{"id":7276,"date":"2026-02-15T19:46:17","date_gmt":"2026-02-15T11:46:17","guid":{"rendered":"https:\/\/sinag.press\/news\/?p=7276"},"modified":"2026-02-15T19:46:23","modified_gmt":"2026-02-15T11:46:23","slug":"iniibig-ka-kahit-sa-mga-panandaliang-pagbitaw","status":"publish","type":"post","link":"https:\/\/sinag.press\/news\/2026\/02\/15\/iniibig-ka-kahit-sa-mga-panandaliang-pagbitaw\/","title":{"rendered":"Iniibig ka, Kahit sa mga Panandaliang Pagbitaw"},"content":{"rendered":"\n<p><em>sulat ni Karl Angelo R. Vicedo<\/em><\/p>\n\n\n\n<p><strong>Ipinangapangako <\/strong>kong lagi kong babalikan ang gabing iyon kung saan banayad ang agos ng gabi, dahan-dahan ngunit may patutunguhan, lalo pa\u2019t ikaw ang katabi.&nbsp;<\/p>\n\n\n\n<p>Sa paligid, umiindak ang lahat: mga ilaw na parang nagtatampisaw sa kadiliman, hanging malamig sa bagong taon, halakhakang tayo lamang ang nakaririnig. Pumipintig ang puso sa bawat pihit ng ulo sapagkat ikaw ang nasisilayan ng mga mata \u2014 ano na lamang ang nagawa ko para matamo ang matinding kapalaran katulad nito?&nbsp;<\/p>\n\n\n\n<p>Binabagtas ng ating mga paa ang semento na saksi sa ating mga yakap at halik; ikaw ay nasa aking tabi, sumasabay sa katahimikan <strong>kong <\/strong>tila lihim na ritwal ng ating pag-ibig. Magkahugpong ang ating mga daliri \u2014 palatandaan ng isang kasunduang walang salita, isang sumpang hindi pakakawalan kahit paulit-ulit tayong sinubukan ng mundo.<\/p>\n\n\n\n<p>Subalit bago pa man sumayaw ang mga salita sa iyong labi, nadama ko na ang pagbabago ng hangin: ang panginginig ng magkasalikop nating mga palad, ang pag-urong ng aking pulso, ang bigat ng mundong muli tayong pinatitigil.&nbsp;<\/p>\n\n\n\n<p>At sa pagitan ng dalawang tibok ng puso, ang <strong>patuloy <\/strong>na paglalakad ay naging pag-iingat, ang paghawak sa isa\u2019t isa ay naging kasalanang kailangan nating itago.<\/p>\n\n\n\n<h2 class=\"wp-block-heading\"><span class=\"ez-toc-section\" id=\"PALAD\"><\/span><em>PALAD<\/em><span class=\"ez-toc-section-end\"><\/span><\/h2>\n\n\n\n<p>Sa pagtama ng mga tingin ng estrangherong hindi man lang kilala ang ngalan natin, unti-unting bumitaw ang ating mga kamay, at sa paghihiwalay, narinig ko ang puso <strong>kong <\/strong>humihikbi \u2014 isang panaghoy na walang makaririnig maliban sa dilim at sa iyo. Hindi dahil hindi mo ako mahal kundi dahil may mundong sabay nating kinatatakutan, isang mundong handang lamunin ang bawat lambing na ipinakikita natin.<\/p>\n\n\n\n<p>Paulit-ulit kong tinanong ang sarili, parang sirang plaka sa gabi: Bakit nagiging kasalanan ang pag-ibig kapag hindi pumapasa sa sukatan ng iba? Bakit kailangang itago ang tibok na alam nating totoo at walang niloloko?<\/p>\n\n\n\n<p>Sa pagbitaw ng palad mo, nasilayan ko ang pag-ibig na kailangang maging talinghaga, ang katahimikang inuukit natin sa sariling dibdib, ang pag-asang pilit <strong>hahanapin <\/strong>sa gitna ng dilim.&nbsp;<\/p>\n\n\n\n<p><strong>At <\/strong>sa aking palad, nananatili ang bakas ng init, isang alaala na hindi tayo nag-iisa sa kwentong ito \u2014 kwento ng mga umiibig upang makibaka, ng mga nananahimik upang kumanlong, ng mga patuloy na lumalaban sa mga patay-sinding pangarap, sa gitna ng mundong ayaw tanggapin ang katotohanan ng ating pagmamahal.<\/p>\n\n\n\n<h2 class=\"wp-block-heading\"><span class=\"ez-toc-section\" id=\"HINLALAKI\"><\/span><em>HINLALAKI<\/em><span class=\"ez-toc-section-end\"><\/span><\/h2>\n\n\n\n<p>Yaong paghawak ng kamay natin ay hindi kailanman naging simpleng haplos; isa itong wikang hindi kayang ipaliwanag ng dila, hindi kayang isalin ng kahit sinong saksi \u2014 wikang tayo lamang ang nakakaunawa. Isang wikang isinilang mula sa takot, mula sa bulong ng gabi, mula sa lihim na tintang isinulat natin sa hangin, umaasang walang makabubura.&nbsp;<\/p>\n\n\n\n<p>Para sa iba, marahil ito ay wala lamang, isang natural na pagdampi. Pero para sa atin, ito\u2019y kasunduan: kung paano magtatago sa liwanag, kung kailan dapat kumapit, kung aling landas ang <strong>lalakarin<\/strong>, at kung kailan magpapanggap na parang wala tayong nadarama kahit nabubulabog na ang dibdib.<\/p>\n\n\n\n<p>Sapagkat sa bawat tingin ng iba, ramdam ko <strong>ang <\/strong>hatol \u2014 parang nakataas na hinlalaking naghihintay ng pasya: <em>thumbs up <\/em>o <em>thumbs down<\/em>? Tatanggapin ba nila ang pag-ibig nating hindi umaayon sa itinakda ng mundo, o isusuka nila bago pa man natin masabing totoo ito?<\/p>\n\n\n\n<h2 class=\"wp-block-heading\"><span class=\"ez-toc-section\" id=\"HINTUTURO\"><\/span><em>HINTUTURO<\/em><span class=\"ez-toc-section-end\"><\/span><\/h2>\n\n\n\n<p>Sa bawat <strong>daan<\/strong>, may hintuturong nakadirekta sa atin, nakatutok na tila naghihintay ng pagkakamali. Sa bawat dyip, may titig na sumusukat sa bawat galaw ng ating mga katawan. Sa bawat sandali, pakiramdam mo\u2019y ipinanganak tayong mga eksena sa mga palabas na kailangang siyasatin, pintasan, at hatulan.&nbsp;<\/p>\n\n\n\n<p>Ano man ang maging hatol nila, hindi na ito mahalaga sapagkat sa isang sulyap, natatangi pa rin tayo sa ating mundo, isang tinging <strong>pabalik <\/strong>sa atin na nagpapaalala kung gaano kadaling maliitin ang pag-ibig na ito. Hindi lamang ito dahil sa lambing na isinisiwalat sa publiko, kundi dahil sa pagmamahal sa paraang hindi inaasahan ng lipunan. Ano ba rito ang kakaiba? Kasalanan ba ang maging totoo?<\/p>\n\n\n\n<p>Romansa \u2014 karaniwang tawag sa babae\u2019t lalaking magkayakap, magkaakbay, magkahalikan. Ngunit kapag dalawang taong magkapareho ang kasarian, ito\u2019y kabastusan, isang palabas na tatantusan ng mga pangungutya.&nbsp;<\/p>\n\n\n\n<p>Araw-araw, may hintuturong sumusunod sa atin. Hindi laging nakataas, ngunit laging naroon. Hindi nito kailangan magsalita; sapat na ang direksyong itinuturo nito upang maramdaman ang turok na dumadausdos sa balat at umaabot <strong>sa <\/strong>laman, na para bang ang bawat galaw natin ay may nakahandang paratang bago pa man tayo makapagsalita.<\/p>\n\n\n\n<h2 class=\"wp-block-heading\"><span class=\"ez-toc-section\" id=\"HINLALATO\"><\/span><em>HINLALATO<\/em><span class=\"ez-toc-section-end\"><\/span><\/h2>\n\n\n\n<p>Mula sa mga bulong, titig, panunuri, at pagmamasid, lumalantad ang mga sugat \u2014 mga insultong pawang katatawan lamang sa iba, mga tanong na naglalaman ng lason sa ilalim ng mga salita, mga karahasang tila kutsilyo sa pagitan ng tadyang. Araw-gabi, sumisiklab sa dibdib ang poot, sapagkat tila isang malupit na sumpa sa mundo ang tangan nating pag-ibig at sa pagkamuhi\u2019y nakataas ang kanilang mga hinlalato.&nbsp;<\/p>\n\n\n\n<p>Tila ba ang <strong>iyong <\/strong>bawat haplos sa akin ay paghamon, ang <strong>mga <\/strong>ngiti mo ay paglapastangan, ang pagsinta ay krimeng sinadyang isulat sa ating mga katawan at kaluluwa.<\/p>\n\n\n\n<p>Ngunit narito pa rin tayo, patuloy na humihinga sa mundong wala sa bokabularyo ang \u201cpagtanggap,\u201d sumisinta sa mundong puno ng panunungayaw, na para bang mismong mga <strong>kamay <\/strong>natin ang ayaw nilang makita. Nakatuon ang mga hintuturo sa atin, wari\u2019y tayo ang pagkakamali; gayong ang nararapat nilang usigin ay ang sistemang patuloy nagpapagalaw sa paniniwalang mali ang pag-ibig natin. Habang sila\u2019y mariing nagtuturo, tayo naman ang kinakapos, bawat hinga\u2019y hinahabol sa kakulangan ng puwang na ibinigay sa atin.<\/p>\n\n\n\n<h2 class=\"wp-block-heading\"><span class=\"ez-toc-section\" id=\"PALASINGSINGAN\"><\/span><em>PALASINGSINGAN<\/em><span class=\"ez-toc-section-end\"><\/span><\/h2>\n\n\n\n<p>Sa daliring ito nakatira ang mga pangako, pero dito rin nakalibing ang mga takot <strong>dahil <\/strong>ang palasingsingan ay altar ng mga pangakong hindi natin alam kung kailan magiging atin.<\/p>\n\n\n\n<p>Tulad ng mismong daliring hindi kayang tumindig nang mag-isa, tayo man ay sinusubok ng mga matang nanonood, ang pag-aalinlangan ay dumaragsa, humahampas, sumasagi <strong>sa <\/strong>bawat sandaling pinipilit nating maging matatag. Sapagkat ang singsing ay pangarap, hindi katiyakan; ang pag-iisang dibdib ay isang kuwentong pinapaso muna ng panahon bago natin mabuksan ang pintuang matagal nang ipinagdamot ng paniniwalang lipas at hindi makatao.<\/p>\n\n\n\n<p>At ang <strong>bawat <\/strong>sandali ng pag-ibig ay isang mundong kailangan pang patunayan bago matawag na isang tahanan.<\/p>\n\n\n\n<p>At sa bawat <strong>pag-abot<\/strong> ko sa\u2019yo, muli\u2019t-muli akong natatalo sapagkat matapos ang bawat pagbitaw, ikaw pa rin ang inuuwian ng mga daliri kong napagod sa pagtatago. Mas matimbang kaysa sa mga titig ng iba ang kinabukasang nakikita ko sa iyong tabi \u2014 ikaw, suot ang liwanag sa iyong palasingsingan, kung papalarin man.&nbsp;<\/p>\n\n\n\n<p>Madalas akong nauunahan ng pangamba, parang bawat pagmamahal ay may kapalit na takot, ngunit <strong>ako\u2019y <\/strong>patuloy pa ring umaasa. Sapagkat ang pag-ibig ko sa\u2019yo ay sumisibol kahit sa pinakatuyong lupa, mas matatag kaysa sa anumang maaaring ipataw sa atin. Hindi ito mawawala; ang pag-ibig ko ay patuloy na hihinga, lalaban, at aasa.<\/p>\n\n\n\n<h2 class=\"wp-block-heading\"><span class=\"ez-toc-section\" id=\"HINLILIIT\"><\/span><em>HINLILIIT<\/em><span class=\"ez-toc-section-end\"><\/span><\/h2>\n\n\n\n<p>Nais kong maunawaan at maalala ng sinumang makaririnig sa tinig nitong pahina: ang pag-ibig namin ay hindi kathang-isip. Hindi ito imoral. Hindi ito kalapastangan. Hindi ito dapat isuksok sa anino\u2019t ipagpag sa hiya. Ang pag-ibig na ito ay umiindak sa ibabaw ng bubog \u2014 isang <em>balse <\/em>ng apat na kaliwang paa \u2014 habang pinagmamasdan ng libu-libong madlang naghihintay sa ating pagdapa. Ngunit nandito tayo, magkahawak-kamay pa rin, dumudugo man ang mga talampakan.<\/p>\n\n\n\n<p>Sa bawat hatol, sa bawat tingin, sa bawat bulong na binibitawan nila na parang sumpa, patuloy akong <strong>umiibig <\/strong>sa\u2019yo. Iaabot ko ang aking hinliit at sa pag-ibig na ito, ako\u2019y nangangakong hinding-hindi tayo tatalikod. Gagawin nating tabak ang takot. Gagawin nating kalasag ang bawat sugat. Sa bawat titig na manunuot sa balat at buto, pipilitin nating lumaban hanggang malampasan ang mga matang nanlilibak at makaalpas tungo sa katahimikan.<\/p>\n\n\n\n<p>Kung kinakailangan kong harapin at hamunin ang matagal nang naghaharing sistema, gagawin ko. Hindi na ako luluhod sa kung sinong nagtatakda kung sino ang dapat mahalin. Darating ang araw na hindi na natin kailangang bumitaw \u2014 ang araw na makahahawak tayo <strong>nang <\/strong>walang sumisipat sa likuran, na makapaglalakad tayo nang hindi nagtatago. Maaaring hindi ngayon, hindi bukas, hindi sa susunod na linggo, ngunit makikibaka ang mga kamao hanggang masilayan natin ang mundong iyon.&nbsp;<\/p>\n\n\n\n<p>At hangga\u2019t hindi pa iyon dumarating, patuloy kitang sasamahan sa lakaring kahit marahan ay <strong>may <\/strong>paroroonan. Patuloy kitang mamahalin sa pagitan ng dilim ng gabi at liwanag ng bulan. Patuloy kitang pipiliin kahit masakit. Patuloy akong lalaban para sa atin. <em>Pangako ko ito sa\u2019yo.&nbsp;<\/em><\/p>\n\n\n\n<p>Dahil kung kasalanan mang ika\u2019y mahalin, lalabag ako \u2014 paulit-ulit, walang pag-aatubili, walang pag-aalinlangan. At sa bawat paglabag, ipagpapatuloy ko ang aking walang-tigil na <strong>paglaban<\/strong>, sapagkat mas masahol pa ang mawala ka sa aking tabi. Mas masahol pa ang ika\u2019y hindi ibigin. <em>Pangako ko ito sa\u2019yo.<\/em><\/p>\n\n\n\n<p>Matatakot. Mananatili. Lalaban. Aasa.&nbsp;<\/p>\n\n\n\n<p>At sa lahat ng ito, pipiliin pa rin kita.<\/p>\n\n\n\n<p><strong>Ipinapangako kong patuloy kong hahanapin at lalakarin ang daan pabalik sa iyong mga kamay dahil sa bawat pag-abot, ako ay umiibig nang may paglaban.<\/strong><\/p>\n","protected":false},"excerpt":{"rendered":"<p>sulat ni Karl Angelo R. Vicedo Ipinangapangako kong lagi kong babalikan ang gabing iyon kung saan banayad ang agos ng gabi, dahan-dahan ngunit may patutunguhan, lalo pa\u2019t ikaw ang katabi.&nbsp; Sa paligid, umiindak ang lahat: mga ilaw na parang nagtatampisaw sa kadiliman, hanging malamig sa bagong taon, halakhakang tayo lamang ang nakaririnig. Pumipintig ang puso [&hellip;]<\/p>\n","protected":false},"author":9,"featured_media":7277,"comment_status":"open","ping_status":"open","sticky":false,"template":"","format":"standard","meta":{"_jetpack_memberships_contains_paid_content":false,"footnotes":""},"categories":[10],"tags":[],"ppma_author":[122],"class_list":["post-7276","post","type-post","status-publish","format-standard","has-post-thumbnail","hentry","category-literary"],"aioseo_notices":[],"jetpack_featured_media_url":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2026\/02\/NO-TEXT-Iniibig-Ka-\u2014-Ria.jpeg","jetpack-related-posts":[{"id":7279,"url":"https:\/\/sinag.press\/news\/2026\/02\/15\/kahit-kamatayan-ay-hindi-tayo-mapaghihiwalay\/","url_meta":{"origin":7276,"position":0},"title":"Kahit Kamatayan ay Hindi Tayo Mapaghihiwalay","author":"Staff","date":"15 February 2026","format":false,"excerpt":"Kasalanan daw ang ibigin ka. Nakadidiri at nakahahawa\u2014matagal kong kinimkim ang nararamdaman ko, na parang isang sakit na mahirap gamutin. Gusto kong punitin ang suot-suot kong gown ngayon. Maganda naman ang tela, pero nangangati akong hubarin ito. Ang fantasy ko? Custom-made na cropped Barong Tagalog, at mahabang paldang sumasayad sa\u2026","rel":"","context":"In &quot;Literary&quot;","block_context":{"text":"Literary","link":"https:\/\/sinag.press\/news\/category\/literary\/"},"img":{"alt_text":"","src":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2026\/02\/ILLUSTRATION-.png?resize=350%2C200&ssl=1","width":350,"height":200,"srcset":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2026\/02\/ILLUSTRATION-.png?resize=350%2C200&ssl=1 1x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2026\/02\/ILLUSTRATION-.png?resize=525%2C300&ssl=1 1.5x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2026\/02\/ILLUSTRATION-.png?resize=700%2C400&ssl=1 2x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2026\/02\/ILLUSTRATION-.png?resize=1050%2C600&ssl=1 3x"},"classes":[]},{"id":2460,"url":"https:\/\/sinag.press\/news\/2021\/09\/21\/diktadurya-sa-likod-ng-huwad-na-demokrasya\/","url_meta":{"origin":7276,"position":1},"title":"Diktadurya sa Likod ng Huwad na Demokrasya","author":"Staff","date":"21 September 2021","format":false,"excerpt":"Apatnapu\u2019t siyam na taon matapos ang deklarasyon ng karumal-dumal na Batas Militar ng diktador na si Ferdinand Marcos, hindi na muling nakaranas pa ang Pilipinas ng kasinlala o mas masahol pang Martial Law sa kasaysayan nito. Ito ay dahil ang despotismo, paggawa ng krimen, at ang paniniil sa mamamayan ay\u2026","rel":"","context":"In &quot;Opinion&quot;","block_context":{"text":"Opinion","link":"https:\/\/sinag.press\/news\/category\/opinion\/"},"img":{"alt_text":"","src":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2021\/09\/124017389_396581131368569_3227560706397349052_n-1.png?resize=350%2C200&ssl=1","width":350,"height":200,"srcset":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2021\/09\/124017389_396581131368569_3227560706397349052_n-1.png?resize=350%2C200&ssl=1 1x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2021\/09\/124017389_396581131368569_3227560706397349052_n-1.png?resize=525%2C300&ssl=1 1.5x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2021\/09\/124017389_396581131368569_3227560706397349052_n-1.png?resize=700%2C400&ssl=1 2x"},"classes":[]},{"id":7032,"url":"https:\/\/sinag.press\/news\/2025\/07\/08\/isang-pagtatapat-sa-araw-ng-pagtatapos\/","url_meta":{"origin":7276,"position":2},"title":"Isang Pagtatapat sa Araw ng Pagtatapos","author":"Justin Felip Daduya","date":"8 July 2025","format":false,"excerpt":"Nailipat ko na sa kabilang balikat ang aking Sablay, kaya maaari na siguro akong umamin: pugad naman talaga ng radikalisasyon ang UP. Kung ang radikalisasyon ma\u2019y kasalanan, ako na ang unang mangungumpisal: ako ay naradikalisa. Ngunit bago manlaki ang inyong mga mata at bago niyo ako isumbong sa kung sinong\u2026","rel":"","context":"In &quot;Opinion&quot;","block_context":{"text":"Opinion","link":"https:\/\/sinag.press\/news\/category\/opinion\/"},"img":{"alt_text":"","src":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2025\/07\/Art-Cover_cr.png?resize=350%2C200&ssl=1","width":350,"height":200,"srcset":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2025\/07\/Art-Cover_cr.png?resize=350%2C200&ssl=1 1x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2025\/07\/Art-Cover_cr.png?resize=525%2C300&ssl=1 1.5x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2025\/07\/Art-Cover_cr.png?resize=700%2C400&ssl=1 2x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2025\/07\/Art-Cover_cr.png?resize=1050%2C600&ssl=1 3x"},"classes":[]},{"id":5717,"url":"https:\/\/sinag.press\/news\/2023\/01\/20\/walang-lugar-ang-red-tagging-sa-ating-mga-paaralan\/","url_meta":{"origin":7276,"position":3},"title":"\u201cWalang lugar ang red-tagging sa ating mga paaralan!\u201d","author":"Staff","date":"20 January 2023","format":false,"excerpt":"Taliwas sa pagsulong ng siyensiya at sa core values ng Philippine Science High School (PSHS) na \u201cIntegrity, Excellence, and Service to the Nation\u201d ang pagbibigay daan sa kahit anong aktibidad ng NTF-ELCAC.\u00a0 Kabataan Partylist ON PSHS-CAR'S ENDORSEMENT OF\u00a0A RED-TAGGING SEMINAR BY THE NTF-ELCAC Taliwas sa pagsulong ng siyensiya at sa\u2026","rel":"","context":"In &quot;Others&quot;","block_context":{"text":"Others","link":"https:\/\/sinag.press\/news\/category\/others\/"},"img":{"alt_text":"","src":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2023\/01\/tindig-black_flush-left-1.png?resize=350%2C200&ssl=1","width":350,"height":200,"srcset":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2023\/01\/tindig-black_flush-left-1.png?resize=350%2C200&ssl=1 1x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2023\/01\/tindig-black_flush-left-1.png?resize=525%2C300&ssl=1 1.5x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2023\/01\/tindig-black_flush-left-1.png?resize=700%2C400&ssl=1 2x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2023\/01\/tindig-black_flush-left-1.png?resize=1050%2C600&ssl=1 3x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2023\/01\/tindig-black_flush-left-1.png?resize=1400%2C800&ssl=1 4x"},"classes":[]},{"id":7110,"url":"https:\/\/sinag.press\/news\/2025\/10\/03\/sigaw-ng-bayan-hanggang-saan-ang-maaabot-ng-ating-galit\/","url_meta":{"origin":7276,"position":4},"title":"SIGAW NG BAYAN: Panahon ng Paniningil","author":"Staff","date":"3 October 2025","format":false,"excerpt":"Isinulat nila Damien Lamio, Mark Evan Mangandi, Johan Ong, Jovic Legaspi Galit ang bumalot sa kalsada. Sa bawat mukha, makikita ang hinanakit at pagod ng bayan\u2014ngunit ang tanong: Saan ba galing ang galit na ito? Ano ang paraan upang ipakita ito? Hanggang saan dapat dalhin ng ating galit?\u00a0 Sa isang\u2026","rel":"","context":"In &quot;Features&quot;","block_context":{"text":"Features","link":"https:\/\/sinag.press\/news\/category\/features\/"},"img":{"alt_text":"","src":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2025\/10\/WEBSITE.png?resize=350%2C200&ssl=1","width":350,"height":200,"srcset":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2025\/10\/WEBSITE.png?resize=350%2C200&ssl=1 1x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2025\/10\/WEBSITE.png?resize=525%2C300&ssl=1 1.5x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2025\/10\/WEBSITE.png?resize=700%2C400&ssl=1 2x"},"classes":[]},{"id":3420,"url":"https:\/\/sinag.press\/news\/2022\/01\/10\/bangon-sa-pagkakabusabos\/","url_meta":{"origin":7276,"position":5},"title":"Bangon sa pagkakabusabos!","author":"Staff","date":"10 January 2022","format":false,"excerpt":"Mahaba ang listahan ng mga krimen ng mga Marcos at Duterte sa bayan\u2014mula pagnanakaw hanggang pamamaslang. Nararapat lamang sa kanila ang hagupit ng ating pamamarusa. Ang tunay na\u00a0 demokrasya ay nasa kamay ng mamamayan at wala sa iilan. Sa balota man o bala, dapat ubos-lakas na gapiin ang ating mga\u2026","rel":"","context":"In &quot;Editorial&quot;","block_context":{"text":"Editorial","link":"https:\/\/sinag.press\/news\/category\/editorial\/"},"img":{"alt_text":"","src":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/01\/sinag-web-banner-9-2.png?resize=350%2C200&ssl=1","width":350,"height":200,"srcset":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/01\/sinag-web-banner-9-2.png?resize=350%2C200&ssl=1 1x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/01\/sinag-web-banner-9-2.png?resize=525%2C300&ssl=1 1.5x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/01\/sinag-web-banner-9-2.png?resize=700%2C400&ssl=1 2x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/01\/sinag-web-banner-9-2.png?resize=1050%2C600&ssl=1 3x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/01\/sinag-web-banner-9-2.png?resize=1400%2C800&ssl=1 4x"},"classes":[]}],"jetpack_sharing_enabled":true,"authors":[{"term_id":122,"user_id":9,"is_guest":0,"slug":"csspsinag","display_name":"Staff","avatar_url":"https:\/\/secure.gravatar.com\/avatar\/194807626fee183640d3de57e788ba7c8c0d40bd86bfc1237bed56bcd3832c1b?s=96&d=mm&r=g","0":null,"1":"","2":"","3":"","4":"","5":"","6":"","7":"","8":""}],"_links":{"self":[{"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/7276","targetHints":{"allow":["GET"]}}],"collection":[{"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/posts"}],"about":[{"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/types\/post"}],"author":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/users\/9"}],"replies":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/comments?post=7276"}],"version-history":[{"count":1,"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/7276\/revisions"}],"predecessor-version":[{"id":7278,"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/7276\/revisions\/7278"}],"wp:featuredmedia":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/media\/7277"}],"wp:attachment":[{"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/media?parent=7276"}],"wp:term":[{"taxonomy":"category","embeddable":true,"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/categories?post=7276"},{"taxonomy":"post_tag","embeddable":true,"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/tags?post=7276"},{"taxonomy":"author","embeddable":true,"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/ppma_author?post=7276"}],"curies":[{"name":"wp","href":"https:\/\/api.w.org\/{rel}","templated":true}]}}