{"id":3420,"date":"2022-01-10T20:07:35","date_gmt":"2022-01-10T12:07:35","guid":{"rendered":"https:\/\/csspsinag.wordpress.com\/?p=3420"},"modified":"2022-01-10T20:07:35","modified_gmt":"2022-01-10T12:07:35","slug":"bangon-sa-pagkakabusabos","status":"publish","type":"post","link":"https:\/\/sinag.press\/news\/2022\/01\/10\/bangon-sa-pagkakabusabos\/","title":{"rendered":"Bangon sa pagkakabusabos!"},"content":{"rendered":"\n<p>Mahaba ang listahan ng mga krimen ng mga Marcos at Duterte sa bayan\u2014mula pagnanakaw hanggang pamamaslang. Nararapat lamang sa kanila ang hagupit ng ating pamamarusa. Ang tunay na&nbsp; demokrasya ay nasa kamay ng mamamayan at wala sa iilan. Sa balota man o bala, dapat ubos-lakas na gapiin ang ating mga kaaway nang masalubong ang bagong araw matapos ang madilim na kabanata.&nbsp;<\/p>\n\n\n\n<!--more-->\n<!--noteaser-->\n\n\n\n<hr class=\"wp-block-separator is-style-wide\" \/>\n\n\n\n<figure class=\"wp-block-image is-resized\"><a href=\"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2021\/07\/picture2-1.png\"><img loading=\"lazy\" decoding=\"async\" src=\"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2021\/07\/picture2-1.png?w=253\" alt=\"\" class=\"wp-image-1561\" width=\"70\" height=\"102\" \/><\/a><\/figure>\n\n\n\n<p>Ang ating kaligtasan ay nasa ating pagkilos.<\/p>\n\n\n\n<p>Sinalubong sa bagong taon ang mga lumang problema\u2014mataas na kaso ng COVID, tumataas na presyo ng mga bilihin at langis, mababang sahod, kawalan ng lupa, saradong paaralan, nalulugiang mga negosyo, bangungot ng panunumbalik ng mga Marcos sa Palasyo, at ang diktadura ni Duterte.<\/p>\n\n\n\n<p>Tumitindi ang krisis sa bansa. Hindi nagsisinungaling ang mga numero at naratibo. Nakaturo ang lahat ng daliri kay Duterte at sa limang-taong pamumuno nito bilang salarin sa sandamakmak na krimen. Lalong lumalala ang krisis sa ilalim ng isang pangulong kurakot, taksil, at mamamatay-tao.<\/p>\n\n\n\n<p>Bagaman sinasabing nakabawi na raw ang ekonomya batay sa paglago ng GDP, isa sa bawat apat na Pilipino ang mahirap ayon sa dinayang datos ng gubyerno na mas mataas pa kung aktwal. Nasa halos 13 milyon ang wala at kulang ang trabaho, lumobo ang utang ng bansa sa lampas P12-trilyon, wala ring umento sa sahod o reporma sa lupa, at kinaltasan pa ang badyet para sa mga serbisyong panlipunan.&nbsp;<\/p>\n\n\n\n<p>Samantala, higit na naiipon sa kamay ng iilang mayayaman ang kita. Batay sa isang pag-aaral ng Forbes, lumaki ang kita ng 50 pinakamayayamang Pilipino nang P4-trilyon sa gitna pa mismo ng pandemya. Sa isa pang pag-aaral, pagmamay-ari ng 1% ng populasyon ang halos 40% na yaman ng bansa. Dagdag pa rito, sinamantala rin nila ang oportunidad na magtaas ng presyo, palawakin ang operasyon, baratin ang sahod, at makinabang sa mga anti-mamamayang batas para palakihin ang tubo.<\/p>\n\n\n\n<p>Umiigting din ang krisis sa politika lalo na at papalapit ang halalan sa Mayo. Matindi ang kumpetisyon sa pagitan ng alyansang Marcos-Arroyo-Duterte at ng kampo ni Robredo na nangungunang manok ng malawak na oposisyon. Mapagpasya ang elektoral na labanan sa 2022 sa pagpapatuloy o pagkapatid ng pamumunong tatak-Duterte, \u201cswapang at pasakit,\u201d sa panggagago na inihatid nito sa sambayanan.<\/p>\n\n\n\n<p>Mahalaga ang nalalabing limang buwan para sa mga mamamayan na magkaisa at patambulin ang mga panawagan. Anuman ang politikal na paninindigan, dapat magkaisa sa hangaring wakasan ang administrasyong Duterte at biguin ang mga Marcos. Higit rito, mahalagang hamon sa pagtindi ng krisis ang muling-pagsusuri sa umiiral na sistemang panlipunan at kung paano ito lubusang babaguhin.<\/p>\n\n\n\n<p>Hindi na sapat na intindihin lamang ang lipunan. Kailangan ding baguhin ito. Saksi ang Bulwagang Palma sa kasaysayan ng libo-libong mamamayan na piniling magbangon at gumuhit ng linya ng pagkakaiba. Saksi ang mga lansangan sa naratibo ng pakikibaka at sa mga kwento ng pag-asa.<\/p>\n\n\n\n<p>Iniluluwal ng krisis ang paglaban. Pinatunayan ng kasaysayan na saanmang umiiral ang pambubusabos ay isinisilang rin ang pagbabalikwas. Sa ngayon, ito ay ang pagbigo sa tambalang Marcos-Duterte.<\/p>\n\n\n\n<p>Mahaba ang listahan ng mga krimen ng mga Marcos at Duterte sa bayan\u2014mula pagnanakaw hanggang pamamaslang. Nararapat lamang sa kanila ang hagupit ng ating pamamarusa. Ang tunay na&nbsp; demokrasya ay nasa kamay ng mamamayan at wala sa iilan. Sa balota man o bala, dapat ubos-lakas na gapiin ang ating mga kaaway nang masalubong ang bagong araw matapos ang madilim na kabanata.&nbsp;<\/p>\n\n\n\n<p>Sapagkat tayo man ngayon ay inaalipin, natitiyak na sa atin ang bukas.<\/p>\n\n\n\n<p><\/p>\n\n\n\n<p><em>Dibuho ni Kyla Buenaventura<\/em><\/p>\n\n\n\n<div class=\"wp-block-image\"><figure class=\"aligncenter size-large is-resized\"><a href=\"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2021\/09\/02-sinag-logo_variation-a_black.png\"><img loading=\"lazy\" decoding=\"async\" src=\"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2021\/09\/02-sinag-logo_variation-a_black.png?w=1024\" alt=\"\" class=\"wp-image-2433\" width=\"63\" height=\"63\" \/><\/a><\/figure><\/div>\n","protected":false},"excerpt":{"rendered":"<p>Mahaba ang listahan ng mga krimen ng mga Marcos at Duterte sa bayan\u2014mula pagnanakaw hanggang pamamaslang. Nararapat lamang sa kanila ang hagupit ng ating pamamarusa. Ang tunay na&nbsp; demokrasya ay nasa kamay ng mamamayan at wala sa iilan. Sa balota man o bala, dapat ubos-lakas na gapiin ang ating mga kaaway nang masalubong ang bagong [&hellip;]<\/p>\n","protected":false},"author":9,"featured_media":3421,"comment_status":"open","ping_status":"open","sticky":false,"template":"","format":"standard","meta":{"_jetpack_memberships_contains_paid_content":false,"footnotes":""},"categories":[8],"tags":[],"ppma_author":[122],"class_list":["post-3420","post","type-post","status-publish","format-standard","has-post-thumbnail","hentry","category-editorial"],"aioseo_notices":[],"jetpack_featured_media_url":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/01\/sinag-web-banner-9-2.png","jetpack-related-posts":[{"id":4347,"url":"https:\/\/sinag.press\/news\/2022\/04\/17\/nasa-masa-ang-mesiyas\/","url_meta":{"origin":3420,"position":0},"title":"Nasa masa ang Mesiyas","author":"Staff","date":"17 April 2022","format":false,"excerpt":"Buhay na muli si Kristo. Subalit, sa materyal na mundo, ang mga nananalig sa kanya ay pinapatay, kung hindi man sa bomba at bala ay sa labis na kahirapan. Buhay na muli si Kristo. Subalit, sa materyal na mundo, ang mga nananalig sa kanya ay pinapatay, kung hindi man sa\u2026","rel":"","context":"In &quot;Features&quot;","block_context":{"text":"Features","link":"https:\/\/sinag.press\/news\/category\/features\/"},"img":{"alt_text":"","src":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/04\/sinag-web-banner-1-4-1.png?resize=350%2C200&ssl=1","width":350,"height":200,"srcset":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/04\/sinag-web-banner-1-4-1.png?resize=350%2C200&ssl=1 1x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/04\/sinag-web-banner-1-4-1.png?resize=525%2C300&ssl=1 1.5x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/04\/sinag-web-banner-1-4-1.png?resize=700%2C400&ssl=1 2x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/04\/sinag-web-banner-1-4-1.png?resize=1050%2C600&ssl=1 3x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/04\/sinag-web-banner-1-4-1.png?resize=1400%2C800&ssl=1 4x"},"classes":[]},{"id":1880,"url":"https:\/\/sinag.press\/news\/2021\/08\/30\/ang-pagpilay-sa-up-ay-pagpapahirap-sa-mga-bagong-bayani\/","url_meta":{"origin":3420,"position":1},"title":"Ang pagpilay sa UP ay pagpapahirap sa mga \u201cbagong bayani\u201d","author":"Staff","date":"30 August 2021","format":false,"excerpt":"Isa sa pinakabagong paandar ng kontrabidang administrasyon ay ang pagkaltas nito ng 44% sa P36.5 bilyon sa\u00a0 pondo ng UP sa panukalang 2022 badyet na ipinasa ng Kagawaran ng Pagbabadyet at Pamamahala. Ngayong ika-30 ng Agosto ay ipinagdiriwang ang ika-79 na Araw ng mga Bayani sa ating bansa bilang pagpupugay\u2026","rel":"","context":"In &quot;Opinion&quot;","block_context":{"text":"Opinion","link":"https:\/\/sinag.press\/news\/category\/opinion\/"},"img":{"alt_text":"","src":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2021\/08\/20210826-pgh-protest-gc-vu2a8077-1.webp?resize=350%2C200&ssl=1","width":350,"height":200,"srcset":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2021\/08\/20210826-pgh-protest-gc-vu2a8077-1.webp?resize=350%2C200&ssl=1 1x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2021\/08\/20210826-pgh-protest-gc-vu2a8077-1.webp?resize=525%2C300&ssl=1 1.5x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2021\/08\/20210826-pgh-protest-gc-vu2a8077-1.webp?resize=700%2C400&ssl=1 2x"},"classes":[]},{"id":2460,"url":"https:\/\/sinag.press\/news\/2021\/09\/21\/diktadurya-sa-likod-ng-huwad-na-demokrasya\/","url_meta":{"origin":3420,"position":2},"title":"Diktadurya sa Likod ng Huwad na Demokrasya","author":"Staff","date":"21 September 2021","format":false,"excerpt":"Apatnapu\u2019t siyam na taon matapos ang deklarasyon ng karumal-dumal na Batas Militar ng diktador na si Ferdinand Marcos, hindi na muling nakaranas pa ang Pilipinas ng kasinlala o mas masahol pang Martial Law sa kasaysayan nito. Ito ay dahil ang despotismo, paggawa ng krimen, at ang paniniil sa mamamayan ay\u2026","rel":"","context":"In &quot;Opinion&quot;","block_context":{"text":"Opinion","link":"https:\/\/sinag.press\/news\/category\/opinion\/"},"img":{"alt_text":"","src":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2021\/09\/124017389_396581131368569_3227560706397349052_n-1.png?resize=350%2C200&ssl=1","width":350,"height":200,"srcset":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2021\/09\/124017389_396581131368569_3227560706397349052_n-1.png?resize=350%2C200&ssl=1 1x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2021\/09\/124017389_396581131368569_3227560706397349052_n-1.png?resize=525%2C300&ssl=1 1.5x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2021\/09\/124017389_396581131368569_3227560706397349052_n-1.png?resize=700%2C400&ssl=1 2x"},"classes":[]},{"id":5993,"url":"https:\/\/sinag.press\/news\/2023\/03\/24\/sampaguita\/","url_meta":{"origin":3420,"position":3},"title":"Sampaguita","author":"Staff","date":"24 March 2023","format":false,"excerpt":"Ngayong araw, 47 taon na ang nakalipas, inialay ni Lorena Barros ang kanyang buhay sa pakikibaka laban sa diktadurang Marcos. Hanggang sa huling patak, pinanindigan niya ang pagiging Antropologo ng Bayan: dala-dala ang kanyang suri sa bulok na lipunan, ubos-lakas siyang kumilos para baguhin ito. Ngayong umaga isang bubot ng\u2026","rel":"","context":"In &quot;Literary&quot;","block_context":{"text":"Literary","link":"https:\/\/sinag.press\/news\/category\/literary\/"},"img":{"alt_text":"","src":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2023\/03\/lorena-barros-makibaka-1.jpeg?resize=350%2C200&ssl=1","width":350,"height":200,"srcset":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2023\/03\/lorena-barros-makibaka-1.jpeg?resize=350%2C200&ssl=1 1x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2023\/03\/lorena-barros-makibaka-1.jpeg?resize=525%2C300&ssl=1 1.5x"},"classes":[]},{"id":863,"url":"https:\/\/sinag.press\/news\/2021\/04\/09\/huwad-ang-kalayaan-sa-ilalim-ng-imperyalismo\/","url_meta":{"origin":3420,"position":4},"title":"Huwad ang kalayaan sa ilalim ng imperyalismo","author":"ymkato","date":"9 April 2021","format":false,"excerpt":"Sa araw-araw na tayo\u2019y pinapahirapan ng imperyalismo, araw-araw din idinaraos ang araw ng kagitingan. Tunay ngang magiting ang mga lumalaban upang ipagtanggol ang lupang sinilangan, ngunit hindi makatarungan na pagkatapos ng ilang taong pambubusabos ay patuloy pa rin tayong pinagkakaitan ng tunay na kalayaan. Inaalala tuwing ika-9 ng Abril ang\u2026","rel":"","context":"In &quot;Opinion&quot;","block_context":{"text":"Opinion","link":"https:\/\/sinag.press\/news\/category\/opinion\/"},"img":{"alt_text":"","src":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2021\/05\/img_6746-scaled.jpg?resize=350%2C200&ssl=1","width":350,"height":200,"srcset":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2021\/05\/img_6746-scaled.jpg?resize=350%2C200&ssl=1 1x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2021\/05\/img_6746-scaled.jpg?resize=525%2C300&ssl=1 1.5x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2021\/05\/img_6746-scaled.jpg?resize=700%2C400&ssl=1 2x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2021\/05\/img_6746-scaled.jpg?resize=1050%2C600&ssl=1 3x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2021\/05\/img_6746-scaled.jpg?resize=1400%2C800&ssl=1 4x"},"classes":[]},{"id":6035,"url":"https:\/\/sinag.press\/news\/2023\/04\/09\/huwad-ang-kalayaan-sa-ilalim-ng-imperyalismo-2\/","url_meta":{"origin":3420,"position":5},"title":"Huwad ang kalayaan sa ilalim ng imperyalismo","author":"Staff","date":"9 April 2023","format":false,"excerpt":"[MULA SA ARKIBO] Tunay ngang magiting ang mga lumalaban upang ipagtanggol ang lupang sinilangan, ngunit hindi makatarungan na pagkatapos ng ilang taong pambubusabos ay patuloy pa rin tayong pinagkakaitan ng tunay na kalayaan. Tunay ngang magiting ang mga lumalaban upang ipagtanggol ang lupang sinilangan, ngunit hindi makatarungan na pagkatapos ng\u2026","rel":"","context":"In &quot;Opinion&quot;","block_context":{"text":"Opinion","link":"https:\/\/sinag.press\/news\/category\/opinion\/"},"img":{"alt_text":"","src":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2023\/04\/img_3597-1.jpg?resize=350%2C200&ssl=1","width":350,"height":200,"srcset":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2023\/04\/img_3597-1.jpg?resize=350%2C200&ssl=1 1x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2023\/04\/img_3597-1.jpg?resize=525%2C300&ssl=1 1.5x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2023\/04\/img_3597-1.jpg?resize=700%2C400&ssl=1 2x"},"classes":[]}],"jetpack_sharing_enabled":true,"authors":[{"term_id":122,"user_id":9,"is_guest":0,"slug":"csspsinag","display_name":"Staff","avatar_url":"https:\/\/secure.gravatar.com\/avatar\/194807626fee183640d3de57e788ba7c8c0d40bd86bfc1237bed56bcd3832c1b?s=96&d=mm&r=g","0":null,"1":"","2":"","3":"","4":"","5":"","6":"","7":"","8":""}],"_links":{"self":[{"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/3420","targetHints":{"allow":["GET"]}}],"collection":[{"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/posts"}],"about":[{"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/types\/post"}],"author":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/users\/9"}],"replies":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/comments?post=3420"}],"version-history":[{"count":0,"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/3420\/revisions"}],"wp:featuredmedia":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/media\/3421"}],"wp:attachment":[{"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/media?parent=3420"}],"wp:term":[{"taxonomy":"category","embeddable":true,"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/categories?post=3420"},{"taxonomy":"post_tag","embeddable":true,"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/tags?post=3420"},{"taxonomy":"author","embeddable":true,"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/ppma_author?post=3420"}],"curies":[{"name":"wp","href":"https:\/\/api.w.org\/{rel}","templated":true}]}}