{"id":7282,"date":"2026-02-28T00:29:31","date_gmt":"2026-02-27T16:29:31","guid":{"rendered":"https:\/\/sinag.press\/news\/?p=7282"},"modified":"2026-02-28T00:29:34","modified_gmt":"2026-02-27T16:29:34","slug":"paggunita-pananagutan-at-ang-patuloy-na-laban-ng-edsa","status":"publish","type":"post","link":"https:\/\/sinag.press\/news\/2026\/02\/28\/paggunita-pananagutan-at-ang-patuloy-na-laban-ng-edsa\/","title":{"rendered":"Paggunita, Pananagutan, at ang Patuloy na laban ng EDSA"},"content":{"rendered":"\n<p><em>Sulat ni Raphael Mendoza<\/em><\/p>\n\n\n\n<p>Isinabuhay ng mga multisektoral na grupo ang diwa ng People Power Revolution, apat na dekada matapos itong ganapin sa kahabaan ng Epifanio de los Santos Avenue (EDSA), upang gunitain ang makasaysayang pagpapatalsik sa diktadura ni Ferdinand Marcos Sr, Pebrero 29.&nbsp;<\/p>\n\n\n\n<p>Umalingawngaw ang mga panawagan ng mga dumalo sa pananagutan at tunay na pagbabago. Bitbit ang mga isyung ikinahaharap ng bansa, inirehistro ng mga mamamayan ang kanilang mga hinaing. Para sa kanila, nananatiling entablado ng patuloy na pakikibaka para sa demokrasya at hustisyang panlipunan ang parehong lansangang minsang naging simbolo ng pagkakaisa.&nbsp;<\/p>\n\n\n\n<p><strong>Pananagutan at Panawagan sa Lansangan<\/strong><\/p>\n\n\n\n<p>Muling nasaksihan ng kahabaan ng EDSA ang tensyon sa pagitan ng mga mamamayan at mga awtoridad. Bago pa man nagsimula ang programa sa EDSA Shrine, hinarang ng kapulisan ang ilang grupo dahil sa kawalan umano ng permit sa pagtitipon. Bagaman protektado ng konstitusyon ang karapatan sa mapayapang pagtitipon, naging mitsa ito ng negosasyon at pag-antala sa pag-usad ng martsa patungo sa Shrine.<\/p>\n\n\n\n<p>Ilang sandali bago magsimula ang martsa, libo-libong miyembro ng kapulisan ang sumalubong sa mga mamamayan. Sinubukang pigilan ng mga pwersa ng kapulisan ang mobilisasyon na makalapit sa Shrine na nagresulta sa serye ng gitgitan, tulakan, at marahas na pagharang sa hanay. Humantong ang tensyon sa pag-aresto sa dalawang aktibista ng Eastern Police District.&nbsp;<\/p>\n\n\n\n<p>Nauwi sa pag-aresto kina Three Ode\u00f1a ng progresibong grupong SPARK at Edel Parducho ng Philippine Alliance of Human Rights Advocates ang naganap na tensyon. Ayon sa mga saksi, kabilang sila sa mga nagtamo ng minor injuries habang itinutulak at pinagsiksikan ang mga kalahok. Hindi ito naiiba sa pang-araw-araw na pagpapatahimik sa mamamayan sa pamamagitan ng pamamasista. Mula pa noong panahon ng Martial Law hanggang sa kasalukuyan, patuloy ang atake sa karapatan ng mamamayan na magpahayag at magtipon.&nbsp;<\/p>\n\n\n\n<p><strong>Entablado ng Patuloy na Pakikibaka<\/strong><\/p>\n\n\n\n<p>Noong 1986, naging simbolo ang EDSA ng mapayapang paglaban ng mamamayan laban sa diktaduriya. Milyun-milyong Pilipino ang nagtipon upang igiit ang demokrasya at wakasan ang mga paglabag sa karapatang pantao sa ilalim ng diktadura. Pagbawi sa demokrasya at pagtapos sa madilim na kabanata ng Batas Militar ang pangunahing layunin ng malawakang pagkilos na ito.<\/p>\n\n\n\n<p>Subalit para sa ilan, nananatiling bukas ang mga katanungan ukol sa mga ipinangakong reporma. Ayon kay Satur Ocampo, dating bilanggong pulitikal noong Batas Militar at pangulo ng Bayan Muna, hindi umano nagkaroon ng malalim na pagbabago sa sistemang panlipunan at pang-ekonomiya matapos ang 1986.&nbsp;<\/p>\n\n\n\n<p>\u201cAng nangyari kasi noong EDSA 1986, hindi nag-install ng mga fundamental reforms na baguhin yung umiiral na sistema. Yung mga mayayaman na mariwasa sa buhay ay yumaman, pero yung mga karaniwang mamamayan na laging problema ang pang-araw-araw na pamumuhay ay hindi nabago,\u201d aniya.<\/p>\n\n\n\n<p>Tila nagiging maputla sa harap ng mga panibagong hamon ng kasalukuyan ang makulay na tagumpay noong 1986. Muling nagiging lunsaran ng tunggalian ang kalsadang dating pinuno ng pagkakaisa\u2014lalo na\u2019t isang Marcos muli ang nakaupo sa pwesto makalipas ang apatnapung taon. Patunay ito na nangangailangan ng patuloy na pagbabantay at hindi natatapos sa pagpapalit lamang ng mga mukha sa kapangyarihan ang kalayaang nakamit noon.<\/p>\n\n\n\n<p>Sa kabila ng mga pangyayari, nananatiling sentro ng paggunita ang usapin ng karapatang magpahayag at magtipon\u2014may permiso man o wala. Sa huli, nakarating ang hanay sa Shrine at naituloy ang kanilang programa, tanda na patuloy na sinusubok at ipinaglalaban sa lansangan ang diwa ng EDSA.&nbsp;<\/p>\n\n\n\n<p>Para sa mga dumalo, hindi lamang pag-alala sa nakaraan ang People Power\u2014isa itong hamon sa kasalukuyan. Sa harap ng mga alegasyon ng korapsyon, krisis sa kabuhayan, at mga banta sa karapatang pantao, muling iginiit ng mga nagmartsang hindi dapat manatili sa aklat ng kasaysayan ang diwa ng 1986. Sa gitna ng magkakaibang pananaw at presensya ng estado sa lansangan, malinaw na patuloy na isusulong ng mamamayan ang laban para sa demokrasya at hustisyang panlipunan.<\/p>\n","protected":false},"excerpt":{"rendered":"<p>Sulat ni Raphael Mendoza Isinabuhay ng mga multisektoral na grupo ang diwa ng People Power Revolution, apat na dekada matapos itong ganapin sa kahabaan ng Epifanio de los Santos Avenue (EDSA), upang gunitain ang makasaysayang pagpapatalsik sa diktadura ni Ferdinand Marcos Sr, Pebrero 29.&nbsp; Umalingawngaw ang mga panawagan ng mga dumalo sa pananagutan at tunay [&hellip;]<\/p>\n","protected":false},"author":9,"featured_media":7283,"comment_status":"open","ping_status":"open","sticky":false,"template":"","format":"standard","meta":{"_jetpack_memberships_contains_paid_content":false,"footnotes":""},"categories":[11,12],"tags":[],"ppma_author":[122],"class_list":["post-7282","post","type-post","status-publish","format-standard","has-post-thumbnail","hentry","category-news","category-news-features"],"aioseo_notices":[],"jetpack_featured_media_url":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2026\/02\/SINAG-2526B-NEWS-FEATURE.png","jetpack-related-posts":[{"id":4837,"url":"https:\/\/sinag.press\/news\/2022\/07\/04\/iselda-si-imelda-giit-ng-mga-dating-political-prisoners\/","url_meta":{"origin":7282,"position":0},"title":"&#8220;Iselda si Imelda,&#8221; giit ng mga dating political prisoners","author":"Staff","date":"4 July 2022","format":false,"excerpt":"\u201cSa ilalim ng bagong administrasyon, mas matindi ang pangangailangang palakasin ang mga panawagan para tuluyang makamit ang hustisya at maikulong si Imelda Marcos. Ang patuloy na pagkakamit ng hustisya ay hindi lang dapat iaasa sa mga korte at legal na proseso. Higit ang pangangailangang patuloy na likhain ang lakas ng\u2026","rel":"","context":"In &quot;Others&quot;","block_context":{"text":"Others","link":"https:\/\/sinag.press\/news\/category\/others\/"},"img":{"alt_text":"","src":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/07\/sinag-web-banner-12-1.png?resize=350%2C200&ssl=1","width":350,"height":200,"srcset":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/07\/sinag-web-banner-12-1.png?resize=350%2C200&ssl=1 1x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/07\/sinag-web-banner-12-1.png?resize=525%2C300&ssl=1 1.5x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/07\/sinag-web-banner-12-1.png?resize=700%2C400&ssl=1 2x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/07\/sinag-web-banner-12-1.png?resize=1050%2C600&ssl=1 3x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/07\/sinag-web-banner-12-1.png?resize=1400%2C800&ssl=1 4x"},"classes":[]},{"id":7093,"url":"https:\/\/sinag.press\/news\/2025\/09\/20\/higit-sa-5000-estudyante-ng-up-diliman-nag-walkout-laban-sa-korapsyon\/","url_meta":{"origin":7282,"position":1},"title":"Higit sa 5,000 estudyante ng UP Diliman, nag-walkout laban sa korapsyon","author":"Staff","date":"20 September 2025","format":false,"excerpt":"Isinulat ni Prince Obispo Dumagundong ang panawagan na wakasan na ang kabi-kabilang korapsyon ng mahigit 5,000 kasapi ng komunidad ng UP na nagsagawa ng malawakang walk-out bilang pakikiisa sa Black Friday Protest na pinangunahan ng UP Diliman University Student Council (USC), UP Act Against Corruption Network (UP ACTION) at UP\u2026","rel":"","context":"In &quot;News&quot;","block_context":{"text":"News","link":"https:\/\/sinag.press\/news\/category\/news\/"},"img":{"alt_text":"","src":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2025\/09\/Untitled-design.zip-37-scaled.jpg?resize=350%2C200&ssl=1","width":350,"height":200,"srcset":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2025\/09\/Untitled-design.zip-37-scaled.jpg?resize=350%2C200&ssl=1 1x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2025\/09\/Untitled-design.zip-37-scaled.jpg?resize=525%2C300&ssl=1 1.5x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2025\/09\/Untitled-design.zip-37-scaled.jpg?resize=700%2C400&ssl=1 2x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2025\/09\/Untitled-design.zip-37-scaled.jpg?resize=1050%2C600&ssl=1 3x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2025\/09\/Untitled-design.zip-37-scaled.jpg?resize=1400%2C800&ssl=1 4x"},"classes":[]},{"id":3930,"url":"https:\/\/sinag.press\/news\/2022\/02\/25\/hindi-ngayon-ang-huling-edsa\/","url_meta":{"origin":7282,"position":2},"title":"Hindi ngayon ang huling EDSA","author":"Staff","date":"25 February 2022","format":false,"excerpt":"Mabigo man tayo sa halalan, tandaan na hindi ngayon ang huling EDSA. Kahit saan at kahit kailan, kayang-kaya nating pigilan ang panunumbalik ng mga Marcos sa rurok ng kapangyarihan, basta\u2019t kolektibo tayong kikilos at matuto sa mga pagkakamali ng nakaraan. \u201cIt\u2019s all over; Marcos flees!\u201d Ito ang agaw-atensyong mababasa sa\u2026","rel":"","context":"In &quot;Opinion&quot;","block_context":{"text":"Opinion","link":"https:\/\/sinag.press\/news\/category\/opinion\/"},"img":{"alt_text":"","src":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/02\/18135048-edsa002-a_cover_2000x1491.jpg?resize=350%2C200&ssl=1","width":350,"height":200,"srcset":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/02\/18135048-edsa002-a_cover_2000x1491.jpg?resize=350%2C200&ssl=1 1x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/02\/18135048-edsa002-a_cover_2000x1491.jpg?resize=525%2C300&ssl=1 1.5x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/02\/18135048-edsa002-a_cover_2000x1491.jpg?resize=700%2C400&ssl=1 2x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/02\/18135048-edsa002-a_cover_2000x1491.jpg?resize=1050%2C600&ssl=1 3x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/02\/18135048-edsa002-a_cover_2000x1491.jpg?resize=1400%2C800&ssl=1 4x"},"classes":[]},{"id":4485,"url":"https:\/\/sinag.press\/news\/2022\/05\/09\/buong-lakas-na-wakasan-ang-tiraniya\/","url_meta":{"origin":7282,"position":3},"title":"Buong-lakas na wakasan ang tiraniya","author":"Staff","date":"9 May 2022","format":false,"excerpt":"Ito ang panawagan ng Partido Komunista ng Pilipinas (CPP) sa mamamayan ngayong araw ng eleksyon. Hamon nila na magkaisa ang bayan at tumungo sa lansangan upang \u201chadlangan ang panunumbalik ng mga Marcos sa poder katuwang ang pagpapalawig sa poder ng mga Duterte.\u201d Ito ang panawagan ng Partido Komunista ng Pilipinas\u2026","rel":"","context":"In &quot;Others&quot;","block_context":{"text":"Others","link":"https:\/\/sinag.press\/news\/category\/others\/"},"img":{"alt_text":"","src":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/05\/sinag-web-banner-2-1-1.png?resize=350%2C200&ssl=1","width":350,"height":200,"srcset":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/05\/sinag-web-banner-2-1-1.png?resize=350%2C200&ssl=1 1x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/05\/sinag-web-banner-2-1-1.png?resize=525%2C300&ssl=1 1.5x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/05\/sinag-web-banner-2-1-1.png?resize=700%2C400&ssl=1 2x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/05\/sinag-web-banner-2-1-1.png?resize=1050%2C600&ssl=1 3x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2022\/05\/sinag-web-banner-2-1-1.png?resize=1400%2C800&ssl=1 4x"},"classes":[]},{"id":7101,"url":"https:\/\/sinag.press\/news\/2025\/09\/24\/ika-53-na-anibersaryo-ng-batas-militar-binaha-ng-galit-at-panawagan-ng-sambayanan\/","url_meta":{"origin":7282,"position":4},"title":"Ika-53 na anibersaryo ng Batas Militar, binaha ng galit at panawagan ng sambayanan","author":"Staff","date":"24 September 2025","format":false,"excerpt":"Isinulat nila Rei Pascual at Raphael Mendoza BINAHA NG PROTESTA mula sa iba\u2019t-ibang sektor at progresibong grupo ang lansangan ng Maynila bilang paggunita sa ika-53 anibersaryo ng Batas Militar nitong linggo, Setyembre 21.\u00a0 Mula sa iba\u2019t ibang sektor\u2014estudyante, manggagawa, manininda, at mga progresibong organisasyon\u2014umalingawngaw ang panawagan: wakasan ang katiwalian, igiit\u2026","rel":"","context":"In &quot;News&quot;","block_context":{"text":"News","link":"https:\/\/sinag.press\/news\/category\/news\/"},"img":{"alt_text":"","src":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2025\/09\/18-1-scaled.png?resize=350%2C200&ssl=1","width":350,"height":200,"srcset":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2025\/09\/18-1-scaled.png?resize=350%2C200&ssl=1 1x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2025\/09\/18-1-scaled.png?resize=525%2C300&ssl=1 1.5x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2025\/09\/18-1-scaled.png?resize=700%2C400&ssl=1 2x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2025\/09\/18-1-scaled.png?resize=1050%2C600&ssl=1 3x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2025\/09\/18-1-scaled.png?resize=1400%2C800&ssl=1 4x"},"classes":[]},{"id":1071,"url":"https:\/\/sinag.press\/news\/2021\/05\/01\/patuloy-na-makibaka-kamtin-ang-lipunang-malaya\/","url_meta":{"origin":7282,"position":5},"title":"Patuloy na makibaka, kamtin ang lipunang malaya","author":"emdeborja","date":"1 May 2021","format":"image","excerpt":"At magsisimula ito sa pagbagsak ng rehimeng Duterte \u2014 ang numero unong terorista at kontra-manggagawa sa Pilipinas. Kaya, makibaka na! \"Walang mawawala sa mga manggagawa kundi ang ating mga tanikala. May mundo tayong ipagwawagi. Mga manggagawa ng lahat ng bayan, magkaisa!\" \u2013 Karl Marx, 1848. Ngayong araw, kumilos ang mga\u2026","rel":"","context":"In &quot;Editorial&quot;","block_context":{"text":"Editorial","link":"https:\/\/sinag.press\/news\/category\/editorial\/"},"img":{"alt_text":"","src":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2021\/05\/nbff-1.png?resize=350%2C200&ssl=1","width":350,"height":200,"srcset":"https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2021\/05\/nbff-1.png?resize=350%2C200&ssl=1 1x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2021\/05\/nbff-1.png?resize=525%2C300&ssl=1 1.5x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2021\/05\/nbff-1.png?resize=700%2C400&ssl=1 2x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2021\/05\/nbff-1.png?resize=1050%2C600&ssl=1 3x, https:\/\/i0.wp.com\/sinag.press\/news\/wp-content\/uploads\/2021\/05\/nbff-1.png?resize=1400%2C800&ssl=1 4x"},"classes":[]}],"jetpack_sharing_enabled":true,"authors":[{"term_id":122,"user_id":9,"is_guest":0,"slug":"csspsinag","display_name":"Staff","avatar_url":"https:\/\/secure.gravatar.com\/avatar\/194807626fee183640d3de57e788ba7c8c0d40bd86bfc1237bed56bcd3832c1b?s=96&d=mm&r=g","0":null,"1":"","2":"","3":"","4":"","5":"","6":"","7":"","8":""}],"_links":{"self":[{"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/7282","targetHints":{"allow":["GET"]}}],"collection":[{"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/posts"}],"about":[{"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/types\/post"}],"author":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/users\/9"}],"replies":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/comments?post=7282"}],"version-history":[{"count":1,"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/7282\/revisions"}],"predecessor-version":[{"id":7284,"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/7282\/revisions\/7284"}],"wp:featuredmedia":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/media\/7283"}],"wp:attachment":[{"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/media?parent=7282"}],"wp:term":[{"taxonomy":"category","embeddable":true,"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/categories?post=7282"},{"taxonomy":"post_tag","embeddable":true,"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/tags?post=7282"},{"taxonomy":"author","embeddable":true,"href":"https:\/\/sinag.press\/news\/wp-json\/wp\/v2\/ppma_author?post=7282"}],"curies":[{"name":"wp","href":"https:\/\/api.w.org\/{rel}","templated":true}]}}