{"id":7217,"date":"2025-11-07T19:10:45","date_gmt":"2025-11-07T11:10:45","guid":{"rendered":"https:\/\/sinag.press\/news\/?p=7217"},"modified":"2025-11-07T19:30:28","modified_gmt":"2025-11-07T11:30:28","slug":"tao-po-mangangaluluwa-po","status":"publish","type":"post","link":"https:\/\/sinag.press\/news\/2025\/11\/07\/tao-po-mangangaluluwa-po\/","title":{"rendered":"Tao Po! Mangangaluluwa Po!"},"content":{"rendered":"\n<p><em>Isinulat nila Justin Bueno at Loraine Encila<\/em><\/p>\n\n\n\n<p>Sa gitna ng kadilimang bumabalot sa paligid, <strong>kapansin-pansin ang nagniningning na buwan sa kalangitan na nagbibigay ng liwanag sa kalupaan at taimtim na nagmamasid sa dilim. <\/strong>Hatinggabi na. Patay na ang ilaw sa mga munting tahanang pumapaligid sa akin. Malamang, mahimbing na ring natutulog ang mga naninirahan dito. <\/p>\n\n\n\n<p>Tahimik na ang paligid, walang kahit anong ingay, walang kahit anong kaluskos\u2014tanging ihip ng malamig na hangin at bulungan ng mga puno lamang ang maririnig. Mapayapa. Na para bang naglaho lahat ng nakatira sa aming bayan, at tanging mga anino lang ang kasama ko. <\/p>\n\n\n\n<p><strong>\u201cTik-tak!!\u201d Subalit ang katahimikang ito ay agad ring nabasag.<\/strong> Mula sa aking kinatatayuan ay maririnig ang papalapit na yabag at lagitik ng mga paa, at ang pagkadurog ng mga tuyong dahon sa bawat hakbang.<\/p>\n\n\n\n<p>Sinubukan kong maaninag kung sino\u2014o ano\u2014ang mga nilalang na ito. Kawangis nila ang isang normal na tao, ngunit tila may kakaiba sa kanilang mga anyo. Sa mas masinsinang&nbsp; tingin, mababakas ang hubog at lalim ng kanilang mga sugat, mga detalye ng kanilang anyo, at ang nakakapanindig-balahibong presensya sa kabila ng pagkagat ng dilim. Dito ko napagtantong ang mga nilalang na ito\u2019y hindi mortal\u2014sila\u2019y mga kaluluwang pagala-gala, kumakatok sa bawat pintuan, at nanghihingi ng kaunting limos upang makatawid sa kalangitan.<\/p>\n\n\n\n<p>Ngayong gabi ng Nobyembre, muling pagala-gala ang mga kaluluwang iba\u2019t-iba ang naging buhay at iba-iba rin ang rasong ikinamatay. <em>Isa ako sa kanila<\/em>\u2014isa sa mga tinig na pilit pinatahimik. Ang tanging kasalanan ko lang naman ay ang magsabi ng totoo, at hanggang ngayon, dala ko pa rin ang bigat ng mga salitang hindi nailathala at mga katotohanang pinagtakpan.<\/p>\n\n\n\n<p>Sa aming bayan, may isang tradisyon na kung tawagin ay <strong>\u201cpangangaluluwa.\u201d<\/strong> Sa tradisyong ito, ang mga tao, kadalasan bata, ay nagpapanggap na mga kaluluwa sa purgatoryo na humihingi ng kaunting tulong sa bawat tahanang kanilang mapupuntahan. Ngunit ngayong gabi, hindi na ito simpleng pagpapanggap lamang, kundi isang anyo ng paniningil ng mga totoong kaluluwa. Kaya naman sasama ako sa pagkatok sa mga bahay ng mga nilalang na minsan kong isinulat\u2014mga buhay na hindi na nabigyan ng pagkakataon upang ibahagi ang kanilang mga kwento sa totoong buhay. Sa bawat pintong kakatukin, nawa\u2019y may makarinig. <strong>Tao po. Mangangaluluwa po.<\/strong><\/p>\n\n\n\n<p>Marahan akong lumapit sa mga kaluluwa habang pinagmamasdan ang kanilang mga wangis. May mga batang taglay pa rin ang ligaya ng buhay na iniwan nila, may ilang tila pagod na sa mga problemang kanilang pasan hanggang sa kabilang buhay, at ang ilan nama\u2019y nakakapanibagong kita pa rin ang pag-asa sa kanilang mga mata.<\/p>\n\n\n\n<p>Nang marating ko ang kanilang grupo, agad kong naramdamang isa ako sa kanila. Karamihan sa kanila\u2019y marahang ngumiti nang magtagpo ang aming mga mata. Ang ilan nama\u2019y bahagyang tumango, samantalang ang mga bata nama\u2019y nagtungo palapit sa\u2019kin at malugod akong binati.<\/p>\n\n\n\n<p>Maya-maya pa\u2019y nagsimula na kaming maglakad tungo sa pinakamalapit na tahanang aming naaninag\u2014isang payak na kubo. Ang bubong nito\u2019y yari sa pawid, ang pader nama\u2019y kawayan. Kapansin-pansin din ang kawalan ng bintana sa kubong ito, tila ba sinadya upang walang makasilip sa loob, walang makaalam, at walang makapanghusga. \u2018Di na kami nag-atubili pa, <em>kami\u2019y kumatok<\/em>.<\/p>\n\n\n\n<p>Ilang sandali pa\u2019y bumungad samin ang isang babaeng wangis aswang na mayroong dambuhalang pakpak, ang kaniyang katawa\u2019y hati. Nanlaki ang kaniyang mga mata nang makita kami. Halata sa kaniyang mukha ang gulat at kahihiyan, subalit pinatuloy niya pa rin kami sa kaniyang tahanan.<\/p>\n\n\n\n<p>Sa aming pagpasok, sumalubong sa amin ang masangsang at mala-metal na amoy ng dugo at laman-loob. Ngunit sa halip na mandiri, ang aking nadama ay awa, pagkat ang amoy ng dugo\u2019y tila paalala sa bawat sugat na kaniyang tinatago\u2019t ikinakahiya sa takot na makita ng mga matang mapanghusga. Pinagmasdan ko ang loob ng kaniyang tahanan, simple lang ito. Mayroon lamang itong lamesa at upuang yari rin sa kawayan. Sa kabilang banda\u2019y mayroong munting kwarto, kung saan niya itinatago ang ibabang bahagi ng kaniyang katawan. Humingi siya ng paumanhin sa amin bago pumasok sa kwartong iyon. Ilang sandali pa\u2019y bumalik ang babae na ngayo\u2019y wala na sa kanyang anyong manananggal. Ang aming nasa harapan ay isa nang napakagandang dalaga: balat kayumanggi, mahabang buhok, at maamong mukha. Suot niya\u2019y tulad ng sa isang babaylan. Inabot niya samin ang salapi at kaunting pagkaing nakabalot sa tela, at saka hiniling na magtagumpay kami sa aming paglalakbay tungong langit.<\/p>\n\n\n\n<p>Habang siya\u2019y aking tinitingnan, hindi ko maiwasang mapansin ang hati sa kaniyang katawan\u2014ang literal na pagkahati ng kaniyang pagkatao. Hindi na pangit ang kaniyang anyo ngunit tila hindi pa rin mabura ang kahihiyang nakaukit sa kaniyang mga mata. Marahil ito\u2019y bunga ng hindi magandang pagtingin ng iba sa mga katangian niyang wala naman sa kaniyang kontrol\u2014pagtingin na may halong mapaniil na paghuhusga sa kanyang pisikal na katangian at magaspang na galaw. Subalit pinipili na lamang niyang magtago sa sarili niyang hiya\u2014hindi dahil isa siyang halimaw, <strong>kundi dahil iyon ang tingin ng mundo sa mga babaeng hindi nila maintindihan.<\/strong> Hindi ba nakapagtataka na ang mundong nangangaral sa kahalagahan ng pantay na pagtrato sa lahat,<strong> ay siya ring mundong humahati sa katawan ng sinumang nagtangkang lumipad?<\/strong><\/p>\n\n\n\n<p>Nilisan namin ang tahanan ng babae matapos naming magpasalamat at nagtungo na sa sunod sa bahay na aming naaninag. Sa paglapit sa madilim na bahay, dinig ang tinig ng isang sanggol. Matinis, malakas, nakakaawa\u2014at <em>nakakatakot.<\/em> Babala ng mga matatanda: kapag may narinig kang iyak sa madilim na gabi, huwag lalapit, sapagkat maaaring ito\u2019y tiyanak\u2014nilalang na <strong>ginagamit ang awa ng tao upang makapanlinlang.<\/strong> Imahe ng isang inosenteng sanggol, ngunit may tinatagong gutom at kababalaghan. Sa kabila ng lahat ng ito, <em>kami\u2019y kumatok.<\/em><\/p>\n\n\n\n<p>Pumasok kami sa bahay at bumungad ang nakakalungkot na imahe. Tahimik at madilim ang bahay; ang mga kagamitan ay balot sa alikabok, tila nilimot ng panahon. Ang tahanang minsang puno ng halakhak ay ngayo\u2019y binabalot ng katahimikang tanging iyak lamang ang bumabasag. Nakakatakot man, pinilit naming hanapin ang pinagmumulan ng pag-iyak, at sa bawat hakbang, napagtanto kong<em> hindi lamang takot ang aking nararamdaman.<\/em>&nbsp;<\/p>\n\n\n\n<p>Hindi ito iyak ng panlilinlang, <strong>kundi iyak ng isang batang pinagkaitan ng lambing at aruga.<\/strong> Hindi siya isinilang na halimaw\u2014bunga siya ng kapabayaan ng mga taong dapat nag-alaga at nagmahal sa kaniya. Sa aking paglapit, nakita ko ang tunay na anyo sa likod ng nilalang\u2014ang matatalas na ngipin ay nawala, ang pulang mga mata ay napalitan ng mga matang tila may pagmamakaawa, at ang halimaw ay naging isang musmos na sanggol. Wala itong maiaalay sa amin ngunit sa kaniyang pag-iyak, tila nabuhay ang pagnanais na mapakinggan ang mga tinig na pilit pinatahimik.&nbsp;<\/p>\n\n\n\n<p>Umalis kami sa abandonadong bahay dala ang bigat ng iyak na hindi sa amin nagsimula at hindi rin kami ang makakapag-patahan. Tahimik ang paligid, ngunit sa aming paglalakad ay isang bagong tinig ang narinig\u2014malamlam, mahinhin, at may hatid na pangamba. Nagmumula sa bahay katabi ng isang ilog, tinig ng isang sirena. Isang tinig na dati\u2019y nagbibigay ng pag-asa sa mga mangingisda, <strong>ngayo\u2019y naging babala ng panganib.<\/strong> Kahit may dalang takot, <em>kami\u2019y kumatok.<\/em><\/p>\n\n\n\n<p>Habang kami\u2019y papalapit, unti-unting lumilitaw ang kaniyang anyo. Isang babaeng marikit, may buntot na kumikinang sa sinag ng buwan. Umaawit habang nakangiti ngunit kapansin-pansin ang mga luhang gumuguhit sa kaniyang mata. Ang bawat liriko na inaawit ay may halong pagmamakaawa. Umaawit siya hindi upang manlinlang, kundi para manatiling buhay sa ilalim ng kapangyarihang humahawak sa kaniya.<\/p>\n\n\n\n<p>Sa kaniyang mga nota, naramdaman ko ang bigat ng mga salitang hindi nasabi at mga salitang napilitang sabihin. Marahil pareho kaming nalunod\u2014hindi sa tubig-dagat, <strong>kundi sa daluyong ng mga kasinungalingan na matagal nang humahampas sa muog ng laksang-bayan.<\/strong><\/p>\n\n\n\n<p>Malayo-layo na ang aming nalakad, napansin kong paunti na nang paunti ang nadaraanan naming bahay at mas parami na nang parami ang mga punong sa amin ay pumapaligid. Sa aming bawat hakbang, lalong lumalamig ang ihip ng hangin at lumalakas ang bulungan ng mga puno, kasabay nito ang unti-unting pagbigat ng aking dibdib. Heto na, papalapit na kami sa tahanan ng mga engkanto\u2014ang mga tagapangalaga ng kalikasan. Sila ang mga bantay ng gubat, ilog, at ng kapaligiran. Tahimik nilang ginagawa ang kanilang tungkulin, hindi naghahangad ng parangal o ng kahit anong kapalit. <em>Ngunit ngayon, tila sila\u2019y nagagalit<\/em>. Galit na bunga ng paulit-ulit na pagsira at pag-abuso sa kalikasang kanilang pinoprotektahan. Galit sa mga taong sanhi ng pagkasirang ito. Galit sa mga kayang wasakin ang diwa ng kalikasan kapalit ng pera at kapangyarihan. At galit sa mga hinahayaang mangyari ito at patuloy na nagbubulag-bulagan.<\/p>\n\n\n\n<p>Subalit, sino nga ba ang dapat sisihin?<\/p>\n\n\n\n<p>Hindi ang mga engkantong naghihiganti para sa kanilang tahanan, hindi ang mga sirenang nalunod sa kasinungalingan, hindi ang mga tiyanak na biktima ng kapabayaan, at hindi ang mga manananggal na hinuhusgahan ng lipunan.<strong> <\/strong>Ang bulok na sistema at ang mga taong nagpapatakbo nito ang dapat sisihin; sila ang dapat managot. Sila, na pilit kong tinanggalan ng maskara, subalit bago ko pa man mailantad, ako\u2019y pinutulan na nila ng dila upang hindi na ako makapagsalita. Kaya naman ako ngayo\u2019y isang kaluluwa na lamang, gumagala kasama ang mga kapwa kaluluwang tinanggalan ng tinig, ngunit kailanma\u2019y hindi matatahimik.\u00a0<\/p>\n\n\n\n<p>At ngayon, sa inyo kami kumakatok. Hindi para manghingi ng pagkain, barya, awa, o dasal, kundi para hingin ang inyong pakikiisa. Sumama kayo sa paghingi ng hustisya. Pakinggan ang mga tinig ng mga nilalang na minsang itinuring na halimaw. Sa bawat lipad ng manananggal, sa bawat iyak ng tiyanak, sa bawat awit ng sirena, at sa bawat sigaw ng engkanto\u2014naroon ang ating kwento. <strong>Buhay ang diwa ng ating bayan.&nbsp;<\/strong><\/p>\n\n\n\n<p>Dinggin ninyo ang mga tinig ng mga kaluluwang hindi kailanman natahimik. <strong>Sabay-sabay nating katukin at kalampagin ang mga pintong nakasarado sa katotohanan, pananagutan, at pagbabago.<\/strong><\/p>\n\n\n\n<p>&nbsp;<strong>Tao po! Mangangaluluwa po!<\/strong><\/p>\n","protected":false},"excerpt":{"rendered":"<p>Isinulat nila Justin Bueno at Loraine Encila Sa gitna ng kadilimang bumabalot sa paligid, kapansin-pansin ang nagniningning na buwan sa kalangitan na nagbibigay ng liwanag sa kalupaan at taimtim na nagmamasid sa dilim. Hatinggabi na. Patay na ang ilaw sa mga munting tahanang pumapaligid sa akin. Malamang, mahimbing na ring natutulog ang mga naninirahan dito. [&hellip;]<\/p>\n","protected":false},"author":9,"featured_media":7225,"comment_status":"open","ping_status":"open","sticky":false,"template":"","format":"standard","meta":{"_jetpack_memberships_contains_paid_content":false,"footnotes":""},"categories":[10],"tags":[33,168,135,189,192],"ppma_author":[122],"class_list":["post-7217","post","type-post","status-publish","format-standard","has-post-thumbnail","hentry","category-literary","tag-anthropology","tag-corruption","tag-creative-non-fiction","tag-folklore","tag-pangagaluluwa"],"aioseo_notices":[],"jetpack_featured_media_url":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2025\/11\/Screenshot-2025-11-07-191809.png","jetpack-related-posts":[{"id":6129,"url":"https:\/\/sinag.press\/news\/2023\/07\/13\/400-na-bahay-sa-valenzuela-sapilitang-giniba\/","url_meta":{"origin":7217,"position":0},"title":"400 na bahay sa Valenzuela, iligal na giniba","author":"Staff","date":"13 July 2023","format":false,"excerpt":"Humigit kumulang 400 na kabahayan sa Brgy Viente Reales, Valenzuela City ang giniba ng mga pulis at lokal na gobyerno ng lungsod ng Valenzuela noong Miyerkules, Hulyo 12, 2023, kahit wala silang maipakitang utos ng korte o kahit anong papeles. Humigit kumulang 400 na kabahayan sa Brgy Viente Reales, Valenzuela\u2026","rel":"","context":"In &quot;National News&quot;","block_context":{"text":"National News","link":"https:\/\/sinag.press\/news\/category\/news\/national-news\/"},"img":{"alt_text":"","src":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2023\/07\/img_2240-1.png?resize=350%2C200&ssl=1","width":350,"height":200,"srcset":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2023\/07\/img_2240-1.png?resize=350%2C200&ssl=1 1x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2023\/07\/img_2240-1.png?resize=525%2C300&ssl=1 1.5x"},"classes":[]},{"id":7313,"url":"https:\/\/sinag.press\/news\/2026\/03\/28\/kung-biglang-mawawala-ang-kababaihan-sa-loob-ng-dalawamput-apat-na-oras\/","url_meta":{"origin":7217,"position":1},"title":"Kung Biglang Mawawala ang Kababaihan sa Loob ng Dalawampu\u2019t Apat na Oras","author":"Staff","date":"28 March 2026","format":false,"excerpt":"Alas-dose ng hatinggabi nang walang-ingay na nagbago ang mundo.Walang lindol. Walang sirena. Walang balitang pumutol sa himpapawid. Sa isang bahay, may ilaw na naiwan sa kusina.\u00a0Sa isa pa, may plantsang nakasaksak pa rin.\u00a0Sa isa naman, may selpon na patuloy ang pagtunog sa tabi ng kama, walang pumapansin.\u00a0 Kinaumagahan, magigising ang\u2026","rel":"","context":"Similar post","block_context":{"text":"Similar post","link":""},"img":{"alt_text":"","src":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2026\/03\/literary.jpg?resize=350%2C200&ssl=1","width":350,"height":200,"srcset":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2026\/03\/literary.jpg?resize=350%2C200&ssl=1 1x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2026\/03\/literary.jpg?resize=525%2C300&ssl=1 1.5x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2026\/03\/literary.jpg?resize=700%2C400&ssl=1 2x"},"classes":[]},{"id":5717,"url":"https:\/\/sinag.press\/news\/2023\/01\/20\/walang-lugar-ang-red-tagging-sa-ating-mga-paaralan\/","url_meta":{"origin":7217,"position":2},"title":"\u201cWalang lugar ang red-tagging sa ating mga paaralan!\u201d","author":"Staff","date":"20 January 2023","format":false,"excerpt":"Taliwas sa pagsulong ng siyensiya at sa core values ng Philippine Science High School (PSHS) na \u201cIntegrity, Excellence, and Service to the Nation\u201d ang pagbibigay daan sa kahit anong aktibidad ng NTF-ELCAC.\u00a0 Kabataan Partylist ON PSHS-CAR'S ENDORSEMENT OF\u00a0A RED-TAGGING SEMINAR BY THE NTF-ELCAC Taliwas sa pagsulong ng siyensiya at sa\u2026","rel":"","context":"In &quot;Others&quot;","block_context":{"text":"Others","link":"https:\/\/sinag.press\/news\/category\/others\/"},"img":{"alt_text":"","src":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2023\/01\/tindig-black_flush-left-1.png?resize=350%2C200&ssl=1","width":350,"height":200,"srcset":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2023\/01\/tindig-black_flush-left-1.png?resize=350%2C200&ssl=1 1x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2023\/01\/tindig-black_flush-left-1.png?resize=525%2C300&ssl=1 1.5x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2023\/01\/tindig-black_flush-left-1.png?resize=700%2C400&ssl=1 2x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2023\/01\/tindig-black_flush-left-1.png?resize=1050%2C600&ssl=1 3x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2023\/01\/tindig-black_flush-left-1.png?resize=1400%2C800&ssl=1 4x"},"classes":[]},{"id":5395,"url":"https:\/\/sinag.press\/news\/2022\/10\/05\/sa-binabarat-na-misedukasyon-unhappy-ang-teachers-day\/","url_meta":{"origin":7217,"position":3},"title":"Sa binabarat na misedukasyon, unhappy ang Teachers&#8217; Day","author":"Staff","date":"5 October 2022","format":false,"excerpt":"Hangga\u2019t pinagdadamot ang pondo sa edukasyon at pinagkakakitaan lamang ang mga eskwelahan, walang happy sa Teachers' Day, kahit ngayon pang araw ng mga guro. Hangga\u2019t pinagdadamot ang pondo sa edukasyon at pinagkakakitaan lamang ang mga eskwelahan, walang happy sa Teachers' Day, kahit ngayon pang araw ng mga guro.\u00a0 Bagamat nakasaad\u2026","rel":"","context":"In &quot;Opinion&quot;","block_context":{"text":"Opinion","link":"https:\/\/sinag.press\/news\/category\/opinion\/"},"img":{"alt_text":"","src":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/10\/sinag-web-banner-3-1-1.png?resize=350%2C200&ssl=1","width":350,"height":200,"srcset":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/10\/sinag-web-banner-3-1-1.png?resize=350%2C200&ssl=1 1x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/10\/sinag-web-banner-3-1-1.png?resize=525%2C300&ssl=1 1.5x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/10\/sinag-web-banner-3-1-1.png?resize=700%2C400&ssl=1 2x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/10\/sinag-web-banner-3-1-1.png?resize=1050%2C600&ssl=1 3x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/10\/sinag-web-banner-3-1-1.png?resize=1400%2C800&ssl=1 4x"},"classes":[]},{"id":6126,"url":"https:\/\/sinag.press\/news\/2023\/06\/11\/digmaan-at-kapayapaan\/","url_meta":{"origin":7217,"position":4},"title":"Digmaan at Kapayapaan","author":"Staff","date":"11 June 2023","format":false,"excerpt":"[MULA SA ARKIBO] Sa isang panayam kasama ng midya, sinabi ni bagong Department of National Defense Secretary Gilbert Teodoro na hindi siya bukas sa muling pagbubukas ng usaping pangkapayapaan. Pero sino nga ba ang ayaw ng kapayapaan? Sa editoryal ng SINAG noong Oktubre 1993. binabalikan ang tanong na ito. Sino\u2026","rel":"","context":"In &quot;Editorial&quot;","block_context":{"text":"Editorial","link":"https:\/\/sinag.press\/news\/category\/editorial\/"},"img":{"alt_text":"","src":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2023\/06\/img_9132-1-scaled.jpg?resize=350%2C200&ssl=1","width":350,"height":200,"srcset":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2023\/06\/img_9132-1-scaled.jpg?resize=350%2C200&ssl=1 1x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2023\/06\/img_9132-1-scaled.jpg?resize=525%2C300&ssl=1 1.5x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2023\/06\/img_9132-1-scaled.jpg?resize=700%2C400&ssl=1 2x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2023\/06\/img_9132-1-scaled.jpg?resize=1050%2C600&ssl=1 3x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2023\/06\/img_9132-1-scaled.jpg?resize=1400%2C800&ssl=1 4x"},"classes":[]},{"id":7257,"url":"https:\/\/sinag.press\/news\/2025\/11\/29\/nagsasawa-ka-na-ba\/","url_meta":{"origin":7217,"position":5},"title":"Nagsasawa ka na ba?","author":"Staff","date":"29 November 2025","format":false,"excerpt":"Isinulat nila Denise Cavinta at Karl Vicedo Nagbabagang kahel ang langit sa dahan-dahang paglubog ng araw. Tumatagaktak ang pawis sa noo gawa ng init ng panahon, nangangalay ang mga balikat sa bigat ng pasan, at kumikirot ang magkabilang binti gawa ng pagtakbo papunta sa bawat silid. Sisilip-silip sa kanto, at\u2026","rel":"","context":"In &quot;Features&quot;","block_context":{"text":"Features","link":"https:\/\/sinag.press\/news\/category\/features\/"},"img":{"alt_text":"","src":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2025\/11\/IMG_8051_SnapseedCopy.png?resize=350%2C200&ssl=1","width":350,"height":200,"srcset":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2025\/11\/IMG_8051_SnapseedCopy.png?resize=350%2C200&ssl=1 1x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2025\/11\/IMG_8051_SnapseedCopy.png?resize=525%2C300&ssl=1 1.5x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2025\/11\/IMG_8051_SnapseedCopy.png?resize=700%2C400&ssl=1 2x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2025\/11\/IMG_8051_SnapseedCopy.png?resize=1050%2C600&ssl=1 3x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2025\/11\/IMG_8051_SnapseedCopy.png?resize=1400%2C800&ssl=1 4x"},"classes":[]}],"jetpack_sharing_enabled":true,"authors":[{"term_id":122,"user_id":9,"is_guest":0,"slug":"csspsinag","display_name":"Staff","avatar_url":"https:\/\/secure.gravatar.com\/avatar\/194807626fee183640d3de57e788ba7c8c0d40bd86bfc1237bed56bcd3832c1b?s=96&d=mm&r=g","0":null,"1":"","2":"","3":"","4":"","5":"","6":"","7":"","8":""}],"_links":{"self":[{"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/7217","targetHints":{"allow":["GET"]}}],"collection":[{"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/posts"}],"about":[{"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/types\/post"}],"author":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/users\/9"}],"replies":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/comments?post=7217"}],"version-history":[{"count":4,"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/7217\/revisions"}],"predecessor-version":[{"id":7229,"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/7217\/revisions\/7229"}],"wp:featuredmedia":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/media\/7225"}],"wp:attachment":[{"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/media?parent=7217"}],"wp:term":[{"taxonomy":"category","embeddable":true,"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/categories?post=7217"},{"taxonomy":"post_tag","embeddable":true,"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/tags?post=7217"},{"taxonomy":"author","embeddable":true,"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/ppma_author?post=7217"}],"curies":[{"name":"wp","href":"https:\/\/api.w.org\/{rel}","templated":true}]}}