{"id":4470,"date":"2022-05-09T18:00:34","date_gmt":"2022-05-09T10:00:34","guid":{"rendered":"https:\/\/csspsinag.wordpress.com\/?p=4470"},"modified":"2022-05-09T18:00:34","modified_gmt":"2022-05-09T10:00:34","slug":"ang-maging-peryodista-laban-sa-diktadura","status":"publish","type":"post","link":"https:\/\/sinag.press\/news\/2022\/05\/09\/ang-maging-peryodista-laban-sa-diktadura\/","title":{"rendered":"Ang maging peryodista laban sa diktadura"},"content":{"rendered":"\n<p>Sa tunggalian ng pagkabalisa at pag-asa, mananaig ang pag-asa. Anuman ang mangyari bukas, natitiyak kong may wakas din ang mga diktadura na para sa aming mga peryodista ay isusulat sa mga pahayagan at sa mga mamamayan ay isusulat sa talaan ng ating kasaysayan.<\/p>\n\n\n\n<p>Sa huli, ang maging peryodista laban sa diktadura ay ang pagiging militante at rebolusyonaryo.<\/p>\n\n\n\n<!--more-->\n<!--noteaser-->\n\n\n\n<figure class=\"wp-block-image size-large is-resized\"><a href=\"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/05\/image.png\"><img loading=\"lazy\" decoding=\"async\" src=\"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/05\/image.png?w=559\" alt=\"\" class=\"wp-image-4473\" width=\"130\" height=\"160\" \/><\/a><\/figure>\n\n\n\n<p>Gabi bago ang eleksyon. Hindi ako makatulog. Kinakabahan na rin ako sa mga nasa paligid, baka mamaya ay pulis o intel na bigla na lang akong dudukutin o babarilin. Sa loob ng madilim na silid, katapat ang laptop ay gumagana rin ang utak sa paglalatag ng mga posibleng mangyari. Hinahanap sa sarili ang kapasyahan na igpawan ang sandamakmak na mga balakid.<\/p>\n\n\n\n<p>Kaya naisulat ang artikulong ito kung sakali mang hindi na makapagsulat sa mga susunod pa. Hayaan itong maging baliktanaw ng karanasan sa pagiging mamamahayag-pangkampus laban sa diktadura. Magsilbi sana itong pahina sa naratibo ng pakikibaka ng sambayanan\u2013na minsan tayong tumindig, na minsan tayong hindi nasilaw ng ningning kundi ginabayan tayo ng liwanag.<\/p>\n\n\n\n<p><em>Pagbabalik-loob sa minsang iniwan<\/em><\/p>\n\n\n\n<p>May tatlong taon na rin akong nawala sa gawaing publikasyon mula hayskul. Nagsusulat pa rin ngunit hindi sa porma ng pamamahayag. Subalit minsan ay naimbitihan ako ng kaibigang magpasa ng mga kontribusyon kaya\u2019t naging istap na muli hanggang ngayon. Pagsusulat pa rin ang aking inaatupag\u2013pagdadraft, pag-iinterview, pag-eedit, at walang katapusang pagrerevise.<\/p>\n\n\n\n<p>Sapagkat militanteng peryodista, niyakap ko ang tinatawag nilang \u201c<em>advocacy journalism<\/em>.\u201d Sa iba naman ay \u201c<em>alternative media<\/em>.\u201d Sa madaling salita, pahayagang pumapanig sa masang-api. Bumabasag sa konsepto ng \u201c<em>objective<\/em>\u201d bilang nagpapanatili ng nabubulok na kaayusan. Mulat sa \u201c<em>bias<\/em>\u201d at batay ang obhetibidad sa materyal na pagbasa ng umiiral na kondisyon. Isang peryodismong kontra-agos at bumabalikwas sa diktadura\u2013nakikisulat sa pahina ng kasaysayan.<\/p>\n\n\n\n<p>Niyakap ko iyon dahil iyon naman ang kasaysayan ng SINAG. Lingid sa kaalaman ng iba, sa panahon ng diktadurang US-Marcos, ay naging isang <em>underground publication<\/em> ang SINAG. Bagaman ipinasara ang lahat ng midya, nagpatuloy ang publikasyon sa paglalabas ng mga balita ng krisis at rebolusyon. Naging daluyan ang SINAG ng papasiglang kilusang masa.<\/p>\n\n\n\n<p>Pagpasok sa UP bilang freshie, binyag sa apoy ang libo-libong protesta ng mga mag-aaral para ipagtanggol ang pamantasan sa terorismo ng estado. Kasagsagan din ito ng matinding atake ng rehimeng Duterte sa iba\u2019t ibang sektor ng lipunan. Maraming inutang na dugo ang gyera kontra droga, Martial Law sa Mindanao, at gyera laban sa mga progresibo. Malinaw, umiiral pa rin ang diyalektikal na tunggalian ng krisis at rebolusyon. Ang hamon ng panahon ay ang makipanig.<\/p>\n\n\n\n<p><em>Saloobin mula sa pananaw ng isang nasa loob<\/em><\/p>\n\n\n\n<p>Hindi na ako nakapasok sa loob ng opisina ng SINAG \u2013 isang masikip na kwarto sa ikaapat na palapag ng AS. Nakapag-<em>newsroom <\/em>na lang sa mga espasyong hatid ng Discord, Google Meet, at Messenger. Subalit, hindi pa rin naman nawala ang istoryang \u201c<em>onground<\/em>.\u201d Ang una kong assignment ay tungkol sa jeepney phaseout hanggang maikonekta ito sa malawakang kawing ng palagiang krisis panlipunan na higit na nagparusa sa bayan sa gitna ng diktadura ni Duterte.<\/p>\n\n\n\n<p>Mahirap rin ang maging isang campus journalist. Hindi naman kami bayad dito, bagaman dapat mayroong <em>allowance<\/em>. Kaso lampas tatlong taon nang <em>defunded<\/em>, walang pondo kaya wala ring dyaryo maliban sa tatlo o apat na artikulo kada araw sa aming <em>social media pages<\/em>. Halos ganyan na rin sa loob ng dalawang taon. Walang suporta sa lipunang bawat kilos may bayad.<\/p>\n\n\n\n<p>Gayunman, hindi naman pera ang motibasyon namin sa pananatili. Prinsipyo, na kahit hindi makain at kulang man ang pamasahe papuntang coverage, na magmulat, mag-organisa, at magpakilos ng laksa-laksa, ikawing-kawing ang balita sa organisadong paraan, ipaliwanag na bunga ito ng krisis, manawagan na magbalikwas, mangarap ng lipunang malaya at maginhawa.<\/p>\n\n\n\n<p>Sa lipunang mayroon tayo ngayon, kabaligtaran ng lipunang malaya at maginhawa ang umiiral batay na rin sa aming mga kwentong naisulat at nadokumento \u2013 mga magsasakang inaagawan ng lupa, katutubong binobomba, manggagawang sinisisante, aktibistang pinapatay, biktima ng EJK na wala pa ring hustisya, estudyanteng binabansot ng krisis sa edukasyon, at marami pang mga naratibo ng nagnanaknak na krisis na nanganganak ng rebolusyonaryong pagkilos.<\/p>\n\n\n\n<p>Sa loob ng <em>newsroom<\/em>, pantay ang lahat, <em>editor<\/em> man o <em>staffer<\/em>. Kolektibo ang paggawa. Lahat ay lalong umuunlad dahil nagkakaisa sa layunin: ang magbigay ng paliwanag para sa mga nais kumawala sa karimlan at ilantad silang mga nagdudulot nito. Sa loob ng <em>newsroom<\/em>, sumisipat kami sa danas ng maliit na komunidad at paano ito nakaugnay sa mas malaking lipunan.<\/p>\n\n\n\n<p>Bagaman kinikilalang kami ay isang maliit na pahayagang pang-kolehiyo lang, nag-aalab ang aming pag-asa, sa kabila ng pagod at kahirapan, sa aming ginagawa sa araw-araw. Sapagkat iyon ang layunin ng publikasyon \u2013 ang sumama sa bayang biguin ang diktadura at ibalita ito.<\/p>\n\n\n\n<p><em>Nang ilang ulit kaming nilooban ng mga tagalabas<\/em><\/p>\n\n\n\n<p>Kaya naman bunga ng matatalas na mga opensiba at paglalantad sa rehimen, markado na sa baril at masid ng kaaway ang publikasyon. Nilooban kami ng mga tagalabas. Pinasok kami sa aming mga espasyo ng pamamahayag, na dapat sana\u2019y malaya, ng walang iba kundi ng masahol na National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).<\/p>\n\n\n\n<p>Matapos ibalita ang pambobomba ng militar sa komunidad ng mga Lumad sa Surigao, binansagan kami bilang \u201cfront organization ng CPP-NPA-NDF.\u201d Ang aming mga editor din ay tinawag na mga \u201cteroristang reporter\u201d sa motibong mapatahimik sila. Sumunod sa mga ito ang mga <em>death threats <\/em>na aming inalmusal at kagyat din namang inalmahan ng militansya ng CSSP.<\/p>\n\n\n\n<p>Liban sa <em>redtagging, defunding<\/em>, at walang akses sa opisina, naging isyu rin para sa amin ang atake sa <em>social media<\/em>. Patuloy na nire<em>report<\/em> ang aming mga <em>page<\/em> upang kumonti ang mga taong makakabasa sa amin at iparalisa ang operasyon namin. Hindi rin kami makapaglathala ng <em>print issue<\/em> dahil mahal ito at giit ng aming Dean, wala raw pondo dahil ginigipit ng CHED mula nang magkalibreng <em>tuition<\/em>. Hindi naman magkabangga ang dalawa. Nga lang, binabangga kasi ng anti-estudyantendg CHED Chair ang panawagan ng mga estudyante gaya ng pondo.<\/p>\n\n\n\n<p>Bunga ng mga problemang ito, hindi maitatanggi na mahirap manatili sa loob at mas komportableng manatili sa labas. Marami rin ang lumisan ngunit may mga bagong dugo pa ring pumasok. Iyon naman ang bumubuhay sa organisasyon. Liban sa wastong politika, mahalaga ang organisasyong may kapasyahang umabante at masikhay na tumutupad sa tungkulin nito.<\/p>\n\n\n\n<p>Batid naming nakikipanig ang agham panlipunan sa bayang inuunawa nito. Aminado kami, mahirap ang maging mamamahayag. Higit na mahirap ang maging mamamahayag sa gitna ng diktadura. Subalit iyon ang buhay na aming pinili at araw-araw na pinili: ang ituring ang dyaryo hindi bilang pambalot ng tinapa kundi makapangyarihang espasyo ng \u201cmga ideya na kapag niyakap ng masa ay may kakayahang maging materyal na pwersang baguhin ang mundo.\u201d<\/p>\n\n\n\n<p><em>Hiraya at pag-asa sa gitna at matapos ang diktadura<\/em><\/p>\n\n\n\n<p>Ngayong gabi, pinagmumunihan ko pa rin kung saang \u201c<em>exciting part<\/em>\u201d ng kasalukuyang yugto ng kasaysayan ako, tayo, mapupunta. Iniisip at muling-pinagtitibay ang halaga ng mga peryodista sa gitna ng kawing-kawing na mga kontradiksyon. Iniisip ang kasaysayang lilikhain ng mga nag-aalsang masa at ang mga krisis na susunod pa na sa ati\u2019y maglulubog o \u2018di kaya iigpawan.<\/p>\n\n\n\n<p>Maraming walang katiyakan sa magaganap bukas. Ito na ata ang winika ng isang Rusong rebolusyonaryo na \u201cmay mga linggo kung saan dekada ang nagaganap.\u201d Subalit may mga katiyakang pinatunayan ang ating kasaysayan: na kung magkakaisa ang sambayanan, may kapangyarihan itong biguin ang anumang diktadura dahil nasa kamay niya ang demokrasya.<\/p>\n\n\n\n<p>Ang hamon marahil sa panahon ng disimpormasyon sa tinaguriang \u201cpost-truth era\u201d ay ibalik ang mga katotohanan <em>na ang layunin ay buuin ang pampolitikang kapangyarihan ng sambayanan<\/em>. Isa ito sa tungkulin ng peryodismo sa panahon ngayon: ilantad ang mga kasinungalingan, halawan ng aral ang nakaraan, magpaliwanag ng kasalukuyan, at umugit ng landas ng bukas. Ang pinakaobhetibong mamamahayag ay hindi ang mga nagmamasid kundi ang mga kumikilos.&nbsp;<\/p>\n\n\n\n<p>Inaalala ko rin ngayong gabi ang ilang mga manunulat na iniwan ang <em>mainstream society<\/em> tungo sa<em> marginalized communities<\/em>. Paano ko ipaliliwanag sa nanay ko ang kawastuhan ng rebolusyon gaya ni Tony Zumel? Kaya ko bang lakarin ang Madyaas sa Panay o labanan ang mga pasista gaya nina Antonio Tagamolila at Wenceslao Vinzons? Kaya ko bang bitawan ang mga petiburges na pangarap at buong-pusong paglingkuran ang masang anakpawis gaya nina Christine Puche at Wendell Gumban? Handa ba tayong sundin ang kanilang kabayanihan?<\/p>\n\n\n\n<p>Sa tunggalian ng pagkabalisa at pag-asa, mananaig ang pag-asa. Anuman ang mangyari bukas, natitiyak kong may wakas din ang mga diktadura na para sa aming mga peryodista ay isusulat sa mga pahayagan at sa mga mamamayan ay isusulat sa talaan ng ating kasaysayan.<\/p>\n\n\n\n<p>Sa huli, ang maging peryodista laban sa diktadura ay ang pagiging militante at rebolusyonaryo.<\/p>\n\n\n\n<p><\/p>\n\n\n\n<p><em>Dibuho ni Kyla Buenaventura<\/em><\/p>\n\n\n<div class=\"wp-block-image\">\n<figure class=\"aligncenter size-large\"><a href=\"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/03\/image-2.png\"><img decoding=\"async\" src=\"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/03\/image-2.png?w=73\" alt=\"\" class=\"wp-image-4005\" \/><\/a><\/figure>\n<\/div>","protected":false},"excerpt":{"rendered":"<p>Sa tunggalian ng pagkabalisa at pag-asa, mananaig ang pag-asa. Anuman ang mangyari bukas, natitiyak kong may wakas din ang mga diktadura na para sa aming mga peryodista ay isusulat sa mga pahayagan at sa mga mamamayan ay isusulat sa talaan ng ating kasaysayan. Sa huli, ang maging peryodista laban sa diktadura ay ang pagiging militante [&hellip;]<\/p>\n","protected":false},"author":9,"featured_media":4477,"comment_status":"open","ping_status":"open","sticky":false,"template":"","format":"standard","meta":{"_jetpack_memberships_contains_paid_content":false,"footnotes":""},"categories":[9],"tags":[],"ppma_author":[122],"class_list":["post-4470","post","type-post","status-publish","format-standard","has-post-thumbnail","hentry","category-features"],"aioseo_notices":[],"jetpack_featured_media_url":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/05\/sinag-web-banner-22-1.png","jetpack-related-posts":[{"id":7265,"url":"https:\/\/sinag.press\/news\/2025\/11\/30\/nagngangalit-nag-aalab-at-nagpapalaya\/","url_meta":{"origin":4470,"position":0},"title":"Nagngangalit, nag-aalab, at nagpapalaya","author":"Staff","date":"30 November 2025","format":false,"excerpt":"Isinulat ng ika-57 na Editorial Board ng SINAG Nagpupuyos sa galit ang sambayanan. Mababakas ito sa mga sunud-sunod na protesta nitong mga nagdaang buwan. Kaliwa\u2019t kanang walkout ng mga estudyante sa iba\u2019t ibang mga pamantasan. Welga ng mga manggagawa sa mga pabrika. Tigil pasada ng mga tsuper at operator. Strike\u2026","rel":"","context":"In &quot;Editorial&quot;","block_context":{"text":"Editorial","link":"https:\/\/sinag.press\/news\/category\/editorial\/"},"img":{"alt_text":"","src":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2025\/11\/SINAG-NOVEMBER-EDITORIAL-WEBSITE-VERSION.png?resize=350%2C200&ssl=1","width":350,"height":200,"srcset":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2025\/11\/SINAG-NOVEMBER-EDITORIAL-WEBSITE-VERSION.png?resize=350%2C200&ssl=1 1x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2025\/11\/SINAG-NOVEMBER-EDITORIAL-WEBSITE-VERSION.png?resize=525%2C300&ssl=1 1.5x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2025\/11\/SINAG-NOVEMBER-EDITORIAL-WEBSITE-VERSION.png?resize=700%2C400&ssl=1 2x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2025\/11\/SINAG-NOVEMBER-EDITORIAL-WEBSITE-VERSION.png?resize=1050%2C600&ssl=1 3x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2025\/11\/SINAG-NOVEMBER-EDITORIAL-WEBSITE-VERSION.png?resize=1400%2C800&ssl=1 4x"},"classes":[]},{"id":7028,"url":"https:\/\/sinag.press\/news\/2025\/06\/23\/pahintulot-pero-para-kanino\/","url_meta":{"origin":4470,"position":1},"title":"Pahintulot, pero para kanino?","author":"Staff","date":"23 June 2025","format":false,"excerpt":"Sulat ni Kirsten Flores Sa isang tunay na demokrasya, ang karapatan sa pamamahayag ay hindi dapat ikinakahon sa \u201cpahintulot\u201d ng iilang makapangyarihan. Ngunit sa Pilipinas ngayon, ang karapatang mag-ulat ay hayagang kinokompromiso. Ang akses sa impormasyon ay ginagawang larong kontrolado ng estado, habang ang kritikal na tinig ay sistematikong itinataboy\u2026","rel":"","context":"In &quot;Opinion&quot;","block_context":{"text":"Opinion","link":"https:\/\/sinag.press\/news\/category\/opinion\/"},"img":{"alt_text":"","src":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2025\/06\/PAHINTULOT-PERO-PARA-KANINO-GRAPHIC-POSTER_cr.png?resize=350%2C200&ssl=1","width":350,"height":200,"srcset":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2025\/06\/PAHINTULOT-PERO-PARA-KANINO-GRAPHIC-POSTER_cr.png?resize=350%2C200&ssl=1 1x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2025\/06\/PAHINTULOT-PERO-PARA-KANINO-GRAPHIC-POSTER_cr.png?resize=525%2C300&ssl=1 1.5x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2025\/06\/PAHINTULOT-PERO-PARA-KANINO-GRAPHIC-POSTER_cr.png?resize=700%2C400&ssl=1 2x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2025\/06\/PAHINTULOT-PERO-PARA-KANINO-GRAPHIC-POSTER_cr.png?resize=1050%2C600&ssl=1 3x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2025\/06\/PAHINTULOT-PERO-PARA-KANINO-GRAPHIC-POSTER_cr.png?resize=1400%2C800&ssl=1 4x"},"classes":[]},{"id":4449,"url":"https:\/\/sinag.press\/news\/2022\/05\/07\/biguin-ang-pandaraya-nina-marcos-duterte\/","url_meta":{"origin":4470,"position":2},"title":"Biguin ang pandaraya nina Marcos-Duterte!","author":"Staff","date":"7 May 2022","format":false,"excerpt":"Hungkag ang eleksyon sa ating bansa. Hindi ito magbibigay sa atin ng mga pundamental na pagbabago. Subalit ngayon, ang hamon sa eleksyon na ito ay isabuhay ang demokrasya, sa balota, protesta, hanggang sa armadong pakikibaka. Malinaw ang pampolitikang tungkulin mula noon: biguin ang tambalang Marcos-Duterte at lahat ng kanilang mga\u2026","rel":"","context":"In &quot;Opinion&quot;","block_context":{"text":"Opinion","link":"https:\/\/sinag.press\/news\/category\/opinion\/"},"img":{"alt_text":"","src":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/05\/sinag-web-banner-1-1-1.png?resize=350%2C200&ssl=1","width":350,"height":200,"srcset":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/05\/sinag-web-banner-1-1-1.png?resize=350%2C200&ssl=1 1x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/05\/sinag-web-banner-1-1-1.png?resize=525%2C300&ssl=1 1.5x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/05\/sinag-web-banner-1-1-1.png?resize=700%2C400&ssl=1 2x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/05\/sinag-web-banner-1-1-1.png?resize=1050%2C600&ssl=1 3x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/05\/sinag-web-banner-1-1-1.png?resize=1400%2C800&ssl=1 4x"},"classes":[]},{"id":5074,"url":"https:\/\/sinag.press\/news\/2022\/08\/08\/mga-pag-ibig-na-nananaig-sa-gitna-ng-dulo\/","url_meta":{"origin":4470,"position":3},"title":"Mga pag-ibig na nananaig sa gitna ng dulo","author":"Staff","date":"8 August 2022","format":false,"excerpt":"Malayo sa mga tsismis na ang Katips ay pawang paninira lamang at galit sa mga Marcos, matalas at matapang nitong inilahad sa pamamagitan ng musika at kuwentong pag-ibig ang mga nangyari sa ilalim ng malagim na Batas na Militar ng diktador na si Ferdinand Marcos Sr.\u00a0 Ipinakita ng Katips na\u2026","rel":"","context":"In &quot;Features&quot;","block_context":{"text":"Features","link":"https:\/\/sinag.press\/news\/category\/features\/"},"img":{"alt_text":"","src":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/08\/sinag-web-banner-16-1.png?resize=350%2C200&ssl=1","width":350,"height":200,"srcset":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/08\/sinag-web-banner-16-1.png?resize=350%2C200&ssl=1 1x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/08\/sinag-web-banner-16-1.png?resize=525%2C300&ssl=1 1.5x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/08\/sinag-web-banner-16-1.png?resize=700%2C400&ssl=1 2x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/08\/sinag-web-banner-16-1.png?resize=1050%2C600&ssl=1 3x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/08\/sinag-web-banner-16-1.png?resize=1400%2C800&ssl=1 4x"},"classes":[]},{"id":7282,"url":"https:\/\/sinag.press\/news\/2026\/02\/28\/paggunita-pananagutan-at-ang-patuloy-na-laban-ng-edsa\/","url_meta":{"origin":4470,"position":4},"title":"Paggunita, Pananagutan, at ang Patuloy na laban ng EDSA","author":"Staff","date":"28 February 2026","format":false,"excerpt":"Sulat ni Raphael Mendoza Isinabuhay ng mga multisektoral na grupo ang diwa ng People Power Revolution, apat na dekada matapos itong ganapin sa kahabaan ng Epifanio de los Santos Avenue (EDSA), upang gunitain ang makasaysayang pagpapatalsik sa diktadura ni Ferdinand Marcos Sr, Pebrero 29.\u00a0 Umalingawngaw ang mga panawagan ng mga\u2026","rel":"","context":"In &quot;News&quot;","block_context":{"text":"News","link":"https:\/\/sinag.press\/news\/category\/news\/"},"img":{"alt_text":"","src":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2026\/02\/SINAG-2526B-NEWS-FEATURE.png?resize=350%2C200&ssl=1","width":350,"height":200,"srcset":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2026\/02\/SINAG-2526B-NEWS-FEATURE.png?resize=350%2C200&ssl=1 1x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2026\/02\/SINAG-2526B-NEWS-FEATURE.png?resize=525%2C300&ssl=1 1.5x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2026\/02\/SINAG-2526B-NEWS-FEATURE.png?resize=700%2C400&ssl=1 2x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2026\/02\/SINAG-2526B-NEWS-FEATURE.png?resize=1050%2C600&ssl=1 3x"},"classes":[]},{"id":3748,"url":"https:\/\/sinag.press\/news\/2022\/02\/09\/mandatong-nababalahura\/","url_meta":{"origin":4470,"position":5},"title":"Mandatong Nababalahura","author":"Staff","date":"9 February 2022","format":false,"excerpt":"Nakakahilakbot balikan ang naging dayaan noong 1986 snap elections. Patunay ito na kayang-kayang impluwensiyahan at babuyin ng mga nakaupo sa kapangyarihan ang proseso ng halalan para lamang matupad kanilang pansariling-interes. Hindi na dapat ito maulit, ngunit sa kasalukuyang porma ng elektoral na sistema at ang malawakang impluwensiya ng ilang mga\u2026","rel":"","context":"In &quot;Editorial&quot;","block_context":{"text":"Editorial","link":"https:\/\/sinag.press\/news\/category\/editorial\/"},"img":{"alt_text":"","src":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/02\/e5ac62d5da89485a890468634bcd4fcb_18-1.jpeg?resize=350%2C200&ssl=1","width":350,"height":200,"srcset":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/02\/e5ac62d5da89485a890468634bcd4fcb_18-1.jpeg?resize=350%2C200&ssl=1 1x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/02\/e5ac62d5da89485a890468634bcd4fcb_18-1.jpeg?resize=525%2C300&ssl=1 1.5x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/02\/e5ac62d5da89485a890468634bcd4fcb_18-1.jpeg?resize=700%2C400&ssl=1 2x"},"classes":[]}],"jetpack_sharing_enabled":true,"authors":[{"term_id":122,"user_id":9,"is_guest":0,"slug":"csspsinag","display_name":"Staff","avatar_url":"https:\/\/secure.gravatar.com\/avatar\/194807626fee183640d3de57e788ba7c8c0d40bd86bfc1237bed56bcd3832c1b?s=96&d=mm&r=g","0":null,"1":"","2":"","3":"","4":"","5":"","6":"","7":"","8":""}],"_links":{"self":[{"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/4470","targetHints":{"allow":["GET"]}}],"collection":[{"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/posts"}],"about":[{"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/types\/post"}],"author":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/users\/9"}],"replies":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/comments?post=4470"}],"version-history":[{"count":0,"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/4470\/revisions"}],"wp:featuredmedia":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/media\/4477"}],"wp:attachment":[{"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/media?parent=4470"}],"wp:term":[{"taxonomy":"category","embeddable":true,"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/categories?post=4470"},{"taxonomy":"post_tag","embeddable":true,"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/tags?post=4470"},{"taxonomy":"author","embeddable":true,"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/ppma_author?post=4470"}],"curies":[{"name":"wp","href":"https:\/\/api.w.org\/{rel}","templated":true}]}}