{"id":5962,"date":"2023-03-18T20:03:53","date_gmt":"2023-03-18T12:03:53","guid":{"rendered":"https:\/\/csspsinag.wordpress.com\/?p=5962"},"modified":"2023-03-18T20:03:53","modified_gmt":"2023-03-18T12:03:53","slug":"punto-por-punto-walang-dahilan-para-isantabi-ang-kasaysaysayan-ng-rotc","status":"publish","type":"post","link":"https:\/\/sinag.press\/news\/2023\/03\/18\/punto-por-punto-walang-dahilan-para-isantabi-ang-kasaysaysayan-ng-rotc\/","title":{"rendered":"Hindi maisasantabi ang madugong kasaysayan ng ROTC"},"content":{"rendered":"\n<p>Pilit na ibinabaon sa limot ng mga nagsusulong ng Mandatory ROTC kung paanong naging pugad lamang ito ng karahasan. Ngunit kaya nga bang tabunan ng kanilang mga dahilan ang madugo nitong nakaraan?<\/p>\n\n\n\n<!--more-->\n<!--noteaser-->\n\n\n\n<hr class=\"wp-block-separator has-alpha-channel-opacity is-style-wide\" \/>\n\n\n\n<figure class=\"wp-block-image size-large is-resized\"><a href=\"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2023\/02\/screen-shot-2023-02-19-at-8.12.02-pm.png\"><img loading=\"lazy\" decoding=\"async\" src=\"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2023\/02\/screen-shot-2023-02-19-at-8.12.02-pm.png?w=1024\" alt=\"\" class=\"wp-image-5854\" width=\"295\" height=\"128\" \/><\/a><\/figure>\n\n\n\n<p>Pilit na ibinabaon sa limot ng mga nagsusulong ng Mandatory ROTC kung paanong naging pugad lamang ito ng karahasan. Ngunit kaya nga bang tabunan ng kanilang mga dahilan ang madugo nitong nakaraan?&nbsp;<\/p>\n\n\n\n<p>Ngayong araw, 22 taon na nang patayin ng mga kadete ng Reserve Officers Training Course (ROTC)\u00a0 si\u00a0 Mark Welson Chua, isang 19-taong gulang na estudyante ng University of Santo Tomas. Isiniwalat ni Chua, kasama ng isa niya pang kapwa kadete, sa isang artikulo ng The Varsitarian ang korupsiyon at hazing sa ROTC.\u00a0 Nailathala ang artikulo noong Pebrero 21, 2022, at nagbunga ito sa pagtanggal kay UST-ROTC commandant Maj. Demy Tejares at iba pang opisyal.\u00a0<\/p>\n\n\n\n<p>Wala pang isang buwan matapos mailathala ang artikulo, noong Marso 16, nakatanggap ng tawag ang kanyang ama kung saan may humihingi umano ng 3 million peso na pantubos kapalit ng buhay ng binata. Pagdating ng Marso 19, iniulat na ng isang dyaryo ang nabubulok na katawan ng isang hindi makilalang lalaki sa ilog Pasig. Ilang linggo matapos ang nangyari, lumitaw ang ilang mga saksi at sinabing mga \u201ctila-sundalo\u201d na naka-\u201dcrew cut\u201d ang huling nakita kasama ang bangkay. Tatlong taon matapos, hinatulan ng isang korte sa Manila si ROTC cadet Arnulfo Aparri Jr. ng kamatayan na naging panghabang buhay na pagkakulong dahil sa pagtanggal sa death penalty noong 2006.&nbsp;<\/p>\n\n\n\n<p>Dahil dito, at sa marami pang ibang naitalang kaso, tinanggal na ang pagiging sapilitan ng ROTC.<\/p>\n\n\n\n<p>Noong nakaraang Disyembre 2022, inaprubahan ng House of Representatives ang panukalang muling pipilitin ang mga estudyante ng kolehiyo na sumailalim sa National Citizens Service Training, nagkukubling Reserved Officers Training\u2019 Corps o ROTC.<\/p>\n\n\n\n<p>Sa Senado naman, hindi na sila nahiyang tawagin itong Mandatory ROTC; tahasang itinutulak ng mga kaalyado ng administrasyon sa Senado ang pagbabalik ng sapilitang pagsasanay na mala-militar sa kabila ng kasaysayan nito ng karahasan. Malinaw pa ngang isinantabi ang boses ng kabataan na halos ayaw paupuin sa mga pagdinig ng panukala sa Senado.<\/p>\n\n\n\n<p>BASAHIN: https:\/\/sinag.press\/news\/2023\/01\/24\/anti-student-anti-youth-bato-is-afraid-of-being-exposed-nusp\/<\/p>\n\n\n\n<p>Tila kinalimutan na ang madugong kapalaran ni Mark Chua. Anu-ano nga ba ang mga argumentong pinanghuhugutan ng mga Kongresista\u2019t Senador para burahin ang kanyang pangalan?&nbsp;<\/p>\n\n\n\n<p><strong>#1. Mapapalakas ng ROTC ang pagtugon sa kalamidad<\/strong><\/p>\n\n\n\n<p>Iginigiit ng mga nagtutulak ng Mandatory ROTC, hindi naman talaga ito tungkol sa militarisasyon; sa bagong porma ng batas, mas bibigyang-diin daw ang mga gawain tulad ng pagtulong sa mga komunidad na masasalanta ng matitinding kalamidad katulad ng lindol at bagyo.&nbsp;<\/p>\n\n\n\n<p>Ngunit, kung hindi naman militarisasyon ang pangunahing pakay, bakit pa kailangang idaan sa Mandatory ROTC, at bakit kailangang sapilitang ipasailalim ang mga estudyante sa institusyong may mahabang kasaysayan ng karahasan? Maliban pa sa ginawa ng mga kadete kay Chua, marami pang kaso \u2013 naitala man o hindi \u2013 ng pisikal at sikolohikal na pang-aabuso dahil sa ROTC., at maging sa ibang antas ng pagsasanay-militar. Bakit pa bibigyan ng bagong dahilan ang mga militar na manghimasok sa mga kampus \u2013 na palagi nilang ginagamit upang maniktik at manindak ng mga progresibong indibidwal at pormasyon \u2013 kung disaster response lamang ang nais nilang ituro?<\/p>\n\n\n\n<p>Higit pa rito, ito na rin naman ang itinuturo ng National Service Training Program. Sa pagtatapos ng NSTP, nagiging bahagi ang mga estudyante ng National Service Reserve Corps, na tutugon sa parehong gawain kahit wala sa kamay ng militar. Hindi ba\u2019t dapat, kung nais sanayin ang mga estudyante sa mga gawaing hindi para sa militar, dapat pang palawigin ang NSTP imbis na ibalik lamang ito sa ROTC?&nbsp;<\/p>\n\n\n\n<p><strong>#2 Ang ibang bansa tulad ng United States, Russia, China, atbp. ay may maunlad na militar dahil sa military training\u2014uubra rin ito sa Pilipinas.<\/strong><\/p>\n\n\n\n<p>Ayon sa Philippine News Agency noong 2019, tinitingala umano ng \u201ckahit sinumang tao sa mundo\u201d ang kultura ng militar dahil sa angking disiplina at responsibilidad na meron ito. Base sa isang Business Insider Report, kabilang ang United States, Russia, China, at iba pang mayayamang bansa sa may pinakamakapangyarihang ng militar sa buong mundo.<\/p>\n\n\n\n<p>Giit ng mga nagtutulak ng ROTC, dahil ito sa agresibong paggawa ng <em>citizen assets <\/em>kung saan partisipasyon mula sa mga kabataan ay makikita. Dagdag pa, ang military training ay nakakapagturo sa mga kabataan at inihahanda sila bilang mabuting mamamayan. Dahil dito, ang mga bansang may malakas na pundasyon ng militar ay maliit ang tyansa na lusubin ng ibang nasyon-estado o mga grupo.&nbsp;<\/p>\n\n\n\n<p>Maunlad ang militar ng ibang bansa hindi dahil sa pagkakaroon ng maagang military training; bilyon-bilyong dolyar ang ibinubuhos nila para dito. Noong 2021, $801 bilyon ang ginastos ng US para sa kanilang militar, habang $293.4 bilyon naman ang ginastos ng China. Sa Pilipinas, $4.09 bilyon lamang ang nakalaan \u2014 malaki na nga ito, gayong hindi mapondohan ng gobyerno ang edukasyon at batayang serbisyo. Ano namang magagawa ng mandatory ROTC kung ang ipantatapat natin sa pinakabagong mga armas sa mundo ay mga pinaglumaang eroplano\u2019t nangangalawang na baril?<\/p>\n\n\n\n<p>Kung nais talaga nating itaboy ang gyera, hindi sagot ang pagpapalala ng militarisasyon. Mas mahalaga ang pagbalikwas sa nakasanayang polisiyang panlabas at pagtutol sa lumalalang presensiya ng mga sundalo ng US sa bansa. Ngayong nais magtayo ng limang bagong base para sa US at ikakasa ang pinakamalaking Balikatan \u2014 pagsasanay ng mga sundalo ng US at Pilipinas, hindi ba\u2019t lalo itong naghahamon ng gyerang hindi natin kakayanin, may MROTC man o wala?<\/p>\n\n\n\n<p><strong>#3 Sinusulong ng Mandatory ROTC ang nasyonalismo sa mga kabataan<\/strong><\/p>\n\n\n\n<p>Isinaad ni dating PNP Chief Gen. Oscar Albayalde noong 2019&nbsp; na ang programa ng ROTC ay, \u201cdinisenyo upang magtayo ng matibay na pundasyon na magtatanim ng patriotismo at nasyonalismo sa isip ng mga kabataan.\u201d&nbsp;<\/p>\n\n\n\n<p>Ngunit ano bang patriyotismo at nasyonalismo ang itinutulak ng Mandatory ROTC?&nbsp; Kasabay ba ng patriotismo at nasyonalismo na ito ay ang pagbubulag-bulagan sa totoong kalagayan ng bansa at pagiging sunod-sunuran sa isang pasistang rehimen?&nbsp;<\/p>\n\n\n\n<p>Sa mismong kaso pa lamang ni Chua, kitang-kita na ito: kung paanong ang nais na ikintal na disiplina ng Mandatory ROTC ay pagtahimik sa harap ng kamalian ng nakatataas. \u201cWhat you see, what you hear, when you leave, leave it here,\u201d ika nga.&nbsp;<\/p>\n\n\n\n<p>Kaya nga wala sa sapilitang mala-militar na pagsasanay ang pagiging makabayan, kundi sa pagbalik sa kasaysayan. Kung nais nating magkaroon ng patriyotikong kabataan, dapat magbalik-tanaw at ipakita sa mga estudyante kung paanong dugo\u2019t buhay ang pumanday sa ating bansa. Kung nais nating lumikha ng kabataang magiging tunay na pag-asa ng bayan, mas dapat bigyan ng oras ang pag-aaral ng kasaysayan at agham panlipunan.<\/p>\n\n\n\n<p>Sabi nga ni Dr. Chester Cabalza, eksperto sa national security mula sa UP Department of Anthropology, \u201cPatriotism and nationalism should be embedded in our education, not military training.\u201d<\/p>\n\n\n\n<p>BASAHIN: https:\/\/sinag.press\/news\/2022\/07\/27\/nationalism-in-education-not-military-training\/<\/p>\n\n\n\n<p>Kaya naman, huwad na nasyonalismo ang ipinaglalaban ng MROTC. Aanhin pa ng kabataan ang nasyonalismo kung huhubuguin lamang sila ng bulok na sistema nito na maging tuta ng mga elitista at mapagmalabis na uri? Sa tunay na pagiging makabayan, interes ng masang-api na kanilang dapat paglingkuran at protektahan.<\/p>\n\n\n\n<p>Sa gitna ng matinding krisis sa edukasyon, pagsasayang lamang ng badyet ang MROTC na wala namang magagawa para tugunan ito. Imbes na ROTC, dapat paglaanan ng pondo ang mga pag-aaral ng mga programa sa kolehiyo at ang mga estudyanteng hindi nga makatungtong dito dahil sa hirap ng buhay.&nbsp;<\/p>\n\n\n\n<p>BASAHIN: https:\/\/sinag.press\/news\/2023\/02\/04\/pagtutol-sa-mandatory-rotc-pinagdiinan-sa-ika-54-na-gasc\/<\/p>\n\n\n\n<p>Sa kabila ng kaliwa\u2019t kanang problema sa presyo ng mga bilihin, modernisasyon ng mga dyip, at patuloy na pagkakaroon ng mababang sahod ng mga manggagawa, hindi na dapat ito hayaang dumagdag pa sa kalbaryo na pasan-pasan ng sambayanang Pilipino.<\/p>\n\n\n\n<p>Ang Mandatory ROTC Program ay nagbabalatkayo lamang bilang isang progresibo, demokratiko, at nasyonalistikong adhikain, ngunit ang katotohanan ay isa itong makinarya ng gobyerno na patuloy na pahihirapan ang masang-api. Palalalain lamang nito ang kultura ng dahas at impunidad na nagsisilbing tabing ng mga kampon nina Marcos at Duterte.<\/p>\n\n\n\n<p>Walang laman ang mga dahilang inihahain ng estado para pumabor sa Mandatory ROTC at isantabi ang marahas na nakaraan nito. Ang tunay na makabayang gawin ay hindi ang pagbubulag-bulagan sa ilalim ng sapiliaing pagsasanay ng militar, kundi pagtutol sa Mandatory ROTC at pagtiyak na hindi na ito makalilikha ng mga bagong Mark Welson Chua.<\/p>\n\n\n\n<p><em>Mula ang larawan sa The Varsitarian<\/em><\/p>\n\n\n<div class=\"wp-block-image\">\n<figure class=\"aligncenter size-large\"><a href=\"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/03\/image-2.png\"><img decoding=\"async\" src=\"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/03\/image-2.png?w=73\" alt=\"\" class=\"wp-image-4005\" \/><\/a><\/figure>\n<\/div>","protected":false},"excerpt":{"rendered":"<p>Pilit na ibinabaon sa limot ng mga nagsusulong ng Mandatory ROTC kung paanong naging pugad lamang ito ng karahasan. Ngunit kaya nga bang tabunan ng kanilang mga dahilan ang madugo nitong nakaraan?<\/p>\n","protected":false},"author":9,"featured_media":5964,"comment_status":"open","ping_status":"open","sticky":false,"template":"","format":"standard","meta":{"_jetpack_memberships_contains_paid_content":false,"footnotes":""},"categories":[13],"tags":[],"ppma_author":[122],"class_list":["post-5962","post","type-post","status-publish","format-standard","has-post-thumbnail","hentry","category-opinion"],"aioseo_notices":[],"jetpack_featured_media_url":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2023\/03\/mark-chua-sm.jpg","jetpack-related-posts":[{"id":5058,"url":"https:\/\/sinag.press\/news\/2022\/07\/27\/nationalism-in-education-not-military-training\/","url_meta":{"origin":5962,"position":0},"title":"&#8220;Nationalism in education, not military training&#8221;","author":"Staff","date":"27 July 2022","format":false,"excerpt":"\"We cannot compel minors to undergo military training. Not all students have that intention to become military soldiers\u2026 Patriotism and nationalism should be embedded in our education, not military training.\u201d Dr. Chester Cabalza, National security expert at instruktor sa UPD Department of Anthropology; sa pagpapatupad ng sapilitang ROTC sa senior\u2026","rel":"","context":"In &quot;Others&quot;","block_context":{"text":"Others","link":"https:\/\/sinag.press\/news\/category\/others\/"},"img":{"alt_text":"","src":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/07\/sinag-web-banner-19-1.png?resize=350%2C200&ssl=1","width":350,"height":200,"srcset":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/07\/sinag-web-banner-19-1.png?resize=350%2C200&ssl=1 1x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/07\/sinag-web-banner-19-1.png?resize=525%2C300&ssl=1 1.5x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/07\/sinag-web-banner-19-1.png?resize=700%2C400&ssl=1 2x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/07\/sinag-web-banner-19-1.png?resize=1050%2C600&ssl=1 3x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/07\/sinag-web-banner-19-1.png?resize=1400%2C800&ssl=1 4x"},"classes":[]},{"id":5805,"url":"https:\/\/sinag.press\/news\/2023\/02\/04\/pagtutol-sa-mandatory-rotc-pinagdiinan-sa-ika-54-na-gasc\/","url_meta":{"origin":5962,"position":1},"title":"Pagtutol sa Mandatory ROTC, pinagdiinan sa ika-54 na GASC","author":"Staff","date":"4 February 2023","format":false,"excerpt":"Wala sa pang-masang linya ang prayoridad ng administrasyong Marcos sa sektor ng edukasyon. Pinagtibay ito ng mga konseho sa ginanap na ika-54 na General Assembly of Student Councils (GASC) sa UP Cebu nang kanilang ipasa ang Resolution no. 2023-019 na malawakang ikinakampanya ang pagtutol ng komunidad ng UP sa pagbabalik\u2026","rel":"","context":"In &quot;Features&quot;","block_context":{"text":"Features","link":"https:\/\/sinag.press\/news\/category\/features\/"},"img":{"alt_text":"","src":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2023\/02\/dsc_0344-1.png?resize=350%2C200&ssl=1","width":350,"height":200,"srcset":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2023\/02\/dsc_0344-1.png?resize=350%2C200&ssl=1 1x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2023\/02\/dsc_0344-1.png?resize=525%2C300&ssl=1 1.5x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2023\/02\/dsc_0344-1.png?resize=700%2C400&ssl=1 2x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2023\/02\/dsc_0344-1.png?resize=1050%2C600&ssl=1 3x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2023\/02\/dsc_0344-1.png?resize=1400%2C800&ssl=1 4x"},"classes":[]},{"id":2460,"url":"https:\/\/sinag.press\/news\/2021\/09\/21\/diktadurya-sa-likod-ng-huwad-na-demokrasya\/","url_meta":{"origin":5962,"position":2},"title":"Diktadurya sa Likod ng Huwad na Demokrasya","author":"Staff","date":"21 September 2021","format":false,"excerpt":"Apatnapu\u2019t siyam na taon matapos ang deklarasyon ng karumal-dumal na Batas Militar ng diktador na si Ferdinand Marcos, hindi na muling nakaranas pa ang Pilipinas ng kasinlala o mas masahol pang Martial Law sa kasaysayan nito. Ito ay dahil ang despotismo, paggawa ng krimen, at ang paniniil sa mamamayan ay\u2026","rel":"","context":"In &quot;Opinion&quot;","block_context":{"text":"Opinion","link":"https:\/\/sinag.press\/news\/category\/opinion\/"},"img":{"alt_text":"","src":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2021\/09\/124017389_396581131368569_3227560706397349052_n-1.png?resize=350%2C200&ssl=1","width":350,"height":200,"srcset":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2021\/09\/124017389_396581131368569_3227560706397349052_n-1.png?resize=350%2C200&ssl=1 1x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2021\/09\/124017389_396581131368569_3227560706397349052_n-1.png?resize=525%2C300&ssl=1 1.5x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2021\/09\/124017389_396581131368569_3227560706397349052_n-1.png?resize=700%2C400&ssl=1 2x"},"classes":[]},{"id":5933,"url":"https:\/\/sinag.press\/news\/2023\/03\/11\/rumaragasang-paglaban-ang-sagot-sa-rumaragasang-krisis\/","url_meta":{"origin":5962,"position":3},"title":"Rumaragasang paglaban ang sagot sa rumaragasang krisis","author":"Staff","date":"11 March 2023","format":false,"excerpt":"Rumaragasang krisis panlipunan ang dulot ng kapalpakan ng mga mandarambong sa gubyerno na sinagupa ng mga welgistang tsuper, at hindi na ito mapagtatakpan ng kanilang pandarahas at panloloko.\u00a0\u00a0 Dapat lamang silang matakot, dahil napatunayan na ng kasaysayan \u2013 at patutunayan muli ngayon \u2013 na ang lumalawak at lumalakas na hanay\u2026","rel":"","context":"In &quot;Editorial&quot;","block_context":{"text":"Editorial","link":"https:\/\/sinag.press\/news\/category\/editorial\/"},"img":{"alt_text":"","src":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2023\/03\/img_0786-1-scaled.jpg?resize=350%2C200&ssl=1","width":350,"height":200,"srcset":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2023\/03\/img_0786-1-scaled.jpg?resize=350%2C200&ssl=1 1x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2023\/03\/img_0786-1-scaled.jpg?resize=525%2C300&ssl=1 1.5x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2023\/03\/img_0786-1-scaled.jpg?resize=700%2C400&ssl=1 2x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2023\/03\/img_0786-1-scaled.jpg?resize=1050%2C600&ssl=1 3x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2023\/03\/img_0786-1-scaled.jpg?resize=1400%2C800&ssl=1 4x"},"classes":[]},{"id":5447,"url":"https:\/\/sinag.press\/news\/2022\/10\/12\/aral-sa-aresto\/","url_meta":{"origin":5962,"position":4},"title":"Aral sa Aresto","author":"Staff","date":"12 October 2022","format":false,"excerpt":"Hindi imposible ang makulong. Para sa mga aktibista, katotohanan ito ng makauring digma. Hindi imposible ang makulong. Para sa mga aktibista, katotohanan ito ng makauring digma. Sa sosyolohiya, pinag-aaralan ang tinatawag na conflict theory ni Karl Marx kung saan walang hanggan ang pagtutunggalian ng mga inaapi at mapang-api dahil sa\u2026","rel":"","context":"In &quot;Features&quot;","block_context":{"text":"Features","link":"https:\/\/sinag.press\/news\/category\/features\/"},"img":{"alt_text":"","src":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/10\/sinag-web-banner-9-1.png?resize=350%2C200&ssl=1","width":350,"height":200,"srcset":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/10\/sinag-web-banner-9-1.png?resize=350%2C200&ssl=1 1x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/10\/sinag-web-banner-9-1.png?resize=525%2C300&ssl=1 1.5x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/10\/sinag-web-banner-9-1.png?resize=700%2C400&ssl=1 2x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/10\/sinag-web-banner-9-1.png?resize=1050%2C600&ssl=1 3x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/10\/sinag-web-banner-9-1.png?resize=1400%2C800&ssl=1 4x"},"classes":[]},{"id":1543,"url":"https:\/\/sinag.press\/news\/2021\/07\/20\/singko-ang-nararapat-na-marka-para-kay-duterte\/","url_meta":{"origin":5962,"position":5},"title":"Singko ang nararapat na marka para kay Duterte","author":"emdeborja","date":"20 July 2021","format":false,"excerpt":"Kadalasan, kinakausap muna ang mga estudyanteng nakatatanggap ng bagsak na marka sa paaralan, ngunit hindi na ito maaaring gawin pa kay Duterte. Nagkaroon na siya ng sapat na panahon para tunay na pagsilbihan ang sektor ng edukasyon sa bansa, subalit lalo lamang sumasama ang kanyang pagpapahalaga rito sa paglipas ng\u2026","rel":"","context":"In &quot;Opinion&quot;","block_context":{"text":"Opinion","link":"https:\/\/sinag.press\/news\/category\/opinion\/"},"img":{"alt_text":"","src":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2021\/07\/ugly-1.png?resize=350%2C200&ssl=1","width":350,"height":200,"srcset":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2021\/07\/ugly-1.png?resize=350%2C200&ssl=1 1x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2021\/07\/ugly-1.png?resize=525%2C300&ssl=1 1.5x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2021\/07\/ugly-1.png?resize=700%2C400&ssl=1 2x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2021\/07\/ugly-1.png?resize=1050%2C600&ssl=1 3x"},"classes":[]}],"jetpack_sharing_enabled":true,"authors":[{"term_id":122,"user_id":9,"is_guest":0,"slug":"csspsinag","display_name":"Staff","avatar_url":"https:\/\/secure.gravatar.com\/avatar\/194807626fee183640d3de57e788ba7c8c0d40bd86bfc1237bed56bcd3832c1b?s=96&d=mm&r=g","0":null,"1":"","2":"","3":"","4":"","5":"","6":"","7":"","8":""}],"_links":{"self":[{"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/5962","targetHints":{"allow":["GET"]}}],"collection":[{"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/posts"}],"about":[{"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/types\/post"}],"author":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/users\/9"}],"replies":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/comments?post=5962"}],"version-history":[{"count":0,"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/5962\/revisions"}],"wp:featuredmedia":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/media\/5964"}],"wp:attachment":[{"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/media?parent=5962"}],"wp:term":[{"taxonomy":"category","embeddable":true,"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/categories?post=5962"},{"taxonomy":"post_tag","embeddable":true,"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/tags?post=5962"},{"taxonomy":"author","embeddable":true,"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/ppma_author?post=5962"}],"curies":[{"name":"wp","href":"https:\/\/api.w.org\/{rel}","templated":true}]}}