{"id":6217,"date":"2023-09-30T21:07:15","date_gmt":"2023-09-30T13:07:15","guid":{"rendered":"https:\/\/csspsinag.wordpress.com\/?p=6217"},"modified":"2023-09-30T21:07:15","modified_gmt":"2023-09-30T13:07:15","slug":"bumalikwas-sa-bangungot-ng-bagong-batas-militar","status":"publish","type":"post","link":"https:\/\/sinag.press\/news\/2023\/09\/30\/bumalikwas-sa-bangungot-ng-bagong-batas-militar\/","title":{"rendered":"Bumalikwas sa bangungot ng bagong batas militar"},"content":{"rendered":"\n<p>Sa likod ng tabing ng pagmamaang-maangan at mga palamuti ng demokrasya, taglay pa rin ng rehimeng US-Marcos-Duterte ang parehong bangis ng mga desperadong diktador na kapit-tuko sa kapangyarihan. Hindi na lamang alaala ang Batas Militar; buhay na buhay itong bangungot, kaya kailangan na rin nating bumangon mula sa ating pagkakahimbing.\u00a0<\/p>\n\n\n\n<!--more-->\n<!--noteaser-->\n\n\n\n<hr class=\"wp-block-separator has-alpha-channel-opacity is-style-wide\" \/>\n\n\n\n<p>Sa likod ng tabing ng pagmamaang-maangan at mga palamuti ng demokrasya, taglay pa rin ng rehimeng US-Marcos-Duterte ang parehong bangis ng mga desperadong diktador na kapit-tuko sa kapangyarihan. Hindi na lamang alaala ang Batas Militar; buhay na buhay itong bangungot, kaya kailangan na rin nating bumangon mula sa ating pagkakahimbing.&nbsp;<\/p>\n\n\n\n<p>Bagamat inasahan naman na noong tumatakbo pa lamang ang nakababatang Marcos, pinatunayan lamang ng huling taon sa ilalim ng kanyang rehimen na hindi lang pangalan at mukha ang kinuha ni Bongbong sa kanyang ama. Wala pa mang deklarasyon ng batas militar, samu\u2019t sari nang pagyurak sa karapatang pantao ang ginamit ni Marcos upang supilin ang galit ng sambayanan.&nbsp;<\/p>\n\n\n\n<p>Kahit nga sa mismong taktika, hindi na tinangka ni Bongbong maging orihinal: kung paanong tinatakot, dinarahas, at pinapatay ang mga kritiko noong panahon ng ama, ganoon din sa panahon ng anak. Malinaw na halimbawa ang mga sapilitang pagkawala. Noong panahon ng Batas Militar, libo-libo ang dinukot at hindi na lumitaw. Ngayon, mula sa mga dinukot na natagpuan muli katulad ni Jhed Tamano, Jonila Castro, Dayan Gumanao at Armand Dayoha, hanggang sa mga hindi pa rin nakikita katulad nila Dexter Capuyan at Bazoo de Jesus, malinaw na sumusunod si Bongbong sa yapak ng kanyang ama.&nbsp;<\/p>\n\n\n\n<p>Maliban sa mga tahasang atake, minana din ni Bongbong ang paggamit ng batas upang gawing lehitimo ang pagsupil sa mga kritiko. Sa Cordillera, binansagan ang Northern Luzon 7 \u2013 ilang tanyag na tanggol-katutubo at tanggol-karapatan \u2013 na terorista. Ito rin ang ginawa sa 16 na indibidwal sa Timog Katagalugan. Katulad ng \u201cconstitutional authoritarianism\u201d at kung ano-anong gawa-gawang kaso sa panahon ng ama, ikinakasangkapan lamang ni Bongbong ang Anti-Terror Act at ang iba pang batas sa pambubusal sa mga kalaban.&nbsp;<\/p>\n\n\n\n<p>Naitutulak si Marcos na umasa sa ganitong taktika dahil sa dalawang bagay: ang paglala ng krisis ng lipunan, at ang kaakibat nitong galit ng sambayanan. Sabi nga ng isang mahusay na dating propesor ng UP, iniluluwal ng krisis ang pagbalikwas. Ngayong walang magawa si Marcos para tugunan ang krisis \u2014 o marahil dahil napakikinabangan pa niya ito \u2014 ibinabaling na lamang niya ang kanyang oras at atensyon sa pandarahas.<\/p>\n\n\n\n<p>Tiyak na lalala lamang ito habang lalong nailalantad sa taumbayan ang kabalintunaan ng rehimeng Marcos. Kahit dito, hindi malabong sumunod siya sa yapak ng kanyang ama.<\/p>\n\n\n\n<p>Nang mailantad ang huwad na \u201cgolden age\u201d ng diktadurang Marcos Sr. \u2014 noong sumisirit na ang presyo ng langis at iba pang batayang bilihin habang nagpapasarap lang ang angkan sa Malaca\u00f1ang sa kaban ng bayan \u2014 naging hinog ang mga kondisyon para sa malawakang pag-aklas. Napupuno ng libo-libo ang mga lansangan sa mga kilos-protesta, habang libo-libo rin ang tumungo sa kanayunan para tumangan ng armas laban sa diktadura.&nbsp;<\/p>\n\n\n\n<p>Desperadong sinagot ng diktador ang lumalakas na oposisyon ng dahas. 70,000 ang inaresto; 35,000 ang tinortyur; at mahigit 2,000 ang pinatay. Hindi pa kasama ang libo-libong hindi naitala ng kasaysayan.&nbsp;<\/p>\n\n\n\n<p>Sa kasalukuyang kalagayan ng rehimen, ito rin ang kanilang kahihinatnan. Hindi na maitatanggi ni Marcos ang kanyang kapalpakan at kapabayaan, dahil mas malapit pa sa sisenta kaysa sa bente ang isang kilos bigas, barya-barya ang dagdag pasahod sa mga rehiyon, at walang makita ni anino ng \u201cBagong Pilipinas\u201d na ipinangako niya noong kampanya. Alam na rin ng tao na habang naghihirap sila sa ganitong kalagayan, prayoridad pa rin ni Marcos ang mga Confidential at Intelligence Funds at ang pagpondo sa mga ahensyang nananakot, dumudukot, at pumapatay sa kanyang mga kritiko.&nbsp;<\/p>\n\n\n\n<p>Hindi na mabilang ang dahilan ng sambayanan para tumindig laban sa kasalukuyang administrasyon.<\/p>\n\n\n\n<p>Kaya naman hindi na nakagugulat ang mala-Marcos Sr. na pandarahas ni Bongbong. Sa araw-araw na lalong pag-alingasaw ng baho ni Bongbong, lalo lamang natutulak ang sambayanan na mag-aklas. Sa araw-araw din na ito lalo siyang natatakot, at natutulak na umasa sa kanyang desperadong pandarahas. Tahasan mang ideklara o hindi, paparating na ang bagong Batas Militar.<\/p>\n\n\n\n<p>Ngunit kung nauulit lang talaga ang kasaysayan \u2013 at masyado lang talagang natutuwa si Bongbong na manang-mana siya sa kanyang ama \u2013 hindi dapat takot ang reaksyon sa nagbabadyang diktadura, kundi lakas ng loob na pakilusin ang masa laban sa rehimen. Bagamat kinakailangan ng mga diktador na magpakita ng bangis upang supilin ang pag-aalsa, dito rin nailalantad ang kanilang tunay na anyo. Sa ganitong panahon, nagigising ang taumbayan sa kanilang pagkakahimbing \u2013 sa pagiisip na maaaring manatiling kimi at walang pakialam \u2013 dahil hindi na makapagkunwaring tupa ang mga nakaupong lobo naman talaga.<\/p>\n\n\n\n<p>Sa kanyang pandarahas, si Marcos mismo ang huhukay sa sarili niyang libingan.<\/p>\n\n\n\n<p>Ngayong buhay na buhay ang bangungot ng batas-militar, hindi na dapat tayo tutulog-tulog \u2013 dapat igugol ang bawat segundo sa paggising sa militanteng diwa ng sambayanan at pagpapakilos sa kanila laban sa nagbabadyang diktadura. Oras na para ilantad ang diktador na nagtatago sa tabing ng demokrasya at ipakitang maging sa pagbagsak, susunod siya sa yapak ng kanyang ama.<\/p>\n\n\n<div class=\"wp-block-image\">\n<figure class=\"aligncenter size-large\"><a href=\"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/03\/image-2.png\"><img decoding=\"async\" src=\"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/03\/image-2.png?w=73\" alt=\"\" class=\"wp-image-4005\" \/><\/a><\/figure>\n<\/div>","protected":false},"excerpt":{"rendered":"<p>Sa likod ng tabing ng pagmamaang-maangan at mga palamuti ng demokrasya, taglay pa rin ng rehimeng US-Marcos-Duterte ang parehong bangis ng mga desperadong diktador na kapit-tuko sa kapangyarihan. Hindi na lamang alaala ang Batas Militar; buhay na buhay itong bangungot, kaya kailangan na rin nating bumangon mula sa ating pagkakahimbing.\u00a0<\/p>\n","protected":false},"author":9,"featured_media":6218,"comment_status":"open","ping_status":"open","sticky":false,"template":"","format":"standard","meta":{"_jetpack_memberships_contains_paid_content":false,"footnotes":""},"categories":[8],"tags":[],"ppma_author":[122],"class_list":["post-6217","post","type-post","status-publish","format-standard","has-post-thumbnail","hentry","category-editorial"],"aioseo_notices":[],"jetpack_featured_media_url":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2023\/09\/dsc_0836-1-scaled.jpg","jetpack-related-posts":[{"id":2460,"url":"https:\/\/sinag.press\/news\/2021\/09\/21\/diktadurya-sa-likod-ng-huwad-na-demokrasya\/","url_meta":{"origin":6217,"position":0},"title":"Diktadurya sa Likod ng Huwad na Demokrasya","author":"Staff","date":"21 September 2021","format":false,"excerpt":"Apatnapu\u2019t siyam na taon matapos ang deklarasyon ng karumal-dumal na Batas Militar ng diktador na si Ferdinand Marcos, hindi na muling nakaranas pa ang Pilipinas ng kasinlala o mas masahol pang Martial Law sa kasaysayan nito. Ito ay dahil ang despotismo, paggawa ng krimen, at ang paniniil sa mamamayan ay\u2026","rel":"","context":"In &quot;Opinion&quot;","block_context":{"text":"Opinion","link":"https:\/\/sinag.press\/news\/category\/opinion\/"},"img":{"alt_text":"","src":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2021\/09\/124017389_396581131368569_3227560706397349052_n-1.png?resize=350%2C200&ssl=1","width":350,"height":200,"srcset":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2021\/09\/124017389_396581131368569_3227560706397349052_n-1.png?resize=350%2C200&ssl=1 1x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2021\/09\/124017389_396581131368569_3227560706397349052_n-1.png?resize=525%2C300&ssl=1 1.5x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2021\/09\/124017389_396581131368569_3227560706397349052_n-1.png?resize=700%2C400&ssl=1 2x"},"classes":[]},{"id":3930,"url":"https:\/\/sinag.press\/news\/2022\/02\/25\/hindi-ngayon-ang-huling-edsa\/","url_meta":{"origin":6217,"position":1},"title":"Hindi ngayon ang huling EDSA","author":"Staff","date":"25 February 2022","format":false,"excerpt":"Mabigo man tayo sa halalan, tandaan na hindi ngayon ang huling EDSA. Kahit saan at kahit kailan, kayang-kaya nating pigilan ang panunumbalik ng mga Marcos sa rurok ng kapangyarihan, basta\u2019t kolektibo tayong kikilos at matuto sa mga pagkakamali ng nakaraan. \u201cIt\u2019s all over; Marcos flees!\u201d Ito ang agaw-atensyong mababasa sa\u2026","rel":"","context":"In &quot;Opinion&quot;","block_context":{"text":"Opinion","link":"https:\/\/sinag.press\/news\/category\/opinion\/"},"img":{"alt_text":"","src":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/02\/18135048-edsa002-a_cover_2000x1491.jpg?resize=350%2C200&ssl=1","width":350,"height":200,"srcset":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/02\/18135048-edsa002-a_cover_2000x1491.jpg?resize=350%2C200&ssl=1 1x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/02\/18135048-edsa002-a_cover_2000x1491.jpg?resize=525%2C300&ssl=1 1.5x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/02\/18135048-edsa002-a_cover_2000x1491.jpg?resize=700%2C400&ssl=1 2x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/02\/18135048-edsa002-a_cover_2000x1491.jpg?resize=1050%2C600&ssl=1 3x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/02\/18135048-edsa002-a_cover_2000x1491.jpg?resize=1400%2C800&ssl=1 4x"},"classes":[]},{"id":6876,"url":"https:\/\/sinag.press\/news\/2024\/10\/03\/bagong-lipunan-noon-bagong-pilipinas-ngayon\/","url_meta":{"origin":6217,"position":2},"title":"Bagong Lipunan Noon, Bagong Pilipinas Ngayon: Iisang Retorika, Parehong Pasista","author":"Princess Sacendoncillo","date":"3 October 2024","format":false,"excerpt":"Nang mapasakamay ng dating diktador na si Ferdinand Marcos Sr., ang Pilipinas,bahagi ng kanyang pagtatangka na hubugin ang lipunan ay ang pagpapatupad ng Batas Militar noong 1972, at ang paglulunsad ng kanyang propagandang \u201cBagong Lipunan\u201d. Ipinakilala bilang isang landas tungo sa maunlad at nagkakaisang lipunan \u2014 ngunit ang pagsasaayos ng\u2026","rel":"","context":"In &quot;Features&quot;","block_context":{"text":"Features","link":"https:\/\/sinag.press\/news\/category\/features\/"},"img":{"alt_text":"","src":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2024\/10\/fnztw1fC.jpg?resize=350%2C200&ssl=1","width":350,"height":200,"srcset":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2024\/10\/fnztw1fC.jpg?resize=350%2C200&ssl=1 1x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2024\/10\/fnztw1fC.jpg?resize=525%2C300&ssl=1 1.5x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2024\/10\/fnztw1fC.jpg?resize=700%2C400&ssl=1 2x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2024\/10\/fnztw1fC.jpg?resize=1050%2C600&ssl=1 3x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2024\/10\/fnztw1fC.jpg?resize=1400%2C800&ssl=1 4x"},"classes":[]},{"id":5416,"url":"https:\/\/sinag.press\/news\/2022\/10\/06\/kailangan-ang-liwanag-sa-dilim\/","url_meta":{"origin":6217,"position":3},"title":"Kailangan ang liwanag sa dilim","author":"Staff","date":"6 October 2022","format":false,"excerpt":"Desperadong makakapit sa impluwensiya\u2019t kapangyarihan, hayok ang tambalang Marcos-Duterte at mga kasabwat nitong magpatahimik, manindak, at mandahas. Desperadong makakapit sa impluwensiya\u2019t kapangyarihan, hayok ang tambalang Marcos-Duterte at mga kasabwat nitong magpatahimik, manindak, at mandahas.Walang bago sa naratibo na ang kritikal na paglalantad at pagtutol sa kanilang interes ay walang habas\u2026","rel":"","context":"In &quot;Opinion&quot;","block_context":{"text":"Opinion","link":"https:\/\/sinag.press\/news\/category\/opinion\/"},"img":{"alt_text":"","src":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/10\/sinag-web-banner-6-1.png?resize=350%2C200&ssl=1","width":350,"height":200,"srcset":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/10\/sinag-web-banner-6-1.png?resize=350%2C200&ssl=1 1x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/10\/sinag-web-banner-6-1.png?resize=525%2C300&ssl=1 1.5x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/10\/sinag-web-banner-6-1.png?resize=700%2C400&ssl=1 2x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/10\/sinag-web-banner-6-1.png?resize=1050%2C600&ssl=1 3x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/10\/sinag-web-banner-6-1.png?resize=1400%2C800&ssl=1 4x"},"classes":[]},{"id":2134,"url":"https:\/\/sinag.press\/news\/2021\/09\/11\/setyembre-11-ang-kaarawang-hindi-maligaya\/","url_meta":{"origin":6217,"position":4},"title":"Setyembre 11: Ang Kaarawang Hindi Maligaya","author":"Staff","date":"11 September 2021","format":false,"excerpt":"Hindi lamang makukulong sa nakaraan ang dagok na ibinigay ni Marcos sa taumbayan. Sa katunayan, minumulto pa rin ang bansa ng mga pasakit na idinulot ng kanyang diktadurya. Walang dapat ipagdiwang ngayong araw.\u00a0 Noong Setyembre 2, 2020, ilang araw matapos ang anibersaryo ng Plaza Miranda bombing at pagpaslang kay dating\u2026","rel":"","context":"In &quot;Opinion&quot;","block_context":{"text":"Opinion","link":"https:\/\/sinag.press\/news\/category\/opinion\/"},"img":{"alt_text":"","src":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2021\/09\/picture1-1-1.png?resize=350%2C200&ssl=1","width":350,"height":200,"srcset":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2021\/09\/picture1-1-1.png?resize=350%2C200&ssl=1 1x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2021\/09\/picture1-1-1.png?resize=525%2C300&ssl=1 1.5x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2021\/09\/picture1-1-1.png?resize=700%2C400&ssl=1 2x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2021\/09\/picture1-1-1.png?resize=1050%2C600&ssl=1 3x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2021\/09\/picture1-1-1.png?resize=1400%2C800&ssl=1 4x"},"classes":[]},{"id":6160,"url":"https:\/\/sinag.press\/news\/2023\/07\/23\/marcos-bagsak-marcos-babagsak\/","url_meta":{"origin":6217,"position":5},"title":"Marcos, bagsak; Marcos babagsak!","author":"Staff","date":"23 July 2023","format":false,"excerpt":"Bagsak sa lahat ng aspekto ang unang taon ni Marcos. Wala siyang idinulot kundi pagpapahirap sa taumbayan at ginhawa para sa mga alipores niyang nasa kapangyarihan na naman. Subalit hindi dapat mag-alala ang aping sambayanan dahil ang Presidenteng bagsak, tiyak na babagsak! Bagsak sa lahat ng aspekto ang unang taon\u2026","rel":"","context":"In &quot;Editorial&quot;","block_context":{"text":"Editorial","link":"https:\/\/sinag.press\/news\/category\/editorial\/"},"img":{"alt_text":"","src":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2023\/07\/1-1.png?resize=350%2C200&ssl=1","width":350,"height":200,"srcset":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2023\/07\/1-1.png?resize=350%2C200&ssl=1 1x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2023\/07\/1-1.png?resize=525%2C300&ssl=1 1.5x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2023\/07\/1-1.png?resize=700%2C400&ssl=1 2x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2023\/07\/1-1.png?resize=1050%2C600&ssl=1 3x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2023\/07\/1-1.png?resize=1400%2C800&ssl=1 4x"},"classes":[]}],"jetpack_sharing_enabled":true,"authors":[{"term_id":122,"user_id":9,"is_guest":0,"slug":"csspsinag","display_name":"Staff","avatar_url":"https:\/\/secure.gravatar.com\/avatar\/194807626fee183640d3de57e788ba7c8c0d40bd86bfc1237bed56bcd3832c1b?s=96&d=mm&r=g","0":null,"1":"","2":"","3":"","4":"","5":"","6":"","7":"","8":""}],"_links":{"self":[{"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/6217","targetHints":{"allow":["GET"]}}],"collection":[{"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/posts"}],"about":[{"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/types\/post"}],"author":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/users\/9"}],"replies":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/comments?post=6217"}],"version-history":[{"count":0,"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/6217\/revisions"}],"wp:featuredmedia":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/media\/6218"}],"wp:attachment":[{"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/media?parent=6217"}],"wp:term":[{"taxonomy":"category","embeddable":true,"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/categories?post=6217"},{"taxonomy":"post_tag","embeddable":true,"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/tags?post=6217"},{"taxonomy":"author","embeddable":true,"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/ppma_author?post=6217"}],"curies":[{"name":"wp","href":"https:\/\/api.w.org\/{rel}","templated":true}]}}