{"id":7101,"date":"2025-09-24T00:27:58","date_gmt":"2025-09-23T16:27:58","guid":{"rendered":"https:\/\/sinag.press\/news\/?p=7101"},"modified":"2025-09-24T09:58:44","modified_gmt":"2025-09-24T01:58:44","slug":"ika-53-na-anibersaryo-ng-batas-militar-binaha-ng-galit-at-panawagan-ng-sambayanan","status":"publish","type":"post","link":"https:\/\/sinag.press\/news\/2025\/09\/24\/ika-53-na-anibersaryo-ng-batas-militar-binaha-ng-galit-at-panawagan-ng-sambayanan\/","title":{"rendered":"Ika-53 na anibersaryo ng Batas Militar, binaha ng galit at panawagan ng sambayanan"},"content":{"rendered":"\n<p><em>Isinulat nila Rei Pascual at Raphael Mendoza<\/em> <\/p>\n\n\n\n<p>BINAHA NG PROTESTA mula sa iba\u2019t-ibang sektor at progresibong grupo ang lansangan ng Maynila bilang paggunita sa ika-53 anibersaryo ng Batas Militar nitong linggo, Setyembre 21.&nbsp; Mula sa iba\u2019t ibang sektor\u2014estudyante, manggagawa, manininda, at mga progresibong organisasyon\u2014umalingawngaw ang panawagan: wakasan ang katiwalian, igiit ang hustisya, at isulong ang pagbabago sa bulok na sistemang panlipunan.<\/p>\n\n\n\n<p>Nagtipon ang mga iba\u2019t ibang mga progresibong grupo at sa Luneta sa ilalim ng programang \u201cBaha sa Luneta: Aksyon Laban sa Korapsyon\u201d. Dito, mariing tinuligsa ang inutil at korap na pamumuno ni Ferdinand \u201cBongbong\u201d Marcos Jr., habang ipinanawagan ang paniningil at pagpapanagot kay Sara Duterte sa pandarambong ng bilyon-bilyong confidential at intelligence funds. Nagmartsa ang mga hanay mula Kalaw hanggang Roxas Boulevard.&nbsp;<\/p>\n\n\n\n<p>Bandang 12:25 n.u., sinalubong ng daan-daang pulis ang mga nagkilos-protesta. Nauwi ito sa marahas na dispersal\u2014. Hindi bababa sa 216 ang dinakip, kabilang ang mga menor de edad at Persons with Disabilities (PWD).<\/p>\n\n\n\n<p>Tumungo ang hanay sa Mendiola ng bandang 12:25 p.m. ng hapon sa pangunguna ng Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN)&nbsp; Dito, sinalubong ang hanay ng daan-daang mga kapulisan. Nagkaroon ng marahas na dispersal sa pagitan ng mga nagsagawa ng kilos protesta&nbsp; at mga awtoridad. Gumamit ng tear gas, batuta, at pambubugbog ang kapulisan. Itinatalang nasa 216 ang marahas na ang dinakip.<\/p>\n\n\n\n<p><strong>Anino ng Batas Militar&nbsp;<\/strong><\/p>\n\n\n\n<p>Noong Setyembre 21, 1972, idineklara ni dating pangulong Ferdinand Marcos Sr. ang Batas Militar sa Pilipinas. Sa ilalim nito, halos 70,000 ang ibinilanggo, 34,000 ang pinahirapan, at 3,200 ang pinaslang. Itinuturing itong isa sa pinakamalagim na bahagi ng kasaysayan ng bansa\u2014panahon ng pang-aabuso at matinding katiwalian, mga bagay na patuloy pa ring nararanasan sa kasalukuyan.<\/p>\n\n\n\n<p>Ngunit higit limang dekada na ang lumipas, sa harap ng panibagong Marcos sa kapangyarihan, nananatili pa rin ang mga panlipunang isyung nagpapahirap sa sambayanan. Kamakailan lamang, muling binatikos ang Department of Public Works and Highways (DPWH) dahil sa maanomalyang flood control projects, habang daan-daang pamilya ang nalulunod sa baha.&nbsp;<\/p>\n\n\n\n<p>Binigyang-diin ni Jacob Miranda, isang estudyante mula sa Kolehiyo ng Agham Panlipunan at Pilosopiya (KAPP) ng UP Diliman, na matagal na ang ganitong klaseng sistema ngunit hindi natatapos buhat ng kawalan ng pananagutan at lantarang pagnanakaw sa kaban ng bayan. Giit ni Miranda, ang pagtataas sa presyo ng bilihin at ang kakulangan sa mga espasyo sa paaralan.&nbsp;<\/p>\n\n\n\n<p>\u201cKaya iyon ang aking hangarin talagang pagbabago pagdating sa edukasyon, pagkakaron ng pantay-pantay na pagkilala rin sa karapatan, at mabigyan ng tamang alokasyon ng mga kagamitan para sa ating mga mamamayan,\u201d dagdag ni Miranda.<\/p>\n\n\n\n<p>Kaakibat ng mga anomalya sa mga flood control projects, kabilang na rito ang ilang mga gusali sa unibersidad katulad ng KAPP na hindi matapos-tapos, na nagdudulot ng kakulangan ng espasyo para sa mga organisasyon at hadlang sa pagpapabuti ng serbisyo sa edukasyon.&nbsp;<\/p>\n\n\n\n<p>RELATED: <a href=\"https:\/\/sinag.press\/news\/2025\/09\/11\/budget-cuts-worsen-the-state-of-sucs-an-inside-look-at-the-persistent-lack-of-accessible-student-spaces-in-up-dilimans-cssp\/\">https:\/\/sinag.press\/news\/2025\/09\/11\/budget-cuts-worsen-the-state-of-sucs-an-inside-look-at-the-persistent-lack-of-accessible-student-spaces-in-up-dilimans-cssp\/<\/a><\/p>\n\n\n\n<p><strong>Kabataang Mulat, Kinakatakutan ng Rehimeng Bulok at Kurakot<\/strong><\/p>\n\n\n\n<p>Umalingawngaw ang panawagan laban sa police brutality matapos ang marahas na dispersal at arbitraryong pag-aresto ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) sa mga nagkilos-protesta nitong Linggo sa Mendiola, kasabay ng paggunita sa ika-53 na anibersaryo ng Batas Militar.<\/p>\n\n\n\n<p>RELATED: <a href=\"https:\/\/sinag.press\/news\/2025\/09\/20\/higit-sa-5000-estudyante-ng-up-diliman-nag-walkout-laban-sa-korapsyon\/\">https:\/\/sinag.press\/news\/2025\/09\/20\/higit-sa-5000-estudyante-ng-up-diliman-nag-walkout-laban-sa-korapsyon\/<\/a>&nbsp;<\/p>\n\n\n\n<p>Sa kabila ng mariing pagtanggi ni DILG Secretary Jonvic Remulla na gumamit ang kapulisan ng water cannon at tear gas, malinaw na kabaligtaran ang naranasan ng ilang estudyante ng KAPP na direktang tinamaan ng mga ito. May mga kuha rin na nagpapakita ng bakas ng tear gas sa paligid.&nbsp;&nbsp;<\/p>\n\n\n\n<p>TINGNAN:<a href=\"https:\/\/www.facebook.com\/share\/v\/14M7wPs2bSg\/?mibextid=wwXIfr\"> https:\/\/www.facebook.com\/share\/v\/14M7wPs2bSg\/?mibextid=wwXIfr<\/a>&nbsp;<\/p>\n\n\n\n<p>Ayon sa UP Diliman University Student Council (USC),&nbsp; hindi bababa sa tatlong (3) kasapi ng mga organisasyong pang-masa, kabilang ang isang estudyante ng UP Diliman College of Arts and Letters (UPD-CAL), isang estudyante ng Polytechnic University of the Philippines (PUP), isang miyembro ng Kabataan Partylist (KPL) Pasay, ilang mga menor de edad, at persons with disability (PWD) ang dinampot sa kabila ng hindi aktibong paglahok sa kaguluhan matapos ang programa ng kilos-protesta sa oras ng kanilang pagkaaresto.<\/p>\n\n\n\n<p>Isa sa mga inaresto ay si Mattheo Wovi Villanueva, estudyante ng UP College of Arts and Letters, na nagsilbing security officer at paralegal sa nasabing pagkilos. Nakuhanan ng video ang paghila, pambubugbog sa kanya ng mga pulis bago siya dalhin sa ospital at kalaunan sa kustodiya ng MPD Station 12.&nbsp;<\/p>\n\n\n\n<p>PANOORIN:<a href=\"https:\/\/www.facebook.com\/share\/v\/1AB8E1wFmZ\/?mibextid=wwXIfr\" target=\"_blank\" rel=\"noopener\" title=\"\"> https:\/\/www.facebook.com\/share\/v\/1AB8E1wFmZ\/?mibextid=wwXIfr<\/a>&nbsp;<\/p>\n\n\n\n<figure class=\"wp-block-video aligncenter\"><video height=\"480\" style=\"aspect-ratio: 360 \/ 480;\" width=\"360\" controls src=\"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2025\/09\/AQNaa58U4I0TAHfAi7UM0dkf1G1aSNCwiuzzPgTTlmj4mkpMa2hvVFD7nHdiMovXZNn4d0h2a5nEqjM0vMeqJc8Xqbc9S5Rq-633xOrzyQ.mp4\"><\/video><figcaption class=\"wp-element-caption\">Bidyo mula sa Bilyonaryo<\/figcaption><\/figure>\n\n\n\n<p>Nagpatupad din ng \u2018maximum tolerance\u2019 ang Philippine National Police (PNP) sa naging kilos-protesta noong Setyembre 21 sa Mendiola, ayon sa opisyal na ulat ng pambansang pulisya. At sa kabila ng mga dokumentadong ebidensya, iniulat ng Malaca\u00f1ang sa press briefing noong umaga ng Setyembre 22 na: (1) walang dalang baril ang MPD sa operasyon; (2) mapayapang kumilos ang pulisya at dinepensahan lamang ang kanilang sarili at; (3) mga \u201cterorista\u201d umano ang mga nagkilos-protesta.&nbsp;<\/p>\n\n\n\n<p>Para kay Alexander Lasic, ama ng PWD youth activist na si Alexis \u201cChokoy\u201d Lasic na inaresto rin, hindi nalalayo ang karanasan sa mga sinapit ng mga Pilipino noong Martial Law. \u201cAkala ko ba maganda ang sistema? Bakit ibinabalik ninyo?\u201d giit niya.<\/p>\n\n\n\n<p><strong>Ang Galit na Dapat Pakinggan<\/strong><\/p>\n\n\n\n<p>Para kay Monalisa Tagle Tabernilla, beteranong manunulat at aktibista, hindi lang marahas na dispersal ang ugat ng galit ng taumbayan, kundi ang paulit-ulit na siklo ng katiwalian at kawalan ng pananagutan sa gobyerno.<\/p>\n\n\n\n<p>\u201cUmpisa lang itong ginagawa natin pero ang challenge dito ay sustainability. Sooner or later mapapagod ang mga tao, pero kailangan natin itong i-sustain kasi kailangang mapalitan talaga ang sistema natin,\u201d aniya.&nbsp;<\/p>\n\n\n\n<p>Habang patuloy na nagkakandakuba ang taumbayan sa pagtatrabaho upang kumita, patuloy naman sa pagbubulsa at pagnanakaw ang mga nasa itaas. Sa paglantad ng korapsyon, tanging hiling lamang ng sambayanan sa gobyerno ang unahin ang kanilang mga pangangailangan, pakinggan ang kanilang mga hinaing, ang maging tapat, at ang magsilbi sa bayan.&nbsp;<\/p>\n","protected":false},"excerpt":{"rendered":"<p>Isinulat nila Rei Pascual at Raphael Mendoza BINAHA NG PROTESTA mula sa iba\u2019t-ibang sektor at progresibong grupo ang lansangan ng Maynila bilang paggunita sa ika-53 anibersaryo ng Batas Militar nitong linggo, Setyembre 21.&nbsp; Mula sa iba\u2019t ibang sektor\u2014estudyante, manggagawa, manininda, at mga progresibong organisasyon\u2014umalingawngaw ang panawagan: wakasan ang katiwalian, igiit ang hustisya, at isulong ang [&hellip;]<\/p>\n","protected":false},"author":9,"featured_media":7106,"comment_status":"open","ping_status":"open","sticky":false,"template":"","format":"standard","meta":{"_jetpack_memberships_contains_paid_content":false,"footnotes":""},"categories":[11,12,17],"tags":[171,70,169,170,106],"ppma_author":[122],"class_list":["post-7101","post","type-post","status-publish","format-standard","has-post-thumbnail","hentry","category-news","category-news-features","category-up-news","tag-acad-freedom","tag-martial-law","tag-militarisasyon","tag-protests","tag-state-fascism"],"aioseo_notices":[],"jetpack_featured_media_url":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2025\/09\/18-1-scaled.png","jetpack-related-posts":[{"id":2506,"url":"https:\/\/sinag.press\/news\/2021\/09\/22\/pag-alala-sa-mga-biktima-ng-batas-militar-at-paglakas-ng-maka-masang-kilusan\/","url_meta":{"origin":7101,"position":0},"title":"Pag-alala sa mga Biktima ng Batas Militar at Paglakas ng Maka-masang Kilusan\ufffc\ufffc","author":"Staff","date":"22 September 2021","format":false,"excerpt":"Sa paggunita ng ika-49 na anibersaryo ng Martial Law ay patuloy na ipinapanawagan\u00a0 ang pagtigil at pagkundena sa rebisyonaryong pangkasaysayan, karahasan, panunupil, at kasakiman mula noon hanggang sa kasalukuyan. Lagpas apat na dekada mula noong lagdaan ng diktador na si Ferdinand Marcos ang Proklamasyon bilang 1081 na naglagay sa Pilipinas\u2026","rel":"","context":"In &quot;News&quot;","block_context":{"text":"News","link":"https:\/\/sinag.press\/news\/category\/news\/"},"img":{"alt_text":"","src":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2021\/09\/untitled-design-3.png?resize=350%2C200&ssl=1","width":350,"height":200,"srcset":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2021\/09\/untitled-design-3.png?resize=350%2C200&ssl=1 1x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2021\/09\/untitled-design-3.png?resize=525%2C300&ssl=1 1.5x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2021\/09\/untitled-design-3.png?resize=700%2C400&ssl=1 2x"},"classes":[]},{"id":7093,"url":"https:\/\/sinag.press\/news\/2025\/09\/20\/higit-sa-5000-estudyante-ng-up-diliman-nag-walkout-laban-sa-korapsyon\/","url_meta":{"origin":7101,"position":1},"title":"Higit sa 5,000 estudyante ng UP Diliman, nag-walkout laban sa korapsyon","author":"Staff","date":"20 September 2025","format":false,"excerpt":"Isinulat ni Prince Obispo Dumagundong ang panawagan na wakasan na ang kabi-kabilang korapsyon ng mahigit 5,000 kasapi ng komunidad ng UP na nagsagawa ng malawakang walk-out bilang pakikiisa sa Black Friday Protest na pinangunahan ng UP Diliman University Student Council (USC), UP Act Against Corruption Network (UP ACTION) at UP\u2026","rel":"","context":"In &quot;News&quot;","block_context":{"text":"News","link":"https:\/\/sinag.press\/news\/category\/news\/"},"img":{"alt_text":"","src":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2025\/09\/Untitled-design.zip-37-scaled.jpg?resize=350%2C200&ssl=1","width":350,"height":200,"srcset":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2025\/09\/Untitled-design.zip-37-scaled.jpg?resize=350%2C200&ssl=1 1x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2025\/09\/Untitled-design.zip-37-scaled.jpg?resize=525%2C300&ssl=1 1.5x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2025\/09\/Untitled-design.zip-37-scaled.jpg?resize=700%2C400&ssl=1 2x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2025\/09\/Untitled-design.zip-37-scaled.jpg?resize=1050%2C600&ssl=1 3x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2025\/09\/Untitled-design.zip-37-scaled.jpg?resize=1400%2C800&ssl=1 4x"},"classes":[]},{"id":1454,"url":"https:\/\/sinag.press\/news\/2021\/07\/04\/pagbasura-sa-anti-mamamayang-terror-law-panawagan-ng-ibat-ibang-sektor\/","url_meta":{"origin":7101,"position":2},"title":"Pagbasura sa \u2018anti-mamamayang\u2019 Terror Law, panawagan ng iba\u2019t ibang sektor","author":"emdeborja","date":"4 July 2021","format":false,"excerpt":"Pinagdiinan din ng mga kinatawan mula sa iba\u2019t ibang sektor kabilang na ang mga kabataang Lumad, ang kaguruan, mga manggagawa, at magsasaka, ang delubyong dala ng ATL sa karapatan ng mamamayang Pilipino. Sa unang anibersaryo ng pagpirma ni Pangulong Duterte sa Anti-Terror Law (ATL), nagsagawa ng isang online na webinar\u2026","rel":"","context":"In &quot;National News&quot;","block_context":{"text":"National News","link":"https:\/\/sinag.press\/news\/category\/news\/national-news\/"},"img":{"alt_text":"","src":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2021\/07\/img_2517-1.png?resize=350%2C200&ssl=1","width":350,"height":200,"srcset":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2021\/07\/img_2517-1.png?resize=350%2C200&ssl=1 1x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2021\/07\/img_2517-1.png?resize=525%2C300&ssl=1 1.5x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2021\/07\/img_2517-1.png?resize=700%2C400&ssl=1 2x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2021\/07\/img_2517-1.png?resize=1050%2C600&ssl=1 3x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2021\/07\/img_2517-1.png?resize=1400%2C800&ssl=1 4x"},"classes":[]},{"id":6955,"url":"https:\/\/sinag.press\/news\/2025\/03\/15\/justice-for-kristel-tejada-justice-for-all\/","url_meta":{"origin":7101,"position":3},"title":"Justice for Kristel Tejada, justice for all!","author":"Staff","date":"15 March 2025","format":false,"excerpt":"Nag-iwan ng mga panawagan at kandila ang mga Iskolar ng Bayan sa harapan ng Vinzon\u2019s hall upang gunitain ang ika-12 na anibersaryo ng pagkamatay ni Kristel Tejada. Si Tejada ay isang freshman mula sa UP Manila na naging biktima ng \u201cNo Late Payment Policy\u201d ng pamantasan. Dahil sa kakapusan ng\u2026","rel":"","context":"In &quot;News&quot;","block_context":{"text":"News","link":"https:\/\/sinag.press\/news\/category\/news\/"},"img":{"alt_text":"","src":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2025\/03\/479727265_1336231700982019_3850835672799740076_n.jpg?resize=350%2C200&ssl=1","width":350,"height":200,"srcset":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2025\/03\/479727265_1336231700982019_3850835672799740076_n.jpg?resize=350%2C200&ssl=1 1x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2025\/03\/479727265_1336231700982019_3850835672799740076_n.jpg?resize=525%2C300&ssl=1 1.5x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2025\/03\/479727265_1336231700982019_3850835672799740076_n.jpg?resize=700%2C400&ssl=1 2x"},"classes":[]},{"id":7110,"url":"https:\/\/sinag.press\/news\/2025\/10\/03\/sigaw-ng-bayan-hanggang-saan-ang-maaabot-ng-ating-galit\/","url_meta":{"origin":7101,"position":4},"title":"SIGAW NG BAYAN: Panahon ng Paniningil","author":"Staff","date":"3 October 2025","format":false,"excerpt":"Isinulat nila Damien Lamio, Mark Evan Mangandi, Johan Ong, Jovic Legaspi Galit ang bumalot sa kalsada. Sa bawat mukha, makikita ang hinanakit at pagod ng bayan\u2014ngunit ang tanong: Saan ba galing ang galit na ito? Ano ang paraan upang ipakita ito? Hanggang saan dapat dalhin ng ating galit?\u00a0 Sa isang\u2026","rel":"","context":"In &quot;Features&quot;","block_context":{"text":"Features","link":"https:\/\/sinag.press\/news\/category\/features\/"},"img":{"alt_text":"","src":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2025\/10\/WEBSITE.png?resize=350%2C200&ssl=1","width":350,"height":200,"srcset":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2025\/10\/WEBSITE.png?resize=350%2C200&ssl=1 1x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2025\/10\/WEBSITE.png?resize=525%2C300&ssl=1 1.5x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2025\/10\/WEBSITE.png?resize=700%2C400&ssl=1 2x"},"classes":[]},{"id":2574,"url":"https:\/\/sinag.press\/news\/2021\/09\/27\/maikling-kasaysayan-ng-pakikibaka-sa-bulwagang-palma\/","url_meta":{"origin":7101,"position":5},"title":"Maikling kasaysayan ng pakikibaka sa Bulwagang Palma","author":"Staff","date":"27 September 2021","format":false,"excerpt":"Palma Hall o A.S.? Para sa mga nakatatanda, A.S. daw ang dapat itawag dahil \u201cito ang ginagamit ng lahat ng tao sa pamantasan.\u201d Para naman sa mga baguhang mag-aaral, Palma Hall pa rin ang mas sikat dahil ito ang nakamarka mismo sa tuktok ng gusali sa kanilang unang pagpasok sa\u2026","rel":"","context":"Similar post","block_context":{"text":"Similar post","link":""},"img":{"alt_text":"","src":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2021\/09\/sinag-web-banner-19-1.png?resize=350%2C200&ssl=1","width":350,"height":200,"srcset":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2021\/09\/sinag-web-banner-19-1.png?resize=350%2C200&ssl=1 1x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2021\/09\/sinag-web-banner-19-1.png?resize=525%2C300&ssl=1 1.5x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2021\/09\/sinag-web-banner-19-1.png?resize=700%2C400&ssl=1 2x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2021\/09\/sinag-web-banner-19-1.png?resize=1050%2C600&ssl=1 3x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2021\/09\/sinag-web-banner-19-1.png?resize=1400%2C800&ssl=1 4x"},"classes":[]}],"jetpack_sharing_enabled":true,"authors":[{"term_id":122,"user_id":9,"is_guest":0,"slug":"csspsinag","display_name":"Staff","avatar_url":"https:\/\/secure.gravatar.com\/avatar\/194807626fee183640d3de57e788ba7c8c0d40bd86bfc1237bed56bcd3832c1b?s=96&d=mm&r=g","0":null,"1":"","2":"","3":"","4":"","5":"","6":"","7":"","8":""}],"_links":{"self":[{"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/7101","targetHints":{"allow":["GET"]}}],"collection":[{"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/posts"}],"about":[{"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/types\/post"}],"author":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/users\/9"}],"replies":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/comments?post=7101"}],"version-history":[{"count":2,"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/7101\/revisions"}],"predecessor-version":[{"id":7105,"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/7101\/revisions\/7105"}],"wp:featuredmedia":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/media\/7106"}],"wp:attachment":[{"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/media?parent=7101"}],"wp:term":[{"taxonomy":"category","embeddable":true,"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/categories?post=7101"},{"taxonomy":"post_tag","embeddable":true,"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/tags?post=7101"},{"taxonomy":"author","embeddable":true,"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/ppma_author?post=7101"}],"curies":[{"name":"wp","href":"https:\/\/api.w.org\/{rel}","templated":true}]}}