{"id":7265,"date":"2025-11-30T21:04:30","date_gmt":"2025-11-30T13:04:30","guid":{"rendered":"https:\/\/sinag.press\/news\/?p=7265"},"modified":"2025-12-01T00:37:01","modified_gmt":"2025-11-30T16:37:01","slug":"nagngangalit-nag-aalab-at-nagpapalaya","status":"publish","type":"post","link":"https:\/\/sinag.press\/news\/2025\/11\/30\/nagngangalit-nag-aalab-at-nagpapalaya\/","title":{"rendered":"Nagngangalit, nag-aalab, at nagpapalaya"},"content":{"rendered":"\n<p><em>Isinulat ng ika-57 na Editorial Board ng SINAG<\/em><\/p>\n\n\n\n<p>Nagpupuyos sa galit ang sambayanan. Mababakas ito sa mga sunud-sunod na protesta nitong mga nagdaang buwan. Kaliwa\u2019t kanang walkout ng mga estudyante sa iba\u2019t ibang mga pamantasan. Welga ng mga manggagawa sa mga pabrika. Tigil pasada ng mga tsuper at operator. Strike ng mga guro. At matapang na pamamahayag ng mga peryodista.<strong> Hindi na lamang tubig ulan ang bumabaha \u2014 kundi galit.<\/strong><\/p>\n\n\n\n<p>Dumadaluyong sa lansangan ang ngitngit ng bayang sawa na sa kasinungalingan at kawalang pananagutan.&nbsp;<\/p>\n\n\n\n<p><strong>Kanino ba dapat ituon ang galit na ito?&nbsp;<\/strong><\/p>\n\n\n\n<p>Sabi ni Bongbong Marcos, pangulo at anak ng dating diktador na si Marcos Sr., \u201cKung \u2018di ako Pangulo, baka kasama rin ako sa protesta!\u201d. Hinimok din niya ang mga Pilipino na ipagpatuloy ang malawakang kilos-protesta, basta\u2019t ang mga ito raw ay sisikaping \u201cmaging payapa.\u201d Pumupustura pang laban sa korapsyon\u2014gayong siya mismo ay nakikinabang mula sa yamang ninakaw ng kanyang pamilya mula sa taumbayan.&nbsp;<\/p>\n\n\n\n<p>Nagpahayag din ng galit sa katiwalian si Sara Duterte, aniya: \u201cThe President reacted too late. I already warned in 2024 about the misuse of funds in the Education department. I\u2019m sure it is not just there, but it also happens in the public works and other agencies.\u201d Ngunit hindi ba\u2019t siya rin ay sangkot sa maanomalyang confidential funds, na malinaw na anyo ng katiwalian?<\/p>\n\n\n\n<p><strong>Madaling magsalita laban sa korapsyon habang nakikinabang dito.<\/strong> Madaling iparada ang poot para pagtakpan ang sariling mga krimen laban sa sambayanan. Ngunit mainam na mailinaw: hindi lahat ng galit ay magkapareho. <strong>Ang galit ng naghahari-harian ay nagbabalatkayo. Samantalang ang galit ng sambayanan ay tunay at may batayan.<\/strong><\/p>\n\n\n\n<p>Ang galit ng taumbayan ay hindi basta hinugot sa hangin. Ito ay konkretong reaksyon sa aktwal na pang-aapi, pandarambong, at kapabayaan. Bunga ang galit na ito ng tunay na danas ng mamamayan. Araw-araw sinusuong ng mga Pilipino ang hirap ng buhay: mula sa pakikipag bakbakan sa palpak na sistemang pang-transportasyon, sa pagbabanat ng buto para mayroong maipanlaman sa kumakalam na tiyan ng kanilang mga pamilya, at bayaran ang sandamukal na utang sa kabila ng pananatili din ng mababang sahod, hanggang sa pagtitiis sa panahon ng krisis at hagupit ng mga kalamidad.<\/p>\n\n\n\n<p>Nagngangalit ang mamamayan. Sa katiwalian. Sa kawalang aksyon. Sa paulit-ulit at lumalalang krisis sa ating bayan. Kuyom ang kamao. Ngunit <strong>saan ba dapat tumama ang kamaong ito?<\/strong><\/p>\n\n\n\n<p>Malinaw na ang galit na namumutawi sa kasalukuyan ay hindi lamang dapat ituon sa mga kontraktor at ahente ng gobyerno o sa mga abstraktong konsepto gaya ng korapsyon. Ito ay&nbsp; dapat iturol mismo sa mga namumuno ng ating bansa, kay Marcos Jr. at Sara Duterte, at sa sistemang nag-aanak ng mga gahamang tulad nila.&nbsp;<\/p>\n\n\n\n<p><strong>Ang bumubugsong silakbo ng damdamin ng sambayanang Pilipino, na nagmumula sa namamayagpag na pag-ibig para sa bayan, ay dapat tumungo sa paglikha ng kundisyon para sa panlipunang katarungan.&nbsp;<\/strong><\/p>\n\n\n\n<p>Kaya naman ang hamon ngayon: <strong>gawing malinaw ang direksiyon ng galit<\/strong>. Huwag itong hayaang makulong lamang sa pagkadismaya sa ilang mga personalidad o kaya naman ay magamit ng para sa pansariling interes ng mga mapagsamantala. Ang galit na ito ay dapat maging ningas laban sa ugat ng katiwalian, sa mga istruktura at sistemang nagpapahirap sa sa bayan.&nbsp;<\/p>\n\n\n\n<p>At ang galit na ito\u2019y kailangang kumawala\u2014umalingawngaw mula sa mga kumukulong tiyan, mga palad na iniukit ng kalyo mula sa pagbabanat ng buto, at mga likod na nagkakandakuba sa bigat ng mga pasanin sa buhay.<\/p>\n\n\n\n<blockquote class=\"wp-block-quote is-layout-flow wp-block-quote-is-layout-flow\">\n<p><strong>Galit na nagmumula sa pagmamahal, galit na naggigiit ng katarungan, at galit na lumilikha ng pagbabago.<\/strong>&nbsp;<\/p>\n<\/blockquote>\n\n\n\n<p>Sa huli, hindi tumutuldok ang tanong sa \u201cKanino tayo galit?\u201d kundi ito\u2019y tinatambalan ng <strong>\u201cAnong anyo ng lipunan ang nais nating likhain mula sa ating galit?\u201d<\/strong><\/p>\n\n\n\n<p>Nagngangalit ang bayan<strong> hindi para lamang buwagin ang barikada ng bulok na sistema, <\/strong>kundi <strong>upang magtindig ng alternatibong pulitika ng pag-asa<\/strong>. Nag-aalab hindi para lamang magpahayag ng poot, kundi upang pandayin ang muog ng demokrasya. Sa kabila ng mga pumupusturang katotohanan, <strong>huwag matakot na igiit ang mga bagay na tila imposible<\/strong>\u2014sapagkat sa galit at pag-ibig ng sambayanan, <strong>ang bawat hangganan ay nalalampasan.<\/strong><\/p>\n\n\n\n<p>Iniaanak ang mundo ngayon ng imahinasyon ng bawat kahapon. Nasa kapasyahan ng bawat isa na buhayin ito. <strong>Gawing lakas ang galit, gawing tagumpay ang katarungan.<\/strong><\/p>\n","protected":false},"excerpt":{"rendered":"<p>Isinulat ng ika-57 na Editorial Board ng SINAG Nagpupuyos sa galit ang sambayanan. Mababakas ito sa mga sunud-sunod na protesta nitong mga nagdaang buwan. Kaliwa\u2019t kanang walkout ng mga estudyante sa iba\u2019t ibang mga pamantasan. Welga ng mga manggagawa sa mga pabrika. Tigil pasada ng mga tsuper at operator. Strike ng mga guro. At matapang [&hellip;]<\/p>\n","protected":false},"author":9,"featured_media":7266,"comment_status":"open","ping_status":"open","sticky":false,"template":"","format":"standard","meta":{"_jetpack_memberships_contains_paid_content":false,"footnotes":""},"categories":[8],"tags":[209,49,214,193,210,215,213,211,212],"ppma_author":[122,121],"class_list":["post-7265","post","type-post","status-publish","format-standard","has-post-thumbnail","hentry","category-editorial","tag-dpwh-korap","tag-duterte","tag-galit","tag-korapsyon","tag-marcos","tag-pag-ibig","tag-pulitika-ng-pag-asa","tag-taumbayan","tag-welga"],"aioseo_notices":[],"jetpack_featured_media_url":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2025\/11\/SINAG-NOVEMBER-EDITORIAL-WEBSITE-VERSION.png","jetpack-related-posts":[{"id":5933,"url":"https:\/\/sinag.press\/news\/2023\/03\/11\/rumaragasang-paglaban-ang-sagot-sa-rumaragasang-krisis\/","url_meta":{"origin":7265,"position":0},"title":"Rumaragasang paglaban ang sagot sa rumaragasang krisis","author":"Staff","date":"11 March 2023","format":false,"excerpt":"Rumaragasang krisis panlipunan ang dulot ng kapalpakan ng mga mandarambong sa gubyerno na sinagupa ng mga welgistang tsuper, at hindi na ito mapagtatakpan ng kanilang pandarahas at panloloko.\u00a0\u00a0 Dapat lamang silang matakot, dahil napatunayan na ng kasaysayan \u2013 at patutunayan muli ngayon \u2013 na ang lumalawak at lumalakas na hanay\u2026","rel":"","context":"In &quot;Editorial&quot;","block_context":{"text":"Editorial","link":"https:\/\/sinag.press\/news\/category\/editorial\/"},"img":{"alt_text":"","src":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2023\/03\/img_0786-1-scaled.jpg?resize=350%2C200&ssl=1","width":350,"height":200,"srcset":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2023\/03\/img_0786-1-scaled.jpg?resize=350%2C200&ssl=1 1x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2023\/03\/img_0786-1-scaled.jpg?resize=525%2C300&ssl=1 1.5x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2023\/03\/img_0786-1-scaled.jpg?resize=700%2C400&ssl=1 2x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2023\/03\/img_0786-1-scaled.jpg?resize=1050%2C600&ssl=1 3x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2023\/03\/img_0786-1-scaled.jpg?resize=1400%2C800&ssl=1 4x"},"classes":[]},{"id":6243,"url":"https:\/\/sinag.press\/news\/2023\/12\/27\/busina-ng-komyuter-si-marcos-ang-pahirap-hindi-ang-tsuper\/","url_meta":{"origin":7265,"position":1},"title":"Busina ng Komyuter: Si Marcos ang pahirap, hindi ang tsuper!","author":"Staff","date":"27 December 2023","format":false,"excerpt":"Sa kabila ng patuloy na pagkontra ng mga tsuper at komyuter, patuloy na iginigiit ni Pangulong Bongbong Marcos na buo na ang kanyang desisyon sa pagpapatupad ng Public Utlity Vehicle Modernization (PUVMP) kung saan kanyang idineklara ang Disyembre 31, 2023 bilang huling araw ng PUV consolidation. Dahil dito, ilang araw\u2026","rel":"","context":"In &quot;Features&quot;","block_context":{"text":"Features","link":"https:\/\/sinag.press\/news\/category\/features\/"},"img":{"alt_text":"","src":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2023\/12\/dsc_0385-1-scaled.jpg?resize=350%2C200&ssl=1","width":350,"height":200,"srcset":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2023\/12\/dsc_0385-1-scaled.jpg?resize=350%2C200&ssl=1 1x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2023\/12\/dsc_0385-1-scaled.jpg?resize=525%2C300&ssl=1 1.5x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2023\/12\/dsc_0385-1-scaled.jpg?resize=700%2C400&ssl=1 2x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2023\/12\/dsc_0385-1-scaled.jpg?resize=1050%2C600&ssl=1 3x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2023\/12\/dsc_0385-1-scaled.jpg?resize=1400%2C800&ssl=1 4x"},"classes":[]},{"id":7110,"url":"https:\/\/sinag.press\/news\/2025\/10\/03\/sigaw-ng-bayan-hanggang-saan-ang-maaabot-ng-ating-galit\/","url_meta":{"origin":7265,"position":2},"title":"SIGAW NG BAYAN: Panahon ng Paniningil","author":"Staff","date":"3 October 2025","format":false,"excerpt":"Isinulat nila Damien Lamio, Mark Evan Mangandi, Johan Ong, Jovic Legaspi Galit ang bumalot sa kalsada. Sa bawat mukha, makikita ang hinanakit at pagod ng bayan\u2014ngunit ang tanong: Saan ba galing ang galit na ito? Ano ang paraan upang ipakita ito? Hanggang saan dapat dalhin ng ating galit?\u00a0 Sa isang\u2026","rel":"","context":"In &quot;Features&quot;","block_context":{"text":"Features","link":"https:\/\/sinag.press\/news\/category\/features\/"},"img":{"alt_text":"","src":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2025\/10\/WEBSITE.png?resize=350%2C200&ssl=1","width":350,"height":200,"srcset":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2025\/10\/WEBSITE.png?resize=350%2C200&ssl=1 1x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2025\/10\/WEBSITE.png?resize=525%2C300&ssl=1 1.5x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2025\/10\/WEBSITE.png?resize=700%2C400&ssl=1 2x"},"classes":[]},{"id":7101,"url":"https:\/\/sinag.press\/news\/2025\/09\/24\/ika-53-na-anibersaryo-ng-batas-militar-binaha-ng-galit-at-panawagan-ng-sambayanan\/","url_meta":{"origin":7265,"position":3},"title":"Ika-53 na anibersaryo ng Batas Militar, binaha ng galit at panawagan ng sambayanan","author":"Staff","date":"24 September 2025","format":false,"excerpt":"Isinulat nila Rei Pascual at Raphael Mendoza BINAHA NG PROTESTA mula sa iba\u2019t-ibang sektor at progresibong grupo ang lansangan ng Maynila bilang paggunita sa ika-53 anibersaryo ng Batas Militar nitong linggo, Setyembre 21.\u00a0 Mula sa iba\u2019t ibang sektor\u2014estudyante, manggagawa, manininda, at mga progresibong organisasyon\u2014umalingawngaw ang panawagan: wakasan ang katiwalian, igiit\u2026","rel":"","context":"In &quot;News&quot;","block_context":{"text":"News","link":"https:\/\/sinag.press\/news\/category\/news\/"},"img":{"alt_text":"","src":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2025\/09\/18-1-scaled.png?resize=350%2C200&ssl=1","width":350,"height":200,"srcset":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2025\/09\/18-1-scaled.png?resize=350%2C200&ssl=1 1x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2025\/09\/18-1-scaled.png?resize=525%2C300&ssl=1 1.5x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2025\/09\/18-1-scaled.png?resize=700%2C400&ssl=1 2x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2025\/09\/18-1-scaled.png?resize=1050%2C600&ssl=1 3x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2025\/09\/18-1-scaled.png?resize=1400%2C800&ssl=1 4x"},"classes":[]},{"id":6876,"url":"https:\/\/sinag.press\/news\/2024\/10\/03\/bagong-lipunan-noon-bagong-pilipinas-ngayon\/","url_meta":{"origin":7265,"position":4},"title":"Bagong Lipunan Noon, Bagong Pilipinas Ngayon: Iisang Retorika, Parehong Pasista","author":"Princess Sacendoncillo","date":"3 October 2024","format":false,"excerpt":"Nang mapasakamay ng dating diktador na si Ferdinand Marcos Sr., ang Pilipinas,bahagi ng kanyang pagtatangka na hubugin ang lipunan ay ang pagpapatupad ng Batas Militar noong 1972, at ang paglulunsad ng kanyang propagandang \u201cBagong Lipunan\u201d. Ipinakilala bilang isang landas tungo sa maunlad at nagkakaisang lipunan \u2014 ngunit ang pagsasaayos ng\u2026","rel":"","context":"In &quot;Features&quot;","block_context":{"text":"Features","link":"https:\/\/sinag.press\/news\/category\/features\/"},"img":{"alt_text":"","src":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2024\/10\/fnztw1fC.jpg?resize=350%2C200&ssl=1","width":350,"height":200,"srcset":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2024\/10\/fnztw1fC.jpg?resize=350%2C200&ssl=1 1x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2024\/10\/fnztw1fC.jpg?resize=525%2C300&ssl=1 1.5x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2024\/10\/fnztw1fC.jpg?resize=700%2C400&ssl=1 2x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2024\/10\/fnztw1fC.jpg?resize=1050%2C600&ssl=1 3x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2024\/10\/fnztw1fC.jpg?resize=1400%2C800&ssl=1 4x"},"classes":[]},{"id":4963,"url":"https:\/\/sinag.press\/news\/2022\/07\/17\/si-marcos-ang-dapat-makinig\/","url_meta":{"origin":7265,"position":5},"title":"Si Marcos ang dapat makinig!","author":"Staff","date":"17 July 2022","format":false,"excerpt":"Araw-araw na lamang ay sinasagad ng kapulisan ang kanilang kabobohan. Ani Maj. Gen. Valeriano de Leon, dapat makinig na lang daw ang mga kritiko ni Marcos Jr. sa kanyang mga plano, ano man ang ibig sabihin nito, na magsisilbing direksyon ng bansa sa anim na taon (o higit pa) ng\u2026","rel":"","context":"In &quot;Opinion&quot;","block_context":{"text":"Opinion","link":"https:\/\/sinag.press\/news\/category\/opinion\/"},"img":{"alt_text":"","src":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/07\/sinag-web-banner-8-1.png?resize=350%2C200&ssl=1","width":350,"height":200,"srcset":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/07\/sinag-web-banner-8-1.png?resize=350%2C200&ssl=1 1x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/07\/sinag-web-banner-8-1.png?resize=525%2C300&ssl=1 1.5x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/07\/sinag-web-banner-8-1.png?resize=700%2C400&ssl=1 2x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/07\/sinag-web-banner-8-1.png?resize=1050%2C600&ssl=1 3x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/07\/sinag-web-banner-8-1.png?resize=1400%2C800&ssl=1 4x"},"classes":[]}],"jetpack_sharing_enabled":true,"authors":[{"term_id":122,"user_id":9,"is_guest":0,"slug":"csspsinag","display_name":"Staff","avatar_url":"https:\/\/secure.gravatar.com\/avatar\/194807626fee183640d3de57e788ba7c8c0d40bd86bfc1237bed56bcd3832c1b?s=96&d=mm&r=g","0":null,"1":"","2":"","3":"","4":"","5":"","6":"","7":"","8":""},{"term_id":121,"user_id":1,"is_guest":0,"slug":"sinag","display_name":"SINAG Staff","avatar_url":"https:\/\/secure.gravatar.com\/avatar\/3724ae1ea8e319ed75f81da5a5bbfaaf1ea0d252bb7988b635d3d25dbecd56cf?s=96&d=mm&r=g","0":null,"1":"","2":"","3":"","4":"","5":"","6":"","7":"","8":""}],"_links":{"self":[{"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/7265","targetHints":{"allow":["GET"]}}],"collection":[{"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/posts"}],"about":[{"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/types\/post"}],"author":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/users\/9"}],"replies":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/comments?post=7265"}],"version-history":[{"count":3,"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/7265\/revisions"}],"predecessor-version":[{"id":7270,"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/7265\/revisions\/7270"}],"wp:featuredmedia":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/media\/7266"}],"wp:attachment":[{"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/media?parent=7265"}],"wp:term":[{"taxonomy":"category","embeddable":true,"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/categories?post=7265"},{"taxonomy":"post_tag","embeddable":true,"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/tags?post=7265"},{"taxonomy":"author","embeddable":true,"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/ppma_author?post=7265"}],"curies":[{"name":"wp","href":"https:\/\/api.w.org\/{rel}","templated":true}]}}