{"id":4940,"date":"2022-07-13T20:31:18","date_gmt":"2022-07-13T12:31:18","guid":{"rendered":"https:\/\/csspsinag.wordpress.com\/?p=4940"},"modified":"2022-07-13T20:31:18","modified_gmt":"2022-07-13T12:31:18","slug":"apat-na-aktibista-dinukot-ng-mga-militar","status":"publish","type":"post","link":"https:\/\/sinag.press\/news\/2022\/07\/13\/apat-na-aktibista-dinukot-ng-mga-militar\/","title":{"rendered":"Apat na aktibista, dinukot ng mga militar"},"content":{"rendered":"\n<p>Mahigpit na pagkundena ang salubong ng mga grupong Kilusang Mayo Uno (KMU), Gabriela, at Anakpawis sa biglaang pagkawala ng apat na community organizers at human rights defenders. Giit ng mga grupo at pamilya ng mga desaparecidos, mga biktima ng ilegal na pag-aresto at pagkulong ng estado ang apat.<\/p>\n\n\n\n<!--more-->\n<!--noteaser-->\n\n\n\n<hr class=\"wp-block-separator has-alpha-channel-opacity is-style-wide\" \/>\n\n\n\n<figure class=\"wp-block-image size-thumbnail\"><a href=\"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/03\/ni-ron-imperial.png\"><img decoding=\"async\" src=\"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/03\/ni-ron-imperial.png?w=97\" alt=\"\" class=\"wp-image-4014\" \/><\/a><\/figure>\n\n\n\n<p>Mahigpit na pagkundena ang salubong ng mga grupong Kilusang Mayo Uno (KMU), Gabriela, at Anakpawis sa biglaang pagkawala ng apat na community organizers at human rights defenders. Giit ng mga grupo at pamilya ng mga desaparecidos, mga biktima ng ilegal na pag-aresto at pagkulong ng estado ang apat.<\/p>\n\n\n\n<p>Ayon sa ulat ng KMU, noong Mayo 3, 2022 pa nawawala sina Elizabeth \u2018Loi\u2019 Magbanua at Alipio \u2018Ador\u2019 Juat ng KMU. Samantala, sina Elgene Mungcal ng Gabriela Women\u2019s Partylist at Ma. Elena \u2018Cha\u2019 Cortez Pampoza ng Anakpawis ay pinaghihinalaang dinakip noong Hulyo 3, 2022.<\/p>\n\n\n\n<p>Huling namataan sina Magbanua at Juat sa Barangay Punturin, Valenzuela City matapos dumalo sa isang pagpupulong. Salaysay ng anak ni Juat, huli niyang naugnayan ang kanyang ama noong Mayo 15, 2022. Ayon kay Juat, sabay silang dinakip ni Magbanua ng mga pwersa ng Philippine Navy at pinaghiwalay nang ikulong sa Camp Aguinaldo.<\/p>\n\n\n\n<p>Huli namang namataan sina Mungcal at Pampoza sa Winfare Supermarket, Moncada, Tarlac. Ulat ng mga anak ni Pampoza, nakikita pa ng kanilang ina ang mga mensahe sa Viber hanggang Hulyo 5, subalit hindi ito nakasasagot.<\/p>\n\n\n\n<p>Sina Magbanua at Juat ay matagal nang nagsusulong ng mga karapatan ng mga manggagawa. Land rights advocates naman sina Mungcal at Pampoza na aktibong sumusuporta sa mga&nbsp; magsasaka ukol sa problema sa lupa.<\/p>\n\n\n\n<p>Nakipag-ugnayan na ang Gabriela, KMU, at mga pamilya ng mga desaparecidos sa Commission on Human Rights (CHR) para mag-apela ng agarang imbestigasyon at paghahanap sa mga biktima.<\/p>\n\n\n\n<p>\u201cLubos na nakakaalarma ang panunumbalik ng mga kaso ng mga desaparecido at ekstrahudisyal na pag-aresto at pagkulong. Sa nakaraang mga buwan, sa pagpapalit mula rehimeng Duterte patungong rehimeng Marcos Jr., nakita nating maging desaparecido ang mga aktibisita, unyonista, at organisador,\u201d pagkundena ng KMU.<\/p>\n\n\n\n<p>Giit ng KMU, pawang pinaglalaban ng apat at iba pang mga aktibista ang demokratikong karapatan sa trabaho, seguridad sa pagkain, hustisya, at iba pa.<\/p>\n\n\n\n<p>Babala ng grupo, nagpapatuloy ang mga hindi makatarungang pag-aresto, pagkulong, at panunupil sa oposisyon at kritiko dahil sa mekanismo ng estado na binubuo ng Executive Order No. 70, ang Anti-Terrorism Act, at ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).<\/p>\n\n\n\n<p>Dagdag pa sa mekanismong ito ang pagbabalik ng mga Marcos, pamilya ng yumaong diktador, sa Malaca\u00f1ang.<\/p>\n\n\n\n<p>\u201cSa ilalim ng rehimeng Marcos Jr., magpapatuloy at lalala pa ang paglabag sa karapatang pantao. Maihahalintulad itong panibagong mga kaso ng iligal na aresto, pagkawala, at pagkukulong sa panahon ng diktaduryang Marcos Sr. Tila d\u00e9j\u00e0 vu ang nagaganap na nasa kapangyarihan ang isang Marcos habang mga desaparecido ang ordinaryong mamamayan,\u201d ani ng KMU.<\/p>\n\n\n\n<p>Tinatayang 783 ang mga desaparecidos mula sa 101,458 na total na bilang ng mga biktima ng Batas Militar ayon sa tala ng William S. Richardson School ng Law Library at the University of Hawaii.<\/p>\n\n\n\n<p>Bagaman tapos na ang rehimeng Marcos Sr., nagpapatuloy pa rin ang ekstrahudisyal na aresto at pagpatay sa mgsa sumusunod na administrasyon.<\/p>\n\n\n\n<p>Maaalalang muling nagpaibabaw ang kaso ng pagpatay sa mga desaparecidos na sina Karen Empe\u00f1o at Sherlyn Cadapan noong 2006, panahon ng rehimeng Macapagal-Arroyo, matapos pagdiinan ng korte ngayong taon ang pagkakasala ni Hen. Jovito Palparan sa pagpatay sa dalawa habang malaya pa rin hanggang ngayon ang noo\u2019y Commander-in-chief na si dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.<\/p>\n\n\n\n<p>BASAHIN: <a href=\"http:\/\/bitly.ws\/sM4d\">http:\/\/bitly.ws\/sM4d<\/a>&nbsp;<\/p>\n\n\n\n<p>Tinatayang 12,000 hanggang 30,000 naman ang pinaslang sa ilalim ng rehimeng Duterte mula 2016 hanggang 2021 sa tabing ng \u201cgiyera kontra droga.\u201d<\/p>\n\n\n\n<p>Sa pag-upo nina Marcos, Jr. at Sara,&nbsp; kaalyado ni dating Pangulong Macapagal-Arroyo, tumitindi ang pangamba para sa karapatang pantao. Ilan lamang sa patunay nito ang patuloy na pagkawala nina Magbanua, Juat, Mungcal, at Pampoza.<\/p>\n\n\n\n<p>\u201cHinahamon ng mga pamilya ng mga biktima, ng GABRIELA, at ng KMU si Ferdinand Marcos Jr. na maging iba mula kay Duterte at maging sa kanyang diktador na ama. Hinahamon namin siya na utusan ang AFP na ilitaw ang mga desaparecido at tigilan na ang ekstrahudisyal na pag-aresto at pagkulong,\u201d pagtindig ng KMU.<\/p>\n\n\n\n<p><em>Featured image courtesy of News5<\/em><\/p>\n\n\n<div class=\"wp-block-image\">\n<figure class=\"aligncenter size-large\"><a href=\"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/03\/image-2.png\"><img decoding=\"async\" src=\"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/03\/image-2.png?w=73\" alt=\"\" class=\"wp-image-4005\" \/><\/a><\/figure>\n<\/div>","protected":false},"excerpt":{"rendered":"<p>Mahigpit na pagkundena ang salubong ng mga grupong Kilusang Mayo Uno (KMU), Gabriela, at Anakpawis sa biglaang pagkawala ng apat na community organizers at human rights defenders. Giit ng mga grupo at pamilya ng mga desaparecidos, mga biktima ng ilegal na pag-aresto at pagkulong ng estado ang apat.<\/p>\n","protected":false},"author":9,"featured_media":4945,"comment_status":"open","ping_status":"open","sticky":false,"template":"","format":"standard","meta":{"_jetpack_memberships_contains_paid_content":false,"footnotes":""},"categories":[11],"tags":[],"ppma_author":[122],"class_list":["post-4940","post","type-post","status-publish","format-standard","has-post-thumbnail","hentry","category-news"],"aioseo_notices":[],"jetpack_featured_media_url":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/07\/sinag-web-banner-6-1.png","jetpack-related-posts":[{"id":4126,"url":"https:\/\/sinag.press\/news\/2022\/03\/15\/largest-oil-price-hike-sinalubong-ng-protesta\/","url_meta":{"origin":4940,"position":0},"title":"Largest oil price hike, sinalubong ng protesta","author":"Staff","date":"15 March 2022","format":false,"excerpt":"Protesta ang isinalubong ng mga grupo, tsuper, mananakay, at ordinaryong mamamayan sa Cubao, Philcoa, Rizal, at iba pang bahagi ng bansa sa ika-11 taas-presyo, isa sa pinakamalaki sa kasayayan, ng langis ngayong taon. Tumaas na naman kasi ng P13.15 kada litro ang diesel, P10.50 kada litro ang kerosene, at P7.10\u2026","rel":"","context":"In &quot;News&quot;","block_context":{"text":"News","link":"https:\/\/sinag.press\/news\/category\/news\/"},"img":{"alt_text":"","src":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/03\/sinag-web-banner-6-1.png?resize=350%2C200&ssl=1","width":350,"height":200,"srcset":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/03\/sinag-web-banner-6-1.png?resize=350%2C200&ssl=1 1x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/03\/sinag-web-banner-6-1.png?resize=525%2C300&ssl=1 1.5x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/03\/sinag-web-banner-6-1.png?resize=700%2C400&ssl=1 2x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/03\/sinag-web-banner-6-1.png?resize=1050%2C600&ssl=1 3x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/03\/sinag-web-banner-6-1.png?resize=1400%2C800&ssl=1 4x"},"classes":[]},{"id":4288,"url":"https:\/\/sinag.press\/news\/2022\/04\/07\/election-hotspots-itatalaga-mga-atake-patuloy-na-lumalala\/","url_meta":{"origin":4940,"position":1},"title":"Election hotspots itatalaga; Mga atake, patuloy na lumalala","author":"Staff","date":"7 April 2022","format":false,"excerpt":"Inanunsyo ng Commission on Elections (COMELEC) na layon na nilang tapusin ngayong linggo ang kanilang pagtatalaga\u00a0 ng mga \u201cred areas of concerns,\u201d o mga lugar na nakararanas ng karahasan kaugnay sa halalan. Inanunsyo ng Commission on Elections (COMELEC) na layon na nilang tapusin ngayong linggo ang kanilang pagtatalaga\u00a0 ng mga\u2026","rel":"","context":"In &quot;News&quot;","block_context":{"text":"News","link":"https:\/\/sinag.press\/news\/category\/news\/"},"img":{"alt_text":"","src":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/04\/sinag-web-banner-1-2-1.png?resize=350%2C200&ssl=1","width":350,"height":200,"srcset":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/04\/sinag-web-banner-1-2-1.png?resize=350%2C200&ssl=1 1x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/04\/sinag-web-banner-1-2-1.png?resize=525%2C300&ssl=1 1.5x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/04\/sinag-web-banner-1-2-1.png?resize=700%2C400&ssl=1 2x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/04\/sinag-web-banner-1-2-1.png?resize=1050%2C600&ssl=1 3x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/04\/sinag-web-banner-1-2-1.png?resize=1400%2C800&ssl=1 4x"},"classes":[]},{"id":2797,"url":"https:\/\/sinag.press\/news\/2021\/10\/11\/mga-magsasaka-nanawagan-ng-libreng-abono-sa-da\/","url_meta":{"origin":4940,"position":2},"title":"Mga magsasaka, nanawagan ng libreng abono sa DA","author":"Staff","date":"11 October 2021","format":false,"excerpt":"Maaalalang tinanggalan na ng taripa ang mga pinapadalang bigas galing ibang bansa noong pinirmahan ni Duterte ang RTL noong 2019 ng Pebrero. Ayon sa datos ng Kilusang Mambubukid ng Pilipinas (KMP), tumaas nang 304% ang import dependency ratio (IDR) ng bigas. Inulat rin ng Bantay Bigas ang P90 bilyong pagkalugi\u2026","rel":"","context":"In &quot;News&quot;","block_context":{"text":"News","link":"https:\/\/sinag.press\/news\/category\/news\/"},"img":{"alt_text":"","src":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2021\/10\/sinag-web-banner-2-2-1.png?resize=350%2C200&ssl=1","width":350,"height":200,"srcset":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2021\/10\/sinag-web-banner-2-2-1.png?resize=350%2C200&ssl=1 1x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2021\/10\/sinag-web-banner-2-2-1.png?resize=525%2C300&ssl=1 1.5x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2021\/10\/sinag-web-banner-2-2-1.png?resize=700%2C400&ssl=1 2x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2021\/10\/sinag-web-banner-2-2-1.png?resize=1050%2C600&ssl=1 3x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2021\/10\/sinag-web-banner-2-2-1.png?resize=1400%2C800&ssl=1 4x"},"classes":[]},{"id":4888,"url":"https:\/\/sinag.press\/news\/2022\/07\/07\/tumitinding-krisis-bungad-sa-rehimeng-marcos-taas-presyo-walang-trabaho\/","url_meta":{"origin":4940,"position":3},"title":"Tumitinding krisis, bungad sa rehimeng Marcos: Taas presyo, walang-trabaho","author":"Staff","date":"7 July 2022","format":false,"excerpt":"Iniulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang ibayong pagtaas ng unemployment rate sa bansa mula 5.7% noong Abril sa 6% ngayong Mayo habang pumalo naman sa 6.1% ang inflation rate noong Hunyo kung saan pinakaapektado ang langis, pagkain, at pamasahe. Iniulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang ibayong pagtaas ng\u2026","rel":"","context":"In &quot;News&quot;","block_context":{"text":"News","link":"https:\/\/sinag.press\/news\/category\/news\/"},"img":{"alt_text":"","src":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/07\/sinag-web-banner-2-2.png?resize=350%2C200&ssl=1","width":350,"height":200,"srcset":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/07\/sinag-web-banner-2-2.png?resize=350%2C200&ssl=1 1x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/07\/sinag-web-banner-2-2.png?resize=525%2C300&ssl=1 1.5x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/07\/sinag-web-banner-2-2.png?resize=700%2C400&ssl=1 2x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/07\/sinag-web-banner-2-2.png?resize=1050%2C600&ssl=1 3x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/07\/sinag-web-banner-2-2.png?resize=1400%2C800&ssl=1 4x"},"classes":[]},{"id":2506,"url":"https:\/\/sinag.press\/news\/2021\/09\/22\/pag-alala-sa-mga-biktima-ng-batas-militar-at-paglakas-ng-maka-masang-kilusan\/","url_meta":{"origin":4940,"position":4},"title":"Pag-alala sa mga Biktima ng Batas Militar at Paglakas ng Maka-masang Kilusan\ufffc\ufffc","author":"Staff","date":"22 September 2021","format":false,"excerpt":"Sa paggunita ng ika-49 na anibersaryo ng Martial Law ay patuloy na ipinapanawagan\u00a0 ang pagtigil at pagkundena sa rebisyonaryong pangkasaysayan, karahasan, panunupil, at kasakiman mula noon hanggang sa kasalukuyan. Lagpas apat na dekada mula noong lagdaan ng diktador na si Ferdinand Marcos ang Proklamasyon bilang 1081 na naglagay sa Pilipinas\u2026","rel":"","context":"In &quot;News&quot;","block_context":{"text":"News","link":"https:\/\/sinag.press\/news\/category\/news\/"},"img":{"alt_text":"","src":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2021\/09\/untitled-design-3.png?resize=350%2C200&ssl=1","width":350,"height":200,"srcset":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2021\/09\/untitled-design-3.png?resize=350%2C200&ssl=1 1x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2021\/09\/untitled-design-3.png?resize=525%2C300&ssl=1 1.5x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2021\/09\/untitled-design-3.png?resize=700%2C400&ssl=1 2x"},"classes":[]},{"id":5736,"url":"https:\/\/sinag.press\/news\/2023\/01\/21\/national-farmer-day-bill-suportado-ng-mga-magsasaka\/","url_meta":{"origin":4940,"position":5},"title":"&#8220;National Farmer&#8217; Day Bill,&#8221; suportado ng mga magsasaka","author":"Staff","date":"21 January 2023","format":false,"excerpt":"Ineendorso ng Kilusang Mambubukid ng Pilipinas (KMP), isang pambasang organisasyon ng mga magsasaka, na isabatas ang House Bill 1112 na magdedeklara sa Enero 22 bilang \"Pambansang Araw ng mga Magsasaka,\" isang special working holiday, ayon sa isang pahayag kahapon, Enero 20. Ineendorso ng Kilusang Mambubukid ng Pilipinas (KMP), isang pambasang\u2026","rel":"","context":"In &quot;National News&quot;","block_context":{"text":"National News","link":"https:\/\/sinag.press\/news\/category\/news\/national-news\/"},"img":{"alt_text":"","src":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2023\/01\/305397866_3388937181325867_6918686227852321592_n-1.jpeg?resize=350%2C200&ssl=1","width":350,"height":200,"srcset":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2023\/01\/305397866_3388937181325867_6918686227852321592_n-1.jpeg?resize=350%2C200&ssl=1 1x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2023\/01\/305397866_3388937181325867_6918686227852321592_n-1.jpeg?resize=525%2C300&ssl=1 1.5x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2023\/01\/305397866_3388937181325867_6918686227852321592_n-1.jpeg?resize=700%2C400&ssl=1 2x"},"classes":[]}],"jetpack_sharing_enabled":true,"authors":[{"term_id":122,"user_id":9,"is_guest":0,"slug":"csspsinag","display_name":"Staff","avatar_url":"https:\/\/secure.gravatar.com\/avatar\/194807626fee183640d3de57e788ba7c8c0d40bd86bfc1237bed56bcd3832c1b?s=96&d=mm&r=g","0":null,"1":"","2":"","3":"","4":"","5":"","6":"","7":"","8":""}],"_links":{"self":[{"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/4940","targetHints":{"allow":["GET"]}}],"collection":[{"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/posts"}],"about":[{"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/types\/post"}],"author":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/users\/9"}],"replies":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/comments?post=4940"}],"version-history":[{"count":0,"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/4940\/revisions"}],"wp:featuredmedia":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/media\/4945"}],"wp:attachment":[{"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/media?parent=4940"}],"wp:term":[{"taxonomy":"category","embeddable":true,"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/categories?post=4940"},{"taxonomy":"post_tag","embeddable":true,"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/tags?post=4940"},{"taxonomy":"author","embeddable":true,"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/ppma_author?post=4940"}],"curies":[{"name":"wp","href":"https:\/\/api.w.org\/{rel}","templated":true}]}}