{"id":5074,"date":"2022-08-08T18:22:11","date_gmt":"2022-08-08T10:22:11","guid":{"rendered":"https:\/\/csspsinag.wordpress.com\/?p=5074"},"modified":"2022-08-08T18:22:11","modified_gmt":"2022-08-08T10:22:11","slug":"mga-pag-ibig-na-nananaig-sa-gitna-ng-dulo","status":"publish","type":"post","link":"https:\/\/sinag.press\/news\/2022\/08\/08\/mga-pag-ibig-na-nananaig-sa-gitna-ng-dulo\/","title":{"rendered":"Mga pag-ibig na nananaig sa gitna ng dulo"},"content":{"rendered":"\n<p>Malayo sa mga tsismis na ang Katips ay pawang paninira lamang at galit sa mga Marcos, matalas at matapang nitong inilahad sa pamamagitan ng musika at kuwentong pag-ibig ang mga nangyari sa ilalim ng malagim na Batas na Militar ng diktador na si Ferdinand Marcos Sr.\u00a0 Ipinakita ng Katips na ang EDSA ay higit sa dalawang kulay o pamilya kundi patungkol sa pakikibaka ng mamamayan upang ipagpatuloy ang simulain ng rebolusyonaryong Katipunan.<\/p>\n\n\n\n<!--more-->\n<!--noteaser-->\n\n\n\n<hr class=\"wp-block-separator has-alpha-channel-opacity is-style-wide\" \/>\n\n\n\n<figure class=\"wp-block-image size-large is-resized\"><a href=\"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/08\/image.png\"><img loading=\"lazy\" decoding=\"async\" src=\"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/08\/image.png?w=559\" alt=\"\" class=\"wp-image-5076\" width=\"124\" height=\"153\" \/><\/a><\/figure>\n\n\n\n<p><em>\u201dAling pag-ibig pa ang hihigit kaya sa pagkadalisay at pagkadakila gaya ng pag-ibig sa tinubuang lupa? Aling pag-ibig pa? Wala na nga, wala!\u201d \u2013 Gat Andres Bonifacio<\/em><\/p>\n\n\n\n<p>Sa gitna ng sabay-sabay na mga krisis at disimpormasyon, nakapaloob sa pelikulang Katips ang iba\u2019t ibang uri ng pag-ibig na umusbong sa panahon ng Batas Militar.<\/p>\n\n\n\n<p>Malayo sa mga tsismis na ang Katips ay pawang paninira lamang at galit sa mga Marcos, matalas at matapang nitong inilahad sa pamamagitan ng musika at kuwentong pag-ibig ang mga nangyari sa ilalim ng malagim na Batas na Militar ng diktador na si Ferdinand Marcos Sr.&nbsp; Ipinakita ng Katips na ang EDSA ay higit sa dalawang kulay o pamilya kundi patungkol sa pakikibaka ng mamamayan upang ipagpatuloy ang simulain ng rebolusyonaryong Katipunan.<\/p>\n\n\n\n<p>Tangan nito ang karanasan ng masang ipinaglaban muli ang kalayaan mula sa tanikala ng pang-aalipin at pagsasamantala ng sariling mga kababayang taksil. Militanteng nakibaka para sa kanilang pag-asa, mga mithiin at mga karapatan. Ito ang tunay na kuwento, ayon sa sinigaw ng nag-viral na matanda pagkatapos manood ng Katips sa sinehan.<\/p>\n\n\n\n<p>Ayon nga kay Pilosopo Tasyo, &#8220;Hindi naman pala lahat ay natutulog sa gabi ng aking mga ninuno.\u201d\u00a0 Inilalahad sa atin ng pelikula ang mga buhay at pagkatao sa likod ng mga numero, sa likod ng humigit-kumulang 70,000 na ikinulong, 34,000 na tinortyur, at 3,240 na pinatay at higit pa sa ilalim ng rehimeng US-Marcos mula 1972 hanggang 1981. Higit rito, ang lugar sa kasaysayan ng pamilyang Marcos na mula&#8217;t sapul ay pilit binabaluktot ito para sa kanila.<\/p>\n\n\n\n<p>Mula sa dating musikal na teatro hanggang maging pelikula, pinanday ng musika ang masining na pagpapahayag ng mga naratibo. Ipinagdiwang ang kabayanihan ng mga bagong Katipunero na pinanday ng isa sa mga pinakamadilim na yugto ng kasaysayan: sa mga mosquito press o underground na midya, mga lider-estudyante, mga aktibista, at ang Bagong Hukbong Bayan.&nbsp;<\/p>\n\n\n\n<p>Kasabay nito ang pagsisiwalat ng totoong pang-aabuso at pandarahas ng mga traydor na mga panatiko, propagandista, at mga berdugong Philippine Constabulary (PC) na walang ginawa sa pelikula kung \u2018di manortyur, mandukot, manlinlang, at pumaslang sa ngalan ng kanilang \u201cApo.\u201d Alang-alang sa pagpapanatili ng kanyang diktadura, si Apo Marcos Sr. na isang magnanakaw, diktador, mala-Hitler, at tuta ng mga Kano kasama ang kanyang asawa\u2019t kapwa magnanakaw na si Imelda at ang tutang si Juan Ponce Enrile, ay tila makabagong Aguinaldo rin.<\/p>\n\n\n\n<p>Subalit kakambal ng pandarahas ang pakikibaka. Sa pelikula, pinangunahan ng mga bagong bayani na sina Ka Panyong, isang manunulat na aktibista sa Ang Bayan; Alet, ang tinaguriang \u201cbagong Tandang Sora\u201d; Estong, isang akbitang propesor ng PUP; Sussie, isang aktibistang Bisaya; Art, isang college freshie sa UP; Greg, isang editor ng pahayagang pangkampus; at si Lara na isang balikbayan mula sa New York. Ipinakita nila na mayroon mang iba\u2019t ibang antas ng kamulatan ay iisa sa tunguhing palayain ang Bayan mula sa mapang-abusong rehimen. Sa pagtampok ng kanilang kuwento ay makikita ang tatlong anyo ng pag-ibig sa gitna ng gulo.<\/p>\n\n\n\n<p><strong><em>Pag-ibig sa Sarili<\/em><\/strong><\/p>\n\n\n\n<p>Ipinasilip ng pelikula ang masalimuot na prosesong pinagdaraanan ng mga makabagong bayani; unang-una, sa kanilang pagmamahal sa sarili. Kagaya ng kadalasang nawawaglit sa kaisipan ng marami, tao rin naman ang mga bayani. Sa kabila ng ibayong tapang at dunong, hindi sila nawawalay sa minsang panghihina ng loob, pagkukulang sa pag-unawa sa iba, at pagdaan sa samu\u2019t saring mga kontradiksyon at problema.<\/p>\n\n\n\n<p>Madalas ipakita sa pelikula ang mga tagpong muntik nang sumuko ang mga bagong Katipunero. Mula sa pagdadalawang-isip sa pagtatampok ng mga isyung panlipunan sa pahayagang Kul\u00ea, sa pagdududa sa bisa ng mga welga, hanggang sa mga huling sandali ng pelikula matapos ang mga kasawiang dinanas ng mga bida. Gayundin, sa muntikang pagsuko ng mga Katipunero sa pagpapaunawa at panghahamig sa mga tila natutulog pang mga kababayan na biktima ng mga propaganda at news blackout.&nbsp; Panghuli, ang pagkuwestyon sa kung may kahihinatnan nga ba ang pakikibaka at pagpapataas sa antas ng kamulatan.<\/p>\n\n\n\n<p>Subalit, hindi maitatago na iniigpawan ng pelikula ang pagmamahal sa sarili para sa dalawang \u201chigit\u201d na anyo ng pagmamahal. Sapagkat may pag-ibig sa ating mga sarili.&nbsp;<\/p>\n\n\n\n<p><strong><em>Pag-ibig sa Kapwa<\/em><\/strong><\/p>\n\n\n\n<p>Ilang dekada man ang lumipas, diwang hindi nagmamaliw sa rebolusyonaryong pakikibaka ang pag-ibig sa kapwa. Hindi naging hadlang ang pangamba at agam-agam sa pag-aalay ng puso ng mga bida sa kani-kanilang mga minamahal. Taliwas dito\u2019y pinalago at pinagtibay pa ng madilim na panahon ang kanilang relasyon sa kapwa \u2013 sa masang kanilang pinaglilingkuran.&nbsp;<\/p>\n\n\n\n<p>Ibayong pag-unawa sa pagkakaiba lalong lalo na sa kanilang kamalayan sa mga isyu. Ibayong pagtitimpi sa mga manhid, at ibayong pagkalinga at pagsasakripisyo para sa iba,kadugo man o hindi. Sapagkat ang kapwa ay kakampi at hindi kaaway, tinitipon, at pinakikilos na tila daluyong.<\/p>\n\n\n\n<p>Uunlad pa ang ganitong tipo ng pag-ibig sa huli\u2019t pinakamatayog na anyo ng pag-ibig, ang pag-ibig sa bayan na daantaon nang nagsusumamo sa kalayaan na inasam rin ng Katipunan.<\/p>\n\n\n\n<p><strong><em>Pag-ibig sa Bayan<\/em><\/strong><\/p>\n\n\n\n<p>Hanggang nananatiling nakatali ang ating bayan sa pambubusabos ng dayuhan, malawakang kawalan ng lupa at atrasadong ekonomya, at gubyernong kontrolado ng mayayaman, iiral at lalago ang kondisyon para sa rebolusyong dati nang isinulong ng Katipunan kung saan nananalaytay ang pag-ibig sa bayang hindi alintana ang dugong iaaalay para sa kalayaan.<\/p>\n\n\n\n<p>Pagmamahal itong nagbubunga man&nbsp; ng poot sa kaaway ay dahil inaruga at iniluwal ng pag-ibig sa kauri. Pagmamahal na hangad ang pagkalag sa tanikala upang lumaya sa pangungulila. Kaya ang rebolusyon ay paghahanap din; paghahanap sa kinabukasang nakaugat sa nakaraan.<\/p>\n\n\n\n<p>Hindi nito sinusukuan ang bawat latay, pananakot, pagmamatyag, at pagkabuwal sa kamay ng diktador. Dahil nananatili ang ugat ng paglaban, iluluwal at iluluwal ang mga bagong bayani. Ang dapat nating gawin ay magpasyang maging bayani. T<em>ayong mga inililuluwal ng dilim ang pinakamaningas na liwanag at sa gitna ng gulo, ang pinakamataas na anyo ng pag-ibig.<\/em><\/p>\n\n\n\n<p>Sa simula\u2019t dulo ng pelikula ay pinapakilala ang dalawang talinghaga ng bundok: isang patungo sa rurok ng kapangyarihan at isang tungo sa paglaban para sa Bayan. Sa\u2019yong nanood na o manonood pa lamang aling landasin ang pipiliin mo? Nais mo bang akyatin ang rurok ng tagumpay o handa ka na bang patagin ang bundok kasama silang kapwa inaapi?<\/p>\n\n\n\n<p>Sa panahong malawakan ang pambabaluktot sa kasaysayan at katotohanan, malaking hakbang ang mga produktong kultural upang sagupain ang kasinungalingan ng mga Marcos. Simulain ang Katips ngunit hindi dapat magtapos rito. Dapat paunlarin pa ang laban sa larangan ng kultura\u2019t propaganda hanggang sa armado pakikibaka gaya ng mga bagong bayani ng pelikula.<\/p>\n\n\n\n<p>Hindi pa tapos ang rebolusyon. Ika nga ni Amado Guerrero, \u201cang mga obhetibong kondisyong pambansa at pandaigdigan ay pabor sa kilusang pambansa-demokratiko ng kabataan. Panahon na upang iwagayway at isulong ng makabayang kabataang Pilipino ang bandilang pula ni Andres Bonifacio at ng Katipunan, na may bagong sagisag ng alyansang manggagawa at magsasaka.\u201c<\/p>\n\n\n\n<p>Ngayong nakaamba ang diktadura, handa ka na bang umiibig?<\/p>\n\n\n\n<p><\/p>\n\n\n\n<p><em>Featured image courtesy of Interaksyon<\/em><\/p>\n\n\n<div class=\"wp-block-image\">\n<figure class=\"aligncenter size-full\"><a href=\"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/03\/image-2.png\"><img decoding=\"async\" src=\"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/03\/image-2.png\" alt=\"\" class=\"wp-image-4005\" \/><\/a><\/figure>\n<\/div>","protected":false},"excerpt":{"rendered":"<p>Malayo sa mga tsismis na ang Katips ay pawang paninira lamang at galit sa mga Marcos, matalas at matapang nitong inilahad sa pamamagitan ng musika at kuwentong pag-ibig ang mga nangyari sa ilalim ng malagim na Batas na Militar ng diktador na si Ferdinand Marcos Sr.\u00a0 Ipinakita ng Katips na ang EDSA ay higit sa [&hellip;]<\/p>\n","protected":false},"author":9,"featured_media":5079,"comment_status":"open","ping_status":"open","sticky":false,"template":"","format":"standard","meta":{"_jetpack_memberships_contains_paid_content":false,"footnotes":""},"categories":[9],"tags":[],"ppma_author":[122],"class_list":["post-5074","post","type-post","status-publish","format-standard","has-post-thumbnail","hentry","category-features"],"aioseo_notices":[],"jetpack_featured_media_url":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/08\/sinag-web-banner-16-1.png","jetpack-related-posts":[{"id":7265,"url":"https:\/\/sinag.press\/news\/2025\/11\/30\/nagngangalit-nag-aalab-at-nagpapalaya\/","url_meta":{"origin":5074,"position":0},"title":"Nagngangalit, nag-aalab, at nagpapalaya","author":"Staff","date":"30 November 2025","format":false,"excerpt":"Isinulat ng ika-57 na Editorial Board ng SINAG Nagpupuyos sa galit ang sambayanan. Mababakas ito sa mga sunud-sunod na protesta nitong mga nagdaang buwan. Kaliwa\u2019t kanang walkout ng mga estudyante sa iba\u2019t ibang mga pamantasan. Welga ng mga manggagawa sa mga pabrika. Tigil pasada ng mga tsuper at operator. Strike\u2026","rel":"","context":"In &quot;Editorial&quot;","block_context":{"text":"Editorial","link":"https:\/\/sinag.press\/news\/category\/editorial\/"},"img":{"alt_text":"","src":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2025\/11\/SINAG-NOVEMBER-EDITORIAL-WEBSITE-VERSION.png?resize=350%2C200&ssl=1","width":350,"height":200,"srcset":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2025\/11\/SINAG-NOVEMBER-EDITORIAL-WEBSITE-VERSION.png?resize=350%2C200&ssl=1 1x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2025\/11\/SINAG-NOVEMBER-EDITORIAL-WEBSITE-VERSION.png?resize=525%2C300&ssl=1 1.5x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2025\/11\/SINAG-NOVEMBER-EDITORIAL-WEBSITE-VERSION.png?resize=700%2C400&ssl=1 2x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2025\/11\/SINAG-NOVEMBER-EDITORIAL-WEBSITE-VERSION.png?resize=1050%2C600&ssl=1 3x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2025\/11\/SINAG-NOVEMBER-EDITORIAL-WEBSITE-VERSION.png?resize=1400%2C800&ssl=1 4x"},"classes":[]},{"id":4963,"url":"https:\/\/sinag.press\/news\/2022\/07\/17\/si-marcos-ang-dapat-makinig\/","url_meta":{"origin":5074,"position":1},"title":"Si Marcos ang dapat makinig!","author":"Staff","date":"17 July 2022","format":false,"excerpt":"Araw-araw na lamang ay sinasagad ng kapulisan ang kanilang kabobohan. Ani Maj. Gen. Valeriano de Leon, dapat makinig na lang daw ang mga kritiko ni Marcos Jr. sa kanyang mga plano, ano man ang ibig sabihin nito, na magsisilbing direksyon ng bansa sa anim na taon (o higit pa) ng\u2026","rel":"","context":"In &quot;Opinion&quot;","block_context":{"text":"Opinion","link":"https:\/\/sinag.press\/news\/category\/opinion\/"},"img":{"alt_text":"","src":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/07\/sinag-web-banner-8-1.png?resize=350%2C200&ssl=1","width":350,"height":200,"srcset":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/07\/sinag-web-banner-8-1.png?resize=350%2C200&ssl=1 1x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/07\/sinag-web-banner-8-1.png?resize=525%2C300&ssl=1 1.5x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/07\/sinag-web-banner-8-1.png?resize=700%2C400&ssl=1 2x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/07\/sinag-web-banner-8-1.png?resize=1050%2C600&ssl=1 3x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/07\/sinag-web-banner-8-1.png?resize=1400%2C800&ssl=1 4x"},"classes":[]},{"id":7276,"url":"https:\/\/sinag.press\/news\/2026\/02\/15\/iniibig-ka-kahit-sa-mga-panandaliang-pagbitaw\/","url_meta":{"origin":5074,"position":2},"title":"Iniibig ka, Kahit sa mga Panandaliang Pagbitaw","author":"Staff","date":"15 February 2026","format":false,"excerpt":"sulat ni Karl Angelo R. Vicedo Ipinangapangako kong lagi kong babalikan ang gabing iyon kung saan banayad ang agos ng gabi, dahan-dahan ngunit may patutunguhan, lalo pa\u2019t ikaw ang katabi.\u00a0 Sa paligid, umiindak ang lahat: mga ilaw na parang nagtatampisaw sa kadiliman, hanging malamig sa bagong taon, halakhakang tayo lamang\u2026","rel":"","context":"In &quot;Literary&quot;","block_context":{"text":"Literary","link":"https:\/\/sinag.press\/news\/category\/literary\/"},"img":{"alt_text":"","src":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2026\/02\/NO-TEXT-Iniibig-Ka-%E2%80%94-Ria.jpeg?resize=350%2C200&ssl=1","width":350,"height":200,"srcset":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2026\/02\/NO-TEXT-Iniibig-Ka-%E2%80%94-Ria.jpeg?resize=350%2C200&ssl=1 1x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2026\/02\/NO-TEXT-Iniibig-Ka-%E2%80%94-Ria.jpeg?resize=525%2C300&ssl=1 1.5x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2026\/02\/NO-TEXT-Iniibig-Ka-%E2%80%94-Ria.jpeg?resize=700%2C400&ssl=1 2x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2026\/02\/NO-TEXT-Iniibig-Ka-%E2%80%94-Ria.jpeg?resize=1050%2C600&ssl=1 3x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2026\/02\/NO-TEXT-Iniibig-Ka-%E2%80%94-Ria.jpeg?resize=1400%2C800&ssl=1 4x"},"classes":[]},{"id":2909,"url":"https:\/\/sinag.press\/news\/2021\/10\/22\/baklakid-isang-rebyu-sa-rainbows-sunset\/","url_meta":{"origin":5074,"position":3},"title":"Ba(k)lakid: Isang Rebyu sa Rainbow\u2019s Sunset","author":"Staff","date":"22 October 2021","format":false,"excerpt":"Ang pag-ibig ay isang aspekto ng pagkatao na kinagisnan nating lahat \u2014 mula bata hanggang pagtanda, mayaman ka man o mahirap, babae ka man o lalaki, at kahit na iyong mga \u2019di ikinakategorya ang sarili bilang isang babae o lalaki. Ang pag-ibig ay isang aspekto ng pagkatao na kinagisnan nating\u2026","rel":"","context":"In &quot;Features&quot;","block_context":{"text":"Features","link":"https:\/\/sinag.press\/news\/category\/features\/"},"img":{"alt_text":"","src":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2021\/10\/113-1.png?resize=350%2C200&ssl=1","width":350,"height":200,"srcset":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2021\/10\/113-1.png?resize=350%2C200&ssl=1 1x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2021\/10\/113-1.png?resize=525%2C300&ssl=1 1.5x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2021\/10\/113-1.png?resize=700%2C400&ssl=1 2x"},"classes":[]},{"id":5250,"url":"https:\/\/sinag.press\/news\/2022\/09\/05\/bawiin-ang-kinabukasan-lumaban-at-manindigan\/","url_meta":{"origin":5074,"position":4},"title":"Bawiin ang kinabukasan, lumaban at manindigan!","author":"Staff","date":"5 September 2022","format":false,"excerpt":"Ang militansiyang ipinamalas ng UP, mula sa mga mag-aaral hanggang komunidad, noong panahon ng Batas Militar, maging sa kasalukuyan, ay hindi lang pawang mga naratibo ng kasaysayan at ngayon. Bagkus, nagsisilbi itong saksi, pundasyon, at paalala sa umiigting na papel ng makabayang Konsensiya ng Bayan na kasabay ng pag-aaral ng\u2026","rel":"","context":"In &quot;Editorial&quot;","block_context":{"text":"Editorial","link":"https:\/\/sinag.press\/news\/category\/editorial\/"},"img":{"alt_text":"","src":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/09\/sinag-web-banner-20-1.png?resize=350%2C200&ssl=1","width":350,"height":200,"srcset":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/09\/sinag-web-banner-20-1.png?resize=350%2C200&ssl=1 1x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/09\/sinag-web-banner-20-1.png?resize=525%2C300&ssl=1 1.5x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/09\/sinag-web-banner-20-1.png?resize=700%2C400&ssl=1 2x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/09\/sinag-web-banner-20-1.png?resize=1050%2C600&ssl=1 3x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/09\/sinag-web-banner-20-1.png?resize=1400%2C800&ssl=1 4x"},"classes":[]},{"id":7279,"url":"https:\/\/sinag.press\/news\/2026\/02\/15\/kahit-kamatayan-ay-hindi-tayo-mapaghihiwalay\/","url_meta":{"origin":5074,"position":5},"title":"Kahit Kamatayan ay Hindi Tayo Mapaghihiwalay","author":"Staff","date":"15 February 2026","format":false,"excerpt":"Kasalanan daw ang ibigin ka. Nakadidiri at nakahahawa\u2014matagal kong kinimkim ang nararamdaman ko, na parang isang sakit na mahirap gamutin. Gusto kong punitin ang suot-suot kong gown ngayon. Maganda naman ang tela, pero nangangati akong hubarin ito. Ang fantasy ko? Custom-made na cropped Barong Tagalog, at mahabang paldang sumasayad sa\u2026","rel":"","context":"In &quot;Literary&quot;","block_context":{"text":"Literary","link":"https:\/\/sinag.press\/news\/category\/literary\/"},"img":{"alt_text":"","src":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2026\/02\/ILLUSTRATION-.png?resize=350%2C200&ssl=1","width":350,"height":200,"srcset":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2026\/02\/ILLUSTRATION-.png?resize=350%2C200&ssl=1 1x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2026\/02\/ILLUSTRATION-.png?resize=525%2C300&ssl=1 1.5x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2026\/02\/ILLUSTRATION-.png?resize=700%2C400&ssl=1 2x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2026\/02\/ILLUSTRATION-.png?resize=1050%2C600&ssl=1 3x"},"classes":[]}],"jetpack_sharing_enabled":true,"authors":[{"term_id":122,"user_id":9,"is_guest":0,"slug":"csspsinag","display_name":"Staff","avatar_url":"https:\/\/secure.gravatar.com\/avatar\/194807626fee183640d3de57e788ba7c8c0d40bd86bfc1237bed56bcd3832c1b?s=96&d=mm&r=g","0":null,"1":"","2":"","3":"","4":"","5":"","6":"","7":"","8":""}],"_links":{"self":[{"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/5074","targetHints":{"allow":["GET"]}}],"collection":[{"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/posts"}],"about":[{"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/types\/post"}],"author":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/users\/9"}],"replies":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/comments?post=5074"}],"version-history":[{"count":0,"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/5074\/revisions"}],"wp:featuredmedia":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/media\/5079"}],"wp:attachment":[{"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/media?parent=5074"}],"wp:term":[{"taxonomy":"category","embeddable":true,"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/categories?post=5074"},{"taxonomy":"post_tag","embeddable":true,"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/tags?post=5074"},{"taxonomy":"author","embeddable":true,"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/ppma_author?post=5074"}],"curies":[{"name":"wp","href":"https:\/\/api.w.org\/{rel}","templated":true}]}}