{"id":6160,"date":"2023-07-23T19:09:48","date_gmt":"2023-07-23T11:09:48","guid":{"rendered":"https:\/\/csspsinag.wordpress.com\/?p=6160"},"modified":"2023-07-23T19:09:48","modified_gmt":"2023-07-23T11:09:48","slug":"marcos-bagsak-marcos-babagsak","status":"publish","type":"post","link":"https:\/\/sinag.press\/news\/2023\/07\/23\/marcos-bagsak-marcos-babagsak\/","title":{"rendered":"Marcos, bagsak; Marcos babagsak!"},"content":{"rendered":"\n<p>Bagsak sa lahat ng aspekto ang unang taon ni Marcos. Wala siyang idinulot kundi pagpapahirap sa taumbayan at ginhawa para sa mga alipores niyang nasa kapangyarihan na naman. Subalit hindi dapat mag-alala ang aping sambayanan dahil ang Presidenteng bagsak, tiyak na babagsak!<\/p>\n\n\n\n<!--more-->\n<!--noteaser-->\n\n\n\n<hr class=\"wp-block-separator has-alpha-channel-opacity is-style-wide\" \/>\n\n\n\n<p>Bagsak sa lahat ng aspekto ang unang taon ni Marcos. Wala siyang idinulot kundi pagpapahirap sa taumbayan at ginhawa para sa mga alipores niyang nasa kapangyarihan na naman. Subalit hindi dapat mag-alala ang aping sambayanan dahil ang Presidenteng bagsak, tiyak na babagsak!<\/p>\n\n\n\n<p>Walang makabuluhang pagbabago sa unang taon ni Marcos. Sa katunayan, lumala lamang ang parehong mga problema na minana niya pa sa mga nagdaang administrasyon. Sa kaibuturan, nananalaytay sa rehimen ang kabulukan ng umiiral na sistema.<\/p>\n\n\n\n<p>Noong nakaraang SONA, halimbawa, ipinangako ni Marcos na hindi niya ipauubaya ang kahit isang pulgada ng teritoryo ng Pilipinas sa anumang bansa. Ngunit sa loob ng una niyang taon, walang ginawa si Marcos kundi magpakatuta sa dalawang dambuhalang imperyalistang pinag-aagawan ang bansa, ang US at Tsina. Hindi \ufefftotoo ang sinasabi niyang kalaban ng wala, kaibigan ng lahat, dahil naging kaibigan man siya ng US at Tsina, hindi siya naging kaibigan ng sambayanang Pilipino.&nbsp;<\/p>\n\n\n\n<p>Kitang-kita ang paggamit ng US kay Marcos para palawakin ang presensiyang militar nila sa West Philippine Sea at takutin ang Tsina. Noong Abril lamang, ipinadala ng US ang 12,000 na sundalo para sa pinakamalaking Balikatan Exercises sa kasaysayan. Napagkasunduan din ang pagtatayo ng lima pang base-militar alinsunod sa Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) \u2013 maliban pa sa mga naiuulat na lihim na ipinapatayo ng US sa iba\u2019t ibang panig ng bansa.&nbsp; Pinapaypayan lamang nito ang lumalagablab na tensyon sa pagitan ng dalawang magkaribal.<\/p>\n\n\n\n<p>Sa kabilang banda, kibit-balikat din naman ang rehimeng Marcos sa patuloy na agresyon ng China. Tahasang itinataboy ng mga sundalong Tsino ang mga mangingisdang Pilipino sa mga probinsyang malapit sa pinag-aagawang teritoryo, ngunit iginigiit pa rin ni Marcos na hindi natatapos sa usaping West Philippine Sea ang relasyon natin sa kanila. Nagbubulag-bulagan siya sa agresyong ito dahil nagkakandarapa siyang mamalimos ng pautang at pamumuhunang bubuhay sa ekonomyang inilugmok ng pamilya nila.&nbsp;<\/p>\n\n\n\n<p>Mana sa kanyang ama, umaasa pa rin si Marcos sa ganitong dayuhang pamumuhunan dahil sa loob ng kanyang unang taon, wala naman siyang nagawa para ibangon ang ekonomya mula sa pandemya. Sa ilalim ni Marcos, halos P120 bilyon ang nadadagdag sa utang ng bansa kada buwan \u2013 di hamak na mas mataas kaysa sa mga naunang administrasyon \u2013 ngunit hindi naman ito napakikinabangan ng taumbayan.&nbsp;<\/p>\n\n\n\n<p>Bagamat ipinagmamayabang ng rehimeng Marcos ang bahagyang pagbaba ng implasyon, ito pa rin ang pinakamataas sa Timog-Silangang Asya, at hindi pa rin naman sumasabay ang barya-baryang sweldo sa tumataas na presyo. Hindi tumaas ni minsan sa buong unang taon ni Marcos ang sweldo, at P40 lamang ang itataas ng sweldo ng mga manggagawa sa NCR \u2013 ni hindi pa nga sapat para sa isang kilo ng bigas.&nbsp;<\/p>\n\n\n\n<p>Sa gitna ng krisis na ito, Charter Change at Maharlika Investment Fund lamang ang \u201csolusyong\u201d naihahapag ng administrasyon \u2013 pareho namang walang magagawa para maibsan ang krisis sa ekonomya. Sa Charter Change, iniaasa na naman ni Marcos sa pagbubukas ng ekonomya sa dayuhang pamumuhunan ang pagbangon ng ekonomya, kahit kawalan ng lokal na produksyon ang naglugmok nito. Sa Maharlika Investment Fund naman, isusugal lamang ang higit P500 bilyon na pera ng mga Pilipino kahit mga eksperto na mismo ang nagsasabing \u201ctaliwas sa mga batayang prinsipyo ng ekonomiks\u201d ang MIF.<\/p>\n\n\n\n<p>Kahit alam nina Marcos na walang magagawa ang dalawang \u201csolusyong\u201d ito, iniratsada pa rin ang parehong panukala sa kamara dahil sila-sila rin naman ang makikinabang. Sa likod ng mga probisyong magpapasigla raw ng ekonomya, itinutulak rin nina Marcos ang mga probisyong magpapahigpit lamang ng kapit nila sa kapangyarihan. Gayundin, sa likod ng mga pangakong gagawing pondong pangkaunlaran ang MIF, alam ng lahat na gagatasan lamang ito ng mga namamamahalang pipiliin lamang ng presidente at walang pananagutan sa taumbayan.&nbsp;<\/p>\n\n\n\n<p>Sa dami ng perang handa silang waldasin para sa mga panukalang walang katuturan, labag pa rin sa kanilang kalooban na maglaan ng pondo para sa mga tunay na pangangailangan, lalo na ng edukasyon. Habang nagbabadya ang pagtaas ng matrikula sa mga pampribadong paaralan at binabalak tanggalin ang libreng edukasyon sa State Universities and Colleges, lumalaki lamang ang paglobo ng confidential funds at pondo para sa pandrahas ng mamamayan.&nbsp;<\/p>\n\n\n\n<p>Imbis na tugunan ang krisis sa edukasyon, tapyas sa badyet at lalong pagkintal sa kultura ng impunidad ang pinagkakaabalahan ng rehimeng Marcos. Sa kauna-unahang badyet sa ilalim ng kanyang administrasyon, binalak na agad niyang tapysan ng P10 bilyon ang pondo ng Commission on Higher Education at P2.5 bilyon ang pondo ng UP.&nbsp;<\/p>\n\n\n\n<p>Kasabay nito ang pagratsada ng panukalang gawing sapilitan ang ROTC para sa lahat ng mag-aaral. Sa ngalan ng huwad na konsepto ng nasyonalismo, aabot sa P61.2 bilyon ang ilalaan sa Mandatory ROTC \u2013 bilyon-bilyong inilaan na lang sana sa pagsasaayos ng sira-sirang klasrum o pagbibigay ng dagdag-suporta sa mga estudyante.&nbsp;<\/p>\n\n\n\n<p>Ang hatol ng taumbayan sa unang taong ng rehimeng Marcos-Duterte: bagsak!&nbsp;<\/p>\n\n\n\n<p>Malinaw ang kailangang tugon sa bagsak na unang taon: lumalawak na hanay at dumadagundong na panawagan. Kailangan maipakita kay Marcos na hindi tayo naniniwala sa kanyang pagsisinungaling sa ikalawang State of the Nation Address \u2013 hindi matatago ng kanyang pambobola ang tunay na kalagayan ng bayan.\u00a0<\/p>\n\n\n\n<p>Sagutin niya man tayo ng patuloy na pagkukubli at mas pinalalang pandarahas, lalo lamang nating pupunuin ang mga bulwaga\u2019t lansangan. Sa pagpapalala niya ng krisis, siya mismo ang bumubuo ng&nbsp; kondisyong nagbubunga ng papalaki at papalakas na pagbalikwas. Siya mismo, sa kanyang kasakima\u2019t kapalpakan, ang gumagalit at&nbsp; nag-aarmas sa sambayanang magpapatalsik sa kanya sa pwesto.<\/p>\n\n\n\n<p>Malinaw ang asinta ng sambayanang sawang-sawa na: ang rehimeng bagsak, sama-samang ibabagsak!<\/p>\n\n\n<div class=\"wp-block-image\">\n<figure class=\"aligncenter size-large\"><a href=\"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/03\/image-2.png\"><img decoding=\"async\" src=\"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/03\/image-2.png?w=73\" alt=\"\" class=\"wp-image-4005\" \/><\/a><\/figure>\n<\/div>","protected":false},"excerpt":{"rendered":"<p>Bagsak sa lahat ng aspekto ang unang taon ni Marcos. Wala siyang idinulot kundi pagpapahirap sa taumbayan at ginhawa para sa mga alipores niyang nasa kapangyarihan na naman. Subalit hindi dapat mag-alala ang aping sambayanan dahil ang Presidenteng bagsak, tiyak na babagsak!<\/p>\n","protected":false},"author":9,"featured_media":6162,"comment_status":"open","ping_status":"open","sticky":false,"template":"","format":"standard","meta":{"_jetpack_memberships_contains_paid_content":false,"footnotes":""},"categories":[8],"tags":[],"ppma_author":[122],"class_list":["post-6160","post","type-post","status-publish","format-standard","has-post-thumbnail","hentry","category-editorial"],"aioseo_notices":[],"jetpack_featured_media_url":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2023\/07\/1-1.png","jetpack-related-posts":[{"id":3930,"url":"https:\/\/sinag.press\/news\/2022\/02\/25\/hindi-ngayon-ang-huling-edsa\/","url_meta":{"origin":6160,"position":0},"title":"Hindi ngayon ang huling EDSA","author":"Staff","date":"25 February 2022","format":false,"excerpt":"Mabigo man tayo sa halalan, tandaan na hindi ngayon ang huling EDSA. Kahit saan at kahit kailan, kayang-kaya nating pigilan ang panunumbalik ng mga Marcos sa rurok ng kapangyarihan, basta\u2019t kolektibo tayong kikilos at matuto sa mga pagkakamali ng nakaraan. \u201cIt\u2019s all over; Marcos flees!\u201d Ito ang agaw-atensyong mababasa sa\u2026","rel":"","context":"In &quot;Opinion&quot;","block_context":{"text":"Opinion","link":"https:\/\/sinag.press\/news\/category\/opinion\/"},"img":{"alt_text":"","src":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/02\/18135048-edsa002-a_cover_2000x1491.jpg?resize=350%2C200&ssl=1","width":350,"height":200,"srcset":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/02\/18135048-edsa002-a_cover_2000x1491.jpg?resize=350%2C200&ssl=1 1x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/02\/18135048-edsa002-a_cover_2000x1491.jpg?resize=525%2C300&ssl=1 1.5x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/02\/18135048-edsa002-a_cover_2000x1491.jpg?resize=700%2C400&ssl=1 2x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/02\/18135048-edsa002-a_cover_2000x1491.jpg?resize=1050%2C600&ssl=1 3x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/02\/18135048-edsa002-a_cover_2000x1491.jpg?resize=1400%2C800&ssl=1 4x"},"classes":[]},{"id":3765,"url":"https:\/\/sinag.press\/news\/2022\/02\/10\/biguin-ang-tambalang-marcos-duterte\/","url_meta":{"origin":6160,"position":1},"title":"Biguin ang Tambalang Marcos-Duterte!","author":"Staff","date":"10 February 2022","format":false,"excerpt":"Malinaw ang primaryang pampolitikang tungkulin ng mamamayan sa halalan sa Mayo. Ito ay biguin ang tambalang Marcos-Duterte \u2014 ang pagsasanib-pwersa ng mga pinakamasasahol na magnanakaw at mamamatay-tao sa kasaysayan. Malinaw ang primaryang pampolitikang tungkulin ng mamamayan sa halalan sa Mayo. Ito ay biguin ang tambalang Marcos-Duterte \u2014 ang pagsasanib-pwersa ng\u2026","rel":"","context":"In &quot;Editorial&quot;","block_context":{"text":"Editorial","link":"https:\/\/sinag.press\/news\/category\/editorial\/"},"img":{"alt_text":"","src":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/02\/sinag-web-banner-4-1.png?resize=350%2C200&ssl=1","width":350,"height":200,"srcset":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/02\/sinag-web-banner-4-1.png?resize=350%2C200&ssl=1 1x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/02\/sinag-web-banner-4-1.png?resize=525%2C300&ssl=1 1.5x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/02\/sinag-web-banner-4-1.png?resize=700%2C400&ssl=1 2x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/02\/sinag-web-banner-4-1.png?resize=1050%2C600&ssl=1 3x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/02\/sinag-web-banner-4-1.png?resize=1400%2C800&ssl=1 4x"},"classes":[]},{"id":5297,"url":"https:\/\/sinag.press\/news\/2022\/09\/22\/pakikibaka-ang-nagpapanday-ng-golden-age\/","url_meta":{"origin":6160,"position":2},"title":"Pakikibaka ang nagpapanday ng Golden Age","author":"Staff","date":"22 September 2022","format":false,"excerpt":"Tama naman ang mga Marcos \u2013 binuo nga ng Batas Militar ang isang \u201cgolden age\u201d, at muli itong bubuuin ng kanilang pandarambong at pandarahas sa ilalim ni Bongbong. Tama naman ang mga Marcos \u2013 binuo nga ng Batas Militar ang isang \u201cgolden age\u201d, at muli itong bubuuin ng kanilang pandarambong\u2026","rel":"","context":"In &quot;Opinion&quot;","block_context":{"text":"Opinion","link":"https:\/\/sinag.press\/news\/category\/opinion\/"},"img":{"alt_text":"","src":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/09\/sinag-web-banner-5-1.png?resize=350%2C200&ssl=1","width":350,"height":200,"srcset":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/09\/sinag-web-banner-5-1.png?resize=350%2C200&ssl=1 1x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/09\/sinag-web-banner-5-1.png?resize=525%2C300&ssl=1 1.5x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/09\/sinag-web-banner-5-1.png?resize=700%2C400&ssl=1 2x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/09\/sinag-web-banner-5-1.png?resize=1050%2C600&ssl=1 3x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/09\/sinag-web-banner-5-1.png?resize=1400%2C800&ssl=1 4x"},"classes":[]},{"id":6265,"url":"https:\/\/sinag.press\/news\/2024\/02\/25\/wala-nang-sasayaw-sa-lumang-tugtugin-ng-cha-cha\/","url_meta":{"origin":6160,"position":3},"title":"Wala Nang Sasayaw sa Lumang Tugtugin ng Cha-Cha!","author":"Staff","date":"25 February 2024","format":false,"excerpt":"Matapos mailantad ang kalabnawan ng pagkakaisa ng kanyang UniTeam at ang bumubulusok na suporta niya mula sa taumbayan, mukhang mabibigo na naman si Marcos sa pangarap niyang kumubra ng kapangyarihan katulad ng kanyang ama sa pamamagitan ng pagbabago ng saligang batas. Luma na ang tugtugin ng Cha-cha, at tulad ng\u2026","rel":"","context":"In &quot;Editorial&quot;","block_context":{"text":"Editorial","link":"https:\/\/sinag.press\/news\/category\/editorial\/"},"img":{"alt_text":"","src":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2024\/02\/429111347_435798948772368_8783716462087769311_n-1-1.jpg?resize=350%2C200&ssl=1","width":350,"height":200,"srcset":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2024\/02\/429111347_435798948772368_8783716462087769311_n-1-1.jpg?resize=350%2C200&ssl=1 1x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2024\/02\/429111347_435798948772368_8783716462087769311_n-1-1.jpg?resize=525%2C300&ssl=1 1.5x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2024\/02\/429111347_435798948772368_8783716462087769311_n-1-1.jpg?resize=700%2C400&ssl=1 2x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2024\/02\/429111347_435798948772368_8783716462087769311_n-1-1.jpg?resize=1050%2C600&ssl=1 3x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2024\/02\/429111347_435798948772368_8783716462087769311_n-1-1.jpg?resize=1400%2C800&ssl=1 4x"},"classes":[]},{"id":5256,"url":"https:\/\/sinag.press\/news\/2022\/09\/07\/bayad-buwis-para-sa-balik-eskwela\/","url_meta":{"origin":6160,"position":4},"title":"&#8216;Bayad-buwis para sa balik-eskwela&#8217;","author":"Staff","date":"7 September 2022","format":false,"excerpt":"\u201cHabang ang mga stakeholder ng UP ay nagkukumahog at nahihirapan sa panahong ito, si Bongbong at ng kanyang Kongreso, budget cut ang ibinibigay sa atin. Ang kapal ng mukha ni Bongbong Marcos! Babawasan ang budget ng pamantasan habang pinapalaki niya ang sariling bulsa at tumatakbo sa pagbabayad ng buwis at\u2026","rel":"","context":"In &quot;Others&quot;","block_context":{"text":"Others","link":"https:\/\/sinag.press\/news\/category\/others\/"},"img":{"alt_text":"","src":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/09\/sinag-web-banner-1-3.png?resize=350%2C200&ssl=1","width":350,"height":200,"srcset":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/09\/sinag-web-banner-1-3.png?resize=350%2C200&ssl=1 1x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/09\/sinag-web-banner-1-3.png?resize=525%2C300&ssl=1 1.5x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/09\/sinag-web-banner-1-3.png?resize=700%2C400&ssl=1 2x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/09\/sinag-web-banner-1-3.png?resize=1050%2C600&ssl=1 3x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/09\/sinag-web-banner-1-3.png?resize=1400%2C800&ssl=1 4x"},"classes":[]},{"id":5933,"url":"https:\/\/sinag.press\/news\/2023\/03\/11\/rumaragasang-paglaban-ang-sagot-sa-rumaragasang-krisis\/","url_meta":{"origin":6160,"position":5},"title":"Rumaragasang paglaban ang sagot sa rumaragasang krisis","author":"Staff","date":"11 March 2023","format":false,"excerpt":"Rumaragasang krisis panlipunan ang dulot ng kapalpakan ng mga mandarambong sa gubyerno na sinagupa ng mga welgistang tsuper, at hindi na ito mapagtatakpan ng kanilang pandarahas at panloloko.\u00a0\u00a0 Dapat lamang silang matakot, dahil napatunayan na ng kasaysayan \u2013 at patutunayan muli ngayon \u2013 na ang lumalawak at lumalakas na hanay\u2026","rel":"","context":"In &quot;Editorial&quot;","block_context":{"text":"Editorial","link":"https:\/\/sinag.press\/news\/category\/editorial\/"},"img":{"alt_text":"","src":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2023\/03\/img_0786-1-scaled.jpg?resize=350%2C200&ssl=1","width":350,"height":200,"srcset":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2023\/03\/img_0786-1-scaled.jpg?resize=350%2C200&ssl=1 1x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2023\/03\/img_0786-1-scaled.jpg?resize=525%2C300&ssl=1 1.5x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2023\/03\/img_0786-1-scaled.jpg?resize=700%2C400&ssl=1 2x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2023\/03\/img_0786-1-scaled.jpg?resize=1050%2C600&ssl=1 3x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2023\/03\/img_0786-1-scaled.jpg?resize=1400%2C800&ssl=1 4x"},"classes":[]}],"jetpack_sharing_enabled":true,"authors":[{"term_id":122,"user_id":9,"is_guest":0,"slug":"csspsinag","display_name":"Staff","avatar_url":"https:\/\/secure.gravatar.com\/avatar\/194807626fee183640d3de57e788ba7c8c0d40bd86bfc1237bed56bcd3832c1b?s=96&d=mm&r=g","0":null,"1":"","2":"","3":"","4":"","5":"","6":"","7":"","8":""}],"_links":{"self":[{"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/6160","targetHints":{"allow":["GET"]}}],"collection":[{"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/posts"}],"about":[{"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/types\/post"}],"author":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/users\/9"}],"replies":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/comments?post=6160"}],"version-history":[{"count":0,"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/6160\/revisions"}],"wp:featuredmedia":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/media\/6162"}],"wp:attachment":[{"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/media?parent=6160"}],"wp:term":[{"taxonomy":"category","embeddable":true,"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/categories?post=6160"},{"taxonomy":"post_tag","embeddable":true,"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/tags?post=6160"},{"taxonomy":"author","embeddable":true,"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/ppma_author?post=6160"}],"curies":[{"name":"wp","href":"https:\/\/api.w.org\/{rel}","templated":true}]}}