{"id":7110,"date":"2025-10-03T20:00:00","date_gmt":"2025-10-03T12:00:00","guid":{"rendered":"https:\/\/sinag.press\/news\/?p=7110"},"modified":"2025-10-09T21:24:37","modified_gmt":"2025-10-09T13:24:37","slug":"sigaw-ng-bayan-hanggang-saan-ang-maaabot-ng-ating-galit","status":"publish","type":"post","link":"https:\/\/sinag.press\/news\/2025\/10\/03\/sigaw-ng-bayan-hanggang-saan-ang-maaabot-ng-ating-galit\/","title":{"rendered":"SIGAW NG BAYAN: Panahon ng Paniningil"},"content":{"rendered":"\n<p><em>Isinulat nila Damien Lamio, Mark Evan Mangandi, Johan Ong, Jovic Legaspi <\/em><\/p>\n\n\n\n<p>Galit ang bumalot sa kalsada. Sa bawat mukha, makikita ang hinanakit at pagod ng bayan\u2014ngunit ang tanong: Saan ba galing ang galit na ito<em>? <\/em>Ano ang paraan upang ipakita ito? Hanggang saan dapat dalhin ng ating galit?&nbsp;<\/p>\n\n\n\n<p>Sa isang araw na pinagtagpo ng sigaw at pagkilos, hindi maiwasan ang samu\u2019t saring anyo ng protesta\u2014may organisado, may baha ng maraming tao, at may mga grupong nagdala ng sariling kilos. Sa harap ng ganitong kalituhan, dapat bang ang galit ng mamamayan ay laging organisado, o sadyang bahagi ng pakikibaka ang marahas na pwersa? Kung ang boses na dehado at itatapat sa kagamitang marahas, may nararapat bang paraan ng pagpapakita ng galit ng masa?<\/p>\n\n\n\n<p>Sa nakalipas na ika-21 ng Setyembre taong 2025, ginunita ang ika-53 na anibersaryo ng pagtupad ng Batas Militar o Martial Law sa Pilipinas. Muling sinariwa sa alaala ang mga kawalang-hiyaan at pang-aabuso sa ilalim ng rehimeng Marcos Sr., isang madugong yugto ng ating kasaysayan na hindi kailanman dapat makalimutan. Dito ay walang pakundangang pinagsamantalahan at pinagmalupitan ang karapatan at kalayaan ng taumbayan.&nbsp;<\/p>\n\n\n\n<p>Maliban sa anibersaryo, isiniwalat rin ng mga raliyista ang kanilang kapootan ukol sa napapanahong isyu ng anomalya sa mga palpak na mga flood control project ng Department of Public Works and Highways o DPWH. Kabilang na rito ang masakim na pagnanakaw ng mga tulad nina Curlee at Sarah Discaya, Zaldy Co, Wawao Builders, at iba pa, mula sa pondo ng bayan sa pamamagitan ng mga anomalya sa mga flood control project at budget insertions sa badyet ng bansa. <a href=\"https:\/\/www.greenpeace.org\/philippines\/press\/68522\/flood-control-corruption-an-obscene-plunder-of-much-needed-climate-funds\/\">Batay sa ulat ng Greenpeace Philippines (2025), tinatayang aabot sa 1.089 trilyong piso ang posibleng nawaldas sa korapsyon ng DPWH mula noong taong 2023, kabilang ang 560 bilyong piso para sa taong 2025 lamang.<\/a>&nbsp;<\/p>\n\n\n\n<p>Dahil dito,&nbsp; iba\u2019t ibang sektor&nbsp; ang nagkaisang tumindig at nakibaka. Marami ang tumungo sa Luneta, isang makasaysayang lugar na matagal nang simbolo ng paglaban para sa kalayaan ng mga Pilipino sa pangunguna ng Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN), Taumbayan Ayaw sa Magnanakaw at Abusado Network Alliance (TAMA NA), Panatang Luntian Coalition, University of the Philippines, at iba pa. Sa bantayog nito, muling nanawagan ang sambayanan ng kalayaan mula sa katiwalian na sumasakal sa bansa.&nbsp;<\/p>\n\n\n\n<p>Nananatiling simbolo hanggang ngayon ang mga lugar na ito ng pagkakaisa at kapangyarihan ng mamamayan na naglalayong supilin ang mga mapang-abuso sa gobyerno.<\/p>\n\n\n\n<p>Kung gayon, ano kaya ang pinanghuhugutan ng taumbayang tumungo at makiisa sa panig ng Luneta sa makasaysayang araw na ito?<\/p>\n\n\n\n<p><strong>Tubig-maiinom para sa Masa, hindi tubig-baha!&nbsp;<\/strong><\/p>\n\n\n\n<figure class=\"wp-block-image size-large\"><img loading=\"lazy\" decoding=\"async\" width=\"1024\" height=\"683\" src=\"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2025\/10\/Nerisa-3-1024x683.png\" alt=\"\" class=\"wp-image-7119\" srcset=\"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2025\/10\/Nerisa-3-1024x683.png 1024w, https:\/\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2025\/10\/Nerisa-3-300x200.png 300w, https:\/\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2025\/10\/Nerisa-3-768x512.png 768w, https:\/\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2025\/10\/Nerisa-3.png 1500w\" sizes=\"auto, (max-width: 1024px) 100vw, 1024px\" \/><\/figure>\n\n\n\n<p>Sa paglapag sa Luneta ay maririnig kaagad ang maiingay at makapangyarihang boses ng masa para sa pagbabago sa malubhang korapsyong paulit-ulit nang pinapasan ng bayan\u2014korapsyong paunti-unting lumulunod sa atin sa kumunoy ng kahirapan. Makikita natin dito ang mga kababayan mula sa iba\u2019t ibang panig&nbsp; ng buhay na mayroon ding iba\u2019t ibang anyo&nbsp; ng pakikibaka at pakikisama.&nbsp;<\/p>\n\n\n\n<p>Isa na rito si Nerisa na makikitang naghahain ng mga libreng bote ng tubig at pagkain sa gilid ng kalsada para sa mga raliyistang naglilibot sa Luneta . Ito\u2019y kanyang nagsilbing kontribusyon upang makibaka kahit na hindi siya makasama sa mga hanay ng mga nagpoprotesta. Aniya, ang tubig at pagkain ay galing din sa kanyang sariling pera\u2014tila kabalintunaan na ang ordinaryong Pilipino pa ang nagbibigay ng tulong sa kapwa\u2014habang ang mga nakaupon opisyal ay nagnanakaw, nagkakamal ng ganansya, at inuuna ang pansariling interes imbes na unahin ang batayang mga karapatan ng taumbayan.&nbsp;<\/p>\n\n\n\n<p><em>\u201cGalit at pag-ibig po para sa country natin. Grabe na yung panlilinlang na ginagawa nila sa atin, lalo na sa mga matatanda. Ngayon, tayong kabataan, kailangan mulatin natin sila. Tayo ang magiging instrumento para mamulat sila sa mga totoong nangyayari sa ating bansa,\u201d <\/em>kwento ni Nerisa nang tanungin tungkol sa kung ano ang humugot sa kanyang makisama sa panig ng Luneta.<\/p>\n\n\n\n<p>Bukod dito, isinaad niya rin ang naging motibasyon niya sa pakikibaka kasama ang komunidad: <em>\u201cThe reason why I\u2019m here is because I want everyone to know that we are fighting for our future, not just for ourselves, for we are one country.\u201d&nbsp;<\/em><\/p>\n\n\n\n<p>Ang binitawan niyang mga salita\u2019y sumasalamin sa saloobin ng kabataan ng ating bansa. Kahit na karamiha\u2019y mayroong limitasyon sa pakikisama sa mga kilos-protesta batay sa katayuan sa buhay ay mayroon pa rin tayong mai-aambag na papel\u2014malaki o maliit man\u2014kahit tayo\u2019y hindi makalahok nang buong-buo o dahil sa pisikal na mga balakid sa mga ganitong uri ng pagkilos sa ating lipunan.&nbsp;<\/p>\n\n\n\n<p><strong>O Kalusugan, O Karapatan ng Mamamayan&nbsp;<\/strong><\/p>\n\n\n\n<figure class=\"wp-block-image size-large\"><img loading=\"lazy\" decoding=\"async\" width=\"1024\" height=\"683\" src=\"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2025\/10\/Randy-1-1024x683.png\" alt=\"\" class=\"wp-image-7120\" srcset=\"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2025\/10\/Randy-1-1024x683.png 1024w, https:\/\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2025\/10\/Randy-1-300x200.png 300w, https:\/\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2025\/10\/Randy-1-768x512.png 768w, https:\/\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2025\/10\/Randy-1.png 1500w\" sizes=\"auto, (max-width: 1024px) 100vw, 1024px\" \/><\/figure>\n\n\n\n<p><em>\u201cDi naman naghahangad yung maraming tao na yumaman o kung ano\u2026 It\u2019s just a matter of how to survive everyday life.\u201d<\/em><\/p>\n\n\n\n<p>Ito ang ipinahayag ni Randy Ramos na namisikleta tungong Luneta upang makiisa at manood ng mga kilos-protesta mula sa gitna ng kalsada. Aniya, tayo\u2019y nagbabayad ng buwis sa iba\u2019t ibang porma ng mga bayarin at yari tulad na lamang ng mga karanasang overtime ni Randy sa pagtatrabaho. Talinghaga sa mga flood control project na makikita natin kahit saan man\u2014hindi nagmimistulang ang ating mga buwis ay liban sa ating paningin. Kinakailangang kwestyunin natin lalo ang mga flood control project na dapat malinaw ang mga proyekto sa mata ng sambayanan. Sa gayon, naitatayo ba ito nang maayos? Tulad nito, ang mga buwis ba natin ay nagagamit nang maayos? Saan nga ba napupunta ang buwis ng mga Pilipino?<\/p>\n\n\n\n<p><em>\u201cMasakit tanggapin dahil instead na nagagamit natin yung mga benepisyo tulad ng sa health natin na dapat naibibigay ay ninanakaw lang pala.\u201d<\/em><\/p>\n\n\n\n<p>Mula sa korap na paggamit ng DPWH ng pondo ng bayan ay makikita nating maraming sektor sa ating lipunan ang makakaangat mula sa pondong nailahad sana sa ibang mga departamento tulad na lamang ng <a href=\"https:\/\/opinion.inquirer.net\/186076\/challenges-for-zero-balance-billing\">DOH<\/a>, <a href=\"https:\/\/newsinfo.inquirer.net\/2101572\/despite-larger-2026-budget-educ-programs-suffer-crucial-cuts-group\">DepEd<\/a>, at iba pa. Masakit at malungkot isipin dahil, ika nga ni Randy, nakikita natin ang sub-standard na kalidad ng ating mga government hospital tulad ng <a href=\"https:\/\/www.philstar.com\/nation\/2025\/08\/06\/2463392\/pgh-emergency-room-exceeds-capacity\">Philippine General Hospital (PGH)<\/a> na kaya naman sanang masustentuhan kung mayroong sapat na pondo mula sa ating gobyerno. Ito ang isa sa maraming reyalidad na hinaharap ng ating lipunan na kinakailangan nating bigyang-diin bilang mga panawagan ng bayan.<\/p>\n\n\n\n<p><em>\u201cSobra na kasi yung korapsyon, kitang kita naman natin. Regardless naman talaga diyan kung sino yung mga nakaupo. Ang importante matukoy natin\u2014paano ba nangyari \u2018yun.\u201d<\/em><\/p>\n\n\n\n<p>Nananawagan si Randy\u2014tulad na lamang ng lahat ng nag-ingay sa Luneta\u2014ng patas at komprehensibong legal na imbestigasyon upang mailantad ang mga nasa likod ng mga anomalya, malawakang korapsyon, at kalunos-lunos na paggamit ng buwis ng bayan para sa interes ng iilan lamang&nbsp; Kinakailangang maisulong ang transparency na matagal nang panawagan ng taumbayan mula sa ating pamahalaan. Kundi, tulad na lamang ng anomalya sa mga flood control project, ay kailan natin titindigan ito bago pa mahuli ang lahat?<\/p>\n\n\n\n<p><strong>Mula Noon, Hanggang Ngayon&nbsp;<\/strong><\/p>\n\n\n\n<figure class=\"wp-block-image size-large\"><img loading=\"lazy\" decoding=\"async\" width=\"1024\" height=\"683\" src=\"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2025\/10\/Rene-1-1024x683.png\" alt=\"\" class=\"wp-image-7121\" srcset=\"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2025\/10\/Rene-1-1024x683.png 1024w, https:\/\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2025\/10\/Rene-1-300x200.png 300w, https:\/\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2025\/10\/Rene-1-768x512.png 768w, https:\/\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2025\/10\/Rene-1.png 1500w\" sizes=\"auto, (max-width: 1024px) 100vw, 1024px\" \/><\/figure>\n\n\n\n<p><em>\u201cSa kanya ako natuto.\u201d<\/em><\/p>\n\n\n\n<p>Isa sa mga aktibong nakisama sa protesta sa Luneta ay ang pamilya ni Rene Hablado. Tila ba ang pakikilahok sa mga kilusang protesta ay naging isang <em>family affair <\/em>o tradisyon na sa kanilang pamilya, na ayon sa asawa ni Rene, ay kanyang natutunan mula sa kaniya mismo.&nbsp;<\/p>\n\n\n\n<p>Hindi na bago sa mga kilusang ito si Rene na nakilahok na noon sa una at ikalawang EDSA People Power Revolution. Bukod pa rito, bilang dating miyembro ng National Citizens Movement for Free Elections (NAMFREL), <a href=\"https:\/\/namfrel.org.ph\/aboutus\/history.htm\">isang kilalang organisasyong nagbabantay sa mga halalan at nagbunyag ng isyu ng pandaraya noong 1986 snap elections<\/a>, nasaksihan na niya ang mga suliranin na bumabalot sa bawat termino ng mga pangulo.<\/p>\n\n\n\n<p><strong><em>\u201c<\/em><\/strong><em>Nakikisama kami sa mga Gen Z ngayon dahil yun nga ang mga usapin\u2014yung korapsyon.<\/em><strong><em> <\/em><\/strong><em>Wala, pare-pareho lang ang mga Marcos, hanggang ngayon. Parang walang solusyon. Parang ganun pa rin. Kahit sino ipalit mo pa sa Senado, sa Kongreso, korap pa rin talaga. Walang nakukulong.\u201d<\/em><strong><br><\/strong><br>Sa kabila ng kanyang edad, lumahok siya ngayon dahil sa mga panawagan na nakita niya sa social media galing sa mga \u201cGen Z.\u201d Katulad ng mga pagkilos sa Nepal at Indonesia , naging paraan ang social media sa pagpapalaganap ng impormasyon. Sa ganitong paraan, nakikita natin na mahalaga ang pagmumulat sa ibang tao tungkol sa mga nangyayari sa ating lipunan.&nbsp;<\/p>\n\n\n\n<p>Bukod sa panawagan na panagutin na ang mga tiwali, bitbit din niya ang mas&nbsp; <em>\u201cAndito tayo para ipahayag ang galit natin ngayon at para ipakita sa estado ang laksa-laksang lakas ng masang estudyante\u2014na ito yung taumbayan at malaki na ang hinanakit ng taumbayan sa korapsyon over the years\u201d<\/em><\/p>\n\n\n\n<p><strong>Solidaridad ng Bayan, Tungo sa Iisang Tindig&nbsp;<\/strong><\/p>\n\n\n\n<figure class=\"wp-block-image size-large\"><img loading=\"lazy\" decoding=\"async\" width=\"1024\" height=\"683\" src=\"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2025\/10\/Fiona-1-1024x683.png\" alt=\"\" class=\"wp-image-7122\" srcset=\"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2025\/10\/Fiona-1-1024x683.png 1024w, https:\/\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2025\/10\/Fiona-1-300x200.png 300w, https:\/\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2025\/10\/Fiona-1-768x512.png 768w, https:\/\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2025\/10\/Fiona-1.png 1500w\" sizes=\"auto, (max-width: 1024px) 100vw, 1024px\" \/><\/figure>\n\n\n\n<p><em>\u201cMeron tayong sense of solidarity na itong ginagawa natin, ito yung tinig ng taumbayan. Ito yung panawagan ng masa na baguhin na yung bulok na sistema na meron tayo ngayon. \u2018Yun po yung nararamadaman natin ngayon, lalo na\u2019t kasama natin ang taumbayan dito sa Luneta.\u201d<\/em><\/p>\n\n\n\n<p>Ito ang emosyong naramdaman ni Fiona Fuentes na nagsisilbing College of Social Sciences and Philosophy Representative to the&nbsp; University Student Council ng University of the Philippines Diliman ngayong taong 2025. Ang solidaridad ng nakararaming mga Iskolar ng Bayan at iba\u2019t ibang grupo sa Luneta ang nagsisilbing nakakaisang boses at tindig ng masa ukol sa mga sunod-sunod na paglalantad ng samu&#8217;t saring isyu ng korapsyong lumilitaw sa kasalukuyan.&nbsp;<\/p>\n\n\n\n<p>Bilang isang Iskolar ng Bayan, mariin ding tinututulan ni Fiona ang konsepto ng bureaucrat capitalism o burukrata kapitalismo kung saan ginagawang negosyo ang gobyerno at ginagamit ang mga posisyong nakaanib dito para sa personal na benepisyo at kita.&nbsp;<\/p>\n\n\n\n<p><em>\u201cAndito tayo para ipahayag ang galit natin ngayon at para ipakita sa estado ang laksa-laksang lakas ng masang estudyante\u2014na ito yung taumbayan at malaki na ang hinanakit ng taumbayan sa korapsyon over the years\u201d<\/em><\/p>\n\n\n\n<p>RELATED: <a href=\"https:\/\/sinag.press\/news\/2025\/09\/20\/higit-sa-5000-estudyante-ng-up-diliman-nag-walkout-laban-sa-korapsyon\/\">https:\/\/sinag.press\/news\/2025\/09\/20\/higit-sa-5000-estudyante-ng-up-diliman-nag-walkout-laban-sa-korapsyon\/<\/a><\/p>\n\n\n\n<p>Makikita natin mula sa tindig nina Nerisa, Randy, at Rene na ang mga ito\u2019y parehas lang sa saloobin ni Fiona at ng mga Iskolar ng Bayan\u2014ito\u2019y nakakagalit at nakakasakit isipin na ang isang ahensyang dapat na naglilingkod para sa kaunlaran ng ating lipunan ay mayroon na palang inililihim na korapsyon sa ilalim ng mga dike at pilapil na itinatayo sa ating bansa.<\/p>\n\n\n\n<p><strong>Ang Tao, Ang Bayan, Ngayon ay Lumalaban!<\/strong><\/p>\n\n\n\n<p>Ang mga galaw ay may dahilan at ang mga emosyong nakaakibat dito ay mayroong mga ipinaglalaban na mga paninindigan. Sa iba\u2019t-ibang mga matang nakita sa Luneta, makikita sa loob ng mga ito ang pagtitiis sa pagdurusang hindi matapos-tapos. Hanggang dito na lang ba tayo, dito lang magtatapos?&nbsp;<\/p>\n\n\n\n<p>Sa bawat boses na narinig ay mayroong kwento ng mga bakit. Bakit ba tayo nagtipon dito? Bakit ba tayo\u2019y may nararamdamang galit? Sa iisang mithi at layunin, nagsama-sama tayo upang mailabas ang ating pagmamahal sa bansa at galit sa korapsyon. Nangyari ito nang may dahilan at nagsisimula nang magsalita ang taumbayan.&nbsp;<\/p>\n\n\n\n<p>Sa gitna ng mga naglalakihang karatula at umalingawngaw na sigaw, makikita ang mga mukhang pinanday ng galit, pagod, at matinding pagkadismaya. Bitbit ang hinaing laban sa pang-aapi, katiwalian, at sistemang tila nabibingi sa kanilang tinig. Sa bawat hakbang, tindig, at sa bawat kamao na nakataas\u2014naroon ang apoy ng paninindigan, at ang walang kupas na panawagan ng nag-iisang taumbayan. Kaya\u2019t ang tanong: sa susunod na pagtindig, dapat bang organisado ang galit\u2014o sapat na bang ito\u2019y makita\u2019t marinig?<\/p>\n\n\n\n<p>References:<\/p>\n\n\n\n<ul class=\"wp-block-list\">\n<li><a href=\"https:\/\/www.greenpeace.org\/philippines\/press\/68522\/flood-control-corruption-an-obscene-plunder-of-much-needed-climate-funds\/\">https:\/\/www.greenpeace.org\/philippines\/press\/68522\/flood-control-corruption-an-obscene-plunder-of-much-needed-climate-funds\/<\/a><\/li>\n\n\n\n<li><a href=\"https:\/\/opinion.inquirer.net\/186076\/challenges-for-zero-balance-billing\">https:\/\/opinion.inquirer.net\/186076\/challenges-for-zero-balance-billing<\/a><\/li>\n\n\n\n<li><a href=\"https:\/\/newsinfo.inquirer.net\/2101572\/despite-larger-2026-budget-educ-programs-suffer-crucial-cuts-group\">https:\/\/newsinfo.inquirer.net\/2101572\/despite-larger-2026-budget-educ-programs-suffer-crucial-cuts-group<\/a><\/li>\n\n\n\n<li><a href=\"https:\/\/www.philstar.com\/nation\/2025\/08\/06\/2463392\/pgh-emergency-room-exceeds-capacity\">https:\/\/www.philstar.com\/nation\/2025\/08\/06\/2463392\/pgh-emergency-room-exceeds-capacity<\/a><\/li>\n\n\n\n<li><a href=\"https:\/\/namfrel.org.ph\/aboutus\/history.htm\">https:\/\/namfrel.org.ph\/aboutus\/history.htm<\/a><\/li>\n<\/ul>\n","protected":false},"excerpt":{"rendered":"<p>Isinulat nila Damien Lamio, Mark Evan Mangandi, Johan Ong, Jovic Legaspi Galit ang bumalot sa kalsada. Sa bawat mukha, makikita ang hinanakit at pagod ng bayan\u2014ngunit ang tanong: Saan ba galing ang galit na ito? Ano ang paraan upang ipakita ito? Hanggang saan dapat dalhin ng ating galit?&nbsp; Sa isang araw na pinagtagpo ng sigaw [&hellip;]<\/p>\n","protected":false},"author":9,"featured_media":7123,"comment_status":"open","ping_status":"open","sticky":false,"template":"","format":"standard","meta":{"_jetpack_memberships_contains_paid_content":false,"footnotes":""},"categories":[9],"tags":[],"ppma_author":[122],"class_list":["post-7110","post","type-post","status-publish","format-standard","has-post-thumbnail","hentry","category-features"],"aioseo_notices":[],"jetpack_featured_media_url":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2025\/10\/WEBSITE.png","jetpack-related-posts":[{"id":7265,"url":"https:\/\/sinag.press\/news\/2025\/11\/30\/nagngangalit-nag-aalab-at-nagpapalaya\/","url_meta":{"origin":7110,"position":0},"title":"Nagngangalit, nag-aalab, at nagpapalaya","author":"Staff","date":"30 November 2025","format":false,"excerpt":"Isinulat ng ika-57 na Editorial Board ng SINAG Nagpupuyos sa galit ang sambayanan. Mababakas ito sa mga sunud-sunod na protesta nitong mga nagdaang buwan. Kaliwa\u2019t kanang walkout ng mga estudyante sa iba\u2019t ibang mga pamantasan. Welga ng mga manggagawa sa mga pabrika. Tigil pasada ng mga tsuper at operator. Strike\u2026","rel":"","context":"In &quot;Editorial&quot;","block_context":{"text":"Editorial","link":"https:\/\/sinag.press\/news\/category\/editorial\/"},"img":{"alt_text":"","src":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2025\/11\/SINAG-NOVEMBER-EDITORIAL-WEBSITE-VERSION.png?resize=350%2C200&ssl=1","width":350,"height":200,"srcset":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2025\/11\/SINAG-NOVEMBER-EDITORIAL-WEBSITE-VERSION.png?resize=350%2C200&ssl=1 1x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2025\/11\/SINAG-NOVEMBER-EDITORIAL-WEBSITE-VERSION.png?resize=525%2C300&ssl=1 1.5x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2025\/11\/SINAG-NOVEMBER-EDITORIAL-WEBSITE-VERSION.png?resize=700%2C400&ssl=1 2x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2025\/11\/SINAG-NOVEMBER-EDITORIAL-WEBSITE-VERSION.png?resize=1050%2C600&ssl=1 3x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2025\/11\/SINAG-NOVEMBER-EDITORIAL-WEBSITE-VERSION.png?resize=1400%2C800&ssl=1 4x"},"classes":[]},{"id":7101,"url":"https:\/\/sinag.press\/news\/2025\/09\/24\/ika-53-na-anibersaryo-ng-batas-militar-binaha-ng-galit-at-panawagan-ng-sambayanan\/","url_meta":{"origin":7110,"position":1},"title":"Ika-53 na anibersaryo ng Batas Militar, binaha ng galit at panawagan ng sambayanan","author":"Staff","date":"24 September 2025","format":false,"excerpt":"Isinulat nila Rei Pascual at Raphael Mendoza BINAHA NG PROTESTA mula sa iba\u2019t-ibang sektor at progresibong grupo ang lansangan ng Maynila bilang paggunita sa ika-53 anibersaryo ng Batas Militar nitong linggo, Setyembre 21.\u00a0 Mula sa iba\u2019t ibang sektor\u2014estudyante, manggagawa, manininda, at mga progresibong organisasyon\u2014umalingawngaw ang panawagan: wakasan ang katiwalian, igiit\u2026","rel":"","context":"In &quot;News&quot;","block_context":{"text":"News","link":"https:\/\/sinag.press\/news\/category\/news\/"},"img":{"alt_text":"","src":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2025\/09\/18-1-scaled.png?resize=350%2C200&ssl=1","width":350,"height":200,"srcset":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2025\/09\/18-1-scaled.png?resize=350%2C200&ssl=1 1x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2025\/09\/18-1-scaled.png?resize=525%2C300&ssl=1 1.5x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2025\/09\/18-1-scaled.png?resize=700%2C400&ssl=1 2x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2025\/09\/18-1-scaled.png?resize=1050%2C600&ssl=1 3x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2025\/09\/18-1-scaled.png?resize=1400%2C800&ssl=1 4x"},"classes":[]},{"id":7194,"url":"https:\/\/sinag.press\/news\/2025\/10\/27\/panunupil-ng-estado-sa-mga-lider-estudyante-sinagot-ng-protesta-sa-up-diliman\/","url_meta":{"origin":7110,"position":2},"title":"Panunupil ng estado sa mga lider-estudyante, sinagot ng protesta sa UP Diliman","author":"Staff","date":"27 October 2025","format":false,"excerpt":"Isinulat ni Raphael Mendoza Ikinasa nitong Huwebes, Oktubre 23, ng UP Act Against Corruption Network (UP ACTION) at UP Diliman University Student Council (UPD USC) ang isang indignation protest sa tapat ng Vinzon\u2019s Hall bilang tugon sa tumitinding intimidasyon at panunupil laban sa mga lider-estudyante na nanguna sa mga kilos-protesta\u2026","rel":"","context":"In &quot;News&quot;","block_context":{"text":"News","link":"https:\/\/sinag.press\/news\/category\/news\/"},"img":{"alt_text":"","src":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2025\/10\/IMG_2431-scaled.jpg?resize=350%2C200&ssl=1","width":350,"height":200,"srcset":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2025\/10\/IMG_2431-scaled.jpg?resize=350%2C200&ssl=1 1x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2025\/10\/IMG_2431-scaled.jpg?resize=525%2C300&ssl=1 1.5x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2025\/10\/IMG_2431-scaled.jpg?resize=700%2C400&ssl=1 2x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2025\/10\/IMG_2431-scaled.jpg?resize=1050%2C600&ssl=1 3x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2025\/10\/IMG_2431-scaled.jpg?resize=1400%2C800&ssl=1 4x"},"classes":[]},{"id":5933,"url":"https:\/\/sinag.press\/news\/2023\/03\/11\/rumaragasang-paglaban-ang-sagot-sa-rumaragasang-krisis\/","url_meta":{"origin":7110,"position":3},"title":"Rumaragasang paglaban ang sagot sa rumaragasang krisis","author":"Staff","date":"11 March 2023","format":false,"excerpt":"Rumaragasang krisis panlipunan ang dulot ng kapalpakan ng mga mandarambong sa gubyerno na sinagupa ng mga welgistang tsuper, at hindi na ito mapagtatakpan ng kanilang pandarahas at panloloko.\u00a0\u00a0 Dapat lamang silang matakot, dahil napatunayan na ng kasaysayan \u2013 at patutunayan muli ngayon \u2013 na ang lumalawak at lumalakas na hanay\u2026","rel":"","context":"In &quot;Editorial&quot;","block_context":{"text":"Editorial","link":"https:\/\/sinag.press\/news\/category\/editorial\/"},"img":{"alt_text":"","src":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2023\/03\/img_0786-1-scaled.jpg?resize=350%2C200&ssl=1","width":350,"height":200,"srcset":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2023\/03\/img_0786-1-scaled.jpg?resize=350%2C200&ssl=1 1x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2023\/03\/img_0786-1-scaled.jpg?resize=525%2C300&ssl=1 1.5x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2023\/03\/img_0786-1-scaled.jpg?resize=700%2C400&ssl=1 2x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2023\/03\/img_0786-1-scaled.jpg?resize=1050%2C600&ssl=1 3x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2023\/03\/img_0786-1-scaled.jpg?resize=1400%2C800&ssl=1 4x"},"classes":[]},{"id":6396,"url":"https:\/\/sinag.press\/news\/2024\/08\/31\/talababa-sa-mga-bagong-salta\/","url_meta":{"origin":7110,"position":4},"title":"Talababa sa Mga Bagong Salta","author":"Staff","date":"31 August 2024","format":false,"excerpt":"Bilang nakatatanda, paaalalahanan ko lang sana kayo na hindi ito magiging madali. Kaya lang, alam na ninyo \u2018yun eh.\u00a0 Narinig niyo naman na siguro na pagkatapos ng semestreng ito, karamihan sa inyo ay mapipilitang laktawan ang utos ng curriculum checklist. Baka nga ngayon pa lang, may mga iilang kinakabahan na\u2026","rel":"","context":"In &quot;Features&quot;","block_context":{"text":"Features","link":"https:\/\/sinag.press\/news\/category\/features\/"},"img":{"alt_text":"","src":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2024\/08\/dsc_0217_1-1-scaled.jpg?resize=350%2C200&ssl=1","width":350,"height":200,"srcset":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2024\/08\/dsc_0217_1-1-scaled.jpg?resize=350%2C200&ssl=1 1x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2024\/08\/dsc_0217_1-1-scaled.jpg?resize=525%2C300&ssl=1 1.5x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2024\/08\/dsc_0217_1-1-scaled.jpg?resize=700%2C400&ssl=1 2x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2024\/08\/dsc_0217_1-1-scaled.jpg?resize=1050%2C600&ssl=1 3x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2024\/08\/dsc_0217_1-1-scaled.jpg?resize=1400%2C800&ssl=1 4x"},"classes":[]},{"id":7217,"url":"https:\/\/sinag.press\/news\/2025\/11\/07\/tao-po-mangangaluluwa-po\/","url_meta":{"origin":7110,"position":5},"title":"Tao Po! Mangangaluluwa Po!","author":"Staff","date":"7 November 2025","format":false,"excerpt":"Isinulat nila Justin Bueno at Loraine Encila Sa gitna ng kadilimang bumabalot sa paligid, kapansin-pansin ang nagniningning na buwan sa kalangitan na nagbibigay ng liwanag sa kalupaan at taimtim na nagmamasid sa dilim. Hatinggabi na. Patay na ang ilaw sa mga munting tahanang pumapaligid sa akin. Malamang, mahimbing na ring\u2026","rel":"","context":"In &quot;Literary&quot;","block_context":{"text":"Literary","link":"https:\/\/sinag.press\/news\/category\/literary\/"},"img":{"alt_text":"","src":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2025\/11\/Screenshot-2025-11-07-191809.png?resize=350%2C200&ssl=1","width":350,"height":200,"srcset":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2025\/11\/Screenshot-2025-11-07-191809.png?resize=350%2C200&ssl=1 1x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2025\/11\/Screenshot-2025-11-07-191809.png?resize=525%2C300&ssl=1 1.5x"},"classes":[]}],"jetpack_sharing_enabled":true,"authors":[{"term_id":122,"user_id":9,"is_guest":0,"slug":"csspsinag","display_name":"Staff","avatar_url":"https:\/\/secure.gravatar.com\/avatar\/194807626fee183640d3de57e788ba7c8c0d40bd86bfc1237bed56bcd3832c1b?s=96&d=mm&r=g","0":null,"1":"","2":"","3":"","4":"","5":"","6":"","7":"","8":""}],"_links":{"self":[{"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/7110","targetHints":{"allow":["GET"]}}],"collection":[{"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/posts"}],"about":[{"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/types\/post"}],"author":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/users\/9"}],"replies":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/comments?post=7110"}],"version-history":[{"count":4,"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/7110\/revisions"}],"predecessor-version":[{"id":7135,"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/7110\/revisions\/7135"}],"wp:featuredmedia":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/media\/7123"}],"wp:attachment":[{"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/media?parent=7110"}],"wp:term":[{"taxonomy":"category","embeddable":true,"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/categories?post=7110"},{"taxonomy":"post_tag","embeddable":true,"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/tags?post=7110"},{"taxonomy":"author","embeddable":true,"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/ppma_author?post=7110"}],"curies":[{"name":"wp","href":"https:\/\/api.w.org\/{rel}","templated":true}]}}