{"id":7279,"date":"2026-02-15T20:09:56","date_gmt":"2026-02-15T12:09:56","guid":{"rendered":"https:\/\/sinag.press\/news\/?p=7279"},"modified":"2026-02-15T20:09:59","modified_gmt":"2026-02-15T12:09:59","slug":"kahit-kamatayan-ay-hindi-tayo-mapaghihiwalay","status":"publish","type":"post","link":"https:\/\/sinag.press\/news\/2026\/02\/15\/kahit-kamatayan-ay-hindi-tayo-mapaghihiwalay\/","title":{"rendered":"Kahit Kamatayan ay Hindi Tayo Mapaghihiwalay"},"content":{"rendered":"\n<blockquote class=\"wp-block-quote is-layout-flow wp-block-quote-is-layout-flow\">\n<p class=\"wp-block-paragraph\"><em>Kasalanan daw ang ibigin ka. Nakadidiri at nakahahawa\u2014matagal kong kinimkim ang nararamdaman ko, na parang isang sakit na mahirap gamutin.<\/em><\/p>\n<\/blockquote>\n\n\n\n<p class=\"wp-block-paragraph\">Gusto kong punitin ang suot-suot kong gown ngayon. Maganda naman ang tela, pero nangangati akong hubarin ito. Ang fantasy ko? Custom-made na cropped Barong Tagalog, at mahabang paldang sumasayad sa sahig, tapos magsusuot ako ng boots na may kaunting takong. Siguro, maglalagay rin ako ng shoulder padding para magmukhang mas malapad ang mga balikat ko. Pero naalala ko ang pagkadismaya ng nanay ko noong sinabi kong gusto kong mag-suot ng tuxedo sa prom, kaya nanahimik na lang ako.<\/p>\n\n\n\n<blockquote class=\"wp-block-quote is-layout-flow wp-block-quote-is-layout-flow\">\n<p class=\"wp-block-paragraph\"><em>Nagpadala ako sa mga maaaring sabihin nila sa atin. Nais kong ipagsigawan sa buong mundo ang pag-ibig natin, ngunit naduwag ako. Ikinahiya ko kung anong mayroon tayo. Nilayuan ko ang nagniningas na apoy, sa takot na mapaso ako nito.<\/em><\/p>\n<\/blockquote>\n\n\n\n<p class=\"wp-block-paragraph\">Gusto kong basagin ang lahat ng makikita kong salamin. Buti na lang at naipaglaban kong ako ang magmamakeup sa sarili ko. Bukod sa maalam naman ako, ayokong maglagay ng makapal na foundation sa aking balat, at mas ayokong malagyan ng mabibigat na mga pilikmatang hindi naman babagay sa eye shape ko. Paunti-unti akong naglalagay ng contour, lalo na sa aking ilong, para naman mas maging defined ang aking soft features. Kinapalan ko rin ang aking kilay, at naglagay ng kakaunting kulay sa aking labi. Makeup can only do so much, at hindi ko na mababago ang hulma ng mukha ko.<\/p>\n\n\n\n<blockquote class=\"wp-block-quote is-layout-flow wp-block-quote-is-layout-flow\">\n<p class=\"wp-block-paragraph\"><em>Iba ka. Ikaw ang tagapagligtas sa ating dalawa. Palagi kang handang ipaglaban ako, kahit na alam mong hindi ko iyon magawa sa iyo noon. Sa mundong walang kasiguraduhan, alam kong hinding-hindi ka mawawala. Patuloy pa ring lumaki ang apoy kahit na pilit ko itong iwasan, at sa matagal na panahon, nag-iisa kang sumugod sa sunog.<\/em><\/p>\n<\/blockquote>\n\n\n\n<p class=\"wp-block-paragraph\">Gusto kong gupitin ang buhok na ako rin naman ang nagpahaba. Matagal ko nang pangarap ang magpagupit sa barbero, pero hindi ko magawa. Nakakahiya. Ano na lang ang iisipin nila? Hindi raw normal itong nararamdaman ko\u2014paano ko ba ito maipapaintindi sa kanila? Sino ba kasi ang nagpauso ng sistemang dapat umiikot ang identidad mo sa aring mayroon ka? O kahit sa mga suot mong damit, sa iyong buhok, o sa hulma ng iyong mukha\u2019t katawan?&nbsp;<\/p>\n\n\n\n<p class=\"wp-block-paragraph\">Kung titingnan natin, walang tiyak na kahulugan ang pagkababae o pagkalalaki ng isang tao. Sa mga kahulugang hindi naman mapagkaisa ng mga tao ay nahahati lang tayo. Siguro para sa akin, at marahil para rin sa iba, inilikha tayo upang ipagpatuloy ang sining ng paglikha\u2014ang paglikha na ito ay nagsisimula sa ating mga sarili. Lahat tayo ay ipinanganak na artista, at ang ating mga katawan ang sarili nating <em>canvas<\/em>. Nakalulungkot lang na marami sa amin ang hindi maipinta ang aming obra maestra, dahil ninakaw ng mapangkutya at mapang-abusong&nbsp; lipunan ang aming mga makukulay na pintura.<\/p>\n\n\n\n<blockquote class=\"wp-block-quote is-layout-flow wp-block-quote-is-layout-flow\">\n<p class=\"wp-block-paragraph\"><em>Marumi raw ang pag-iibigan nating dalawa, ngunit bakit tila masilayan lamang ang iyong ngiti ay malinis na ako? Ang paborito kong kanta ay ang iyong mga hagikgik habang ako\u2019y iyong hinahalikan, at ang paborito kong tula ay ang mga salitang lumalabas mula sa iyong bibig. Nakatanim na sa aking kaluluwa ang bawat bahagi ng iyong pagkatao\u2014may sarili ka nang hardin sa aking utak at puso.<\/em><\/p>\n<\/blockquote>\n\n\n\n<p class=\"wp-block-paragraph\">Buong buhay ko\u2019y nangangati ako, na para bang may suot akong kakaibang telang hindi ko mahubad. Wala na akong ibang ginawa kundi ang magkamot; tadtad na sa mga sugat ang aking balat. Sa ngayon, magtitiis muna ulit ako. Lagi ko namang nakakayanang magtiis, pero ngayon ay hindi ko maiwasang kamutin ang aking balat sa sobrang kati. Magtatago na lamang ako muli, at ibibigay ang araw na ito sa kapatid kong makikipag-isang-dibdib. Hindi naman ako ang ikakasal\u2014malabo pa iyang mangyari sa ngayon.<\/p>\n\n\n\n<blockquote class=\"wp-block-quote is-layout-flow wp-block-quote-is-layout-flow\">\n<p class=\"wp-block-paragraph\"><em>Kung malaking kasalanan ang ibigin ka, bakit nasa paraiso ako? Handa na akong masunog sa impyerno para sa pag-ibig mo. Ano pa ba ang dapat kong ikatakot, kung dinala mo na sa akin ang buong kalangitan?&nbsp;<\/em><\/p>\n<\/blockquote>\n\n\n\n<p class=\"wp-block-paragraph\">Bakit parang nasalo ko naman lahat ng problemang maaari kong makuha? Alam ko na ang sasabihin nila: gawa-gawa ko lang ang mga ito sa aking utak. Pinili ko raw kung anumang kabaklaan ang nangyayari sa akin ngayon. Bakit ko naman pipiliin ito, kung kinakailangan ko pang magmakaawa upang magkaroon ng karapatang mabuhay?<\/p>\n\n\n\n<p class=\"wp-block-paragraph\">Nais ko rin siyang dalhin sa altar, at ipagkalat ang kwento ng aming pag-ibig\u2014isang pag-ibig na makasalanan daw. Sa halip ay kailangan naming magtago; ni hindi ko nga siya maipakilala sa aking pamilya. Nararapat lang bang ganito ang palaging kahihinatnan ng mga taong tulad namin?<\/p>\n\n\n\n<blockquote class=\"wp-block-quote is-layout-flow wp-block-quote-is-layout-flow\">\n<p class=\"wp-block-paragraph\"><em>Ang tunay na kasalanan ay ang hindi ka ibigin. Ikaw na nagpakita sa akin ng tunay na pagmamahal nang walang kapalit; ikaw na tinanggap ako nang buong-buo. Isang malaking kalapastangang ikinahiya ko ang pag-iibigan nating dalawa, at sana hayaan mo akong pagbayaran ang pagkakasala ko sa iyo.<\/em><\/p>\n<\/blockquote>\n\n\n\n<p class=\"wp-block-paragraph\">Nakakapagod mamuhay nang ganito, lalo na\u2019t pilit kaming sinasakal ng isang lipunang tinitiis lamang kami. Karapatan namin ang paboritong paksa ng mga debate sa paaralan, na para bang hindi kami mga tao. Pero buti pa sa mga debate sa paaralan, may tyansang manalo ang koponang ipinaglalaban ang karapatan namin. Pero sa gubyerno ng Pilipinas? Ilang taon nang nakabinbin sa kamay ng mga pulitiko ang desisyon kung dapat ba kaming kilalanin at tanggapin sa lipunang ito. Bibihisan nila ang kanilang mga sarili ng ng mga retaso ng kulay ng bahaghari kapag madali para sa kanila, ngunit patuloy pa ring hungkag na hinuhusgahan ang pagkakakilanlan ng mga taong nakakasalamuha nila.<\/p>\n\n\n\n<blockquote class=\"wp-block-quote is-layout-flow wp-block-quote-is-layout-flow\">\n<p class=\"wp-block-paragraph\"><em>Isinusumpa kong hindi ko ikukulong ang nag-aalab na apoy na inilikha ng ating pagmamahalan, at yayakapin ko ang init na ibinibigay nito. Mula ngayon, sasamahan kita sa nagliliyab na apoy, hawak-hawak ang iyong kamay, at kailanma\u2019y hindi na ako bibitaw pa.<\/em><\/p>\n<\/blockquote>\n\n\n\n<p class=\"wp-block-paragraph\">Marahil ay mas lumalakas at nagiging makahulugan ang pag-ibig namin, dahil araw-araw namin itong ipinaglalaban. Naitatag ang aming pag-ibig at pagkalinga para sa isa\u2019t isa sa patuloy naming pagkilos. Malayo pa ang kailangan naming lakbayin, ngunit nakagagaan ng pusong malamang hindi ka nag-iisa. Balang araw, mabubuo rin namin ang aming obra maestra.<\/p>\n\n\n\n<p class=\"wp-block-paragraph\">Ngunit ngayon, lalo na sa araw na ito, itatago ko muna ang tunay na ako, hanggang sa ligtas na para sa akin ang magladlad. Palihim ngunit patuloy akong lalaban, dahil hindi ako papayag na habambuhay akong nakakulong. Patuloy akong sisigaw at mangangalampag sa loob ng aking kloseta, hanggang sa ako\u2019y tuluyang lumaya<\/p>\n\n\n\n<blockquote class=\"wp-block-quote is-layout-flow wp-block-quote-is-layout-flow\">\n<p class=\"wp-block-paragraph\"><em>Kasalanan daw ang ibigin ka, ngunit nakikita kong nagdiriwang ang mga anghel sa sumasayaw nating apoy, handang lagyan ng sinag ang aking ulo. Ang pagmamahalan natin ay isang malaking sakripisyo, sapagkat ikaw ang relihiyon, at ako ang natatangi mong deboto.&nbsp;<\/em><\/p>\n\n\n\n<p class=\"wp-block-paragraph\"><em>Hanggang sa aking pagkalibing, kahit ang kamatayan mismo ay hinding-hindi tayo mapaghihiwalay. Hanggang sa ating huling hantungan, ikaw ang paborito kong sablay.<\/em><\/p>\n<\/blockquote>\n","protected":false},"excerpt":{"rendered":"<p>Kasalanan daw ang ibigin ka. Nakadidiri at nakahahawa\u2014matagal kong kinimkim ang nararamdaman ko, na parang isang sakit na mahirap gamutin. Gusto kong punitin ang suot-suot kong gown ngayon. Maganda naman ang tela, pero nangangati akong hubarin ito. Ang fantasy ko? Custom-made na cropped Barong Tagalog, at mahabang paldang sumasayad sa sahig, tapos magsusuot ako ng [&hellip;]<\/p>\n","protected":false},"author":9,"featured_media":7280,"comment_status":"open","ping_status":"open","sticky":false,"template":"","format":"standard","meta":{"_jetpack_newsletter_access":"","_jetpack_dont_email_post_to_subs":false,"_jetpack_newsletter_tier_id":0,"_jetpack_memberships_contains_paywalled_content":false,"_jetpack_memberships_contains_paid_content":false,"footnotes":""},"categories":[10],"tags":[],"ppma_author":[122],"class_list":["post-7279","post","type-post","status-publish","format-standard","has-post-thumbnail","hentry","category-literary"],"aioseo_notices":[],"jetpack_featured_media_url":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2026\/02\/ILLUSTRATION-.png","jetpack-related-posts":[{"id":7032,"url":"https:\/\/sinag.press\/news\/2025\/07\/08\/isang-pagtatapat-sa-araw-ng-pagtatapos\/","url_meta":{"origin":7279,"position":0},"title":"Isang Pagtatapat sa Araw ng Pagtatapos","author":"Justin Felip Daduya","date":"8 July 2025","format":false,"excerpt":"Nailipat ko na sa kabilang balikat ang aking Sablay, kaya maaari na siguro akong umamin: pugad naman talaga ng radikalisasyon ang UP. Kung ang radikalisasyon ma\u2019y kasalanan, ako na ang unang mangungumpisal: ako ay naradikalisa. Ngunit bago manlaki ang inyong mga mata at bago niyo ako isumbong sa kung sinong\u2026","rel":"","context":"In &quot;Opinion&quot;","block_context":{"text":"Opinion","link":"https:\/\/sinag.press\/news\/category\/opinion\/"},"img":{"alt_text":"","src":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2025\/07\/Art-Cover_cr.png?resize=350%2C200&ssl=1","width":350,"height":200,"srcset":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2025\/07\/Art-Cover_cr.png?resize=350%2C200&ssl=1 1x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2025\/07\/Art-Cover_cr.png?resize=525%2C300&ssl=1 1.5x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2025\/07\/Art-Cover_cr.png?resize=700%2C400&ssl=1 2x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2025\/07\/Art-Cover_cr.png?resize=1050%2C600&ssl=1 3x"},"classes":[]},{"id":5669,"url":"https:\/\/sinag.press\/news\/2023\/01\/14\/bukas-na-liham-sa-mga-katulad-kong-pagod-na-sa-finals-week\/","url_meta":{"origin":7279,"position":1},"title":"Bukas na liham sa mga katulad kong pagod na sa Finals Week","author":"Staff","date":"14 January 2023","format":false,"excerpt":"Wala parin ako sa UP. Hindi pa rin ako nakakatapak sa AS steps, nakakain sa Area 2, at nakakatambay sa Sunken. Nandito pa rin ako sa kwarto, nakatitig sa Google Classroom mag-isa. Wala parin ako sa UP. Hindi pa rin ako nakakatapak sa AS steps, nakakain sa Area 2, at\u2026","rel":"","context":"In &quot;Literary&quot;","block_context":{"text":"Literary","link":"https:\/\/sinag.press\/news\/category\/literary\/"},"img":{"alt_text":"","src":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2023\/01\/sinag-web-banner-2.png?resize=350%2C200&ssl=1","width":350,"height":200,"srcset":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2023\/01\/sinag-web-banner-2.png?resize=350%2C200&ssl=1 1x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2023\/01\/sinag-web-banner-2.png?resize=525%2C300&ssl=1 1.5x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2023\/01\/sinag-web-banner-2.png?resize=700%2C400&ssl=1 2x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2023\/01\/sinag-web-banner-2.png?resize=1050%2C600&ssl=1 3x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2023\/01\/sinag-web-banner-2.png?resize=1400%2C800&ssl=1 4x"},"classes":[]},{"id":7257,"url":"https:\/\/sinag.press\/news\/2025\/11\/29\/nagsasawa-ka-na-ba\/","url_meta":{"origin":7279,"position":2},"title":"Nagsasawa ka na ba?","author":"Staff","date":"29 November 2025","format":false,"excerpt":"Isinulat nila Denise Cavinta at Karl Vicedo Nagbabagang kahel ang langit sa dahan-dahang paglubog ng araw. Tumatagaktak ang pawis sa noo gawa ng init ng panahon, nangangalay ang mga balikat sa bigat ng pasan, at kumikirot ang magkabilang binti gawa ng pagtakbo papunta sa bawat silid. Sisilip-silip sa kanto, at\u2026","rel":"","context":"In &quot;Features&quot;","block_context":{"text":"Features","link":"https:\/\/sinag.press\/news\/category\/features\/"},"img":{"alt_text":"","src":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2025\/11\/IMG_8051_SnapseedCopy.png?resize=350%2C200&ssl=1","width":350,"height":200,"srcset":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2025\/11\/IMG_8051_SnapseedCopy.png?resize=350%2C200&ssl=1 1x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2025\/11\/IMG_8051_SnapseedCopy.png?resize=525%2C300&ssl=1 1.5x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2025\/11\/IMG_8051_SnapseedCopy.png?resize=700%2C400&ssl=1 2x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2025\/11\/IMG_8051_SnapseedCopy.png?resize=1050%2C600&ssl=1 3x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2025\/11\/IMG_8051_SnapseedCopy.png?resize=1400%2C800&ssl=1 4x"},"classes":[]},{"id":7299,"url":"https:\/\/sinag.press\/news\/2026\/03\/17\/sa-kusina-nagsisimula-ang-mga-tanong\/","url_meta":{"origin":7279,"position":3},"title":"Sa Kusina Nagsisimula ang mga Tanong","author":"Staff","date":"17 March 2026","format":false,"excerpt":"sulat ni Lance Navarra Ang oras ay alas-sais ng gabi, araw ng Martes. Oras ng hapunan.Oras din ng balitang paulit-ulit nang nagsasabi kung sino ang dapat katakutan ng bayan. \u201cSa ulo ng mga nagbabagang balita!\u201d Sumabog ang pamilyar na himig mula sa lumang telebisyon habang unti-unting sumisilip ang buwan sa\u2026","rel":"","context":"Similar post","block_context":{"text":"Similar post","link":""},"img":{"alt_text":"","src":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2026\/03\/BATO.png?resize=350%2C200&ssl=1","width":350,"height":200,"srcset":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2026\/03\/BATO.png?resize=350%2C200&ssl=1 1x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2026\/03\/BATO.png?resize=525%2C300&ssl=1 1.5x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2026\/03\/BATO.png?resize=700%2C400&ssl=1 2x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2026\/03\/BATO.png?resize=1050%2C600&ssl=1 3x"},"classes":[]},{"id":7276,"url":"https:\/\/sinag.press\/news\/2026\/02\/15\/iniibig-ka-kahit-sa-mga-panandaliang-pagbitaw\/","url_meta":{"origin":7279,"position":4},"title":"Iniibig ka, Kahit sa mga Panandaliang Pagbitaw","author":"Staff","date":"15 February 2026","format":false,"excerpt":"sulat ni Karl Angelo R. Vicedo Ipinangapangako kong lagi kong babalikan ang gabing iyon kung saan banayad ang agos ng gabi, dahan-dahan ngunit may patutunguhan, lalo pa\u2019t ikaw ang katabi.\u00a0 Sa paligid, umiindak ang lahat: mga ilaw na parang nagtatampisaw sa kadiliman, hanging malamig sa bagong taon, halakhakang tayo lamang\u2026","rel":"","context":"In &quot;Literary&quot;","block_context":{"text":"Literary","link":"https:\/\/sinag.press\/news\/category\/literary\/"},"img":{"alt_text":"","src":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2026\/02\/NO-TEXT-Iniibig-Ka-%E2%80%94-Ria.jpeg?resize=350%2C200&ssl=1","width":350,"height":200,"srcset":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2026\/02\/NO-TEXT-Iniibig-Ka-%E2%80%94-Ria.jpeg?resize=350%2C200&ssl=1 1x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2026\/02\/NO-TEXT-Iniibig-Ka-%E2%80%94-Ria.jpeg?resize=525%2C300&ssl=1 1.5x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2026\/02\/NO-TEXT-Iniibig-Ka-%E2%80%94-Ria.jpeg?resize=700%2C400&ssl=1 2x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2026\/02\/NO-TEXT-Iniibig-Ka-%E2%80%94-Ria.jpeg?resize=1050%2C600&ssl=1 3x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2026\/02\/NO-TEXT-Iniibig-Ka-%E2%80%94-Ria.jpeg?resize=1400%2C800&ssl=1 4x"},"classes":[]},{"id":6950,"url":"https:\/\/sinag.press\/news\/2025\/03\/09\/mga-katanungan-para-sa-labindalawang-taong-nakilala-ko-sa-tren\/","url_meta":{"origin":7279,"position":5},"title":"Mga Katanungan Para Sa Labindalawang Taong Nakilala Ko Sa Tren","author":"Staff","date":"9 March 2025","format":false,"excerpt":"Hindi ako sumasakay ng tren. Mainit, siksikan, pagod ka na bago ka pa makarating sa iyong paroroonan. Ngunit bilang isang alternatibong mamamahayag, bahagi ng aking obra ang maglathala ng kuwento ng masa, at hindi ito magagawa ng isang taong hindi bahagi ng katipunan. Sa ganoong gana, kinailangan kong sumakay ng\u2026","rel":"","context":"In &quot;Literary&quot;","block_context":{"text":"Literary","link":"https:\/\/sinag.press\/news\/category\/literary\/"},"img":{"alt_text":"","src":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2025\/03\/MIKA-LITERARY-PUB.png?resize=350%2C200&ssl=1","width":350,"height":200,"srcset":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2025\/03\/MIKA-LITERARY-PUB.png?resize=350%2C200&ssl=1 1x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2025\/03\/MIKA-LITERARY-PUB.png?resize=525%2C300&ssl=1 1.5x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2025\/03\/MIKA-LITERARY-PUB.png?resize=700%2C400&ssl=1 2x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2025\/03\/MIKA-LITERARY-PUB.png?resize=1050%2C600&ssl=1 3x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2025\/03\/MIKA-LITERARY-PUB.png?resize=1400%2C800&ssl=1 4x"},"classes":[]}],"jetpack_sharing_enabled":true,"authors":[{"term_id":122,"user_id":9,"is_guest":0,"slug":"csspsinag","display_name":"Staff","avatar_url":"https:\/\/secure.gravatar.com\/avatar\/194807626fee183640d3de57e788ba7c8c0d40bd86bfc1237bed56bcd3832c1b?s=96&d=mm&r=g","author_category":"","first_name":"SINAG","last_name":"Staff","user_url":"https:\/\/sinag.press","job_title":"","description":"We are SINAG, the official student publication of UP Diliman\u2019s College of Social Sciences and Philosophy, now in our 55th year, continuing to provide critical and pro-people journalism in service of the CSSP community and the people."}],"_links":{"self":[{"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/7279","targetHints":{"allow":["GET"]}}],"collection":[{"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/posts"}],"about":[{"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/types\/post"}],"author":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/users\/9"}],"replies":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/comments?post=7279"}],"version-history":[{"count":1,"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/7279\/revisions"}],"predecessor-version":[{"id":7281,"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/7279\/revisions\/7281"}],"wp:featuredmedia":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/media\/7280"}],"wp:attachment":[{"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/media?parent=7279"}],"wp:term":[{"taxonomy":"category","embeddable":true,"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/categories?post=7279"},{"taxonomy":"post_tag","embeddable":true,"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/tags?post=7279"},{"taxonomy":"author","embeddable":true,"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/ppma_author?post=7279"}],"curies":[{"name":"wp","href":"https:\/\/api.w.org\/{rel}","templated":true}]}}