{"id":4869,"date":"2022-07-06T15:09:34","date_gmt":"2022-07-06T07:09:34","guid":{"rendered":"https:\/\/csspsinag.wordpress.com\/?p=4869"},"modified":"2022-07-06T15:09:34","modified_gmt":"2022-07-06T07:09:34","slug":"trabahong-walang-seguridad-lagay-ng-mga-sekyu-sa-up-diliman-part-2","status":"publish","type":"post","link":"https:\/\/sinag.press\/news\/2022\/07\/06\/trabahong-walang-seguridad-lagay-ng-mga-sekyu-sa-up-diliman-part-2\/","title":{"rendered":"Trabahong walang seguridad: lagay ng mga sekyu sa UP Diliman &#8211; Part 2"},"content":{"rendered":"\n<p><em>Ito ang ikalawang bahagi ng two-part series ng SINAG ukol sa kalagayan ng mga security guard sa Diliman. Unang inilathala ang unang bahagi nito noong Hulyo 4.<\/em><\/p>\n\n\n\n<!--more-->\n<!--noteaser-->\n\n\n\n<hr class=\"wp-block-separator has-alpha-channel-opacity is-style-wide\" \/>\n\n\n\n<figure class=\"wp-block-image size-large is-resized\"><a href=\"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/05\/ni-xyryll-de-juan.png\"><img loading=\"lazy\" decoding=\"async\" src=\"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/05\/ni-xyryll-de-juan.png?w=414\" alt=\"\" class=\"wp-image-4509\" width=\"99\" height=\"161\" \/><\/a><\/figure>\n\n\n\n<p><strong><em>Mga matang nagmamasid<\/em><\/strong><\/p>\n\n\n\n<p>Maghapon mang magmasid sa erya ng kanilang duty, pagmamasid din ang sukli ng ahensya sa mga gwardya. Anila, maski katiting na pagkakamali nila ay hindi pinalalampas ng Femjeg. Sa halip na bigyan ng babala at paalalahanan, ginagamit na palusot ang mga pagkakamaling ito upang agad na sibakin sa trabaho ang mga sekyu.<\/p>\n\n\n\n<p>Tila ba CCTV camera na rin ang Femjeg dahil bantay-sarado nila ang mga sekyu, naghihintay na may magkamali upang may idahilan para tanggalin sila sa trabaho, gaya ng paratang ng ahensya na nahuli ang mga gwardya sa pagpasa ng mga papeles bago ang lipatan.<\/p>\n\n\n\n<p>Sa sulat na isinumite ng isang sekyu, sinabi niyang apat na beses siyang binalik-balikan ng inspektor habang nakaduty. Ang sasakyang gamit ng nag-iikot ay hindi ang dapat na gamitin ayon sa protokol at nakapatay rin ang ilaw na siyang labag sa patakaran.&nbsp;<\/p>\n\n\n\n<p>\u201cHalata po na intentional ang pang panghuhuli nila sa amin,\u201d saad ng sekyu.&nbsp;<\/p>\n\n\n\n<p>Gayunman, ayon sa nakagawian, karaniwang isa o dalawang beses lamang sa isang gabi dapat na nag-iikot ang inspektor at gumagamit ito ng kotse ng kanilang ahensya at hindi nakapatay ang ilaw upang malaman ng guwardiya na paparating na ang inspektor.&nbsp;<\/p>\n\n\n\n<p><strong><em>Nang isahod ang palad para sumahod<\/em><\/strong><\/p>\n\n\n\n<p>Liban sa masahol na kondisyon ng paggawa, iniinda rin ng mga gwardya ang mababa nilang sahod at kawalan ng benepisyo laluna sa gitna ng pandemya.<\/p>\n\n\n\n<p>Ayon sa salaysay ng isang gwardya,&nbsp; pinapirma siya ng isang kontrata ng Femjeg noong Hunyo 5 bilang on-the-job-training (OJT) contract dahil umano nakakontrata pa sila sa Grand Meritus, kahit pa opisyal na ang kanilang pag-resign dito noong Hunyo 1 pa. Higit isang taon nang nagtatrabaho ang sekyu sa UPD at tapos na siya sa kanyang \u201cOJT.\u201d&nbsp;<\/p>\n\n\n\n<p>Nakasaad sa nasabing kontrata na P750.00 lamang ang sweldo nila sa dose oras ng pagtatrabaho, lampas pa sa karaniwang otso oras. Wala rin silang hulog na matatanggap sa kanilang mga benepisyo tulad ng SSS, Pag-Ibig, at PhilHealth dahil sa kanilang hindi regular na status. Sadsad na nga sa trabaho, hindi naman nakabubuhay ang sahod at benepisyo.<\/p>\n\n\n\n<p>Nang tanungin ng guwardiya kung ang ganito kababang sweldo ba ay sa loob lamang ng OJT period at maaaring bumalik sa minimum wage pagkatapos ng OJT, sinabi ni Arnel Bonguit, isang tauhan ng Femjeg, na ito na ang sahod na palagiang matatanggap ng mga gwardya.<\/p>\n\n\n\n<p>\u201cHindi po ako nasatisfy sa sagot kaya po nagtanong ulit ako kung paanong pangkalahatan po ba sir? \u2018Yun po ba ay simula umpisa ng kontrata hanggang matapos ito? Sumagot siya [ng] oo.\u201d&nbsp;<\/p>\n\n\n\n<p>Ilang araw bago sahuran, Hunyo 29, 2022, nasa higit-kumulang 150 na guwardiya ang napangakuan ng Femjeg na makatatanggap ng sahod. Gayunman, hindi lahat ay nabayaran ng Femjeg kaya\u2019t pinangakuan na lang nila ang ibang hindi nasahuran na sa \u201csecond batch\u201d na lang babayaran \u2013 ilang araw rin bago ang bayaran ng bahay, kuryente, at tubig para sa mga sekyu.<\/p>\n\n\n\n<p>Subalit, sa araw sana ng pagtanggap ng sahod, walang natanggap ang mga guwardiyang nag-aabang. Pinatotohanan ito sa isang bidyong ipinadala sa SINAG, ipinakita na ang mga guwardiya ay nakapila sa labas ng opisina ng bagong ahensiya sa unang linggo ng Hulyo upang magbakasakling sumahod subalit wala ni singko ang umabot sa kanilang kamay.<\/p>\n\n\n\n<p><strong><em><br><\/em><\/strong><strong><em>Dumadagundong na panawagan<\/em><\/strong><\/p>\n\n\n\n<p>Bunsod ng kaliwa\u2019t kanang mga panggigipit sa kanila, nagpahayag ng galit at pagkadismaya si Padua. Unang pumasok sa kanyang isip ay kung paano matutustusan ang mga gastusin sa pang-araw-araw sa kabila ng kawalang seguridad ng kanilang trabaho.&nbsp;<\/p>\n\n\n\n<p>\u201cAng pinaglalaban po namin ay \u2018yung makabalik kami sa trabaho. Dahil hindi po kami nang-iwan. Umpisa po noong pandemic, nandito kami. Halos hindi na kami umuuwi sa pamilya namin\u2026tuloy-tuloy po ang trabaho namin,\u201d ani Padua.<\/p>\n\n\n\n<p>Sinabi niya na karamihan sa mga trabahong makukuha sa labas ng pamantasan ay karaniwang may mga kwalipikasyong hindi nila maaabot katulad na lamang ng edad at edukasyon.&nbsp;<\/p>\n\n\n\n<p>\u201cSyempre po masakit sa amin dahil matagal na po kami naninilbihan sa UP,\u201d dagdag niya.<\/p>\n\n\n\n<p>Katulad ng karamihan sa kanila, habang kulang pa rin ang mga trabaho sa bansa, hindi alam ni Padua kung paano o saan siya&nbsp; makapagtatrabaho ulit kung hindi nila mapagtatagumpayan ang pagbabalik sa kanila ng kanilang mga posisyon bilang guwardiya sa UP.&nbsp;<\/p>\n\n\n\n<p><strong><em>Buwagin ang kontraktwalisyon, ipatupad ang regularisasyon<\/em><\/strong><\/p>\n\n\n\n<p>Kaugnay ng mga isyu, mariing kinukundena ng Alliance of Contractual Employees in UP (ACE UP) ang hindi pag-absorb ng Femjeg Security Agency sa mga guwardiya ng Grand Meritus. Ayon sa kanila, walang sapat na dahilan at abiso ang pagtanggal sa kanila sa trabaho.&nbsp;<\/p>\n\n\n\n<p>\u201cAng pagkawala ng kanilang hanap-buhay dahil sa pagpasok ng UP Administration sa panibagong kasunduan sa isang agency na hindi kumikilala sa karapatan ng mga empleyado ay isang uri ng inhustisya na hindi dapat pinahihintulutan,\u201d pahayag ng ACE UP noong Hunyo 1.&nbsp;<\/p>\n\n\n\n<p>Nanawagan rin ang ACE UP na makiisa ang lahat sa laban ng mga security guards sa UP dahil napagtagumpayan na ang mga naunang laban tulad nito sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos ng bupng komunidad. Nakikiusap rin ang ang mga gwardya mismo \u2013 si Kuya na kabatian sa bawat lakad sa AS o Pav, si Kuya na mapagtatanungan kung nawawala, o si Ate na tutulong kung may mga problema \u2013 na makiisa sa pagpapadagundong ng mga panawagan nila.<\/p>\n\n\n\n<p>Liban sa mga gwardya, tumutulong rin sa pagreresolba ng isyu at pakikipagdayalogo sa administrasyon ng UP ang ACE UP. Isa itong alyansa ng mga manggagawang kontraktwal sa pamantasan na nakapailalim sa mga hindi-regular na trabaho gaya ng Job Order at Contract of Service na hindi kinikilala ang \u201cemployer-employee\u201d relationship kaya\u2019t labis na apektado ng kawalang benepisyo, mababang sahod, at kawalan ng seguridad sa trabaho.<\/p>\n\n\n\n<p>Matagal nang umiiral sa neoliberal at korporadong pamantasan ang ganitong mga anti-manggagawang iskema upang maksimisahin ang pagkakamal-kita nito. Sa tabing ng pagtitipid at episyenteng serbisyo, ipinapasa sa mga \u201cmanpower agency\u201d ang pagkuha ng mga manggagawang kontraktwal kaya\u2019t sila ang naiipit sa sitwasyong walang seguridad upang bigyang-seguridad at kaligtasan ang pamantasan. Hindi na rin naman ito bago sa UP System.<\/p>\n\n\n\n<p>\u201cHindi mangyayari ang lahat ng ito kung regular ang manggagawa. \u2018Yung mga kontraktwal na manggagawa, hindi \u2018yan bound ng rights. Bound lang \u2018yan ng mga kontrata na, kagaya ng sa UP Diliman, nagpapalit kada taon,\u201d iginiit ni Cabradilla ng ACE UP.<\/p>\n\n\n\n<p>Ayon kay Cabradilla na dapat ay wakasan na ang pangongontrata sa mga security services at direktang mag-hire na lamang ng seguridad upang maiwasan ang ganitong mga isyu tuwing magbabago ang security service provider.&nbsp;<\/p>\n\n\n\n<p>Pinanday ng araw-araw na pagsagupa sa mga hindi-makataong kondisyon ng paggawa ang tapang ni G. Padua. Pumayag itong pangalanan sa aming artikulo bilang munting protesta sa kasahulan ng Femjeg. Bunsod ng kanyang pagsasalita, mainit na ang mata ng mga opisyal sa kanya at nireredtag na rin upang patahimikin habang nagpapakasasa ang Femjeg sa kita.<\/p>\n\n\n\n<p>Nang tanungin kung natatakot ba siya sa maaaring mangyari, buong pusong sinabi ni Padua na hindi. \u201cTama naman po ang ipinaglalaban natin,\u201d pahayag niya.&nbsp;<\/p>\n\n\n\n<p>Wasto ang ating ipinaglalaban. Ani nga ni Jose Maria Sison, nahuhubog ang tunay na lakas ng mga estudyante kung sasama sila sa mga pakikibaka ng batayang masa. Ang laban ng mga sekyu laban sa kontraktwalisasyon ay laban din ng kabataan. Ito ay tungo sa pagbubuo ng isang lipunan na ang seguridad sa trabaho ay natatamasa ng lahat at hindi ng iilan.<\/p>\n\n\n\n<p>#KontraktwalGawingRegular<\/p>\n\n\n\n<p>#JunkJC&amp;2<\/p>\n\n\n\n<p>__________________<\/p>\n\n\n\n<p><em>Kasalukuyang namamalagi si Padua at ang iba pang mga guwardiya sa UP Diliman at maaaring magpaabot ng tulong sa kanila. Makipag-ugnayan na lamang sa number na ito: Domingo Padua &#8211; 09665893598&nbsp;<\/em><\/p>\n\n\n\n<p><em>Featured image courtesy of <\/em>Bulatlat.<\/p>\n\n\n<div class=\"wp-block-image\">\n<figure class=\"aligncenter size-full\"><a href=\"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/03\/image-2.png\"><img decoding=\"async\" src=\"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/03\/image-2.png\" alt=\"\" class=\"wp-image-4005\" \/><\/a><\/figure>\n<\/div>","protected":false},"excerpt":{"rendered":"<p>Ito ang ikalawang bahagi ng two-part series ng SINAG ukol sa kalagayan ng mga security guard sa Diliman. Unang inilathala ang unang bahagi nito noong Hulyo 4.<\/p>\n","protected":false},"author":9,"featured_media":4874,"comment_status":"open","ping_status":"open","sticky":false,"template":"","format":"standard","meta":{"_jetpack_memberships_contains_paid_content":false,"footnotes":""},"categories":[9],"tags":[],"ppma_author":[122],"class_list":["post-4869","post","type-post","status-publish","format-standard","has-post-thumbnail","hentry","category-features"],"aioseo_notices":[],"jetpack_featured_media_url":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/07\/292123668_10158900475497916_1133594324433672530_n-1.jpg","jetpack-related-posts":[{"id":6233,"url":"https:\/\/sinag.press\/news\/2023\/10\/13\/nahuhuling-pasahod-binibiting-benepisyo-inaalmahan-ng-sng\/","url_meta":{"origin":4869,"position":0},"title":"Nahuhuling pasahod, binibiting benepisyo, inaalmahan ng SNG","author":"Staff","date":"13 October 2023","format":false,"excerpt":"Umalma ang Samahan ng Nagkakaisang Guwardiya ng UP Diliman dahil sa ilang buwan nang nahuhuling pagpapasahod at binibiting benepisyo sa mga guwardiyang nasa ilalim ng Star Special Corporate Security Agency Management Inc. (SSCMI). Sa isang pagkilos kaninang umaga, Oktubre 13, sa harapan mismo ng opisina ng kanilang ahensya, nanawagan sila\u2026","rel":"","context":"In &quot;News&quot;","block_context":{"text":"News","link":"https:\/\/sinag.press\/news\/category\/news\/"},"img":{"alt_text":"","src":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2023\/10\/img_0622-1-1.jpg?resize=350%2C200&ssl=1","width":350,"height":200,"srcset":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2023\/10\/img_0622-1-1.jpg?resize=350%2C200&ssl=1 1x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2023\/10\/img_0622-1-1.jpg?resize=525%2C300&ssl=1 1.5x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2023\/10\/img_0622-1-1.jpg?resize=700%2C400&ssl=1 2x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2023\/10\/img_0622-1-1.jpg?resize=1050%2C600&ssl=1 3x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2023\/10\/img_0622-1-1.jpg?resize=1400%2C800&ssl=1 4x"},"classes":[]},{"id":4517,"url":"https:\/\/sinag.press\/news\/2022\/05\/16\/pula-na-naman-ang-diliman\/","url_meta":{"origin":4869,"position":1},"title":"Pula na naman ang Diliman","author":"Staff","date":"16 May 2022","format":false,"excerpt":"Hamon sa mga susunod na lider-estudyante ng UP ang pangunguna sa mga estudyante na makibaka laban sa rehimeng Marcos-Duterte, kritikal na papel ng pamantasan sa panahon ng Batas Militar ni Marcos Sr. Muling nagawa ng partidong STAND UP ang 14-0 record na nakamit nito noong nakaraang taon matapos masungkit ang\u2026","rel":"","context":"In &quot;News&quot;","block_context":{"text":"News","link":"https:\/\/sinag.press\/news\/category\/news\/"},"img":{"alt_text":"","src":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/05\/sinag-web-banner-4-2-1.png?resize=350%2C200&ssl=1","width":350,"height":200,"srcset":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/05\/sinag-web-banner-4-2-1.png?resize=350%2C200&ssl=1 1x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/05\/sinag-web-banner-4-2-1.png?resize=525%2C300&ssl=1 1.5x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/05\/sinag-web-banner-4-2-1.png?resize=700%2C400&ssl=1 2x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/05\/sinag-web-banner-4-2-1.png?resize=1050%2C600&ssl=1 3x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/05\/sinag-web-banner-4-2-1.png?resize=1400%2C800&ssl=1 4x"},"classes":[]},{"id":2574,"url":"https:\/\/sinag.press\/news\/2021\/09\/27\/maikling-kasaysayan-ng-pakikibaka-sa-bulwagang-palma\/","url_meta":{"origin":4869,"position":2},"title":"Maikling kasaysayan ng pakikibaka sa Bulwagang Palma","author":"Staff","date":"27 September 2021","format":false,"excerpt":"Palma Hall o A.S.? Para sa mga nakatatanda, A.S. daw ang dapat itawag dahil \u201cito ang ginagamit ng lahat ng tao sa pamantasan.\u201d Para naman sa mga baguhang mag-aaral, Palma Hall pa rin ang mas sikat dahil ito ang nakamarka mismo sa tuktok ng gusali sa kanilang unang pagpasok sa\u2026","rel":"","context":"Similar post","block_context":{"text":"Similar post","link":""},"img":{"alt_text":"","src":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2021\/09\/sinag-web-banner-19-1.png?resize=350%2C200&ssl=1","width":350,"height":200,"srcset":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2021\/09\/sinag-web-banner-19-1.png?resize=350%2C200&ssl=1 1x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2021\/09\/sinag-web-banner-19-1.png?resize=525%2C300&ssl=1 1.5x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2021\/09\/sinag-web-banner-19-1.png?resize=700%2C400&ssl=1 2x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2021\/09\/sinag-web-banner-19-1.png?resize=1050%2C600&ssl=1 3x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2021\/09\/sinag-web-banner-19-1.png?resize=1400%2C800&ssl=1 4x"},"classes":[]},{"id":5243,"url":"https:\/\/sinag.press\/news\/2022\/09\/05\/binyag-sa-apoy\/","url_meta":{"origin":4869,"position":3},"title":"Binyag sa apoy","author":"Staff","date":"5 September 2022","format":false,"excerpt":"Huwag kang matakot na magtanong kung saan ang TBA. Huwag kang mahiya kung hindi mo alam ang derivatives at integrals kagaya ko. Huwag kang mangamba na walang sasalo sa iyo kung lasing ka na sa Maginhawa. Huwag kang mahiyang kausapin ang crush mo sa GE. Huwag kang magduda na hindi\u2026","rel":"","context":"In &quot;Features&quot;","block_context":{"text":"Features","link":"https:\/\/sinag.press\/news\/category\/features\/"},"img":{"alt_text":"","src":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/09\/sinag-web-banner-19-1.png?resize=350%2C200&ssl=1","width":350,"height":200,"srcset":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/09\/sinag-web-banner-19-1.png?resize=350%2C200&ssl=1 1x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/09\/sinag-web-banner-19-1.png?resize=525%2C300&ssl=1 1.5x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/09\/sinag-web-banner-19-1.png?resize=700%2C400&ssl=1 2x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/09\/sinag-web-banner-19-1.png?resize=1050%2C600&ssl=1 3x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/09\/sinag-web-banner-19-1.png?resize=1400%2C800&ssl=1 4x"},"classes":[]},{"id":3701,"url":"https:\/\/sinag.press\/news\/2022\/02\/07\/manhid-at-di-makatao-hindi-iisa-ang-bangka-natin\/","url_meta":{"origin":4869,"position":4},"title":"Manhid at &#8216;di makatao: &#8216;Hindi iisa ang bangka natin!&#8217;","author":"Staff","date":"7 February 2022","format":false,"excerpt":"Ipinaliwanag ni Vidor na patunay ang nakaraang semestre sa patuloy na pagkalugmok ng UP sa walang katapusang remote learning sa gitna ng lumalalang pandemya. Ani Vidor, wala na ngang tunay na pahinga ang constituents ng UP noong unang semestre ay hindi pa ito bibigyan ng totoong pahinga sa pagitan ng\u2026","rel":"","context":"In &quot;Others&quot;","block_context":{"text":"Others","link":"https:\/\/sinag.press\/news\/category\/others\/"},"img":{"alt_text":"","src":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/02\/sinag-web-banner-23-1.png?resize=350%2C200&ssl=1","width":350,"height":200,"srcset":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/02\/sinag-web-banner-23-1.png?resize=350%2C200&ssl=1 1x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/02\/sinag-web-banner-23-1.png?resize=525%2C300&ssl=1 1.5x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/02\/sinag-web-banner-23-1.png?resize=700%2C400&ssl=1 2x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/02\/sinag-web-banner-23-1.png?resize=1050%2C600&ssl=1 3x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/02\/sinag-web-banner-23-1.png?resize=1400%2C800&ssl=1 4x"},"classes":[]},{"id":4120,"url":"https:\/\/sinag.press\/news\/2022\/03\/14\/leni-kiko-namayagpag-sa-up-diliman-mock-elections-bbm-sara-kulelat\/","url_meta":{"origin":4869,"position":5},"title":"Leni-Kiko, namayagpag sa Up Diliman Mock Elections; BBM-Sara, kulelat","author":"Staff","date":"14 March 2022","format":false,"excerpt":"Samantala, ang anak ng diktador at hindi sumisipot sa mga debate na si Ferdinand \u201cBongbong\u201d Marcos Jr. ay nangulelat, kung saan nakakuha lamang ito ng 0.5% (26) ng boto. Sinundan naman siya ni Senador Manny Pacquiao na mayroong 0.1% (7). Nanguna sina presidentiable Vice President Leni Robredo at vice presidentiable\u2026","rel":"","context":"In &quot;News&quot;","block_context":{"text":"News","link":"https:\/\/sinag.press\/news\/category\/news\/"},"img":{"alt_text":"","src":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/03\/sinag-web-banner-44-1.png?resize=350%2C200&ssl=1","width":350,"height":200,"srcset":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/03\/sinag-web-banner-44-1.png?resize=350%2C200&ssl=1 1x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/03\/sinag-web-banner-44-1.png?resize=525%2C300&ssl=1 1.5x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/03\/sinag-web-banner-44-1.png?resize=700%2C400&ssl=1 2x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/03\/sinag-web-banner-44-1.png?resize=1050%2C600&ssl=1 3x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/03\/sinag-web-banner-44-1.png?resize=1400%2C800&ssl=1 4x"},"classes":[]}],"jetpack_sharing_enabled":true,"authors":[{"term_id":122,"user_id":9,"is_guest":0,"slug":"csspsinag","display_name":"Staff","avatar_url":"https:\/\/secure.gravatar.com\/avatar\/194807626fee183640d3de57e788ba7c8c0d40bd86bfc1237bed56bcd3832c1b?s=96&d=mm&r=g","0":null,"1":"","2":"","3":"","4":"","5":"","6":"","7":"","8":""}],"_links":{"self":[{"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/4869","targetHints":{"allow":["GET"]}}],"collection":[{"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/posts"}],"about":[{"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/types\/post"}],"author":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/users\/9"}],"replies":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/comments?post=4869"}],"version-history":[{"count":0,"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/4869\/revisions"}],"wp:featuredmedia":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/media\/4874"}],"wp:attachment":[{"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/media?parent=4869"}],"wp:term":[{"taxonomy":"category","embeddable":true,"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/categories?post=4869"},{"taxonomy":"post_tag","embeddable":true,"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/tags?post=4869"},{"taxonomy":"author","embeddable":true,"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/ppma_author?post=4869"}],"curies":[{"name":"wp","href":"https:\/\/api.w.org\/{rel}","templated":true}]}}