{"id":5447,"date":"2022-10-12T17:49:31","date_gmt":"2022-10-12T09:49:31","guid":{"rendered":"https:\/\/csspsinag.wordpress.com\/?p=5447"},"modified":"2022-10-12T17:49:31","modified_gmt":"2022-10-12T09:49:31","slug":"aral-sa-aresto","status":"publish","type":"post","link":"https:\/\/sinag.press\/news\/2022\/10\/12\/aral-sa-aresto\/","title":{"rendered":"Aral sa Aresto"},"content":{"rendered":"\n<p>Hindi imposible ang makulong. Para sa mga aktibista, katotohanan ito ng makauring digma.<\/p>\n\n\n\n<!--more-->\n<!--noteaser-->\n\n\n\n<hr class=\"wp-block-separator has-alpha-channel-opacity is-style-wide\" \/>\n\n\n\n<figure class=\"wp-block-image size-thumbnail\"><a href=\"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2021\/11\/picture2.png\"><img decoding=\"async\" src=\"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2021\/11\/picture2.png?w=102\" alt=\"\" class=\"wp-image-3107\" \/><\/a><\/figure>\n\n\n\n<p>Hindi imposible ang makulong. Para sa mga aktibista, katotohanan ito ng makauring digma.<\/p>\n\n\n\n<p>Sa sosyolohiya, pinag-aaralan ang tinatawag na <em>conflict<\/em> <em>theory<\/em> ni Karl Marx kung saan walang hanggan ang pagtutunggalian ng mga inaapi at mapang-api dahil sa limitadong rekurso sa ekonomiya man o politika. Sa tunggaliang ito, esensyal ang paglalabanan ng mga pwersang gahum* at kontra-gahum na laban sa o para sa panlipunang transformasyon.<\/p>\n\n\n\n<p>Sa daloy ng tunggaliang ito, hindi na bago ang karahasan sa magkabilang-panig. Subalit mas marahas ang estado na nais panatilihin ang namamayaning kaayusan. Kinaya nilang patayin sina Chad Booc at Kerima Tariman, ikulong sina Leila de Lima at Reina Mae Nasino, at ngayon ay arestuhin sina Kara Taggaoa at Larry Valbuena. Para saan? Dahil sa kanilang paglaban.<\/p>\n\n\n\n<p>Sa kabilang panig, militansya ang sagot ng mga inaapi sa ganitong karahasan. Maaaring sa porma ng armadong pagrerebolusyon sa mga lugar na naging muog ng pakikibaka sa kanayunan. Maaari rin namang sa mga legal-demokratiko at mapayapang paraan gaya ng pag-oorganisa sa masa, pagtatayo ng unyon, paglahok sa eleksyon at iba pa.<\/p>\n\n\n\n<p>Mula sa sandamakmak na anekdotang lumitaw sa internet nang hulihin si Kara, maaari nating masilip kung anong klase ang pagkatao niya. Ayon sa kanyang ama, ang pagiging (basahin: hindi armadong) aktibista niya ang isang dahilan sa mga pagbabagong panlipunan. Patunay naman ng kanyang mga kasama, maangas si Kara nang turuan niya pa ang mga pulis kung paano igalang ang karapatan ng mga akusado. Sa mata ng estado, siya ay isang kaaway at magnanakaw\u2014mga bagay na ipinagkaiba nilang dalawa ni Bongbong Marcos.<\/p>\n\n\n\n<p>Ika nga ni Erving Goffman, araw-araw nating iprinepresenta ang ating sarili sa lipunan. Para kay Kara, iyon ay ang matibay na paninindigang pinanday ng katuwiran ng kanyang ipinaglalaban. Pinalago iyon ng pag-intindi sa lipunang layuning baguhin ito, turo nga ni Marx. Pero hindi laging tapang ang <em>front stage<\/em> ng mga aktibista; may panahon din ng takot, pangamba, at pag-atras. Na, sa katunayan, ay buwelo lamang para lumakas, magtiwala, at sumulong muli.<\/p>\n\n\n\n<p>Sa mga tunggaliang ito, sa antas man ng sarili o lipunan, nagaganap din ang mga rebolusyon. Marahas ito, katotohanan iyan. Marahas ito dahil kabalikat ng bawat pagwasak ang pagbubuong-muli. Sa mga tunggaliang ito, binabago natin ang mga sarili habang sinusubukang baguhin ang lipunan. Doon, sa pagitan ng tunggalian, natututuhan natin ang posisyon at relasyon ng sarili at lipunan\u2014at ang mga kontradiksyon nila.<\/p>\n\n\n\n<p>Hindi lang si Kara ang humaharap sa ganitong mga sangandaan at pagpili. Lahat tayo. Kung papasok ba o tatambay na lang, kung iibig o matotorpe, kung mang-aapi o magbabalikwas. Ang pundamental na tanong sa lahat ng karahasan ay para kanino? Para kanino ba naglilingkod ang karahasan at para saan iyon\u2014sa dominasyon o liberasyon?<\/p>\n\n\n\n<p>Kaya hindi natin maihihiwalay ang sarili sa lipunan. Dapat nga raw ay magkaroon tayo ng <em>sociological imagination<\/em> na kayang gagapin ang ugnayan ng <em>personal troubles <\/em>at <em>public issues<\/em> sabi ni C. Wright Mills. Wasto nga ito. Sa panahong mas nakakaengganyo ang magpakalango sa inuman kaysa makipamuhay sa mga manggagawa at magsasaka, panahon na rin ata para sa malalimang imbestigasyon sa papel ng edukasyon sa panlipunang transformasyon.<\/p>\n\n\n\n<p>Ayon kay Freire, ang edukasyon ay maaring maging instrumento ng pagpapasunod o pagpapalaya. Kung gayon, ang edukasyong nakakulong sa mundo ng teorya ay baog dahil nauuwi lang ito sa salsalan ng sinabi ng kung sino-sino. Bulag naman ang praktikang walang teorya dahil walang direksyong pinatutunguhan nito, at maaari pang makaligaw. Kaya nga ang panukala ni Freire ay edukasyong nagtatanong ukol sa problema (<em>problem-posing education)<\/em> kung saan nagsasalimbayan at nagtatagpo ang tanong at sagot\u2014ang teorya at praktika.<\/p>\n\n\n\n<p>Ito ang sosyolohiya, ang pag-aaral sa lipunan, na pinag-aaralan ni Kara.&nbsp;<\/p>\n\n\n\n<p>Isang sosyolohiya na naiintindihan ang <em>conflict theory<\/em> ni Marx sa paglahok sa mga piket at strike, nakita sa malapitan ang monopolyo ng lehitimong karahasan ng estado ayon kay Weber, natuklasan ang pagiging <em>social fact, <\/em>ayon kay Durkheim, ng mga batas na tagibang sa interes ng burgesya at ang pagiging instrumento ng makauring diktadura ng burges na estado at ang pangangailangang buwagin ito ani Lenin. Ibinabalik ni Kara ang isang sosyolohiya na hindi nahulog sa patibong ng relatibismo kundi naniniwala sa materyal na realidad habang may puwang sa <em>agency<\/em> ng indibidwal at organisadong hanay ng mga uri at kilusang panlipunan.<\/p>\n\n\n\n<p>Ang sosyolohiyang ito ang aral sa aresto nina Kara at Ka Larry. Ang akademya ay hindi na toreng garing, malayang palengke, o kulungan. Dapat ang akademya ay sityo ng pakikipagtunggali sa namamayaning kaayusan at gahum ng estado. Ang unibersidad, ani nga ni Bertolt Brecht, ay mga manggagawa at magsasaka ang kaguruan at ang mga kagaya nating kabataang gitnang-uri ay dapat bumitaw sa fantasya at yakapin ang realidad ng pag-aalsa.<\/p>\n\n\n\n<p>Marahil iyon din ang realidad na pumukaw sa serye ng mga pandaigdigang protesta ng mga estudyante noong 1968. Ang panawagan nila: <em>be realistic, demand the impossible.<\/em>&nbsp;<\/p>\n\n\n\n<p>Makatotohanan nga ang aktibismong iniluluwal ng paghahangad sa imposible. Nag-aanak ito ng tunggalian sa iba-ibang sityo ng makauring digma sa lipunan. At ang mga imposible\u2014tunay na reporma sa lupa, pambansang industriyalisasyon, pambansang soberanya, kinabukasan\u2014 ay nagiging posible sa paggigiit ng ating mga pangarap. Realistiko iyon hanggang may nakikibaka.<\/p>\n\n\n\n<p>Posible ang panlipunang pagbabago hangga&#8217;t may mga rebolusyonaryong gaya ni Kara.<\/p>\n\n\n\n<p class=\"has-small-font-size\">*<strong>Gahum<\/strong> \u2014 salin sa Filipino ng konseptong <em>hegemony <\/em>ni Antonio Gramsci na tumutukoy sa panlipunang dominasyon ng isang uring panlipunan gamit ang represyon at pagpapakalat ng mga ideyang <em>common sense <\/em>upang mapapayag ang mga inaapi sa kanilang pamumuno sa estado<\/p>\n\n\n\n<p><em>Featured image courtesy of Kilusang Mayo Uno<\/em><\/p>\n\n\n<div class=\"wp-block-image\">\n<figure class=\"aligncenter size-large\"><a href=\"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/03\/image-2.png\"><img decoding=\"async\" src=\"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/03\/image-2.png?w=73\" alt=\"\" class=\"wp-image-4005\" \/><\/a><\/figure>\n<\/div>","protected":false},"excerpt":{"rendered":"<p>Hindi imposible ang makulong. Para sa mga aktibista, katotohanan ito ng makauring digma.<\/p>\n","protected":false},"author":9,"featured_media":5454,"comment_status":"open","ping_status":"open","sticky":false,"template":"","format":"standard","meta":{"_jetpack_memberships_contains_paid_content":false,"footnotes":""},"categories":[9],"tags":[],"ppma_author":[122],"class_list":["post-5447","post","type-post","status-publish","format-standard","has-post-thumbnail","hentry","category-features"],"aioseo_notices":[],"jetpack_featured_media_url":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/10\/sinag-web-banner-9-1.png","jetpack-related-posts":[{"id":6876,"url":"https:\/\/sinag.press\/news\/2024\/10\/03\/bagong-lipunan-noon-bagong-pilipinas-ngayon\/","url_meta":{"origin":5447,"position":0},"title":"Bagong Lipunan Noon, Bagong Pilipinas Ngayon: Iisang Retorika, Parehong Pasista","author":"Princess Sacendoncillo","date":"3 October 2024","format":false,"excerpt":"Nang mapasakamay ng dating diktador na si Ferdinand Marcos Sr., ang Pilipinas,bahagi ng kanyang pagtatangka na hubugin ang lipunan ay ang pagpapatupad ng Batas Militar noong 1972, at ang paglulunsad ng kanyang propagandang \u201cBagong Lipunan\u201d. Ipinakilala bilang isang landas tungo sa maunlad at nagkakaisang lipunan \u2014 ngunit ang pagsasaayos ng\u2026","rel":"","context":"In &quot;Features&quot;","block_context":{"text":"Features","link":"https:\/\/sinag.press\/news\/category\/features\/"},"img":{"alt_text":"","src":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2024\/10\/fnztw1fC.jpg?resize=350%2C200&ssl=1","width":350,"height":200,"srcset":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2024\/10\/fnztw1fC.jpg?resize=350%2C200&ssl=1 1x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2024\/10\/fnztw1fC.jpg?resize=525%2C300&ssl=1 1.5x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2024\/10\/fnztw1fC.jpg?resize=700%2C400&ssl=1 2x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2024\/10\/fnztw1fC.jpg?resize=1050%2C600&ssl=1 3x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2024\/10\/fnztw1fC.jpg?resize=1400%2C800&ssl=1 4x"},"classes":[]},{"id":3002,"url":"https:\/\/sinag.press\/news\/2021\/11\/01\/si-ka-oris-at-ang-kinabukasan-ng-rebolusyon\/","url_meta":{"origin":5447,"position":1},"title":"Si Ka Oris at ang kinabukasan ng rebolusyon","author":"asmarfil","date":"1 November 2021","format":false,"excerpt":"Libo-libong Ka Oris pa ang isisilang ng lipunang ito. Maraming kabataan at estudyante ang reresolba sa kontradiksyon ng sarili o bayan, repormismo at rebolusyon, at namamayaning kaayusan o maalwang kinabukasan. \u201cAng rebolusyon ay pag-aari ng buong sambayanan.\u201d Ito ang paalala ni Ka Oris nang tanungin siya kung ano ang direksyon\u2026","rel":"","context":"In &quot;Features&quot;","block_context":{"text":"Features","link":"https:\/\/sinag.press\/news\/category\/features\/"},"img":{"alt_text":"","src":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2021\/11\/11-1.png?resize=350%2C200&ssl=1","width":350,"height":200,"srcset":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2021\/11\/11-1.png?resize=350%2C200&ssl=1 1x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2021\/11\/11-1.png?resize=525%2C300&ssl=1 1.5x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2021\/11\/11-1.png?resize=700%2C400&ssl=1 2x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2021\/11\/11-1.png?resize=1050%2C600&ssl=1 3x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2021\/11\/11-1.png?resize=1400%2C800&ssl=1 4x"},"classes":[]},{"id":1085,"url":"https:\/\/sinag.press\/news\/2021\/05\/03\/tagapagbalita-hindi-mga-teroristang-lalagot-sa-tanikala\/","url_meta":{"origin":5447,"position":2},"title":"Tagapagbalita, hindi mga teroristang lalagot sa tanikala","author":"emdeborja","date":"3 May 2021","format":false,"excerpt":"Dapat tayong sumulat upang magpaliwanag, magpakilos, at magpalaya! Dapat na nating kalagin ang tanikala at para tayo'y lumaya, hindi lang sa salita. Nakasalig ang mga mamamahayag sa hindi mapasusubaliang katotohanan\u2014ang karanasan ng sambayanan. Araw-araw nananatili ang panganib na nakaamba sa mga mamamahayag\u2014pamamaslang, paniniktik, pag-aresto, kaso, at pagpapatahimik ng estado. Ito\u2026","rel":"","context":"In &quot;Quick Pops&quot;","block_context":{"text":"Quick Pops","link":"https:\/\/sinag.press\/news\/category\/quick-pops\/"},"img":{"alt_text":"","src":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2021\/05\/nk.jpg?resize=350%2C200&ssl=1","width":350,"height":200,"srcset":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2021\/05\/nk.jpg?resize=350%2C200&ssl=1 1x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2021\/05\/nk.jpg?resize=525%2C300&ssl=1 1.5x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2021\/05\/nk.jpg?resize=700%2C400&ssl=1 2x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2021\/05\/nk.jpg?resize=1050%2C600&ssl=1 3x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2021\/05\/nk.jpg?resize=1400%2C800&ssl=1 4x"},"classes":[]},{"id":4140,"url":"https:\/\/sinag.press\/news\/2022\/03\/17\/pumailanlang-sa-walang-hanggang-pakikibaka-sama-samang-magtagumpay\/","url_meta":{"origin":5447,"position":3},"title":"Pumailanlang sa walang hanggang pakikibaka, sama-samang magtagumpay!","author":"Staff","date":"17 March 2022","format":false,"excerpt":"Saksi ang SINAG sa hungkag na mga proyektong \u201cpangkaunlaran\u201d at \u201ckapayapaan\u201d ng estado na iilan lamang ang nakikinabang. Binubunsod nito ang kaliwa\u2019t kanang demolisyon, bulok na edukasyon, pagpatay sa mga kritiko, katutubo, magsasaka, at manggagawa. Saksi ang SINAG sa hungkag na mga proyektong \u201cpangkaunlaran\u201d at \u201ckapayapaan\u201d ng estado na iilan\u2026","rel":"","context":"In &quot;Editorial&quot;","block_context":{"text":"Editorial","link":"https:\/\/sinag.press\/news\/category\/editorial\/"},"img":{"alt_text":"","src":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/03\/sinag-web-banner-1-5-1.png?resize=350%2C200&ssl=1","width":350,"height":200,"srcset":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/03\/sinag-web-banner-1-5-1.png?resize=350%2C200&ssl=1 1x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/03\/sinag-web-banner-1-5-1.png?resize=525%2C300&ssl=1 1.5x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/03\/sinag-web-banner-1-5-1.png?resize=700%2C400&ssl=1 2x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/03\/sinag-web-banner-1-5-1.png?resize=1050%2C600&ssl=1 3x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/03\/sinag-web-banner-1-5-1.png?resize=1400%2C800&ssl=1 4x"},"classes":[]},{"id":7265,"url":"https:\/\/sinag.press\/news\/2025\/11\/30\/nagngangalit-nag-aalab-at-nagpapalaya\/","url_meta":{"origin":5447,"position":4},"title":"Nagngangalit, nag-aalab, at nagpapalaya","author":"Staff","date":"30 November 2025","format":false,"excerpt":"Isinulat ng ika-57 na Editorial Board ng SINAG Nagpupuyos sa galit ang sambayanan. Mababakas ito sa mga sunud-sunod na protesta nitong mga nagdaang buwan. Kaliwa\u2019t kanang walkout ng mga estudyante sa iba\u2019t ibang mga pamantasan. Welga ng mga manggagawa sa mga pabrika. Tigil pasada ng mga tsuper at operator. Strike\u2026","rel":"","context":"In &quot;Editorial&quot;","block_context":{"text":"Editorial","link":"https:\/\/sinag.press\/news\/category\/editorial\/"},"img":{"alt_text":"","src":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2025\/11\/SINAG-NOVEMBER-EDITORIAL-WEBSITE-VERSION.png?resize=350%2C200&ssl=1","width":350,"height":200,"srcset":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2025\/11\/SINAG-NOVEMBER-EDITORIAL-WEBSITE-VERSION.png?resize=350%2C200&ssl=1 1x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2025\/11\/SINAG-NOVEMBER-EDITORIAL-WEBSITE-VERSION.png?resize=525%2C300&ssl=1 1.5x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2025\/11\/SINAG-NOVEMBER-EDITORIAL-WEBSITE-VERSION.png?resize=700%2C400&ssl=1 2x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2025\/11\/SINAG-NOVEMBER-EDITORIAL-WEBSITE-VERSION.png?resize=1050%2C600&ssl=1 3x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2025\/11\/SINAG-NOVEMBER-EDITORIAL-WEBSITE-VERSION.png?resize=1400%2C800&ssl=1 4x"},"classes":[]},{"id":1759,"url":"https:\/\/sinag.press\/news\/2021\/08\/23\/ang-rima-sa-pakikibaka-ni-kerima\/","url_meta":{"origin":5447,"position":5},"title":"Ang rima sa pakikibaka ni Kerima","author":"Staff","date":"23 August 2021","format":false,"excerpt":"Ang rebolusyon ay naratibo ng bayang nakikidigma. Bukas sa lahat na mag-ambag sa pagsusulat nito. Ang rebolusyon ay naratibo ng bayang nakikidigma. Bukas sa lahat na mag-ambag sa pagsusulat nito.\u00a0 Isa na rito si Kerima Lorena \u201cKa Ella\u201d Tariman, isang Pulang mandirigma ng New People\u2019s Army (NPA), lider ng Partido\u2026","rel":"","context":"In &quot;Features&quot;","block_context":{"text":"Features","link":"https:\/\/sinag.press\/news\/category\/features\/"},"img":{"alt_text":"","src":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2021\/08\/front-page178280-e1629649710701-620x420-1.jpg?resize=350%2C200&ssl=1","width":350,"height":200,"srcset":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2021\/08\/front-page178280-e1629649710701-620x420-1.jpg?resize=350%2C200&ssl=1 1x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2021\/08\/front-page178280-e1629649710701-620x420-1.jpg?resize=525%2C300&ssl=1 1.5x"},"classes":[]}],"jetpack_sharing_enabled":true,"authors":[{"term_id":122,"user_id":9,"is_guest":0,"slug":"csspsinag","display_name":"Staff","avatar_url":"https:\/\/secure.gravatar.com\/avatar\/194807626fee183640d3de57e788ba7c8c0d40bd86bfc1237bed56bcd3832c1b?s=96&d=mm&r=g","0":null,"1":"","2":"","3":"","4":"","5":"","6":"","7":"","8":""}],"_links":{"self":[{"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/5447","targetHints":{"allow":["GET"]}}],"collection":[{"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/posts"}],"about":[{"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/types\/post"}],"author":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/users\/9"}],"replies":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/comments?post=5447"}],"version-history":[{"count":0,"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/5447\/revisions"}],"wp:featuredmedia":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/media\/5454"}],"wp:attachment":[{"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/media?parent=5447"}],"wp:term":[{"taxonomy":"category","embeddable":true,"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/categories?post=5447"},{"taxonomy":"post_tag","embeddable":true,"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/tags?post=5447"},{"taxonomy":"author","embeddable":true,"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/ppma_author?post=5447"}],"curies":[{"name":"wp","href":"https:\/\/api.w.org\/{rel}","templated":true}]}}