{"id":5699,"date":"2023-01-18T20:36:57","date_gmt":"2023-01-18T12:36:57","guid":{"rendered":"https:\/\/csspsinag.wordpress.com\/?p=5699"},"modified":"2023-01-18T20:36:57","modified_gmt":"2023-01-18T12:36:57","slug":"ang-pagdepensa-ay-opensiba-rin","status":"publish","type":"post","link":"https:\/\/sinag.press\/news\/2023\/01\/18\/ang-pagdepensa-ay-opensiba-rin\/","title":{"rendered":"ANG PAGDEPENSA AY\u00a0OPENSIBA RIN"},"content":{"rendered":"\n<p>Hangga\u2019t hindi natutugunan ang mga batayang panawagan ng sambayanan, hindi maaapula ng anumang paninidak o pandarahas ang galit ng Unibersidad ng Pakikibaka. Sa harap ng kaliwa\u2019t-kanang pag-atake at patuloy na kawalan ng sapat na proteksyon laban sa panghihimasok sa mga akademikong espasyo, malinaw ang tungkulin ng nagkakaisang komunidad ng UP: ang pagdepensa ng ating hanay sa pamantasan at kalayaang akademiko nito ay isang opensiba sa maniobrang panunupil at pandarahas ng estado sa katotohanan at mga nagsisiwalat nito.<\/p>\n\n\n\n<!--more-->\n<!--noteaser-->\n\n\n\n<hr class=\"wp-block-separator has-alpha-channel-opacity is-style-wide\" \/>\n\n\n\n<p><strong>Hangga\u2019t hindi natutugunan ang mga batayang panawagan ng sambayanan, hindi maaapula ng anumang paninidak o pandarahas ang galit ng Unibersidad ng Pakikibaka. Sa harap ng kaliwa\u2019t-kanang pag-atake at patuloy na kawalan ng sapat na proteksyon laban sa panghihimasok sa mga akademikong espasyo, malinaw ang tungkulin ng nagkakaisang komunidad ng UP: ang pagdepensa ng ating hanay sa pamantasan at kalayaang akademiko nito ay isang opensiba sa maniobrang panunupil at pandarahas ng estado sa katotohanan at mga nagsisiwalat nito.<\/strong><\/p>\n\n\n\n<p>Noong Enero 18, 2021, makaisang-panig na pinutol ng gubyerno ang UP-DND Accord, kasunduang nagbabawal sa basta-bastang pagpasok at ng militar sa pamantasan. Sa kabila ng kasinungalingang itintuulak ni dating Department of National Defense Secretary Delfin Lorenzana na para ito sa seguridad ng estudyante, alam ng lahat ang tunay na dahilan ng pagbuwag: markado ang UP sa mata ng estado&nbsp; \u2013 bulwagan ng aktibismo, kaya kaaway ng pahirap na gobyerno.&nbsp;<\/p>\n\n\n\n<p>BInuwag ang UP-DND Accord upang patahimikin ang unibersidad. Ngunit papalakas lamang nang papalakas ang rebolusyonaryong diwa ng UP. Ipinagtatanggol pa rin ng buong komunidad ang pamantasan, at nakikibaka pa rin ito para mapaglingkuran ang sambayanan.&nbsp;<\/p>\n\n\n\n<p>Dalawang taon matapos buwagin ang kasunduan, lumalala lamang ang mga pag-atake sa loob at labas ng pamantasan. Sa dalawang taong ito, ilang beses nakapasok ang mga militar sa loob ng mga kampus upang tiktikan at paratangan ang mga progresibong indibidwal at organisasyon. Gayundin, ilang halimbawa lamang ang mga gawa-gawang kaso sa Tinang 83 at kina Kara Taggaoa ng panggigipit ng estado. Kasama din dito ang mga produkto ng pamantasan na walang-awang pinaslang sa ilalim ng madudugong mga rehimen nina Duterte at Marcos.&nbsp;<\/p>\n\n\n\n<p>Malaking banta sa seguridad ng komunidad ng UP ang patuloy na kawalan ng matibay na kasunduan laban sa militarisasyon ng kampus. Tiyak, sa paglakas ng kilusang kabataan at pagka-desperado ng palpak na estado, sa karahasan na naman kakapit ang mga berdugong nakaupo. Ngayon pa lang, dapat nang siguruhin na matibay ang depensa ng pamantasan.<\/p>\n\n\n\n<p>Tumindi rin ang mga pag-atake sa mga pahayagang pang-kampus. Sa huling dalawang taon, lalong pinuntirya ng mga troll at ahente ng estado ang SINAG, kasama ng buong UP Solidaridad.&nbsp; Panrered-tag at pagbabanta sa buhay ang isinukli ng estado sa kritikal na pamamahayag.&nbsp;<\/p>\n\n\n\n<p>Dahil sa pagbuwag ng UP-DND Accord, itinatay ng mga mamamahayg ng UP ang kanilang mga buhay sa bawat artikulong isinusulat nila. Hangga\u2019t hindi tuluyang napalalayas ang militar sa pamantasan, hindi tunay na malaya ang mga pahayagang pang-kampus.&nbsp;<\/p>\n\n\n\n<p>Sa ilalim ng isa na namang rehimeng Marcos, mas lalong dapat itaas ang mga barikada at ipagtanggol ang pamantasan. Sa loob ng huling mga linggo, kitang-kita na wala siyang pinag-iba sa berdugong Duterte at ama niyang diktador. Basta-basta na lamang dinudukot ang mga aktibista gaya nina Dyan Gumanao at Armand Dayoha sa Cebu. Minamanmanan din ang mga progresibong organisasyon katulad ng Anakbayan na nilooban kamakailan. Kasabay ng lahat ng ito, niraratsada ang nakakubling mandatory ROTC na hahayaan lamang ang mga militar na lalong manghimasok sa kampus.&nbsp;<\/p>\n\n\n\n<p>Sa kabila ng lahat ng ito, wala tayong magagawa kundi tibayan ang hanay at palakasin pa ang pagbalikwas.&nbsp;<\/p>\n\n\n\n<p>Hindi dapat tayo magpatinag sa ating pagtatanggol sa pamantasan at kalayaang pang-akademiko. Dapat palakasin ang panawagan na wakasan na ang pag-atake sa unibersidad at palayasin ang mga nagtatangkang manghimasok sa mga akademikong espasyo. Lalo pa nating igit ang agarang pagsasabatas ng House Bill No. 1154 at Senate Bill No. 737, parehong naglalayon na pagtibayin ang UP-DND Accord sa mismong UP Charter.&nbsp;&nbsp;<\/p>\n\n\n\n<p>Higit pa dito, dapat nating kilalanin na inaatake ang UP dahil sa pakiisa nito sa mas malawak na pakikibaka ng taumbayan. Hangga\u2019t naghihirap pa rin ang sambayanan, hindi titigil sa pagbalikwas ang unibersidad, at hindi titigil ang estado sa pagpuntirya dito. Kaya naman ang pinakamabisang paraan ng pagtatanggol sa UP ay ang ubos-lakas na pagbalikwas sa lahat ng kabalastugan ng rehimeng Marcos-Duterte at tunay na pagtupad sa mandatong magsilbi bilang UP \u2013 Unibersidad ng Pakikibaka at University of the People.<\/p>\n\n\n<div class=\"wp-block-image\">\n<figure class=\"aligncenter size-large\"><a href=\"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/03\/image-2.png\"><img decoding=\"async\" src=\"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/03\/image-2.png?w=73\" alt=\"\" class=\"wp-image-4005\" \/><\/a><\/figure>\n<\/div>","protected":false},"excerpt":{"rendered":"<p>Hangga\u2019t hindi natutugunan ang mga batayang panawagan ng sambayanan, hindi maaapula ng anumang paninidak o pandarahas ang galit ng Unibersidad ng Pakikibaka. Sa harap ng kaliwa\u2019t-kanang pag-atake at patuloy na kawalan ng sapat na proteksyon laban sa panghihimasok sa mga akademikong espasyo, malinaw ang tungkulin ng nagkakaisang komunidad ng UP: ang pagdepensa ng ating hanay [&hellip;]<\/p>\n","protected":false},"author":9,"featured_media":5702,"comment_status":"open","ping_status":"open","sticky":false,"template":"","format":"standard","meta":{"_jetpack_memberships_contains_paid_content":false,"footnotes":""},"categories":[1],"tags":[],"ppma_author":[122],"class_list":["post-5699","post","type-post","status-publish","format-standard","has-post-thumbnail","hentry","category-uncategorized"],"aioseo_notices":[],"jetpack_featured_media_url":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2023\/01\/dsc_0346-2-1-scaled.jpg","jetpack-related-posts":[{"id":5933,"url":"https:\/\/sinag.press\/news\/2023\/03\/11\/rumaragasang-paglaban-ang-sagot-sa-rumaragasang-krisis\/","url_meta":{"origin":5699,"position":0},"title":"Rumaragasang paglaban ang sagot sa rumaragasang krisis","author":"Staff","date":"11 March 2023","format":false,"excerpt":"Rumaragasang krisis panlipunan ang dulot ng kapalpakan ng mga mandarambong sa gubyerno na sinagupa ng mga welgistang tsuper, at hindi na ito mapagtatakpan ng kanilang pandarahas at panloloko.\u00a0\u00a0 Dapat lamang silang matakot, dahil napatunayan na ng kasaysayan \u2013 at patutunayan muli ngayon \u2013 na ang lumalawak at lumalakas na hanay\u2026","rel":"","context":"In &quot;Editorial&quot;","block_context":{"text":"Editorial","link":"https:\/\/sinag.press\/news\/category\/editorial\/"},"img":{"alt_text":"","src":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2023\/03\/img_0786-1-scaled.jpg?resize=350%2C200&ssl=1","width":350,"height":200,"srcset":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2023\/03\/img_0786-1-scaled.jpg?resize=350%2C200&ssl=1 1x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2023\/03\/img_0786-1-scaled.jpg?resize=525%2C300&ssl=1 1.5x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2023\/03\/img_0786-1-scaled.jpg?resize=700%2C400&ssl=1 2x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2023\/03\/img_0786-1-scaled.jpg?resize=1050%2C600&ssl=1 3x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2023\/03\/img_0786-1-scaled.jpg?resize=1400%2C800&ssl=1 4x"},"classes":[]},{"id":4963,"url":"https:\/\/sinag.press\/news\/2022\/07\/17\/si-marcos-ang-dapat-makinig\/","url_meta":{"origin":5699,"position":1},"title":"Si Marcos ang dapat makinig!","author":"Staff","date":"17 July 2022","format":false,"excerpt":"Araw-araw na lamang ay sinasagad ng kapulisan ang kanilang kabobohan. Ani Maj. Gen. Valeriano de Leon, dapat makinig na lang daw ang mga kritiko ni Marcos Jr. sa kanyang mga plano, ano man ang ibig sabihin nito, na magsisilbing direksyon ng bansa sa anim na taon (o higit pa) ng\u2026","rel":"","context":"In &quot;Opinion&quot;","block_context":{"text":"Opinion","link":"https:\/\/sinag.press\/news\/category\/opinion\/"},"img":{"alt_text":"","src":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/07\/sinag-web-banner-8-1.png?resize=350%2C200&ssl=1","width":350,"height":200,"srcset":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/07\/sinag-web-banner-8-1.png?resize=350%2C200&ssl=1 1x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/07\/sinag-web-banner-8-1.png?resize=525%2C300&ssl=1 1.5x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/07\/sinag-web-banner-8-1.png?resize=700%2C400&ssl=1 2x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/07\/sinag-web-banner-8-1.png?resize=1050%2C600&ssl=1 3x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/07\/sinag-web-banner-8-1.png?resize=1400%2C800&ssl=1 4x"},"classes":[]},{"id":6217,"url":"https:\/\/sinag.press\/news\/2023\/09\/30\/bumalikwas-sa-bangungot-ng-bagong-batas-militar\/","url_meta":{"origin":5699,"position":2},"title":"Bumalikwas sa bangungot ng bagong batas militar","author":"Staff","date":"30 September 2023","format":false,"excerpt":"Sa likod ng tabing ng pagmamaang-maangan at mga palamuti ng demokrasya, taglay pa rin ng rehimeng US-Marcos-Duterte ang parehong bangis ng mga desperadong diktador na kapit-tuko sa kapangyarihan. Hindi na lamang alaala ang Batas Militar; buhay na buhay itong bangungot, kaya kailangan na rin nating bumangon mula sa ating pagkakahimbing.\u00a0\u2026","rel":"","context":"In &quot;Editorial&quot;","block_context":{"text":"Editorial","link":"https:\/\/sinag.press\/news\/category\/editorial\/"},"img":{"alt_text":"","src":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2023\/09\/dsc_0836-1-scaled.jpg?resize=350%2C200&ssl=1","width":350,"height":200,"srcset":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2023\/09\/dsc_0836-1-scaled.jpg?resize=350%2C200&ssl=1 1x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2023\/09\/dsc_0836-1-scaled.jpg?resize=525%2C300&ssl=1 1.5x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2023\/09\/dsc_0836-1-scaled.jpg?resize=700%2C400&ssl=1 2x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2023\/09\/dsc_0836-1-scaled.jpg?resize=1050%2C600&ssl=1 3x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2023\/09\/dsc_0836-1-scaled.jpg?resize=1400%2C800&ssl=1 4x"},"classes":[]},{"id":5297,"url":"https:\/\/sinag.press\/news\/2022\/09\/22\/pakikibaka-ang-nagpapanday-ng-golden-age\/","url_meta":{"origin":5699,"position":3},"title":"Pakikibaka ang nagpapanday ng Golden Age","author":"Staff","date":"22 September 2022","format":false,"excerpt":"Tama naman ang mga Marcos \u2013 binuo nga ng Batas Militar ang isang \u201cgolden age\u201d, at muli itong bubuuin ng kanilang pandarambong at pandarahas sa ilalim ni Bongbong. Tama naman ang mga Marcos \u2013 binuo nga ng Batas Militar ang isang \u201cgolden age\u201d, at muli itong bubuuin ng kanilang pandarambong\u2026","rel":"","context":"In &quot;Opinion&quot;","block_context":{"text":"Opinion","link":"https:\/\/sinag.press\/news\/category\/opinion\/"},"img":{"alt_text":"","src":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/09\/sinag-web-banner-5-1.png?resize=350%2C200&ssl=1","width":350,"height":200,"srcset":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/09\/sinag-web-banner-5-1.png?resize=350%2C200&ssl=1 1x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/09\/sinag-web-banner-5-1.png?resize=525%2C300&ssl=1 1.5x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/09\/sinag-web-banner-5-1.png?resize=700%2C400&ssl=1 2x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/09\/sinag-web-banner-5-1.png?resize=1050%2C600&ssl=1 3x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/09\/sinag-web-banner-5-1.png?resize=1400%2C800&ssl=1 4x"},"classes":[]},{"id":7265,"url":"https:\/\/sinag.press\/news\/2025\/11\/30\/nagngangalit-nag-aalab-at-nagpapalaya\/","url_meta":{"origin":5699,"position":4},"title":"Nagngangalit, nag-aalab, at nagpapalaya","author":"Staff","date":"30 November 2025","format":false,"excerpt":"Isinulat ng ika-57 na Editorial Board ng SINAG Nagpupuyos sa galit ang sambayanan. Mababakas ito sa mga sunud-sunod na protesta nitong mga nagdaang buwan. Kaliwa\u2019t kanang walkout ng mga estudyante sa iba\u2019t ibang mga pamantasan. Welga ng mga manggagawa sa mga pabrika. Tigil pasada ng mga tsuper at operator. Strike\u2026","rel":"","context":"In &quot;Editorial&quot;","block_context":{"text":"Editorial","link":"https:\/\/sinag.press\/news\/category\/editorial\/"},"img":{"alt_text":"","src":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2025\/11\/SINAG-NOVEMBER-EDITORIAL-WEBSITE-VERSION.png?resize=350%2C200&ssl=1","width":350,"height":200,"srcset":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2025\/11\/SINAG-NOVEMBER-EDITORIAL-WEBSITE-VERSION.png?resize=350%2C200&ssl=1 1x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2025\/11\/SINAG-NOVEMBER-EDITORIAL-WEBSITE-VERSION.png?resize=525%2C300&ssl=1 1.5x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2025\/11\/SINAG-NOVEMBER-EDITORIAL-WEBSITE-VERSION.png?resize=700%2C400&ssl=1 2x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2025\/11\/SINAG-NOVEMBER-EDITORIAL-WEBSITE-VERSION.png?resize=1050%2C600&ssl=1 3x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2025\/11\/SINAG-NOVEMBER-EDITORIAL-WEBSITE-VERSION.png?resize=1400%2C800&ssl=1 4x"},"classes":[]},{"id":7262,"url":"https:\/\/sinag.press\/news\/2025\/11\/29\/mga-iskolar-ng-bayan-muling-lumiban-sa-klase-at-nagprotesta-laban-sa-korapsyon\/","url_meta":{"origin":5699,"position":5},"title":"Mga Iskolar ng Bayan Muling Lumiban sa Klase at Nagprotesta Laban sa Korapsyon","author":"Staff","date":"29 November 2025","format":false,"excerpt":"Isinulat nila Lance Navarra at Chloe Gascon Mga Iskolar ng Bayan Muling Lumiban sa Klase at Nagprotesta Laban sa Korapsyon Muling nagmartsa ang mga Iskolar ng Bayan noong Nobyembre 21 patungo sa tarangkahan ng Mendiola, kasama ang iba pang batayang sektor, upang ipanawagan ang kagyat na aksyon ng administrasyong Marcos\u2026","rel":"","context":"In &quot;News&quot;","block_context":{"text":"News","link":"https:\/\/sinag.press\/news\/category\/news\/"},"img":{"alt_text":"","src":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2025\/11\/26-scaled.png?resize=350%2C200&ssl=1","width":350,"height":200,"srcset":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2025\/11\/26-scaled.png?resize=350%2C200&ssl=1 1x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2025\/11\/26-scaled.png?resize=525%2C300&ssl=1 1.5x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2025\/11\/26-scaled.png?resize=700%2C400&ssl=1 2x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2025\/11\/26-scaled.png?resize=1050%2C600&ssl=1 3x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2025\/11\/26-scaled.png?resize=1400%2C800&ssl=1 4x"},"classes":[]}],"jetpack_sharing_enabled":true,"authors":[{"term_id":122,"user_id":9,"is_guest":0,"slug":"csspsinag","display_name":"Staff","avatar_url":"https:\/\/secure.gravatar.com\/avatar\/194807626fee183640d3de57e788ba7c8c0d40bd86bfc1237bed56bcd3832c1b?s=96&d=mm&r=g","0":null,"1":"","2":"","3":"","4":"","5":"","6":"","7":"","8":""}],"_links":{"self":[{"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/5699","targetHints":{"allow":["GET"]}}],"collection":[{"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/posts"}],"about":[{"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/types\/post"}],"author":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/users\/9"}],"replies":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/comments?post=5699"}],"version-history":[{"count":0,"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/5699\/revisions"}],"wp:featuredmedia":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/media\/5702"}],"wp:attachment":[{"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/media?parent=5699"}],"wp:term":[{"taxonomy":"category","embeddable":true,"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/categories?post=5699"},{"taxonomy":"post_tag","embeddable":true,"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/tags?post=5699"},{"taxonomy":"author","embeddable":true,"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/ppma_author?post=5699"}],"curies":[{"name":"wp","href":"https:\/\/api.w.org\/{rel}","templated":true}]}}