\n\n\n\n<p class=\"wp-block-paragraph\">Hindi lamang ito kwento ni Ka Oris. Kwento rin ito ng mga nauna sa kanya gaya nina Lorena Barros, Emman Lacaba, Monico Atienza at ng mga sumunod sa kanya gaya nina Chadli Molintas, Christine Puche, at Quuenie Daraman. Ang paglalakbay mula sa pamantasan tungong kanayunan ay hindi pagtalikod sa kinabukasan kundi paglikha ng bagong mukha nito.<\/p>\n\n\n\n<p class=\"wp-block-paragraph\">MGA KATOTOHANAN NG KASALUKUYAN<\/p>\n\n\n\n<p class=\"wp-block-paragraph\">Para sa isang pambansa-demokrata, ang pinakasimpleng katotohanan ng namamayaning kaayusan ay maisusuma sa apat. Una, mayaman ang Pilipinas ngunit naghihirap ang sambayanang Pilipino. Pangalawa, ang kasaysayan ng Pilipinas ay kasaysayan ng tunggalian ng mga uri. Pangatlo, ang imperyalismo, piyudalismo, at burukrata-kapitalismo ang ugat ng kahirapan. Pang-apat, tanging demokratikong rebolusyong bayan ang makalulutas ng mga ito.<\/p>\n\n\n\n<p class=\"wp-block-paragraph\">Mula 1975 nang sumampa sa NPA si Ka Oris, maski ngayong 2021 nang pinaslang siya ng AFP, hindi nagbago ang mga pundamental na katotohanang ito. Sapagkat kung oo, hindi na sana nakabangon pa ang rebolusyonaryong kilusan sa mga pagkakamali nito noong 1980s.. Hindi na sana nito nabibigo ang reaksyunaryong gobyerno sa kontra-insurhensiya. Hindi na sana ito sinusuportahan ng masang pinaglilingkuran nito. Makatuwiran ang maghimagsik dahil ito ay pagpapalaya sa lupa, pagkalag sa tanikala, at pagbawi sa kinabukasan ng sangkatauhan.<\/p>\n\n\n\n<p class=\"wp-block-paragraph\">Marahil ang tanong ay bakit gugulin ng isang tao ang halos apat na dekada ng kanyang buhay para sa sinasabing \u201cwalang kwentang\u201d pakikibaka. Kung makakapanayam lamang natin si Ka Oris, ang mga tiyak na sagot niya marahil ay dahil wala pa ring sariling lupa ang magsasaka, minimilitarisa ang mga Lumad, pinagsasamantalahan ang manggagawa, ginagahasa ng mga multinational companies ang Mindanao, marami ang nagugutom at kung ano pang mga isyu.<\/p>\n\n\n\n<p class=\"wp-block-paragraph\">Kaya hindi totoong hibang o pesimistiko ang mga pambansa-demokrata. Paglalahad lamang ang mga ito ng materyal na katotohanan na dapat resolbahin. Sa katunayan, ang pangangarap ng bagong lipunan ay inianak ng rebolusyonaryong optimismo. Na isisilang sa guho ng digmaan ang bagong kaayusan. Na ang kasalukuyan ay kailangang hakbang para sa kinabukasan.<\/p>\n\n\n\n<p class=\"wp-block-paragraph\">MGA PAG-ASA NG KINABUKASAN<\/p>\n\n\n\n<p class=\"wp-block-paragraph\">Sabi ng militar, malaking bigwas ang pagkamatay ni Ka Oris sa rebolusyonaryong kilusan. Tama ito. Malaking kawalan ang isang martir ng bayan sa pagsulong ng digmaan. Ngunit, wala ang monopolyo ng kapangyarihan kay Ka Oris, Ka Joma, Ka Benito at Ka Wilma o sino pang lider ng kilusan. Ang tunay na lakas nito ay nasa kolektibong pagkilos ng mga mamamayan. Ika nga nila ay maaaring mong patayin ang rebolusyonaryo ngunit hindi mo mapapatay ang rebolusyon.<\/p>\n\n\n\n<p class=\"wp-block-paragraph\">Para sa mga nangangarap, maningning ang kinabukasan ng rebolusyon. Para sa mga mapang-api, ito ay bangungot at karahasan dahil kontra-agos ito sa kanilang paghahari. Sadyang marahas ang pakikibaka dahil ang bawat dugong ibinuhos para rito ang magpapalago sa mga binhing itinanim noon pa man. Bukas, mayroon pa ring nagrerebolusyon.<\/p>\n\n\n\n<p class=\"wp-block-paragraph\">Sapagkat iyon ang ekspresyon ng awtoritatibo&#8217;t mapagpasyang kapangyarihan ng demokrasya\u2014sa kamay ng mamamayan at hindi sa patsada ng ilusyon. Naroroon may bawat piyesa ng lipunang nililikha at winawasak ang pundasyon ng pagsasamantala. Iyon din ay digma para sa hustisya para sa mga walang lupa, walang makain, walang kinabukasan. At iyon ay araw-araw na paniningil sa inutang na dugo sa mga piniling magbangon at nilang pinatahimik. Iyon ay hindi piging, kundi isang buhay na isinakdal sa atin ng mga mapang-api.<\/p>\n\n\n\n<p class=\"wp-block-paragraph\">Marahas ang digmaan ngunit mas marahas ang mga dahilan nito. Mabangis ang berdugong kaaway. Handa itong labagin ang batas ng digma at internasyunal na makataong batas. Hindi ito &#8220;isolated case.&#8221; Ginawa na rin nila ito sa mga EJK, masaker sa mga magsasaka, at iba pang kasama ni Ka Oris gaya nina Alvin Luque at Ka Parago. Walang patawad sa mahihirap ang batas ng mayayaman kayat ang batas ng rebolusyon ng mahihirap ay walang patawad sa mayayaman. Ito ang tema ng bawat balita sa bawat bukas\u2014matagalang tunggalian ng mga uri.<\/p>\n\n\n\n<p class=\"wp-block-paragraph\">Kaya alalahanin natin ang&nbsp; mensahe ni Ka Oris para sa mga kabataan: \u201cPag-aari ninyo ang mundo. Wala kayong dapat na ikatakot sa pagpili sa landas ng paglilingkod sa sambayanan at pagpanig sa rebolusyon. Kasama ang buong sambayanang Pilipino, maaari ninyong pandayin ang sarili ninyong bukas sa pamamagitan ng rebolusyonaryong pakikibaka para sa kalayaan at pambansang demokrasya.\u201d Mataba ang lupa para sa digmang bayan para sa kinabukasan.<\/p>\n\n\n\n<p class=\"wp-block-paragraph\">Libo-libong Ka Oris pa ang isisilang ng lipunang ito. Maraming kabataan at estudyante ang reresolba sa kontradiksyon ng sarili o bayan, repormismo at rebolusyon, at namamayaning kaayusan o maalwang kinabukasan. Walang katapusang pag-ikid ang mga kontradiksyon hanggang magbago ang timbangan ng lakas. Ganito rin ang rebolusyon\u2014sa kanyang nakaraan, kasalukuyan, at kinabukasan ngunit ang itinuturo ng kasaysayan \u201ctayo ngayo\u2019y inaalipin subalit atin ang bukas.\u201d Ito ang kinabukasang hinaharap ng sangkatauhan. Ang kinabukasan ng rebolusyon ay kapayapaan\u2014para sa nakararami at batay sa katarungan.<\/p>\n\n\n\n<p class=\"wp-block-paragraph\">Kung maisusuma ang mga pangyayari sa nakaraang dalawang araw, masasapol ito ng linya sa tula ni Prop. Bomen Guillermo. \u201cmahalaga ka sa kanila dahil ika\u2019y namatay, mahalaga ka sa amin dahil ika\u2019y nabuhay.\u201d Kukubrahin ng militar ang pabuya ngunit kakamtin din ng mamamayan ang tagumpay. Simbigat ng bundok sa Pantaron ang iyong buhay at kamatayan.&nbsp;<\/p>\n\n\n\n<p class=\"wp-block-paragraph\">Tiyak na maraming\u00a0 susunod sa isang matandang hangal na nagpatag ng bundok noong 1975.<\/p>\n\n\n\n<p class=\"wp-block-paragraph\"><em>Featured image courtesy of<\/em> <em>Kuris-kuris Facebook Page<\/em><\/p>\n\n\n<div class=\"wp-block-image aligncenter\">\n<figure class=\"is-resized\"><a href=\"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2021\/09\/02-sinag-logo_variation-a_black.png\"><img loading=\"lazy\" decoding=\"async\" src=\"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2021\/09\/02-sinag-logo_variation-a_black.png?w=1024\" alt=\"\" class=\"wp-image-2433\" width=\"49\" height=\"49\" \/><\/a><\/figure>\n<\/div>\n\n\n<p class=\"wp-block-paragraph\"><\/p>\n","protected":false},"excerpt":{"rendered":"<p>Libo-libong Ka Oris pa ang isisilang ng lipunang ito. Maraming kabataan at estudyante ang reresolba sa kontradiksyon ng sarili o bayan, repormismo at rebolusyon, at namamayaning kaayusan o maalwang kinabukasan.<\/p>\n","protected":false},"author":7,"featured_media":3007,"comment_status":"open","ping_status":"open","sticky":false,"template":"","format":"standard","meta":{"_jetpack_memberships_contains_paid_content":false,"footnotes":""},"categories":[9],"tags":[],"ppma_author":[128],"class_list":["post-3002","post","type-post","status-publish","format-standard","has-post-thumbnail","hentry","category-features"],"aioseo_notices":[],"jetpack_featured_media_url":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2021\/11\/11-1.png","jetpack-related-posts":[{"id":1759,"url":"https:\/\/sinag.press\/news\/2021\/08\/23\/ang-rima-sa-pakikibaka-ni-kerima\/","url_meta":{"origin":3002,"position":0},"title":"Ang rima sa pakikibaka ni Kerima","author":"Staff","date":"23 August 2021","format":false,"excerpt":"Ang rebolusyon ay naratibo ng bayang nakikidigma. Bukas sa lahat na mag-ambag sa pagsusulat nito. Ang rebolusyon ay naratibo ng bayang nakikidigma. Bukas sa lahat na mag-ambag sa pagsusulat nito.\u00a0 Isa na rito si Kerima Lorena \u201cKa Ella\u201d Tariman, isang Pulang mandirigma ng New People\u2019s Army (NPA), lider ng Partido\u2026","rel":"","context":"In &quot;Features&quot;","block_context":{"text":"Features","link":"https:\/\/sinag.press\/news\/category\/features\/"},"img":{"alt_text":"","src":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2021\/08\/front-page178280-e1629649710701-620x420-1.jpg?resize=350%2C200&ssl=1","width":350,"height":200,"srcset":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2021\/08\/front-page178280-e1629649710701-620x420-1.jpg?resize=350%2C200&ssl=1 1x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2021\/08\/front-page178280-e1629649710701-620x420-1.jpg?resize=525%2C300&ssl=1 1.5x"},"classes":[]},{"id":5558,"url":"https:\/\/sinag.press\/news\/2022\/12\/06\/si-ericson-at-ang-rebolusyon\/","url_meta":{"origin":3002,"position":1},"title":"Si Ericson at ang Rebolusyon","author":"Staff","date":"6 December 2022","format":false,"excerpt":"Sabi nila, ang nagtanim, may aanihin. Marahil, ganoon rin si Ericson. Tatlong dekada nang nagtatanim, mula sa kampus hanggang sa mga kanayunan, ng militanteng panulaan at radikal na politika upang ang lahat ng ninakaw sa atin ay maging atin na, balang araw. \u201cBayani ka, bayani ka, hanggang huling patak.\u201d\u00a0\u2014 Ericson\u2026","rel":"","context":"In &quot;Features&quot;","block_context":{"text":"Features","link":"https:\/\/sinag.press\/news\/category\/features\/"},"img":{"alt_text":"","src":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/12\/sinag-web-banner-1.png?resize=350%2C200&ssl=1","width":350,"height":200,"srcset":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/12\/sinag-web-banner-1.png?resize=350%2C200&ssl=1 1x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/12\/sinag-web-banner-1.png?resize=525%2C300&ssl=1 1.5x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/12\/sinag-web-banner-1.png?resize=700%2C400&ssl=1 2x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/12\/sinag-web-banner-1.png?resize=1050%2C600&ssl=1 3x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/12\/sinag-web-banner-1.png?resize=1400%2C800&ssl=1 4x"},"classes":[]},{"id":4956,"url":"https:\/\/sinag.press\/news\/2022\/07\/17\/walang-pinagbago-sa-pinababangong-pasismo\/","url_meta":{"origin":3002,"position":2},"title":"Walang pinagbago sa pinababangong pasismo","author":"Staff","date":"17 July 2022","format":false,"excerpt":"Hindi dapat paniwalaan ang pagpapabango ng mga pasista sa ilalim ni National Security Adviser Clarita Carlos. Walang bago sa mga plano at pangako niya; pawang pagpapalit ng mukha at pangalan sa deka-dekadang palpak na pambeberdugo ng estado. Hindi dapat paniwalaan ang pagpapabango ng mga pasista sa ilalim ni National Security\u2026","rel":"","context":"In &quot;Opinion&quot;","block_context":{"text":"Opinion","link":"https:\/\/sinag.press\/news\/category\/opinion\/"},"img":{"alt_text":"","src":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/07\/sinag-web-banner-7-1.png?resize=350%2C200&ssl=1","width":350,"height":200,"srcset":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/07\/sinag-web-banner-7-1.png?resize=350%2C200&ssl=1 1x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/07\/sinag-web-banner-7-1.png?resize=525%2C300&ssl=1 1.5x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/07\/sinag-web-banner-7-1.png?resize=700%2C400&ssl=1 2x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/07\/sinag-web-banner-7-1.png?resize=1050%2C600&ssl=1 3x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/07\/sinag-web-banner-7-1.png?resize=1400%2C800&ssl=1 4x"},"classes":[]},{"id":7057,"url":"https:\/\/sinag.press\/news\/2025\/09\/06\/ang-pakikibaka-ng-isang-bakla\/","url_meta":{"origin":3002,"position":3},"title":"ang pakikiBAKa ng isang bakLA","author":"Staff","date":"6 September 2025","format":false,"excerpt":"Isinulat ni Cyrenne Serrano Ano nga ba ang anyo ng paglaban, kung hindi rin bakla sa kanyang maraming anyo? Sa kalsada man o sa silid-aralan, nakapalda man o uniporme, ang bakla\u2019y hindi lang basta nagpapaganda\u2014lumalaban siya. Gaya ni Ka Dahlia\u2014isang trans woman, dating lider-estudyante ng UP Cebu, at kinatawan ng\u2026","rel":"","context":"In &quot;Features&quot;","block_context":{"text":"Features","link":"https:\/\/sinag.press\/news\/category\/features\/"},"img":{"alt_text":"","src":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2025\/09\/5-1.jpg?resize=350%2C200&ssl=1","width":350,"height":200},"classes":[]},{"id":5243,"url":"https:\/\/sinag.press\/news\/2022\/09\/05\/binyag-sa-apoy\/","url_meta":{"origin":3002,"position":4},"title":"Binyag sa apoy","author":"Staff","date":"5 September 2022","format":false,"excerpt":"Huwag kang matakot na magtanong kung saan ang TBA. Huwag kang mahiya kung hindi mo alam ang derivatives at integrals kagaya ko. Huwag kang mangamba na walang sasalo sa iyo kung lasing ka na sa Maginhawa. Huwag kang mahiyang kausapin ang crush mo sa GE. Huwag kang magduda na hindi\u2026","rel":"","context":"In &quot;Features&quot;","block_context":{"text":"Features","link":"https:\/\/sinag.press\/news\/category\/features\/"},"img":{"alt_text":"","src":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/09\/sinag-web-banner-19-1.png?resize=350%2C200&ssl=1","width":350,"height":200,"srcset":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/09\/sinag-web-banner-19-1.png?resize=350%2C200&ssl=1 1x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/09\/sinag-web-banner-19-1.png?resize=525%2C300&ssl=1 1.5x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/09\/sinag-web-banner-19-1.png?resize=700%2C400&ssl=1 2x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/09\/sinag-web-banner-19-1.png?resize=1050%2C600&ssl=1 3x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/09\/sinag-web-banner-19-1.png?resize=1400%2C800&ssl=1 4x"},"classes":[]},{"id":4210,"url":"https:\/\/sinag.press\/news\/2022\/03\/29\/pag-intindi-sa-usapin-ng-armadong-pakikibaka\/","url_meta":{"origin":3002,"position":5},"title":"Pag-intindi sa usapin ng armadong pakikibaka","author":"Staff","date":"29 March 2022","format":false,"excerpt":"Ngayong araw, ipinagdiriwang ng Bagong Hukbong Bayan (NPA) ang kanyang ika-53 anibersaryo nang itatag ito noong Marso 29, 1969. Minamarkahan sila ng estado bilang mga \u201cterorista\u201d habang sinasabi nilang sila ay mga rebolusyonaryo at ang administrasyong DUterte ang tunay na terorista. Ang usapin ng armadong pakikibaka ay nananatiling mahalagang tanong\u2026","rel":"","context":"In &quot;Features&quot;","block_context":{"text":"Features","link":"https:\/\/sinag.press\/news\/category\/features\/"},"img":{"alt_text":"","src":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/03\/sinag-web-banner-14-1.png?resize=350%2C200&ssl=1","width":350,"height":200,"srcset":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/03\/sinag-web-banner-14-1.png?resize=350%2C200&ssl=1 1x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/03\/sinag-web-banner-14-1.png?resize=525%2C300&ssl=1 1.5x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/03\/sinag-web-banner-14-1.png?resize=700%2C400&ssl=1 2x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/03\/sinag-web-banner-14-1.png?resize=1050%2C600&ssl=1 3x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/03\/sinag-web-banner-14-1.png?resize=1400%2C800&ssl=1 4x"},"classes":[]}],"jetpack_sharing_enabled":true,"authors":[{"term_id":128,"user_id":7,"is_guest":0,"slug":"asmarfil","display_name":"asmarfil","avatar_url":"https:\/\/secure.gravatar.com\/avatar\/?s=96&d=mm&r=g","0":null,"1":"","2":"","3":"","4":"","5":"","6":"","7":"","8":""}],"_links":{"self":[{"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/3002","targetHints":{"allow":["GET"]}}],"collection":[{"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/posts"}],"about":[{"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/types\/post"}],"author":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/users\/7"}],"replies":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/comments?post=3002"}],"version-history":[{"count":0,"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/3002\/revisions"}],"wp:featuredmedia":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/media\/3007"}],"wp:attachment":[{"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/media?parent=3002"}],"wp:term":[{"taxonomy":"category","embeddable":true,"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/categories?post=3002"},{"taxonomy":"post_tag","embeddable":true,"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/tags?post=3002"},{"taxonomy":"author","embeddable":true,"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/ppma_author?post=3002"}],"curies":[{"name":"wp","href":"https:\/\/api.w.org\/{rel}","templated":true}]}}