{"id":3515,"date":"2022-01-22T19:35:44","date_gmt":"2022-01-22T11:35:44","guid":{"rendered":"https:\/\/csspsinag.wordpress.com\/?p=3515"},"modified":"2022-01-22T19:35:44","modified_gmt":"2022-01-22T11:35:44","slug":"tigang-na-hustisya-sa-agrikultura-matapos-ang-mendiola","status":"publish","type":"post","link":"https:\/\/sinag.press\/news\/2022\/01\/22\/tigang-na-hustisya-sa-agrikultura-matapos-ang-mendiola\/","title":{"rendered":"Tigang na hustisya sa agrikultura matapos ang Mendiola"},"content":{"rendered":"\n<p>Sa halip na mabigyan ng karapat-dapat na lupa, ang mga magsasaka ay pinapatay dahil lamang pinaglalaban nila ang kanilang karapatan at nangangalampag para sa tunay na repormang agraryo. Sa halip na mabigyan ng suporta sa mga machineries at pasilidad, mga pangangailangan sa pagsasaka tulad ng libreng pataba, ay nagsasabatas ang estado ng mga panukalang humahadlang sa pagpapaunlad ng mga maliliit na magsasaka.<\/p>\n\n\n\n<!--more-->\n<!--noteaser-->\n\n\n\n<hr class=\"wp-block-separator is-style-wide\" \/>\n\n\n\n<figure class=\"wp-block-image size-large is-resized\"><a href=\"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2021\/12\/112312312312.png\"><img loading=\"lazy\" decoding=\"async\" src=\"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2021\/12\/112312312312.png?w=648\" alt=\"\" class=\"wp-image-3316\" width=\"128\" height=\"201\" \/><\/a><\/figure>\n\n\n\n<p>Enero 22, 1987. Ang isang mapayapang mobilisasyon ng nasa 50,000 magsasaka at alyadonnila patungo sa Mendiola ay nauwi sa pagkamatay ng 13 magsasaka at mahigit 50 katao ang sugatan nang paputukan ng mga pwersa ng estado.<\/p>\n\n\n\n<p>Pinangunahan ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) ang kilos-protesta para sana makipag-diyalogo kay dating Pangulong Cory Aquino, isang panginoong maylupa, para&nbsp; sa panawagan ng tunay na repormang agraryo.&nbsp;<\/p>\n\n\n\n<p>Panoorin: Kuha ng mga pangyayari <a href=\"https:\/\/pinoyweekly.org\/2016\/01\/watch-how-mendiola-massacre-happened-from-an-asiavisions-newsreel\/\">sa isang newsreel<\/a> ng Asia Visions, isang institusyon ng alternatibong audio-visual noong 1980s.&nbsp;<\/p>\n\n\n\n<p>Makikita na ang usok at ang mga paputok ng baril ay nagmula sa hanay ng pulis. Nang marinig ang mga putok ay nagpulasan at nag-iyakan na ang mga tao. Walang-awang binaril ang mga nagproprotestang magsasaka, na naghahangad lamang ng&nbsp; tunay na repormang agraryo<em>, <\/em>na unang ipinangako ni dating Pangulong Aquino matapos ang EDSA People Power.<\/p>\n\n\n\n<p>Nang sumunod na araw, ipinag-utos ni Aquino ang pagbuo ng Citizens\u2019 Mendiola Commission upang imbestigahan ang nangyaring insidente. Nilayon pa nitong kasuhan ang mga opisyal ng militar na sangkot sa karahasang dinanas ng mga magsasaka, ngunit nabuwag din ang grupo nang walang kongkretong aksyon na nagawa patungkol sa Mendiola Massacre.&nbsp;<\/p>\n\n\n\n<p>Hanggang ngayon, ang mga pamilya ng biktima ay patuloy na nananawagan ng hustisya para sa kanilang mga pumanaw na kamag-anak, at pananagutan mula sa mga elemento ng estadong walang habas na nandahas at kumitil ng mga mamamayang naglalayon lamang ng tunay na repormang agraryo.&nbsp;<\/p>\n\n\n\n<p>Ang Mendiola Massacre ay isang kritikal na pangyayari sa kasaysayan ng buong kilusang magsasaka sa Pilipinas. Sa sumunod na taon, naglunsad ang gobyerno ng isang agrarian reform program na naglalayong ipamahagi muli ang 8-milyong ektarya ng lupa sa mga magsasaka subalit nabigo ito.<\/p>\n\n\n\n<p>Mahigit 30 na taon na ang nakalipas nang ilunsad ang hungkag na Comprehensive Agrarian Reform Program&nbsp; (CARP) ni Aquino<em>. <\/em>Ngunit sa kasalukuyan, nasa walo sa sampung magsasaka ang walang lupa.<\/p>\n\n\n\n<p>Isa sa mga komunidad na naapektuhan nito ay ang mga magsasaka mula sa Krus Na Ligas (KNL) na nauna pa roon kaysa Unibersidad ng Pilipinas (UP).&nbsp;<\/p>\n\n\n\n<p>Nagkaroon din ng mga agawan sa pagitan ng KNL at UP patungkol sa pagmamay-ari ng mga lupa. Pilit na pinaaalis ang mga magsasaka mula sa kanilang bukirin sa KNL dahil UP raw ang legal na may-ari noon. Sa kabila nito, kinondena nila ang mga imprastrukturang pinahintulutan at ipinatayo ng administrasyon ng UP, kasanib ang mga Ayala, sa ilalim ng UP Master Development plan nito.<\/p>\n\n\n\n<p>Lubhang naapektuhan ang mga komunidad sa pamantasan, kasama na ang mga magsasaka ng KNL, matapos ipatayo ang mga <em>housing projects, <\/em>Hardin ng Rosas at Hardin ng Bougainvillea, sa Pook Aguinaldo ng UP na nauwi sa pagkawala ng mga lupang pagmamay-ari&#8217;t sinasaka nila.&nbsp;&nbsp;<\/p>\n\n\n\n<p>Mula 1990 hanggang 1991, sinbukan nilang humingi ng tulong mula sa Department of Agrarian Reform upang mapasailalim sa CARP. Sa kasamaang palad, tinutulan ng administrasyon ng UP ang petisyon ng KNL at sa loob ng 30 taon ay pilit na itinatanggi ng DAR na may sakahan sila sa Diliman.&nbsp;<\/p>\n\n\n\n<p>Lumala lamang ang&nbsp; ang piyudal at atrasadong estado ng agrikultura sa bansa. Batay sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), isa ang sektor ng mga magsasaka sa may mataas na <em>poverty incidence<\/em> mula 2006 hanggang 2015. Dagdag pa rito, halos 10% lamang&nbsp; ang naiambag ng sektor ng agrikultura sa ekonomiya taong 2018, na malayong-malayo sa naitalang 40% noong 1960s. Malapyudalismo, ang monopolyo ng lupa sa mga panginoon at paghuthot ng dayuhang industriya sa ating yaman, ang sanhi ng nanunuyot na produktibidad sa agrikultura.<\/p>\n\n\n\n<p>Katulad ng mga madugong pangyayari noong Mendiola Massacre, marami pa ring mga magsasaka ang pinapatay at pinatatahimik ng reaksyunaryong estado at mga kasapakat nitong panginoong maylupa.&nbsp;<\/p>\n\n\n\n<p>Nakapagtala ang Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) ng <a href=\"https:\/\/peasantmovementph.com\/2021\/01\/21\/duterte-massacre-king-mga-pagmasaker-sa-magsasaka-sa-ilalim-ng-pasistang-rehimeng-duterte\/\">22 na kaso ng masaker<\/a> sa ilalim ng rehimeng Duterte, habang nasa lagpas 340 na mga magsasaka na ang pinaslang. Ang pangunahing maysala dito ay ang Armed Forces of the Philippines (AFP), na kumikitil sa mga pesante sa kanayunan sa tabing ng malagim na kontra-insurhenisya.&nbsp;&nbsp;&nbsp;<\/p>\n\n\n\n<p>Ayon kay KMP Chairperson Danilo Ramos, umabot na sa sukdulan ang patayan sa mga magsasaka at pesante sa panahon ng rehimeng Duterte.&nbsp;<\/p>\n\n\n\n<p>\u201cDuterte can easily surpass the gruesome record of previous administrations in terms of peasant killings and massacres. Farmers, regard him as the Massacre King \u2014 a tyrant that deserves to be ousted from power,\u201d pagdidiin ni Ramos.<\/p>\n\n\n\n<p>Sa pagsasabatas ng Anti-Terrorism Law, nalalagay rin sa panganib ang mga organisasyong pesante. Walang habas silang inaakusahan ng estado bilang mga terorista, samantalang ang rehimen ang patunay na&nbsp; terorista sa sandamakmak nitong kaso ng pagpaparatang, pandarahas, at pagpaslang&nbsp; sa mga pesante at libu-libong paglabag sa karapatang-pantaong ginawa nito sa taumbayan.&nbsp;<\/p>\n\n\n\n<p>Malaking dagok din ang mga anti-magsasakang batas katulad ng Rice Liberalization Law (RLL) na isang balakid lamang sa pagiging produktibo ng mga magsasaka sa bansa. Sa bisa ng batas na ito, lalong pinabaha ang mga imported na bigas maaaring pumasok sa ating bansa.<\/p>\n\n\n\n<p>Lubusan nitong inilugmok ang produksyon at kita ng mga&nbsp; lokal na magsasaka. Dahil sa implementasyon ng RLL, bumaba ang presyo ng <em>palay, <\/em>habang<em> <\/em>tumaas&nbsp; ang <em>market price <\/em>ng bigas, dagdag pang pahirap sa mga mamimili at kita sa mga importer.&nbsp;<\/p>\n\n\n\n<p>\u201cBago ang implementasyon ng RLL, nabebenta namin ang <em>palay<\/em> ng at least P17 per kilogram\u2026 Sa kasalukuyan, ang <em>farm gate price<\/em> ng <em>palay<\/em> ay bumaba sa P7 hanggang P10 per kilogram,\u201d&nbsp; pagsisiwalat ni Jaime Tadeo, pinuno ng grupong Paragos Pilipinas.<\/p>\n\n\n\n<p>Sa gitna ng pandemya, patuloy na naghihirap ang mga <em>smallholder farmers <\/em>at malililit na <em>agribusiness<\/em> sapagkat may malaking hamon sa pagpapadala ng mga hilaw na materyales at <em>manufactured goods<\/em>. Bukod sa mababang presyo ng mga inaning pananim at kakulangan sa kapital, makikita na mabagal at hindi sapat ang naging ayuda ng gobyerno sa krisis na kinakaharap nila at paunlarin ang agrikultura na nasa 2% lang ng badyet ang nakalaan.<\/p>\n\n\n\n<p>Sa takbo ng kasaysayan, patunay ang patuloy na pag-aaklas at paglawak ng pagkilos ng mga pesante, kasama ang mga mamamayan, sa malagim at nakapanlulumong sitwasyon ng mga magsasaka sa ilalim ng kasalukuya&#8217;t nagdaang mga rehimen.&nbsp;<\/p>\n\n\n\n<p>Sa halip na mabigyan ng karapat-dapat na lupa, ang mga magsasaka ay pinapatay dahil lamang pinaglalaban nila ang kanilang karapatan at nangangalampag para sa tunay na repormang agraryo. Sa halip na mabigyan ng suporta sa mga <em>machineries <\/em>at pasilidad, mga pangangailangan sa pagsasaka tulad ng libreng pataba, ay nagsasabatas ang estado ng mga panukalang&nbsp; humahadlang sa pagpapaunlad ng mga maliliit na magsasaka.&nbsp;<\/p>\n\n\n\n<p>Bilang isang bansa, nararapat lamang tayong magkaisa at suportahan ang panawagan na magkaroon ng tunay na reporma sa lupa, pambansang industriyalisasyon, at demokratikong karapatan laban sa tiraniya.<\/p>\n\n\n\n<p>Sa darating na eleksyon, dapat kilatisin ang mga programa sa agrikultura ng mga kandidato. Patuloy lamang ang pagpapalakas ng ating mga boses para sa hustisya at paigtingin ang pakikibaka laban sa mga pekeng pagpapasuko at panreredtag. Dapat makiisa sa paggiigiit sa karapatan ng mga pesante na ariin ang lupang sinasaka sa pamamagitan ng pagbuwag ng mga asyenda at plantasyon ng naghaharing-uri na para sa sarili lamang nilang ganansya at tubo.<\/p>\n\n\n\n<p>Subalit higit rito, wala sa kamay ng isang politiko ang kinabukasan ng bansa. Ito ay nasa pagkakaisa ng ibang sektor na nagpapalago sa matabong lupa ng pakikibaka at tiyak na aani ng tagumpay balang araw\u2014hustisya at reporma sa lupa.<\/p>\n\n\n\n<p>#JusticeForMendiolaMassacre<\/p>\n\n\n\n<p>#LandToTheTillers<\/p>\n\n\n\n<p><em>Featured image courtesy of C. LACANILAO. <\/em><\/p>\n\n\n\n<div class=\"wp-block-image\"><figure class=\"aligncenter is-resized\"><img loading=\"lazy\" decoding=\"async\" src=\"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2021\/09\/02-sinag-logo_variation-a_black.png?w=150\" alt=\"\" width=\"67\" height=\"67\" \/><\/figure><\/div>\n","protected":false},"excerpt":{"rendered":"<p>Sa halip na mabigyan ng karapat-dapat na lupa, ang mga magsasaka ay pinapatay dahil lamang pinaglalaban nila ang kanilang karapatan at nangangalampag para sa tunay na repormang agraryo. Sa halip na mabigyan ng suporta sa mga machineries at pasilidad, mga pangangailangan sa pagsasaka tulad ng libreng pataba, ay nagsasabatas ang estado ng mga panukalang humahadlang [&hellip;]<\/p>\n","protected":false},"author":9,"featured_media":3518,"comment_status":"open","ping_status":"open","sticky":false,"template":"","format":"standard","meta":{"_jetpack_memberships_contains_paid_content":false,"footnotes":""},"categories":[9],"tags":[],"ppma_author":[122],"class_list":["post-3515","post","type-post","status-publish","format-standard","has-post-thumbnail","hentry","category-features"],"aioseo_notices":[],"jetpack_featured_media_url":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/01\/sinag-web-banner-12-2.png","jetpack-related-posts":[{"id":3029,"url":"https:\/\/sinag.press\/news\/2021\/11\/04\/mga-magsasaka-ng-malantic-irerehistro-ang-mga-kahingian-kay-danicon-sa-biyernes\/","url_meta":{"origin":3515,"position":0},"title":"Mga magsasaka ng Krus na Ligas, irerehistro ang mga kahingian kay DaniCon sa Biyernes","author":"Staff","date":"4 November 2021","format":false,"excerpt":"Ang dayalogo ay magaganap ilang araw bago ang nakaplantsang pagtatapos ng 60 na araw na palugit sa cease and desist order ng administrasyon ng pamantasan sa mga magsasaka. Nakatakdang maglunsad ng dayalogo si UP President Danilo Concepcion at ang mga magsasaka ng Krus na Ligas upang irehistro ang kanilang mga\u2026","rel":"","context":"In &quot;News&quot;","block_context":{"text":"News","link":"https:\/\/sinag.press\/news\/category\/news\/"},"img":{"alt_text":"","src":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2021\/11\/sinag-web-banner-1-5.png?resize=350%2C200&ssl=1","width":350,"height":200,"srcset":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2021\/11\/sinag-web-banner-1-5.png?resize=350%2C200&ssl=1 1x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2021\/11\/sinag-web-banner-1-5.png?resize=525%2C300&ssl=1 1.5x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2021\/11\/sinag-web-banner-1-5.png?resize=700%2C400&ssl=1 2x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2021\/11\/sinag-web-banner-1-5.png?resize=1050%2C600&ssl=1 3x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2021\/11\/sinag-web-banner-1-5.png?resize=1400%2C800&ssl=1 4x"},"classes":[]},{"id":1870,"url":"https:\/\/sinag.press\/news\/2021\/08\/28\/bagsik-at-himagsik-sa-up-at-malantic\/","url_meta":{"origin":3515,"position":1},"title":"Bagsik at himagsik sa UP at Malantic","author":"Staff","date":"28 August 2021","format":false,"excerpt":"Laging mataba ang lupa para lumago ang kilusang magsasaka na babawi sa lahat ng lupang simula't sapul ay ninakaw mula sa kanila. Binhi ang mga mag-aaral ng lipunan na patuloy na lalago at magbubunga sa kanilang pag-ugat sa masa. Dakilang hamon ito sa Agham Panlipunan, sa Konsensya ng Bayan, na\u2026","rel":"","context":"In &quot;Features&quot;","block_context":{"text":"Features","link":"https:\/\/sinag.press\/news\/category\/features\/"},"img":{"alt_text":"","src":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2021\/08\/malantic-1.png?resize=350%2C200&ssl=1","width":350,"height":200,"srcset":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2021\/08\/malantic-1.png?resize=350%2C200&ssl=1 1x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2021\/08\/malantic-1.png?resize=525%2C300&ssl=1 1.5x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2021\/08\/malantic-1.png?resize=700%2C400&ssl=1 2x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2021\/08\/malantic-1.png?resize=1050%2C600&ssl=1 3x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2021\/08\/malantic-1.png?resize=1400%2C800&ssl=1 4x"},"classes":[]},{"id":5512,"url":"https:\/\/sinag.press\/news\/2022\/11\/18\/kalbaryo-sa-taas-presyo-pasakit-sa-mga-tao\/","url_meta":{"origin":3515,"position":2},"title":"Kalbaryo sa Taas-Presyo, Pasakit sa mga Tao","author":"Staff","date":"18 November 2022","format":false,"excerpt":"Patuloy na tumataas ang presyo ng mga bilihin sa merkado kung kaya\u2019t nagiging sanhi ito ng perwisyo sa mga tao. Umabot na sa 7.7% ang inflation rate noong Oktubre mula sa dating 6.9% ng Setyembre, ayon sa datos ng Philippine Statistics Authority. Tila isa itong kalbaryo. Patuloy na tumataas ang\u2026","rel":"","context":"In &quot;Others&quot;","block_context":{"text":"Others","link":"https:\/\/sinag.press\/news\/category\/others\/"},"img":{"alt_text":"","src":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/11\/sinag-web-banner-3-1.png?resize=350%2C200&ssl=1","width":350,"height":200,"srcset":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/11\/sinag-web-banner-3-1.png?resize=350%2C200&ssl=1 1x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/11\/sinag-web-banner-3-1.png?resize=525%2C300&ssl=1 1.5x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/11\/sinag-web-banner-3-1.png?resize=700%2C400&ssl=1 2x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/11\/sinag-web-banner-3-1.png?resize=1050%2C600&ssl=1 3x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/11\/sinag-web-banner-3-1.png?resize=1400%2C800&ssl=1 4x"},"classes":[]},{"id":3374,"url":"https:\/\/sinag.press\/news\/2021\/12\/23\/siyete-pesos\/","url_meta":{"origin":3515,"position":3},"title":"Siyete Pesos","author":"Staff","date":"23 December 2021","format":false,"excerpt":"Gawain ni Itay ay isang maatikabongNakalululang patibong na pinalalapit\u00a0At pinatatali ng bihag ng tanikalang kay paitPatibong na dulot ng sirkumstansya,Dulot ay kakulangan ng sustansyaAninag ng suporta ng kinauukula\u2019y wala Araw-araw mula umaga hanggang dapithaponIbinabaon ni Itay ang daliri\u2019t kamay sa lupa,Kaakibat ang init ng sikat ng araw na humahagkan\u00a0Sa alapaap,\u2026","rel":"","context":"In &quot;Literary&quot;","block_context":{"text":"Literary","link":"https:\/\/sinag.press\/news\/category\/literary\/"},"img":{"alt_text":"","src":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2021\/12\/web-banner-1.png?resize=350%2C200&ssl=1","width":350,"height":200,"srcset":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2021\/12\/web-banner-1.png?resize=350%2C200&ssl=1 1x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2021\/12\/web-banner-1.png?resize=525%2C300&ssl=1 1.5x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2021\/12\/web-banner-1.png?resize=700%2C400&ssl=1 2x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2021\/12\/web-banner-1.png?resize=1050%2C600&ssl=1 3x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2021\/12\/web-banner-1.png?resize=1400%2C800&ssl=1 4x"},"classes":[]},{"id":3075,"url":"https:\/\/sinag.press\/news\/2021\/11\/08\/peasant-advocate-at-dating-mag-aaral-ng-up-diliman-dinukot-sa-pampanga\/","url_meta":{"origin":3515,"position":4},"title":"Peasant advocate at dating mag-aaral ng UP Diliman, dinukot sa Pampanga","author":"Staff","date":"8 November 2021","format":false,"excerpt":"Ilitaw si Steve Abua. Sigaw ng mga kaibigan, organisasyon, magsasaka, at kaanak ni Abua matapos itong dukutin ng mga pinaghihinalaang ahente ng militar noong Nobyembre 6, sa Sta. Cruz, Lubao, Pampanga, dakong alas-2 ng hapon, ulat ng Pamalakaya Bulacan. Ilitaw si Steve Abua. Sigaw ng mga kaibigan, organisasyon, magsasaka, at\u2026","rel":"","context":"In &quot;News&quot;","block_context":{"text":"News","link":"https:\/\/sinag.press\/news\/category\/news\/"},"img":{"alt_text":"","src":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2021\/11\/sinag-web-banner-2-1-1.png?resize=350%2C200&ssl=1","width":350,"height":200,"srcset":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2021\/11\/sinag-web-banner-2-1-1.png?resize=350%2C200&ssl=1 1x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2021\/11\/sinag-web-banner-2-1-1.png?resize=525%2C300&ssl=1 1.5x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2021\/11\/sinag-web-banner-2-1-1.png?resize=700%2C400&ssl=1 2x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2021\/11\/sinag-web-banner-2-1-1.png?resize=1050%2C600&ssl=1 3x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2021\/11\/sinag-web-banner-2-1-1.png?resize=1400%2C800&ssl=1 4x"},"classes":[]},{"id":2934,"url":"https:\/\/sinag.press\/news\/2021\/10\/26\/mga-magsasaka-sa-niyugan-sa-quezon-huwad-at-pwersahang-pasusukuin-ng-militar\/","url_meta":{"origin":3515,"position":5},"title":"Mga magsasaka sa niyugan sa Quezon, huwad at pwersahang pasusukuin ng militar","author":"Staff","date":"26 October 2021","format":false,"excerpt":"By: Sinag Staff Higit 50 kasapi ng Coco Levy Fund Ibalik Sa Amin (CLAIM) - Quezon ang pwersahang pasusukuin umano ng 201st Brigade ng Philippine Army mamayang ala-1 ng hapon sa Atimonan, Quezon, ulat ng Katipunan ng Samahang Magbubukid sa Timog Katagalugan (KASAMA-TK).\u00a0 Ang mga kasapi ng CLAIM-Quezon ay dadalhin\u2026","rel":"","context":"In &quot;News&quot;","block_context":{"text":"News","link":"https:\/\/sinag.press\/news\/category\/news\/"},"img":{"alt_text":"","src":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2021\/10\/15-coco-levy-fundmichaelvarcas_2018-08-09_23-25-17129_thumbnail-1.jpg?resize=350%2C200&ssl=1","width":350,"height":200,"srcset":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2021\/10\/15-coco-levy-fundmichaelvarcas_2018-08-09_23-25-17129_thumbnail-1.jpg?resize=350%2C200&ssl=1 1x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2021\/10\/15-coco-levy-fundmichaelvarcas_2018-08-09_23-25-17129_thumbnail-1.jpg?resize=525%2C300&ssl=1 1.5x"},"classes":[]}],"jetpack_sharing_enabled":true,"authors":[{"term_id":122,"user_id":9,"is_guest":0,"slug":"csspsinag","display_name":"Staff","avatar_url":"https:\/\/secure.gravatar.com\/avatar\/194807626fee183640d3de57e788ba7c8c0d40bd86bfc1237bed56bcd3832c1b?s=96&d=mm&r=g","0":null,"1":"","2":"","3":"","4":"","5":"","6":"","7":"","8":""}],"_links":{"self":[{"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/3515","targetHints":{"allow":["GET"]}}],"collection":[{"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/posts"}],"about":[{"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/types\/post"}],"author":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/users\/9"}],"replies":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/comments?post=3515"}],"version-history":[{"count":0,"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/3515\/revisions"}],"wp:featuredmedia":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/media\/3518"}],"wp:attachment":[{"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/media?parent=3515"}],"wp:term":[{"taxonomy":"category","embeddable":true,"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/categories?post=3515"},{"taxonomy":"post_tag","embeddable":true,"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/tags?post=3515"},{"taxonomy":"author","embeddable":true,"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/ppma_author?post=3515"}],"curies":[{"name":"wp","href":"https:\/\/api.w.org\/{rel}","templated":true}]}}