{"id":4956,"date":"2022-07-17T15:09:29","date_gmt":"2022-07-17T07:09:29","guid":{"rendered":"https:\/\/csspsinag.wordpress.com\/?p=4956"},"modified":"2022-07-17T15:09:29","modified_gmt":"2022-07-17T07:09:29","slug":"walang-pinagbago-sa-pinababangong-pasismo","status":"publish","type":"post","link":"https:\/\/sinag.press\/news\/2022\/07\/17\/walang-pinagbago-sa-pinababangong-pasismo\/","title":{"rendered":"Walang pinagbago sa pinababangong pasismo"},"content":{"rendered":"\n<p>Hindi dapat paniwalaan ang pagpapabango ng mga pasista sa ilalim ni National Security Adviser Clarita Carlos. Walang bago sa mga plano at pangako niya; pawang pagpapalit ng mukha at pangalan sa deka-dekadang palpak na pambeberdugo ng estado.<\/p>\n\n\n\n<!--more-->\n<!--noteaser-->\n\n\n\n<hr class=\"wp-block-separator has-alpha-channel-opacity is-style-wide\" \/>\n\n\n\n<figure class=\"wp-block-image size-thumbnail\"><a href=\"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2021\/09\/justin.png\"><img decoding=\"async\" src=\"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2021\/09\/justin.png?w=80\" alt=\"\" class=\"wp-image-2094\" \/><\/a><\/figure>\n\n\n\n<p>Hindi dapat paniwalaan ang pagpapabango ng mga pasista sa ilalim ni National Security Adviser Clarita Carlos. Walang bago sa mga plano at pangako niya; pawang pagpapalit ng mukha at pangalan sa deka-dekadang palpak na pambeberdugo ng estado.&nbsp;<\/p>\n\n\n\n<p>Kamakailan, bumalikwas si Carlos sa nakasanayang polisiya ng gobyerno sa ilalim ni Duterte, lalo na ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC), na tawaging rebelde at terorista ang sinumang\u200b tumutuligsa ng kapalpakan at kasakiman ng mga nasa kapangyarihan. Aniya, wala namang napapala sa red-tagging, at dapat pagtuunan ng pansin ang tunay na ugat ng halos kalahating siglo ng digmaang sibil.&nbsp;<\/p>\n\n\n\n<p>Tama naman siya: wala talagang napapala sa red-tagging, at dapat naman talagang pag-usapan ang tunay na ugat ng armadong pakikibaka. Ngunit mula sa labi ng tuta ng mga pasista, alam nating kasinungalingan ang lahat ng ito \u2014 bait-baitang prente upang ipagpatuloy ang pagpapatahimik sa tunay na hinaing ng masa.&nbsp;<\/p>\n\n\n\n<p>Gagamitin daw nila ang whole-of-nation approach na kung saan sama-samang kikilos ang lahat ng sangay ng gobyerno upang puksain ang rebolusyon. Anila, hindi lamang ang nakasanayang dahas ang dapat pagtuunan ng pansin ng gobyerno, kundi pati ang pagsugpo sa mga konkretong kondisyon na nagpapasiklab ng rebolusyonaryong diwa. Ngunit muli, panlilinlang na naman ito. Katulad ng ginawa ng mga nakaraang administrasyon, pakitang tao lamang ang pagtugon sa hinaing ng masa. Panakip lamang ito sa patuloy na pagpaslang ng estado sa sarili nitong mga mamamayan.&nbsp;<\/p>\n\n\n\n<p>Sa ilalim ng administrasyong Duterte, ginamit ang programang kontra-insurhensiya na ito upang mapalawak ang papel ng militar. Kasabay ng pagluluklok ng mga dating heneral sa iba\u2019t-ibang posisyon sa gabinete, naging daan ang whole-of-nation approach upang dumami ang tungkulin \u2013 at syempre, ang kapangyarihan \u2013 ng militar.&nbsp;<\/p>\n\n\n\n<p>Bagamat malinaw sa konstitusyon na dapat mangibabaw ang kapangyarihang sibil, sumusunod ang iba\u2019t-ibang ahensya \u2013 pati na rin ang mga lokal na pamahalaan \u2013 sa kumpas ng sandatahang lakas. Nadidiktahan nila ang mga polisiya at programa ng gobyerno, at nagagamit ang pinalaking presensiya sa mga komundidad para lalong takutin ang masa.&nbsp;<\/p>\n\n\n\n<p>Ngunit, malinaw na hindi naman tunay na pag-unlad ang layunin ng kanilang panghihimasok; ito&#8217;y nakaangkla lamang sa pawang pagpapanatili sa kanilang kapangyarihan at ibayong pagpapahina ng rebolusyon.&nbsp;<\/p>\n\n\n\n<p>May limang bahagi ang whole-of-nation approach: ang apat na tungkulin (politika, ekonomiya, seguridad, at impormasyon) patungo sa layuning kontrol. Pinakamahalaga dito ang politika, at layunin ng estado na bumuo diumano ng mapagkakatiwalaang institusyon \u2013 malayong-malayo sa kasalukuyan. Pauunlarin din daw ang ekonomiya at pagmumukhaing mga bayani ang mga sundalo sa pamamagitan ng pakitang tao na pamamahagi ng ayuda at pagkakawang-gawa. Sa kabila ng kaliwa\u2019t kanang pang-aabuso ng militar sa masa at mga pambansang minorya, ipagkakatiwala din sa kanila ang \u201cseguridad\u201d ng mga mamamayan. Huli, paiigtingin ang paniniktik sa mga mamamayan at pagpapakalat ng propaganda upang pumabor sa kanila ang daloy ng impormasyon. Sa gayon, anila, matatalo sa wakas ang rebolusyon dahil wala nang dahilan ang mga mamamayan upang sumali dito.<\/p>\n\n\n\n<p>Ngunit katulad ng lahat ng programang kontra-insurhensiya, tiyak na wala itong patutunguhan. Alam nating huwad itong planong ito dahil simula\u2019t sapul kontra-Pilipino na talaga ang whole-of-nation approach. Pagpapatuloy na naman ito ng panghihimasok ng Estados Unidos sa bansa upang sugpuin ang komunismo at magmukhang tagapagligtas ng daigdig. Kinuha ang whole-of-nation approach sa US Government Counterinsurgency Guide na nilabas noong 2009. Hindi lang nakasulat dito ang mga kailangang gawin ng bansa kung saan may rebolusyon; nakasulat din kung paano magpapadala ang Amerika ng mga ahente at tagapayo para pangunahan ang kontra-insurhensiya.&nbsp;<\/p>\n\n\n\n<p>Kahuwarang ituring itong tulong mula sa Estados Unidos dahil pangangalaga lamang ito ng interes ng mga imperyalista tulad nila. Paano iibsan ng \u201cwhole-of-nation approach\u201d ang&nbsp; paghihirap ng masa \u2014 primaryang nagtutulak sa mga mamamayang mag-armas \u2014 kung ang pangunahing layunin nito ay protektahan ang mismong mga pahirap sa masa?&nbsp;<\/p>\n\n\n\n<p>Napatunayan na ito ng deka-dekadang kapalpakan ng US na sugpuin ang komunismo. Sa kabila ng bilyon-bilyong dolyar \u2013 hindi lamang sa kagamitang militar kundi pati na rin sa ayuda \u2013 na ginagastos ng pinakamakapangyarihang imperyalista sa mundo, hindi matapos-tapos ang digmaang sibil sa Pilipinas. Hindi pa rin kasi tinutugunan ang ugat ng krisis, at wala naman talaga silang balak na tugunan ito. Katulad ng nutribun ng naunang rehimeng Marcos, tira-tira at pantawid gutom lang ang ibinibigay nila \u2013 sapat lamang para hindi mapansin ng sambayanan ang pang-aabuso at pananamantala.&nbsp;<\/p>\n\n\n\n<p>Palit-palitan man nila ang anyo at pangalan \u2013 Oplan Bantay Laya ni Gloria, Oplan Bayanihan ni PNoy, Oplan Kapayaan \u2013 pare-parehong pumalpak. Lalo lamang pinahirapan ang sambayan. Lalo lang din silang ginalit at binigyan ng dahilan para mag-alsa. Sentral na layunin ng whole-of-nation approach sa kontra-insurhensiya ang pagpapanatili at pagtatanggol sa makauring diktadura ng malalaking negosyo, politiko, panginoong maylupa, at imperyalistang interes.<\/p>\n\n\n\n<p>Anumang palamuti at pabango, hindi kailanman gaganda ang palpak nilang pambeberdugo. Hindi maitatago ng anumang pagpapakitang-tao at propaganda ang katotohanan: na hindi taumbayan ang pinoprotektahan nila kundi ang interes ng mga pahirap sa bayan. Itakwil at labanan ang bagong mukha ng hindi nagbabagong pasismo!<\/p>\n\n\n\n<p>Sapagkat sa kasaysayan, hindi pasismo ang bumabago rito kundi mga rebolusyon.<\/p>\n\n\n\n<p><em>Featured image courtesy of Ezra Acayan<\/em><\/p>\n\n\n<div class=\"wp-block-image\">\n<figure class=\"aligncenter size-full\"><a href=\"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/03\/image-2.png\"><img decoding=\"async\" src=\"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/03\/image-2.png\" alt=\"\" class=\"wp-image-4005\" \/><\/a><\/figure>\n<\/div>","protected":false},"excerpt":{"rendered":"<p>Hindi dapat paniwalaan ang pagpapabango ng mga pasista sa ilalim ni National Security Adviser Clarita Carlos. Walang bago sa mga plano at pangako niya; pawang pagpapalit ng mukha at pangalan sa deka-dekadang palpak na pambeberdugo ng estado.<\/p>\n","protected":false},"author":9,"featured_media":4958,"comment_status":"open","ping_status":"open","sticky":false,"template":"","format":"standard","meta":{"_jetpack_memberships_contains_paid_content":false,"footnotes":""},"categories":[13],"tags":[],"ppma_author":[122],"class_list":["post-4956","post","type-post","status-publish","format-standard","has-post-thumbnail","hentry","category-opinion"],"aioseo_notices":[],"jetpack_featured_media_url":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/07\/sinag-web-banner-7-1.png","jetpack-related-posts":[{"id":2738,"url":"https:\/\/sinag.press\/news\/2021\/10\/06\/bbm-biguin-si-bongbong-marcos\/","url_meta":{"origin":4956,"position":0},"title":"BBM: Biguin si Bongbong Marcos!","author":"Staff","date":"6 October 2021","format":false,"excerpt":"Sa huli, walang dudang dapat biguin ang pagtakbo ni Bongbong sa pagkapangulo niya. Ang pamumunong mala-Marcos ay hindi na dapat bigyan pa ng puwang dahil ito ay isang pamumunong diktador, pamumunong kurap, pamumunong sinungaling, at pamumunong mapang-abuso. Babangon muli ang Pilipinas, ito ang pinangangalandakang misyon ni Bongbong Marcos sa kanyang\u2026","rel":"","context":"In &quot;Opinion&quot;","block_context":{"text":"Opinion","link":"https:\/\/sinag.press\/news\/category\/opinion\/"},"img":{"alt_text":"","src":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2021\/10\/sinag-web-banner-3-7.png?resize=350%2C200&ssl=1","width":350,"height":200,"srcset":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2021\/10\/sinag-web-banner-3-7.png?resize=350%2C200&ssl=1 1x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2021\/10\/sinag-web-banner-3-7.png?resize=525%2C300&ssl=1 1.5x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2021\/10\/sinag-web-banner-3-7.png?resize=700%2C400&ssl=1 2x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2021\/10\/sinag-web-banner-3-7.png?resize=1050%2C600&ssl=1 3x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2021\/10\/sinag-web-banner-3-7.png?resize=1400%2C800&ssl=1 4x"},"classes":[]},{"id":5647,"url":"https:\/\/sinag.press\/news\/2022\/12\/15\/serve-the-people\/","url_meta":{"origin":4956,"position":1},"title":"&#8216;Serve the People&#8217;","author":"Staff","date":"15 December 2022","format":false,"excerpt":"Sa panahong lumilitaw ang mga anti-mamamayang tindig nito, hinahamon namin si Jijil Jimenez na tunay na paglingkuran ang sambayanan. Ito ang mandatong dapat niyang ubos-lakas na tanganan sa susunod na anim na taon bilang UP President. Sa panahong lumilitaw ang mga anti-mamamayang tindig nito, hinahamon namin si Jijil Jimenez na\u2026","rel":"","context":"In &quot;Editorial&quot;","block_context":{"text":"Editorial","link":"https:\/\/sinag.press\/news\/category\/editorial\/"},"img":{"alt_text":"","src":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/12\/sinag-web-banner-8-1.png?resize=350%2C200&ssl=1","width":350,"height":200,"srcset":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/12\/sinag-web-banner-8-1.png?resize=350%2C200&ssl=1 1x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/12\/sinag-web-banner-8-1.png?resize=525%2C300&ssl=1 1.5x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/12\/sinag-web-banner-8-1.png?resize=700%2C400&ssl=1 2x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/12\/sinag-web-banner-8-1.png?resize=1050%2C600&ssl=1 3x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/12\/sinag-web-banner-8-1.png?resize=1400%2C800&ssl=1 4x"},"classes":[]},{"id":4573,"url":"https:\/\/sinag.press\/news\/2022\/05\/26\/makabayan-tuloy-ang-pagtatagumpay-ng-kapakanan-ng-mamamayang-pilipino\/","url_meta":{"origin":4956,"position":2},"title":"Makabayan: Tuloy ang pagtatagumpay ng kapakanan ng mamamayang Pilipino!","author":"Staff","date":"26 May 2022","format":false,"excerpt":"Ibayong pagpapatuloy ng laban ang ipinagdiinan ng Makabayan sa gitna ng kamakailang paghahain ng anunsyo ng Commission on Elections (COMELEC) sa umano'y di-pagproklama sa mga partidong may nakabinbing kaso ng diskwalipikasyon. Ibayong pagpapatuloy ng laban ang ipinagdiinan ng Makabayan sa gitna ng kamakailang paghahain ng anunsyo ng Commission on Elections\u2026","rel":"","context":"In &quot;News&quot;","block_context":{"text":"News","link":"https:\/\/sinag.press\/news\/category\/news\/"},"img":{"alt_text":"","src":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/05\/sinag-web-banner-10-1.png?resize=350%2C200&ssl=1","width":350,"height":200,"srcset":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/05\/sinag-web-banner-10-1.png?resize=350%2C200&ssl=1 1x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/05\/sinag-web-banner-10-1.png?resize=525%2C300&ssl=1 1.5x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/05\/sinag-web-banner-10-1.png?resize=700%2C400&ssl=1 2x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/05\/sinag-web-banner-10-1.png?resize=1050%2C600&ssl=1 3x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/05\/sinag-web-banner-10-1.png?resize=1400%2C800&ssl=1 4x"},"classes":[]},{"id":4828,"url":"https:\/\/sinag.press\/news\/2022\/07\/04\/trabahong-walang-seguridad-lagay-ng-mga-sekyu-sa-up-diliman-part-1\/","url_meta":{"origin":4956,"position":3},"title":"Trabahong walang seguridad: lagay ng mga sekyu sa UP Diliman &#8211; Part 1","author":"Staff","date":"4 July 2022","format":false,"excerpt":"Sa banta ng matitinding atake sa pamantasan at hamon para sa araw-araw na kaligtasan, malaki ang gampanin ng mga guwardiya sa UP Diliman para sa UP nating mahal. Subalit, sa kanilang lagay ngayon, ipinapakita ng UP ang kawalan nito ng puso at pagmamahal. Marangal na trabaho ang pagiging isang security\u2026","rel":"","context":"In &quot;Features&quot;","block_context":{"text":"Features","link":"https:\/\/sinag.press\/news\/category\/features\/"},"img":{"alt_text":"","src":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/07\/sinag-web-banner-11-1.png?resize=350%2C200&ssl=1","width":350,"height":200,"srcset":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/07\/sinag-web-banner-11-1.png?resize=350%2C200&ssl=1 1x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/07\/sinag-web-banner-11-1.png?resize=525%2C300&ssl=1 1.5x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/07\/sinag-web-banner-11-1.png?resize=700%2C400&ssl=1 2x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/07\/sinag-web-banner-11-1.png?resize=1050%2C600&ssl=1 3x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/07\/sinag-web-banner-11-1.png?resize=1400%2C800&ssl=1 4x"},"classes":[]},{"id":6876,"url":"https:\/\/sinag.press\/news\/2024\/10\/03\/bagong-lipunan-noon-bagong-pilipinas-ngayon\/","url_meta":{"origin":4956,"position":4},"title":"Bagong Lipunan Noon, Bagong Pilipinas Ngayon: Iisang Retorika, Parehong Pasista","author":"Princess Sacendoncillo","date":"3 October 2024","format":false,"excerpt":"Nang mapasakamay ng dating diktador na si Ferdinand Marcos Sr., ang Pilipinas,bahagi ng kanyang pagtatangka na hubugin ang lipunan ay ang pagpapatupad ng Batas Militar noong 1972, at ang paglulunsad ng kanyang propagandang \u201cBagong Lipunan\u201d. Ipinakilala bilang isang landas tungo sa maunlad at nagkakaisang lipunan \u2014 ngunit ang pagsasaayos ng\u2026","rel":"","context":"In &quot;Features&quot;","block_context":{"text":"Features","link":"https:\/\/sinag.press\/news\/category\/features\/"},"img":{"alt_text":"","src":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2024\/10\/fnztw1fC.jpg?resize=350%2C200&ssl=1","width":350,"height":200,"srcset":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2024\/10\/fnztw1fC.jpg?resize=350%2C200&ssl=1 1x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2024\/10\/fnztw1fC.jpg?resize=525%2C300&ssl=1 1.5x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2024\/10\/fnztw1fC.jpg?resize=700%2C400&ssl=1 2x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2024\/10\/fnztw1fC.jpg?resize=1050%2C600&ssl=1 3x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2024\/10\/fnztw1fC.jpg?resize=1400%2C800&ssl=1 4x"},"classes":[]},{"id":5297,"url":"https:\/\/sinag.press\/news\/2022\/09\/22\/pakikibaka-ang-nagpapanday-ng-golden-age\/","url_meta":{"origin":4956,"position":5},"title":"Pakikibaka ang nagpapanday ng Golden Age","author":"Staff","date":"22 September 2022","format":false,"excerpt":"Tama naman ang mga Marcos \u2013 binuo nga ng Batas Militar ang isang \u201cgolden age\u201d, at muli itong bubuuin ng kanilang pandarambong at pandarahas sa ilalim ni Bongbong. Tama naman ang mga Marcos \u2013 binuo nga ng Batas Militar ang isang \u201cgolden age\u201d, at muli itong bubuuin ng kanilang pandarambong\u2026","rel":"","context":"In &quot;Opinion&quot;","block_context":{"text":"Opinion","link":"https:\/\/sinag.press\/news\/category\/opinion\/"},"img":{"alt_text":"","src":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/09\/sinag-web-banner-5-1.png?resize=350%2C200&ssl=1","width":350,"height":200,"srcset":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/09\/sinag-web-banner-5-1.png?resize=350%2C200&ssl=1 1x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/09\/sinag-web-banner-5-1.png?resize=525%2C300&ssl=1 1.5x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/09\/sinag-web-banner-5-1.png?resize=700%2C400&ssl=1 2x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/09\/sinag-web-banner-5-1.png?resize=1050%2C600&ssl=1 3x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/09\/sinag-web-banner-5-1.png?resize=1400%2C800&ssl=1 4x"},"classes":[]}],"jetpack_sharing_enabled":true,"authors":[{"term_id":122,"user_id":9,"is_guest":0,"slug":"csspsinag","display_name":"Staff","avatar_url":"https:\/\/secure.gravatar.com\/avatar\/194807626fee183640d3de57e788ba7c8c0d40bd86bfc1237bed56bcd3832c1b?s=96&d=mm&r=g","0":null,"1":"","2":"","3":"","4":"","5":"","6":"","7":"","8":""}],"_links":{"self":[{"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/4956","targetHints":{"allow":["GET"]}}],"collection":[{"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/posts"}],"about":[{"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/types\/post"}],"author":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/users\/9"}],"replies":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/comments?post=4956"}],"version-history":[{"count":0,"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/4956\/revisions"}],"wp:featuredmedia":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/media\/4958"}],"wp:attachment":[{"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/media?parent=4956"}],"wp:term":[{"taxonomy":"category","embeddable":true,"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/categories?post=4956"},{"taxonomy":"post_tag","embeddable":true,"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/tags?post=4956"},{"taxonomy":"author","embeddable":true,"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/ppma_author?post=4956"}],"curies":[{"name":"wp","href":"https:\/\/api.w.org\/{rel}","templated":true}]}}