{"id":7053,"date":"2025-09-01T22:05:50","date_gmt":"2025-09-01T14:05:50","guid":{"rendered":"https:\/\/sinag.press\/news\/?p=7053"},"modified":"2025-09-01T22:11:07","modified_gmt":"2025-09-01T14:11:07","slug":"hustisya-o-palabas-isang-explainer-sa-pag-arkibo-ng-impeachment-case-laban-kay-bise-presidente-sara-duterte","status":"publish","type":"post","link":"https:\/\/sinag.press\/news\/2025\/09\/01\/hustisya-o-palabas-isang-explainer-sa-pag-arkibo-ng-impeachment-case-laban-kay-bise-presidente-sara-duterte\/","title":{"rendered":"Hustisya o Palabas? | Isang Explainer sa Pag-arkibo ng Impeachment Case laban kay Bise Presidente Sara Duterte"},"content":{"rendered":"\n<p><em>Sulat ni Kirsten Flores<\/em><\/p>\n\n\n\n<p>Habang abala ang gobyerno sa paglalatag ng entablado para sa ikaapat na <em>State of the Nation Address (SONA) <\/em>ni Pangulong Ferdinand &#8220;Bongbong&#8221; Marcos Jr., <strong>tumaginting ang desisyon ng Korte Supremang i-arkiba ang impeachment case laban kay Bise Presidente Sara Duterte.<\/strong><\/p>\n\n\n\n<p>Sa gitna ng panawagan para sa kaligtasan at hustisya, umalingawngaw ang kamakailang <a href=\"https:\/\/www.aljazeera.com\/news\/2025\/7\/25\/impeachment-probe-of-philippine-vp-sara-duterte-voided-by-supreme-court\">pag-<em>void<\/em><\/a> ng kataas-taasang hukuman sa <em>impeachment case<\/em> laban kay Bise Presidente Sara Duterte, dulot ng animo\u2019y <em>unconstitutionality<\/em> nito.<\/p>\n\n\n\n<p>Bagamat nilinaw ng hukuman na hindi nito ina-abswelto si Duterte sa mga paratang, ang desisyon na ito\u2019y isang matinding <em>political momentum<\/em> para sa Bise Presidente na ngayon ay isa sa mga pinakamalakas na kandidato <a href=\"https:\/\/www.manilatimes.net\/2025\/08\/15\/news\/national\/palace-shrugs-off-vp-dutertes-lead-in-2028-presidential-survey\/2168196\">para sa halalan sa 2028<\/a> . Lalo na\u2019t hindi na makakatakbo si Pres. Marcos Jr. sa ilalim ng <a href=\"https:\/\/www.officialgazette.gov.ph\/constitutions\/the-1987-constitution-of-the-republic-of-the-philippines\/the-1987-constitution-of-the-republic-of-the-philippines-article-vii\/\"><em>one-term limit<\/em><\/a><em> <\/em>ng 1987 Constitution. Dito mas nagiging mahalaga ang usapin ng kapangyarihan at posisyon: sino ang may kontrol sa naratibo at sino ang makikinabang sa pagguho ng proseso ng pananagutan? Ang hatol ng korte ay hindi lang legal na resolusyon kundi pahiwatig ng pagbubuo ng mga alyansa at awayan sa nalalapit na halalan.&nbsp;<\/p>\n\n\n\n<p>Ayon&nbsp; sa ilang grupo ng mga abogado, tulad ng National Union of Peoples\u2019 Lawyers \u2013 NCR, malinaw na nakaugat ang hatol sa teknikalidad, ngunit hindi dapat dito natatapos&nbsp; ang diskusyon. Dagdag pa nila, ang usapin ng pagwawaldas ng pondo at pagpapanagot sa isang opisyal ay kasinghalaga ng pormal na anyo ng batas; kung puro teknikalidad lamang ang pagbabatayan at walang pagtuon sa <em>substantive justice<\/em> at aktwal na pananagutan, lalong mabubura ang tiwala ng mamamayan. Harap-harapan ang pagtuon sa letra ng batas habang isinasantabi ang katarungan at pampublikong interes. Sa isang bansang paulit-ulit na nakaranas ng katiwalian at kawalan ng pananagutan, nagiging mapanganib ang ganitong pagpapalabo ng hustisya.<\/p>\n\n\n\n<p>Sa kabilang dako, malinaw ang panalo para sa kampo ni Duterte: isang ligal na depensang nagligtas sa kanya mula sa agarang banta ng impeachment at nagpatibay sa kanyang <em>political momentum<\/em>. Ngunit kung sila ang panalo, ang malinaw na talo ay ang lipunang sawang-sawa na sa ganitong <em>political spectacle<\/em> at <em>selective justice<\/em>. Hindi pa ba sapat ang bigat ng mga akusasyon? Ayon sa mga <a href=\"https:\/\/www.bulatlat.com\/2024\/12\/05\/progressives-file-impeachment-raps-against-sara-duterte-over-misuse-of-confidential-funds\/\">ulat<\/a>, nilustay niya ang mahigit \u20b1125 milyong piso na <em>confidential funds<\/em> sa loob lamang ng 11 na araw noong pagtatapos ng taong 2022. At noong 2023, \u20b1375 milyong confidential funds at \u20b1112.5 na pondo para sa Departamento ng Edukasyon ang naiwaldad. Imbes na ilaan ang mga pondo na ito sa pangangailangan ng bansa, nagiging salamin ito ng isang sistematikong pambubulag-bulagan sa tamang <em>auditing<\/em>. Higit pa rito, anh umano\u2019y ginamit upang suportahan ang <a href=\"https:\/\/www.amnesty.org.ph\/2024\/07\/amnesty-says-ntf-elcac-a-lost-cause-tells-marcos-jr-to-de-fund-and-abolish\/\">NTF-ELCAC<\/a>, isang ahensya na lalong nagpahirap sa sitwasyon ng red-tagging at militarisasyon ng ating lipunan. ay nagpapakita ng mas malalim na problema: ang paglala ng represibong pamamalakad na lalo lamang naglalayo sa gobyerno sa mamamayang dapat nitong pinaglilingkuran.<\/p>\n\n\n\n<p>Kaya mahalaga ang <em>impeachment<\/em> bilang mekanismo: ito ang tanging paraan sa ilalim ng Konstitusyon para managot ang isang <em>impeachable official<\/em> tulad ng Bise Presidente. Ang pagpapaliban o pagbabasura nito ay hindi simpleng legal na aksyon kundi pagbura sa mismong sistema ng <a href=\"https:\/\/www.respicio.ph\/bar\/2025\/political-law-and-public-international-law\/basic-concepts\/checks-and-balances\"><em>checks and balances<\/em><\/a>.<\/p>\n\n\n\n<p>Teknikal man ang naging batayan, ano naman ang sinasabi nito tungkol sa \u200b<em>positionality<\/em> ng mga mahistrado, sa <em>frustrated<\/em> vote ng taumbayan, at sa papel ng Korte Suprema sa gitna ng banggaan ng dalawang haligi ng ehekutibo? At higit pa rito, paano nakikisangkot ang Senado at ang Kamara? Anong nangyari mga institusyong inaasahang magsisilbing tagapagsuri sa kapangyarihan ng ehekutibo?<\/p>\n\n\n\n<p>Halimbawa, ang naging papel ni <em>Senate President<\/em> Chiz Escudero sa pagbibigay-daan na maharangan ang deliberasyon ay nagpapakita kung paanong ang pamumulitika sa loob ng lehislatura ay may direktang epekto sa kakayahan ng mga mamamayan na makakita ng hustisya.<\/p>\n\n\n\n<h2 class=\"wp-block-heading\"><span class=\"ez-toc-section\" id=\"Hustisya_sa_Panahon_ng_%E2%80%98Hashtag\"><\/span><strong>Hustisya sa Panahon ng \u2018#Hashtag\u2019<\/strong><span class=\"ez-toc-section-end\"><\/span><\/h2>\n\n\n\n<p>Hindi na bago sa Pilipinas ang pagsasanib ng batas at palabas. Ngunit sa kasong ito, mas malinaw kaysa dati ang pagkakahalo ng Korte Suprema sa mismong eksena ng pulitika. Isang tunggalian sa pagitan ng Bise Presidenteng taliwas sa nakaupong Pangulo at ng mayoryang nasa kanyang administrasyon, na pinapanood ng sambayanan na parang isang palabas.<\/p>\n\n\n\n<p>Makikita kung paanong ang mga institusyon tulad ng Korte Suprema ay nagiging bahagi ng <a href=\"https:\/\/www.marxists.org\/reference\/archive\/debord\/society.htm\"><em>media-driven<\/em> na representasyon ng hustisya<\/a>. Ang mga desisyong dating nakalaan para sa masusing pagsusuri ay ngayon bahagi na ng <em>newsfeed, graphic posts<\/em>, at <em>trending topics<\/em>. Ang mga&nbsp; kumukontrang opinyon ay isinasalin&nbsp; upang maging \u201cquotable quotes\u201d. At ang sagradong proseso ng paghatol ay pinapaliit sa 60-segundong <em>video<\/em> at headline na makapukaw-pansin; Isang pagbabalikwas sa masalimuot na proseso sa <em>content production<\/em> na madaling nguyain ngunit kulang sa lalim.<\/p>\n\n\n\n<p>Sa pahayag ni dating Bayan Muna Representative Neri Colmenares, malinaw ang epekto ng ruling sa transparency at pananagutan: \u201cMahirap ngayon ang impeachment at nangangamba ako na lalong dumami ang mga nakawan sa mga <em>impeachable officials<\/em>. Dahil alam nila, mahirap silang <em>i-hold to account<\/em> dito sa <em>impeachment process<\/em>.\u201d<\/p>\n\n\n\n<p>Para kay Colmenares, ang pagbibigay ng labis na due process rights sa mga opisyal ay nagiging balakid sa pananagutan: \u201cNapakarami nang <em>requisitos<\/em> o <em>requirements<\/em> bago pa makapaghain ng complaint ang mga mamamayan. Parang mas malaki pa ang d<em>ue process rights<\/em> na binibigay agad sa <em>respondent<\/em>, kahit hindi pa naman <em>trial <\/em>iyon.\u201d<\/p>\n\n\n\n<p>Sa ganitong kalakaran, nagiging <em>passive spectator<\/em> ang publiko\u2014taong nanonood, <em>nagrereact<\/em>, pero hindi tunay na nakikilahok sa proseso ng katarungan. Hindi lamang ito usapin ng pawang konsepto ng impormasyon, kundi mas tungkol sa ideya ng <strong>pagkontrol <\/strong>kung sino nga ba ang may kapangyarihang ikwento at ipaliwanag ang batas.<\/p>\n\n\n\n<h2 class=\"wp-block-heading\"><span class=\"ez-toc-section\" id=\"Legitimacy_o_Distraksyon\"><\/span><strong><em>Legitimacy<\/em><\/strong><strong> o Distraksyon?<\/strong><span class=\"ez-toc-section-end\"><\/span><\/h2>\n\n\n\n<p>Para sa karaniwang Pilipino, ang pagbabasura ng impeachment case ay isa na namang patunay na hindi sila kasali sa desisyon. Sa halip na maramdaman ang kanilang boses sa prosesong demokratiko, paulit-ulit itong binabalewala. Umuusbong ang tinatawag na <em>frustrated vote<\/em>, o ang kolektibong damdamin ng pagkapagod at kawalang tiwala.<\/p>\n\n\n\n<p>Hindi ito simpleng pagkadismaya. Isa itong pampulitikang sintomas ng isang sistemang tumatangging kilalanin ang hinaing ng mamamayan. Kapag ang isang opisyal na may seryosong kinahaharap na paratang ay hindi man lang dumaan sa paglilitis, saan pa huhugot ng lakas ang sistemang nagpapanggap na patas? Masyadong maluwag ang due process rights na ibinibigay sa impeachable officials kumpara sa ordinaryong Pilipino o Persons Deprived of Liberty (PDLs). Kung ang mga karaniwang akusado ay agad na hinuhuli, ikinukulong, at kinakasuhan nang walang sapat na depensa, bakit ang mataas na opisyal ay tila binabalutan ng teknikal na proteksiyon? Laganap ang krisis ng ligal na representasyon dahil sa <em>procedural loopholes<\/em>.<\/p>\n\n\n\n<p>Ang desisyong legal ay hindi kailanman hiwalay sa kontekstong pampulitika. Ang pagbasura sa isang impeachment case, gaano man ito ipaliwanag bilang pagsunod sa proseso o batay sa teknikalidad, ay may epekto sa pampublikong pang-unawa ng hustisya. Lalo na sa isang bansang may mahabang kasaysayan ng kapangyarihang tumaliwas sa pananagutan, at sa kabila ng paulit-ulit na pangako ng reporma, ang bawat kilos ng korte ay hindi lamang sinusukat sa pamamagitan ng batas kundi sa pamamagitan ng tiwala ng taumbayan.<\/p>\n\n\n\n<p>Sa paningin ng marami, ang desisyong ito ay hindi simpleng legal interpretation kundi isang aktong pampulitika<strong> na may malinaw na implikasyon sa 2028. <\/strong>Kapag ang isang institusyong inaasahang tagapamagitan ay lumilitaw na nakaposisyon pabor sa isa sa mga pangunahing makinarya ng kapangyarihan, ang mismong prinsipyo ng <em>checks and balances<\/em> ay nalulusaw.<\/p>\n\n\n\n<p>Nariyan din ang posibilidad na ang desisyong ito ay gumaganap bilang pampalubag-loob sa isang alyansang sadyang pinipigilang tuluyang mabuwag. Sa harap ng mga tensyon sa pagitan ng kampong Marcos at Duterte ang papel ng Korte Suprema ay hindi lamang legal kundi <strong><em>taktikal<\/em><\/strong>. Sa halip na maging tagapagtanggol ng mamamayan, ito\u2019y nalalagay sa <strong>posisyong nagpapanatili ng balanseng pampulitika sa pamamagitan ng hindi pagkikibo, o mas masahol pa, ng tahasang pagtalikod sa papel nitong magpanagot.<\/strong><\/p>\n\n\n\n<p>Sa gitna ng lahat ng ito, mahalagang tanungin kung ang ganitong desisyon ay nakaugat ba sa tunay na prinsipyo ng hustisya, o ginagamit lamang upang mapanatili ang imahe ng kaayusan sa kabila ng lumalalim na pagguho ng tiwala. Sa ilalim ng ganitong kalagayan, ang korte ay hindi lamang humahatol sa legalidad kundi nagsisilbing bahagi ng mas malawak na estratehiya ng kapangyarihan at kontrol. At kung gayon, ang tunay na tanong ay hindi kung legal ba ang desisyon, kundi kung para kanino ito naging kapaki-pakinabang.<\/p>\n\n\n\n<h2 class=\"wp-block-heading\"><span class=\"ez-toc-section\" id=\"Pagkilos_sa_Gitna_ng_Palabas\"><\/span><strong>Pagkilos sa Gitna ng Palabas<\/strong><span class=\"ez-toc-section-end\"><\/span><\/h2>\n\n\n\n<p>Sa ganitong sitwasyon, hindi sapat na manood at magkomento. Ang ganitong mga desisyon ay dapat basahin, ipaliwanag, at pag-usapan. Hindi bilang tsismis o <em>headline<\/em>, kundi bilang pampulitikang kilos.<\/p>\n\n\n\n<blockquote class=\"wp-block-quote is-layout-flow wp-block-quote-is-layout-flow\">\n<p>Sa panawagan ni Colmenares, mahalagang maipaliwanag ang teknikal na prosesong ito sa masa,&nbsp; \u201cGanito lang. Napakasimple talaga ng pag-ano namin dyan sa desisyon ng Korte Suprema\u2026 Pag may presidente, hawak niya ang kongreso, aba\u2019y, hindi lang pala [para] dinggin ng Kongreso yung impeachment mo. Tapos na, dismissed na.\u201d<\/p>\n<\/blockquote>\n\n\n\n<p>Hindi sapat ang legal briefing. Kailangan ng<strong> pampublikong diskurso.<\/strong><\/p>\n\n\n\n<p>Hindi sapat ang <em>dissenting opinion<\/em>. Kailangan ng <strong>kolektibong paninindigan.<\/strong><\/p>\n\n\n\n<p><strong>Hindi sapat ang tanong kung may batas bang nasunod. Mas mahalagang itanong kung may katarungan bang naabot.<\/strong><\/p>\n","protected":false},"excerpt":{"rendered":"<p>Sulat ni Kirsten Flores Habang abala ang gobyerno sa paglalatag ng entablado para sa ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand &#8220;Bongbong&#8221; Marcos Jr., tumaginting ang desisyon ng Korte Supremang i-arkiba ang impeachment case laban kay Bise Presidente Sara Duterte. Sa gitna ng panawagan para sa kaligtasan at hustisya, umalingawngaw ang [&hellip;]<\/p>\n","protected":false},"author":9,"featured_media":7055,"comment_status":"open","ping_status":"open","sticky":false,"template":"","format":"standard","meta":{"_jetpack_memberships_contains_paid_content":false,"footnotes":""},"categories":[18,12],"tags":[158,159,160,161],"ppma_author":[122],"class_list":["post-7053","post","type-post","status-publish","format-standard","has-post-thumbnail","hentry","category-national-news","category-news-features","tag-impeachment","tag-ph-politics","tag-sara-duterte","tag-state-of-the-nation-address"],"aioseo_notices":[],"jetpack_featured_media_url":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2025\/09\/SINAG-KIRSTEN-ARTIX-website-1.png","jetpack-related-posts":[{"id":2280,"url":"https:\/\/sinag.press\/news\/2021\/09\/16\/crimes-against-humanity-ni-duterte-pinaiimbestigahan-ng-icc\/","url_meta":{"origin":7053,"position":0},"title":"Crimes against humanity ni Duterte, pinaiimbestigahan ng ICC","author":"Staff","date":"16 September 2021","format":false,"excerpt":"Pormal nang pinahintulutan ng Pre-Trial Chamber I ng International Criminal Court (ICC) ang imbestigasyon sa mga kaso ng \u201ccrimes against humanity\u201d na isinampa laban kay Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa madugong 'war on drugs' nito at mga pagpatay\u00a0 ng kanyang administrasyon, paghahayag ng ICC sa website nito kahapon, Setyembre 15.\u2026","rel":"","context":"In &quot;News&quot;","block_context":{"text":"News","link":"https:\/\/sinag.press\/news\/category\/news\/"},"img":{"alt_text":"","src":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2021\/09\/sinag-web-banner-11-2.png?resize=350%2C200&ssl=1","width":350,"height":200,"srcset":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2021\/09\/sinag-web-banner-11-2.png?resize=350%2C200&ssl=1 1x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2021\/09\/sinag-web-banner-11-2.png?resize=525%2C300&ssl=1 1.5x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2021\/09\/sinag-web-banner-11-2.png?resize=700%2C400&ssl=1 2x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2021\/09\/sinag-web-banner-11-2.png?resize=1050%2C600&ssl=1 3x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2021\/09\/sinag-web-banner-11-2.png?resize=1400%2C800&ssl=1 4x"},"classes":[]},{"id":4397,"url":"https:\/\/sinag.press\/news\/2022\/04\/23\/sara-gaya-ni-gadon-may-disbarment-case-kahit-tumakbo\/","url_meta":{"origin":7053,"position":1},"title":"Sara, gaya ni Gadon, may disbarment case kahit tumakbo","author":"Staff","date":"23 April 2022","format":false,"excerpt":"Inamin ni Sara Duterte-Carpio, kumakandidato para sa pagka-bise presidente, na mayroon pa siyang pending na kaso ng disbarment sa naganap na rally ng UniTeam sa Bi\u00f1an City, Laguna, noong Abril 21. Inamin ni Sara Duterte-Carpio, kumakandidato para sa pagka-bise presidente, na mayroon pa siyang pending na kaso ng disbarment sa\u2026","rel":"","context":"In &quot;News&quot;","block_context":{"text":"News","link":"https:\/\/sinag.press\/news\/category\/news\/"},"img":{"alt_text":"","src":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/04\/sinag-web-banner-12-1.png?resize=350%2C200&ssl=1","width":350,"height":200,"srcset":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/04\/sinag-web-banner-12-1.png?resize=350%2C200&ssl=1 1x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/04\/sinag-web-banner-12-1.png?resize=525%2C300&ssl=1 1.5x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/04\/sinag-web-banner-12-1.png?resize=700%2C400&ssl=1 2x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/04\/sinag-web-banner-12-1.png?resize=1050%2C600&ssl=1 3x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/04\/sinag-web-banner-12-1.png?resize=1400%2C800&ssl=1 4x"},"classes":[]},{"id":4182,"url":"https:\/\/sinag.press\/news\/2022\/03\/25\/red-tagging-sa-sinag-naisama-sa-kaso-laban-kay-badoy-ntf-elcac\/","url_meta":{"origin":7053,"position":2},"title":"Red-tagging sa SINAG, naisama sa kaso laban kay Badoy, NTF-ELCAC","author":"Staff","date":"25 March 2022","format":false,"excerpt":"Kasama ang kaso ng SINAG sa mga kasong ipinasa ng iba't ibang grupo, kasama na ang College of Social Sciences and Philosophy Student Council (CSSP SC) sa Opisina ng Ombudsman para sa suspension case kay Lorraine Badoy, undersecretary ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC), noong\u2026","rel":"","context":"In &quot;News&quot;","block_context":{"text":"News","link":"https:\/\/sinag.press\/news\/category\/news\/"},"img":{"alt_text":"","src":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/03\/sinag-web-banner-11-1.png?resize=350%2C200&ssl=1","width":350,"height":200,"srcset":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/03\/sinag-web-banner-11-1.png?resize=350%2C200&ssl=1 1x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/03\/sinag-web-banner-11-1.png?resize=525%2C300&ssl=1 1.5x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/03\/sinag-web-banner-11-1.png?resize=700%2C400&ssl=1 2x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/03\/sinag-web-banner-11-1.png?resize=1050%2C600&ssl=1 3x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/03\/sinag-web-banner-11-1.png?resize=1400%2C800&ssl=1 4x"},"classes":[]},{"id":4550,"url":"https:\/\/sinag.press\/news\/2022\/05\/23\/walang-hustisya-sa-ilalim-ng-academic-freedom-killer-at-redtagger\/","url_meta":{"origin":7053,"position":3},"title":"Walang hustisya sa ilalim ng academic freedom killer at redtagger","author":"Staff","date":"23 May 2022","format":false,"excerpt":"\"Malinaw na ang pag-alok ni Marcos, Jr. kay Remulla ng posisyon sa gabinete ay kabayaran para sa pagpapakatuta ni Remulla kay Duterte at sa NTF-ELCAC sa loob ng Kongreso at maging sa eleksyon. Hindi karapat-dapat na maging kalihim ng hustisya ang Academic Freedom Killer at Redtagger na si Remulla,\"\u00a0 Raoul\u2026","rel":"","context":"In &quot;Others&quot;","block_context":{"text":"Others","link":"https:\/\/sinag.press\/news\/category\/others\/"},"img":{"alt_text":"","src":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/05\/sinag-web-banner-7-1-1.png?resize=350%2C200&ssl=1","width":350,"height":200,"srcset":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/05\/sinag-web-banner-7-1-1.png?resize=350%2C200&ssl=1 1x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/05\/sinag-web-banner-7-1-1.png?resize=525%2C300&ssl=1 1.5x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/05\/sinag-web-banner-7-1-1.png?resize=700%2C400&ssl=1 2x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/05\/sinag-web-banner-7-1-1.png?resize=1050%2C600&ssl=1 3x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/05\/sinag-web-banner-7-1-1.png?resize=1400%2C800&ssl=1 4x"},"classes":[]},{"id":3891,"url":"https:\/\/sinag.press\/news\/2022\/02\/22\/mga-nagprotesta-laban-kay-marcos-jr-sa-caloocan-dinahas-ng-supporters\/","url_meta":{"origin":7053,"position":4},"title":"Mga nagprotesta laban kay Marcos Jr. sa Caloocan, dinahas ng supporters","author":"Staff","date":"22 February 2022","format":false,"excerpt":"Sinalubong ng panghaharas, pangmumura, at pananakit ang ikinasang symbolic silent protest sa caravan ng tambalang Marcos-Duterte nitong Pebrero 19, 2022 sa lungsod ng Caloocan.\u00a0 Ilang kabataan ang naglunsad ng isang kilos-protesta upang kundenahin ang mga kasalanan sa bayan ng convict at anak ng diktador na si Bongbong Marcos, Jr. Mapayapa\u2026","rel":"","context":"In &quot;News&quot;","block_context":{"text":"News","link":"https:\/\/sinag.press\/news\/category\/news\/"},"img":{"alt_text":"","src":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/02\/sinag-web-banner-12-1.png?resize=350%2C200&ssl=1","width":350,"height":200,"srcset":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/02\/sinag-web-banner-12-1.png?resize=350%2C200&ssl=1 1x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/02\/sinag-web-banner-12-1.png?resize=525%2C300&ssl=1 1.5x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/02\/sinag-web-banner-12-1.png?resize=700%2C400&ssl=1 2x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/02\/sinag-web-banner-12-1.png?resize=1050%2C600&ssl=1 3x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/02\/sinag-web-banner-12-1.png?resize=1400%2C800&ssl=1 4x"},"classes":[]},{"id":4449,"url":"https:\/\/sinag.press\/news\/2022\/05\/07\/biguin-ang-pandaraya-nina-marcos-duterte\/","url_meta":{"origin":7053,"position":5},"title":"Biguin ang pandaraya nina Marcos-Duterte!","author":"Staff","date":"7 May 2022","format":false,"excerpt":"Hungkag ang eleksyon sa ating bansa. Hindi ito magbibigay sa atin ng mga pundamental na pagbabago. Subalit ngayon, ang hamon sa eleksyon na ito ay isabuhay ang demokrasya, sa balota, protesta, hanggang sa armadong pakikibaka. Malinaw ang pampolitikang tungkulin mula noon: biguin ang tambalang Marcos-Duterte at lahat ng kanilang mga\u2026","rel":"","context":"In &quot;Opinion&quot;","block_context":{"text":"Opinion","link":"https:\/\/sinag.press\/news\/category\/opinion\/"},"img":{"alt_text":"","src":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/05\/sinag-web-banner-1-1-1.png?resize=350%2C200&ssl=1","width":350,"height":200,"srcset":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/05\/sinag-web-banner-1-1-1.png?resize=350%2C200&ssl=1 1x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/05\/sinag-web-banner-1-1-1.png?resize=525%2C300&ssl=1 1.5x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/05\/sinag-web-banner-1-1-1.png?resize=700%2C400&ssl=1 2x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/05\/sinag-web-banner-1-1-1.png?resize=1050%2C600&ssl=1 3x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/05\/sinag-web-banner-1-1-1.png?resize=1400%2C800&ssl=1 4x"},"classes":[]}],"jetpack_sharing_enabled":true,"authors":[{"term_id":122,"user_id":9,"is_guest":0,"slug":"csspsinag","display_name":"Staff","avatar_url":"https:\/\/secure.gravatar.com\/avatar\/194807626fee183640d3de57e788ba7c8c0d40bd86bfc1237bed56bcd3832c1b?s=96&d=mm&r=g","0":null,"1":"","2":"","3":"","4":"","5":"","6":"","7":"","8":""}],"_links":{"self":[{"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/7053","targetHints":{"allow":["GET"]}}],"collection":[{"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/posts"}],"about":[{"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/types\/post"}],"author":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/users\/9"}],"replies":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/comments?post=7053"}],"version-history":[{"count":1,"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/7053\/revisions"}],"predecessor-version":[{"id":7056,"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/7053\/revisions\/7056"}],"wp:featuredmedia":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/media\/7055"}],"wp:attachment":[{"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/media?parent=7053"}],"wp:term":[{"taxonomy":"category","embeddable":true,"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/categories?post=7053"},{"taxonomy":"post_tag","embeddable":true,"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/tags?post=7053"},{"taxonomy":"author","embeddable":true,"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/ppma_author?post=7053"}],"curies":[{"name":"wp","href":"https:\/\/api.w.org\/{rel}","templated":true}]}}